Chereads / Three Jerks, One Chic, and Me / Chapter 32 - With You, By My Side

Chapter 32 - With You, By My Side

Chapter 32: With You, By My Side

Haley's Point of View 

10 o'clock na ng gabi at tulog pa rin siya, pinapalitan ko na sa isang lalaking trabahador dito ang pambaba ni Reed, hindi naman kasi siya nagbalak magpalit at alangan namang ako pa ang magpapalit sa kanya. Pa'no kung may makita akong 'di naman dapat makita? 

Natulog lang siya buong magdamag mula kanina. Hindi pa nga siya kumakain ng lunch at dinner.

Gusto ko namang gisingin kaso baka kasi pagod na pagod talaga siya. 

Bumahing ako bigla saka napabuntong-hininga. Medyo nilalamig na rin ako at inaantok na.

Pero hindi rin ako makakatulog kasi baka mamaya kung saan pa pumunta si Reed, kaya dapat bantayan ko lang. Just to make sure.

"Rain..." ungol ni Reed. Nananaginip nanaman s'ya.

"HUWAG KANG MAGSALITA DAHIL HINDI MO ALAM ANG NARARAMDAMAN KO! HINDI IKAW ANG NAMATAYAN KAYA HINDI MO MAIINTINDIHAN KASI WALA KA NAMANG KAPATID! 'DI IKAW ANG NAWALAN!" Naalala kong sabi sa akin ni Reed kanina. 

Sumeryoso lang ang ekspresiyon ko saka tumayo, tiningnan ko 'yong papel na binigay sa akin ni Rain dati. Binabasa ko lang ang nando'n pagkatapos ay ipinasok ko ulit sa bulsa ko.

Sandali akong lumabas sa kwarto ni Reed dahil nakakaramdam na talaga ako ng gutom at hindi ako p'wedeng makapagluto ngayon dahil baka magising si Reed.

Lumabas ako ng hotel at pumunta sa convenience store na katabi lang nito. Bumili lang ako ng dalawang Koaded na Chocolate flavor, tapos isang Flurpee at isang footlong.

Hindi naman sa diet, nagmamadali lang ako dahil baka mamaya, umalis siya ng hotel pagkagising niya.

Malakas din kasi ang pakiramdam ko na aalis siya do'n at pupunta sa kung saang lugar na malayo sa amin sa kadahilanang gusto niyang mapag-isa. 

And I don't want that. What is something happens to him?

Natatakot akong mawala s'ya...

Kaya kailangan ko s'yang bantayan hangga't maaari. Kahit pa na ilang araw kami diyan sa hotel ni Harvey, I will stay. 

'Cause that is what he needs, but I'm letting him take his own time alone. Even if I make a distance, I will always be here to watch over him. 

"Thank you, come again!" 

Lumabas na ako ng convenience store at nagsimula ng maglakad, ngunit may dalawang lalaki ang humarang sa dinadaanam ko habang nakangisi pa dahilan para huminto ako at tiningnan sila. 

Anong oras na rin kasi kaya hindi nakakapagtaka kung bakit may galang animal dito. 

"Hi babe, daming dala, ah?" alam mo pa lang maraming dala,  bakit hindi mo tulungan? Kaso as if namang ipahawak ko 'tong mga dala ko sa'yo. Disgusting...

Saka hindi naman gano'n karami 'yong dala ko. Ang O.A ng gunggong na 'to. 

"Tulungan ka na namin gusto mo?" pag-aalok niya ng tulong. 

Walang gana akong napabuntong-hininga. 

Bakit ba palagi na lang akong may madadatnan na ganito? Napaka cliché naman ng buhay ko.

Feeling ko, may mapapatay ako kung magpapatuloy 'yong mga ganitong tao sa mundo. 

Sumipol ang pang unang lalaki nang tingnan niya ang pagitan ng mga hita ko. Nakakabastos na, ah?

Kinuha ko 'yong dalawang karayom na nasa wallet ko ng palihim.

Matamis ko silang nginitian, "You'll help me? Really?" I said in a soft voice at pumunta sa likod nila, sinusundan lang din nila ako ng tingin. "Then, I guess... You're ready for the consequence?" dugtong ko't mabilis na itinusok sa mga batok nila 'yong needle.

Humagikhik ako habang gulong-gulo sila kung ba't sila hindi makaalis sa pwesto nila. "Papayagan ko kayong tulungan ako basta makaalis kayo diyan sa pwesto n'yo." wika ko bago maglakad para makabalik sa Smith Hotel. 

Naririnig ko pang sumisigaw 'yong dalawa kaya napadura ako sa gilid.

Bahala sila diyan, badtrip ako tapos babastusin nila ako? Mga tukmol. 

Nag vibrate ang phone ko kaya kinuha ko iyon mula sa bulsa ko. Sino naman kaya ang magte-text ng ganitong oras? 

Binuksan ko na ang message at binasa ang nando'n. 

From: Kei

Kamusta kayo diyan?

Hindi siguro 'to nakatulog. Reply-an ko nga. 

To: Kei:

Okay lang naman. :)))

Babalik din kami diyan bukas pag magaling na si Reed, kailangan ko lang

talaga siyang makausap.

Sent.

Ipinasok ko ulit ang phone sa bulsa ko at pumasok na nga sa hotel.

Pagkabalik sa kwarto, saktong nahilo pa ako kaya napahawak ako sa frame ng pintuan. Buti na lang hindi natapon Flurpee ko. Hinawakan ko ang sarili kong leeg.

Sh*t...

Umupo na ako sa inuupuan ko kanina tapos do'n na kumain habang pinagmamasdan si Reed na natutulog.

Kinuha ko ang ketchup sa supot at ini-spread sa footlong ko. Kumagat ako at naramdaman ang sauce sa aking gilid ng labi. Hinawakan ko 'yon at ipinunas sa hintuturo kong daliri, tiningnan ko ulit si Reed pagkatapos.

Flashback

"Ate Haley! May ketchup ka pa sa gilid ng labi mo, oh?" nilingon ko si Rain at kumurap-kurap. Tinuturo niya 'yong mukha ko.  

"Huh? Nasaan?" tanong ko. Pupunasan ko na sana 'yong tinutukoy niya nang punasan 'yon ni Rain gamit ang hinlalaki niya, 'tapos kinain niya 'to pagkatapos.

"Ayan, wala na" nakaramdam ako ng sobrang hiya dahil sa ginawa niya, at dahil do'n, tumawa siya nang tumawa.

"How cute, you're blushing" humagalpak pa siya ng tawa pagkatapos no'n. "Alam ko na ituturo ko kay kuya when I go home." pang-aasar niya na mas nagpamulsa sa mukha ko. 

"Ano ba?!" bulyaw ko. 

I realized that the most beautiful smile that she's wearing everyday hides the incridible pain deep in her heart. But I wanna know, why? What is she hiding from us?

End of Flashback

Rain always wore her smile when she was infront of us, keeps on laughing even if there's no funny. She's also a very cheerful person. 

But I didn't notice that she's already asking for help, not even once. 

Ni isang beses, 'di ko rin tinanong kung okay lang ba siya. Well, of course. Her glamorous smile knows how to deceive us that we didn't even realize it sooner.  

But why the hell am I saying this? As if namang alam niyang mamamatay siya? 

Bigla ko namang naalala 'yong huling kita ko kay Rain bago ako mawalan ng malay. 

Nagsalubong ang kilay ko 'tapos napasampal sa magkabilaang pisnge.

Tinapos ko na nga lang 'yong kinakain ko 'tapos tumayo na't kinuha ang basang bimpo na ipinatong ko sa noo niya kanina, papalitan ko 'yon ng bago. Hinawakan ko ang leeg niya.

Siguro bukas okay na siya. Masyado na ring over 'yong tulog niya, eh.

O baka naman hindi na siya humihinga?

Kaya kaagad-agad kong inilagay ang tainga ko sa dibdib niya.

Well, tumitibok pa naman 'yong puso ni-- Ay, anak ng tipaklong! Bigla ba naman akong yakapin?

Nagsimulang umakyat ang dugo sa mukha ko. Gusto ko mang gumalaw para umalis. Hindi ko magawa. "R-Reed..." tawag ko sa kanya pero tulog pa rin. 

Tumitig pa ako sa kanya ng kaunti noong itutulak ko na rin sana siya nang magsalita ito.

"Don't leave me..." malungkot na sabi niya saka tumulo ang luha. Napahigpit na rin ang yakap niya sa 'kin na mas nagpalungkot sa 'kin. 

Unti-unti kong inangat ang kamay ko para hawakan ang pisnge niya, "I know..." sambit ko kasabay ang pagpunas ng luha na tumulo sa kanyang mga mata, "I won't leave you, never."  

***

KINABUKASAN NG MAGISING ako. Nasa kama na ako ng hinihigaan ni Reed at katabi ko siya!

Tapos... Tapos... 'Yung mukha niya, sobrang lapit sa mukha ko!

Kaya mabilis akong napa-upo at napatayo sa hinihigaan ko kasabay ng pagtaas ng dalawa kong kamay sa ere.

Oh my gosh...

Nakatabi ko siyang matulog!

Mabilis akong bumaba ng kama habang nakataas pa rin ang dalawa kong kamay.

N-nagising kaya siya ng makatabi ko siya? Sana hindi! Sana hindi!

P*ta, mamamatay ako sa kahihiyan kapag nalaman niyang natulog ako sa tabi niya! 

Umungol siya kaya bumaba na ang kamay ko. Nagigising na siya.

Pero akala ko lang naman 'yon dahil natulog siya ulit. Umirap ako tapos pumunta na lang sa kusina

Ipagluluto ko na lamang s'ya ng pagkain n'ya.

Reed's Point of View 

"Mmh..." nagigising ako sa naririnig akong ingay sa labas kaya iminulat ko na nga 'yong mata ko kung sa'n nasilaw pa 'ko ro'n sa araw na tumapat bigla sa 'kin. "Tsk." umupo ako sa pagkakahiga ko at nakatungo lamang sa ibaba.

Bakit ang ingay?

Tanong ko sa utak ko at napatingin kung sa'n nanggaling 'yong ingay na iyon.

Mayamaya lang nang may nagbukas ng pinto at bumungad si Haley, nagulat ako. Akala ko umuwi na siya. "Ano'ng--"

Humarap s'ya habang dala-dala ang tray na may pagkain. Nakasuot din siya ng Pink apron. May  mantsa pa nga ro'n sa bandang dibdib niya. "Buti naman at gising ka na, grabe naman, tulog mantika ka rin, 'no?" pagtataray niya nang makapasok, sinarado n'ya ang pinto gamit ang paa. 

"Just when did you--" hindi niya nanaman ako pinatapos dahil nagsalita siya. 

"Don't ask and eat" sabay lagay sa side table ko ng dala-dala niya. Tiningnan ko naman 'yon.

Nanlaki ang mata nang malaman ang inihanda n'yang pagkain. "Kare-Kare ba 'yan?"

Naglabas siya ng hangin sa ilong, "Alangan namang Fried Chicken? Hello? Please, gamitin mo utak at mata mo, hindi bibig" hindi na lang ako nagsalita at kinuha na lang 'yong pagkain. Dahil nagugutom na rin ako't nanghihina.

Dahan-dahan kong kinuha ang kutsara at kumuha ng niluto niya.

Noong una, hindi ko siya 'agad masubo dahil bangag pa 'ko at talagang magang maga 'yong mata ko kaya medyo nanlalabo pa 'yong paningin ko.

Ngunit noong makita ko ang nag-aalalang tingin ni Haley mula sa peripheral eye view ko, wala akong nagawa kundi ang sumubo.

Nginuya ko iyon, at kahit may sipon ako. Nagulat ako sa naging lasa. "Wait... This is..." sumubo ulit ako. Ito talaga 'yong lasa. Itong ito ang lasa ng Kare-Kare'ng 'yon. 

Sunod-sunod ang pagsubo ko at doon ay nakita ko ang litrato ni Rain sa utak ko na may suot-suot na ngiti sa kanyang labi. 

Kaya hindi ko na lamang namalayan na umiiyak na pala ako habang patuloy pa rin ako sa pagsubo ng niluto ni Haley, "Bakit may panlasa ako? Ba't ganito 'to? Hindi na 'to masarap sa panlasa ko dahil nakakasawa na pero bakit... Bakit ngayon biglang... Sumarap?" humihikbi na 'ko habang ngumunguya. 

Nakakainis. Nakakainis! Bakit? Bakit ngayon pa?! 

I should've appreciate this when she was still here. Damn it, Rain... 

Nagpameywang si Haley at ngumiti,  "It says,

The food that taste awful was made by the people we love.

But when they are gone,

It will be the most delicious food we will ever taste." ngiting litanya nito dahilan para mas bumagsak ang luha mula sa 'king mata. 

Rain, ang daya mo... Ang daya daya mo... 

Ibinaba ko ang kutsara ko at pinunasan ang basang pisnge gamit ang damit ko, "But you're the one who made this, right?" tanong ko, "I don't even love you kaya bakit ganito lasa nito?" nakatingin lang siya sa akin nang matawa s'ya kaya mas napatitig ako sa kanya.

tawa lang siya nang tawa hanggang sa punasan na niya 'yong luhang na sa mata niya. "Sorry, sorry. Ewan ko ba kung ba't ako natawa." ani Haley at kumamot sa kilay niya. "Ako lang naman ang nagluto ng Kare-Kare na kinain mo pero hindi naman galing sa 'kin 'yong recipe, binasa ko lang ang nakalagay na binigay sa 'kin ng kapatid mo" mahabang litanya niya na nagpakunot-noo sa akin.

"Recipe?" pag-uulit ko na tinanguan niya bilang sagot. 

Ngumiti pa siya kaysa kanina, "Na-kwento sa 'kin ni Rain na... Sa mom n'yo nakuha 'yong recipe ng Kare-Kare na ginagawa niya, at ang sabi niya... Favorite mo rin daw ito." panimula n'ya at umupo sa edge ng kama ko kasabay ang pag-angat ng tingin sa kisame na animo'y inaalala ang pinag kwentuhan nila ng kapatid ko. "And since wala raw ang mom and dad niyo, wala ng magluluto ng Kare-Kare para sa'yo" ngumiti pa siya lalo, "But Rain doesn't like it kaya ginawa niya ang lahat para lang makuha ang parehong lasa ng Kare-Kare ng mommy mo, because it was made from their hearts. That is how they show their love and care for you." paliwanag pa n'ya.

Napaawang-bibig ako, sumasakit nanaman 'yong lalamunan ko. 

"Reed" tawag niya sa pangalan ko kasabay ang pagtayo niya, "Ginagawa ni Rain 'yong mga bagay na alam niyang ikasasaya mo. She put you first before others, do you even know why?" tanong niya ng hindi inaalis ang tingin sa 'kin. "Because your sister really loves you." sabi niya nang makalingon sa akin. 

Ipinatong ko muna sa side table ko ang pagkain at saka ako yumuko para hindi niya makita ang muli ko nanamang pagluha. 

Pero wala, sunod-sunod ang pagbagsak nito na 'di ko nanaman napigilang mapahikbi. Ang sakit sakit sa mata at lalamunan lalo na kapag pinipigilan ko ang pag-iyak ko.

Wala, eh. Ayokong naaawa siya sa akin, ayokong makita ako ni Haley na nagkakaganito pero hindi ko naman inaasahang yayakapin niya ako. Yayakapin ng walang pag-aalinlangan, yayakapin dahil sa concern siya sa 'kin. Yayakapin dahil importante ako sa kanya. 

Hinawakan niya ang likod ng ulo ko, "You're not alone, you're not alone, Reed." Nakatingin lang ako sa harap habang nakasandal ang gilid ng ulo ko sa dibdib niya. Hindi ako makapagsalita o makaimik. Mas bumibigat pa ang dibdib ko kaysa kanina. 

"Even if the people in the world walk away and leave you in the corner of darkness, always put in your mind that I will come to save you, I will bring you the light that you deserve. I won't leave, trust me. I will stay." bumaba at bumagsak ang mga luhang natitira sa mata ko, walang ka-emo-emosyon ang mukha ko nang mapapikit ako ng mariin. 

Mayamaya lang ay naramdaman kong sumasakit na 'yong dibdib ko kaya inilabas ko ang lahat ng mga mabibigat na nararamdaman ng puso ko. 

Niyakap ko s'ya bigla't ibinaon ang mukha sa dibdib niya.  Hinayaan lang n'ya ako at hinimas himas lang ang ulo ko.

"Cry as much as you want, but be sure to smile tomorrow, mongrel."

***

TUMABI SIYA SA tabi ko, katatapos ko lang maiiyak lahat kaya gumaan na rin ang pakiramdam ko. 

Sa ngayon ay medyo namuo ang katahimikan pero kahit na gano'n ay maganda pa rin sa pakiramdam. Hindi ko alam, parang kumportable lang ako sa ganito. 

Ngunit may namuong katanungan sa utak ko kaya tiningnan ko si Haley, "Bakit pala ipinagluto mo ako no'n?" tukoy ko sa Kare-Kare. 

Lumingon siya sa 'kin, "Dahil importante rin ako sa'yo?" diretsyong tanong ko. Namula ang buong mukha n'ya pero dinaan na lang niya sa paglayo ng tingin. 

Hindi n'ya ako sinapak. 

"Ipinagluto kita niyan senyas na kahit na wala na ang magulang at kapatid mo sa tabi mo..." unti-unti niyang ibinalik ang tingin sa akin. Idinikit ang index finger n'ya sa tapat ng puso ko 'tapos ngumiti. 

"They will always be there inside your heart. Wherever you go, they will always watch over you." bumuka ng kaunti ang bibig ko, mas lumapad ang ngiti sa kanyang labi. "And also, ipinagluto rin kita because you're important, as a friend. You're important to me." wika niya. 

Sumandal ako sa headboard at napangiti. 

Tama...

Naglabas siya ng hangin sa ilong at umalis na sa tabi ko, "Ngayon ko lang napansin na nakakahiya na 'tong pinagsasasabi ko" namumula pa n'yang sabi habang binubuhol-buhol ang hibla ng buhok sa kanyang daliri.  

Nilingon n'ya ako habang suot-suot nanaman ang mataray na mukha, "S-so uwi na ba tayo mamaya?" nahihiya pa n'yang tanong.

Tinanguan ko naman s'ya. "Yeah, let's go home." sa unang pagkakataon, nakita niya ang ngiting hinding-hindi pa nakikita ng nakararami kung sa'n ayun ang nagpaawang sa bibig niya. 

She was about to reach me noong nadulas siya sa nahulog kong damit na nasa sahig kaya ang nangyari ay napapatong siya sa akin. 

Noong iangat niya ang mukha niya ay sakto namang magkalapit na ang aming mukha sa isa't isa. Iilang inch bago magkadikit ang mga labi namin.

Isama mo pa na biglang bumukas ang pinto at pumasok ang mga kaibigan namin. 

"Haley! Reed! Kumusta na kay-- Whoa!" malaking hakbang ang iniatras ni Jasper nang makita ang naging posisyon namin ni Haley.

Si Kei naman, napahawak sa bibig niya. Samantalang si Harvey, tinakpan lang ang mata ni Kei habang nakataas ang mga kilay. "Gag* kayo! Ano'ng ginagawa n'yo?!" pulang-pulang tanong ni Jasper. 

Mabilis namang umalis si Haley sa pagkakapatong sa 'kin at nagsisimula ng mag dahilan. "It's just an accident, believe me!" 

Inalis naman ni Kei ang kamay ni Harvey na nakatakip sa mata niya, "Haley, sa mga fictional stories lang nangyayari 'yan." wika ni Kei at kinuha ang cellphone niya. "Doon ka ulit sa posisyon n'yo kanina, I have to capture that beatiful view." sabay click ni Kei. 

"What the hell?!" reaksiyon ni Haley.  

Patuloy lang sila sa pag-iingay sa kwarto ko nang ituon ko na lamang ang tingin sa labas ng bintana ko na nakaurong ang kurtina. 

Nakatingin lang din ako sa asul na ulap at luminya ng matipid na ngiti. 

Take care of mom and dad, okay? Rain?