Chereads / Three Jerks, One Chic, and Me / Chapter 30 - Affliction

Chapter 30 - Affliction

Chapter 30: Affliction

Jasper's Point of View 

Inayos ang necktie at pinagpagan ang suot na coat. Kung anu-anong kwentuhan ng tao ang naririnig ko gayun din ang musikang tumutugtog mula sa loob. 

Nakahinto lang ako sa harapan ng bahay nila Kei at hindi gumagalaw. Ito na 'yong araw na pinakahihintay naming magkakaibigan kaya ang lakas talaga ng pintig ng puso ko. 

Inilabas ko mula sa bulsa ang regalo ko. Necklace talaga s'ya na nakatago sa pulang kahon. 

I'm not expecting her to wear this, but still I'm hoping that she will. 

Mayro'n itong disenyo na buwan since she's a Selenophile.  Every night, she's always at the balcony to watch the moon. Kahit na umulan pa 'yan o ano, nakatitig lang siya sa buwan. 

I'm always watching her. So, I know. 

Ibinulsa ko na ang regalo ko at pumasok na sa loob. Hindi na ako nagbigay ng invitation card dahil kilala naman ako.

Luminga linga ako, ang dami pala talagang tao ngayon?

Kung dati kasi, kami lang ang ini-imbita niya sa kaarawan n'ya. Ngayon ay 'yong mga family niya na at 'yong ibang mga business partner ng parents niya. "Wow..." mangha kong sabi at pumunta sa likod dahil nandoon daw sila Haley.  

"Hey, hello. You're Villanueva's son, aren't you?" biglang pakikipag-usap sa akin ng kung sino. Malamang isa sa mga acquaintance ng parents ko na kilala rin ako. 

Humarap naman ako sa kanya para makipag-usap ng kaunti. Pure German siya at makwelang kausap. Marunong naman akong makipag-usap ng ingles pero dadaigin pa yata ako ni Harvey kung sakaling ma-nosebleed ako rito. 

Tumagilid na ako at nagsimulang magpaalam, magku-kwento pa nga sana siya pero umalis na talaga ako. Baka kasi hinahanap na ako ng mga kaibigan ko. 

Ang simula raw ng party ay 6:30 AM. Ngayong tiningnan ko ang oras-an ko ay 6:20. Sakto lang din ang pagpunta ko dahil mayroon pang 10 minutes. 

Hinanap ko ang mga kasama ko, sa sobrang dami pa nga kamo ng tao ay mahirap silang paghahagilapin. Dumiretsyo muna ako sa Garden para i-text sila roon but ended up seeing them laughing without me. Grabe! Pumunta sila rito ng hindi man lang ako sinasabihan?! 

Sumuklay muna ako sa buhok ko gamit ng dala-dala kong maliit na suklay at tiningnan muna ang sarili sa dalang sa salamin. 

"Ang pogi mo, dude... You're the best" at kumindat pa 'ko bago ipasok muli ang pocket mirror sa bulsa ko. "Ganda mo Haley, ah?" Pagpuri ko kay Haley habang papalapit ako sa kanila.

Lumingon siya't humarap sa akin bago sumimangot. Pero makikita sa mukha n'ya 'yong pagkapula.

"Tigilan mo nga 'yan, wala akong pera" tumawa naman ako tapos mahinang hinahampas ang likod niya.

"Ang ganda ng joke, nakakatawa!" pang-aasar ko at kunwaring tumawa.

Tiningnan n'ya 'yong bandang kamay ko 'tapos binigyan ako ng masamang tingin.

"Alisin mo 'yang kamay mo sa likod ko, walang hiya ka" kaagad ko namang inalis dahil sa takot.

Itinuon ko naman ang atensiyon sa kapatid ni Reed, kung nakasuot ng pulang bestida si Haley.

Si Rain naman, color Blue. Umayon 'yong pangalan n'ya sa suot n'ya.  Saka bagay rin sa kanya, hindi siya mukhang 10 years old.

May pagka-baby face kasi itong si Rain, eh.

"Ayos, ah? Mas gumanda ka! Pati 'yang bracelet mo, sobrang kinang" ngiti ko namang puri nang ilipat ko ang tingin sa kanya.

"You're flattering me, kuya Jasper. Do you need something from me?" bakit ba ayaw nilang maniwala sa akin? Nagsasabi naman ako ng totoo

Umismid bigla si Harvey at inilingon ang ulo sa kung saan, "Sa mukha mo pa lang kasi, hindi na kapani-paniwala" nababasa na ba ni Harvey 'yong sinasabi ng utak ko?

Natawa si Reed 'tapos sinuntok ang braso ni Harvey. 

'Di ko na lamang iyon pinansin at lumingon lingon, "Nasaan na raw pala si Kei?" tanong ko. Hindi pa ba siya lumalabas? 

Nagpamulsa si Reed. "Nagpapalit pa raw" sagot niya sa tanong ko kaya napahigpit ang pagkakayukom ko ng kamao. Hindi ko mapigilang mapangiti ng malapad. 

Mukha namang napansin iyon ni Haley pero hindi lamang niya binigyang pansin at naglabas lang ng hangin sa ilong. 

Dumating si Mirriam kasama ang kaibigan niyang si Tiffany gayun din ang grupo ni Shane. 

Himala nga rin kamo na wala rito si Trixie. 

Ngiti itong papalapit sa 'min habang hindi ko rin inaalis ang ngiti sa aking labi. 

Sa pagkaka-alam ko, si Mirriam lang naman ang in-invite ni Kei kaya bakit nasama pa 'tong apat na 'to? Paano sila nakapasok? Wala namang invitation?

Ang mga nakakapasok lang kasi dito ay 'yong may mga invitation card lang. Hindi p'wedeng pumasok ang walang invitation card. Siguro nagpa-copy sila ng gano'n. Iba na talaga kapag maparaan.

At siguro para makita rin nila kung paano ako mas lalong naging gwapo ngayong gabi. Hahahayyss. #PogiProblems

Binati kami ni Mirriam-- este kina Haley lang kasi hindi ako kasama. Para lang talaga akong hangin sa paningin niya, minsan nga parang hindi ako nag e-exist sa mundo n'ya, eh. 

Pero minsan naman, para n'ya akong pinaglilihian sa sobrang init ng ulo n'ya sa akin. Well, atleast kung magka-anak s'ya kamukha ko-- hoy! Hindi! Hindi! Binabawi ko pala! 

"Hindi ko alam na invited din pala ang isang katulad mo dito sa birthday party ni Keiley?" panimula ni Tiffany at umismid, "Dahil ba sa kaibigan ka na niya? Ang kapal din ng mukha mo 'no?" dagdag pa n'ya.

Wala namang pag-aalinlangan na ngumiti si Haley.

'Yong ngiting kikilabutan ka, 'yong pakiramdam mong anytime sasabunutan ka na sa ngiting suot-suot n'ya. Bumuka na nga ng bilog 'yong bibig ni Rain, eh. 

"I see. Then let me also tell you this, Tiffany." panimula ni Haley ng hindi inaalis 'yong ngiti niya at itinabingi ang kanyang ulo. "Can you also give me reason not to tell you that you have no shame at all?" tanong niya na nagpanganga kay Shane.

"Hey, you b*tch--" naputol 'yong sasabihin ni Shane nang may idagdag pa si Haley.

"Invitation Card." sambit ni Haley kasabay ang pag extend nito ng kanyang kamay na tila para bang may kukunin siya. "Let me see it." dugtong n'ya na may ngiti pa rin sa labi. 

Umatras ang mga ito habang wala namang emosyon na nakatingin si Mirriam sa kaibigan. 

Ibinaba ni Haley ang kamay niya't nagbuga ng hininga. Tumalikod  na rin siya sa mga ito at tahimik na umalis sa kanilang harapan. Sumunod lang kami sa kanya matapos naming makapag paalam kay Mirriam. Kumaway lamang siya bilang pagtugon. 

"W-we have one!" rinig naming palusot ni Aiz. 

"Nakalimutan lang namin!" si Kath. 

Sumabay ako sa paglalakad ni Haley na kalmado lang na nakaharap ang tingin. "Hey, are you okay?" nag-aalala kong tanong. Tahimik lang siya pero pwede na kayong mapatay ng utak n'ya dahil kakamura. 

Pumikit siya't muling nagbuga ng hininga, "I'm fine. It's not a big deal."  parang napapagod nitong sagot. 

Tiningnan ko naman si Rain na biglang kumapit sa braso ni Haley, "Ate Haley, may Ice Cream na nakahanda sa table. Wanna eat?" tanong nito kaya napangiti ng malapad si Haley at saka siya iginiya Rain papunta roon. Hinayaan lang namin siya at nagpaiwan muna sa isang pwesto. 

Kei's Point of View 

Tahimik akong nakatitig sa sarili ko sa salamin habang pinagmamasdan ang mukha ko.

Naghintay ako ng ilang oras sa pag reply ni dad pero hanggang ngayon ay wala pa rin akong natatanggap. 

Obviously, he won't come. 

Bumuntong-hininga ako kasabay ang pagkatok sa pinto ko.

"Kei? Lumabas ka na" utos ni mommy kaya tumayo na ako mula sa pagkakaupo at humarap kung saan nanggaling ang tunog ng pagkatok. 

"Coming!"

Jasper's Point of View

Narinig namin ang hiyawan mula sa likod ng bahay. mukhang nand'yan na si Kei.

"Happy birthday, Keiley!"

"Happy birthday, Keiley! How glamorious you are!" 

Sa sobrang pagpa-panic ni Haley, hindi na s'ya mapakali ro'n sa pwesto n'ya.

"Wahh, nand'yan na s'ya" tuwang tuwang sambit ni Haley at hinawakan si Rain para pumunta sa harapan. Iniwanan na nga rin niya 'yong kinakain niyang Ice Cream.

Sumunod naman si Reed sa kanila.

Naglakad na si Harvey pero mabilis ko siyang pinahinto dahilan para tingnan niya ako.

"Harvey" tawag ko. Nakapamulsa siyang humarap sa akin habang seryoso lang akong nakatingin sa kanya.  

Gustong gusto ko na talaga itong itanong sa kanya matagal na. 

Lalaki rin naman ako, pero minsan kasi hindi ko malaman kung ano ang iniisip niya kaya ngayon pa lang, aalamin ko na. 

Nakapatong ang kamay ko sa balikat niya nang mapahigpit ang hawak ko ro'n. Napatingin naman siya ro'n bago ibalik sa akin. "What do you want?" simpleng tanong niya kaya napaseryoso na rin ako.

Lumunok muna ako bago ko itanong, "Gusto mo ba si Kei?" tanong ko. 

Hindi muna siya sumagot at naka pokerface lang na nakatingin sa akin. Magsasalita pa sana ako nang bigla niyang inalis ang kamay ko't humarap sa akin. 

"I like her as my little sister. There's nothing for you to worry about." pagpapagaan n'ya ng loob at inilayo ang tingin. "If you don't have anything to say, mauuna na ako." paalam niya't nauna na ngang naglakad. Napatulala na lang ako at yumuko. 

Napahawak ako sa ulo ko, "Ano ba naman 'yang tinanong mo Jasper!" mahina kong sabi sa sarili at iling na sumunod kina Haley.

Haley's Point of View 

Mangha akong nakatitig kay Kei na ngayon ay pababa na't malapad na nakangiti sa mga bisita n'ya. 

Walang lumalabas sa bibig ko at talagang na-starstruck ako. Gusto kong magtatatalon sa tuwa kasi kakaiba ang aura n'ya.  

'Di pa kami ganoon nagsasama ng matagal pero pakiramdam ko, nakasama ko na siya since then at gusto ko na lang maiyak sa tuwa. 

Ang ganda ganda niy! She's wearing this beauiful violet long dress with the designs of roses, and she's also wearing high heels.

Siniko ako ni Reed, "Para kang nanay na natutuwa sa sariling kasal ng anak." ani Reed na binatukan ko. 

"Eh, kung manahimik ka kaya diyan, 'no?" iritable kong tanong. 

"Eh, ba't ka namamatok?!" naiinis naman nitong ganti sa 'kin. 

"Nag-aaway nanaman kayo." 

Pareho kaming napatingin sa nagsalita at napaawang-bibig. Hindi namin napansin na nandiyan na pala si Kei. 

Tinulak ko muna palayo si Reed bago umabante palapit kay Kei, "Happy birthday, Kei" ngiting bati ko sabay beso. Inabot ko sa kanya ang regalo ko pagkatapos. Bumaba ang tingin niya sa inabot ko. "I'm sorry if that is the only thing I can give to you. Besides, ayan ang pinili ko because I know it would perfectly looks good on you" Though, p'wede mo ring makuha 'yan dahil sa mayaman ka--But nag effort din ako 'no!

Hindi s'ya nagsalita at kinuha lang n'ya 'yon sa akin saka ninuksan 'yong regalo na ibinigay ko. Which is hindi pa dapat buksan.

Lumawak ang ngiti n'ya nang makita ang laman nito. Kinuha iyon at dahan-dahang inangat, tila parang may kuminang sa mata niya habang nakatitig sa bigay ko.

Geez. Huwag mo ngang ipakita masyado. Nakakahiya.

"B-bigay mo talaga 'to sa 'kin?" tanong niya noong ibaling niya ang tingin sa akin. 

Naglayo ako ng tingin, "Sorry, ayan lang kasi ang maibibigay k--" pinutol niya ang sasabihin ko sa pamamagitan ng pagyakap niya sa akin. 

Naramdaman ko ang pag-iling niya, "No, I really appreciate this. Sobra pa nga 'to, eh." 

Nakatingin lang ako sa gilid ng ulo niya nang tapikin ko ang likod niya. I don't know how to hug. 

Bracelet kasi ang ni-regalo ko sa kanya na galing pang Emeraldworks. Ipon ko rin 'yong gamit ko do'n kaya butas na bulsa ko.

Nakakahiya naman kasing magbigay sa kanya ng mumurahing regalo kung ang mga taong magbibigay sa kanya ay bibigyan siya ng sosyal at mamahalin.

Kaya mas okay na bumili na lang din ako ng mahal since worth it naman dahil nakikita kong natutuwa s'ya. Walang bahid na kasinungalingan 'yong mga ngiting ibinibigay n'ya sa akin.

Dumating ang mommy ni Kei kaya naghiwalay na kami para batiin siya. Kararating lang kasi talaga ng mom niya kahapon at ang totoo niyan ay ngayon ko pa lang siya nakita. Nag mistulang Maria Clara siya! Older version pero looking young pa rin!

Saka hello? Parang kapatid nga lang ni Kei, eh! Ganito ba talaga kapag mayayaman? Kahit na sa 40's mukhang na sa 20's lang? Kumpara naman sa nanay ko-- kaso siyempre. Joke lang. Maganda mama ko 'no? 

"H-hello po, good evening" bati ko ganoon din ang mga kasama ko. 

"Good evening." bati naman niya pabalik sa amin saka inilipat ang tingin sa 'kin. Hindi ko tuloy maiwasang maging pormal.

Palipat-lipat din ang tingin ko sa kung saan-saan. Kinakabahan kasi ako, eh. Baka mamaya, pangit maging impresiyon sa 'kin ni Kei as her friend.  

"You must be Haley that my daughter's talking about?" tumaas ang dalawa kong kilay 'tapos napatingin kay Kei na pumunta sa tabi ko para ipakilala ako ng maayos. Naku-kwento niya ako?

"Yes, mom. Haley. My bestfriend." pagpapakilala niya sa akin kaya napatitig nanaman ako sa kanya. 

Pero mayamaya pa'y ibinaling din ang tingin sa mommy niya at nag bow sandali. 

"It is nice to meet you, ma'am." pormal kong tugon na nagpahagikhik sa kanya. Inangat ko ang tingin. 

"Huwag ka ng maging formal. Just call me, 'tita'." wala lamang akong imik na nakatingin sa kanya. "And yes, it is also nice to meet you." sabay pat ng ulo ko. "Haley." banggit niya sa pangalan ko na medyo nakapagbigay sa akin ng kakaibang feeling. Bakit parang may lungkot sa mata niya noong mabanggit pangalan ko?

May tumawag naman bigla kay tita kaya napalingon siya ro'n, "Oh, siya. Mag enjoy lang muna kayo diyan, ha? Asikasuhin ko lang ang bisita." ngiti nitong paalam saka umalis. Humarap na lamang ako sa mga kasama ko. 

Nagpameywang si Jasper habang nakangisi sa akin. Ano nanaman kayang nginingisi ngisi nito? Parang aso. 

"Pwede bang kumain muna tayo? Kanina pa kasi talaga ako nagugutom." anyaya ni Kei kaya napatingin kami sa kanya't sinang-ayunan siya. 

Hinimas himas ni Jasper ang tiyan n'ya habang naglalakad kami papunta sa kainan. "Nagugutom na rin 'yong abs ko"

Huminto ako sa may bandang harapan niya kaya nagtaka naman ito, kinuha ko 'yong pulso niya para ilagay ang piso sa palad niya. 

"Ito piso, hanap ka ng kausap mo" natawa sila Reed sa sinabi ko habang ngiting naiiling si Harvey. 

"Candy lang ang nabibili sa piso!" bulyaw niya pero nilagpasan ko lang siya. 

"Huwag mong nila LANG ang piso dahil kapag nagkulang ang pamasahe mo ng piso, kakailanganin mo rin 'yan" pagbibigay wisdom ni Reed at um-attack sa pagkain na na sa harapan. Si Kei nga, halos wala namang pakielam sa mga bisita at kumuha lang nang kumuha ng pagkain. 

Gaya nga ng ginagawa madalas sa party, kain diyan, palaro diyan, at kung anu-ano pa. 

Ano'ng gusto niyo? Banggitin ko lahat? Huwag na. Sayang lang sa laway. 

Nasa kalagitnaan na kami ng pagkakanta ng "Happy birthday" kay Kei. Nakahanda na ang cake lahat lahat. Ang kulang na lang ay ang pag blow niya nito. 

"Wish muna bago blow." si Reed. 

Humagikhik si Kei, "Alright." sagot niya at iniharap ang tingin sa mga kandila. Pumikit siya kaya namuo ang katahimikan. Ilang segundo pa'y idinilat na niya ang kanyang mga mata. 

Handa ng sanang hipan iyon nang biglang may nagpasabog ng bomba sa mansion dahilan para magkagulo ang mga dumalo sa event. 

Nagtakbuhan ang lahat habang hindi naman ako makagalaw sa pwesto ko't nakaluhod at cover lang sa ulo ko. Sh*t, ano'ng nangyayari? 

"Sunog!" rinig kong sigaw mula sa hindi kalayuan. Inangat ko ang ulo ko para tingnan iyon. Kumakapal na ang apoy pero hindi ko pa rin magawang makagalaw sa sobrang pagkabigla. 

Lumingon-lingon ako para hanapin ang mga kasama ko. Pero wala akong nakita ni isa. 

Nagsimula akong maglakad pero muling napaluhod noong may sumabog nanaman mula sa mansion. May narinig na rin akong nabasag na malamang ay bintana ng kung sino.

Tiningnan ko 'yong lugar kung saan nanggaling ang pagsabog at laking gulat na bumibilis ang pagliyab ng apoy. Makapal na rin ang usok dahilan para takpan ko na ang ilong ko. 

Tinawag ko ang pangalan ng mga kaibigan ko. 

Nahiwalay ako sa kanila, nahila siguro sila ng mga taong tumatakbo.

"Dammit." tumayo na akong muli at naglakad para makaalis na rin sa lugar na ito pero dahil sa kapal ng usok, hindi ko na nakayanan.

Napaluhod ako at umubo-ubo. Lumalabo na rin ang paningin ko sa sobrang pagsu-suffocate kaya dahan-dahan kong ibinabagsak ang katawan sa bermuda grass.

Napakagat-labi ako dahil unti-unti na akong nawawalan ng malay. "Sh*t..." tanging nasabi ko dahil wala na akong lakas. Hinang hina na ako. 

Ngunit bago pa man ako makatulog ay nakita ko si Rain na biglang sumulpot sa harapan ko.

Hindi ko alam kung ano 'yong ginagawa n'ya pero yumukod s'ya para i-check ako kung okay lang ako. "Rain...?" nanghihina kong tawag sa kanya.

Bago ko pa ipikit ang mga mata ko ay nakita ko ang pag guhit ng mga ngiti sa labi n'ya pero bakas ang matinding lungkot nang tumulo ang mga luha n'ya.

Wala akong narinig sa boses niya pero sigurado ako, sinabi niya ang katagang ito habang binabasa ang paraan ng pagbuka niya ng kanyang bibig. "Thank you for everything." 

Pilit ko siyang inaabot pero bumagsak din ang kamay ko't tuluyan ng nawalan ng malay. 

Rain... 

***

IMINULAT KO ANG mata ko at dahan-dahang umupo sa pagkakahiga. Oo nga pala. Nawalan ako ng malay dahil sa nangyari kagabi.

Iginala ko ang tingin sa paligid ko. May mga unconcious pang tao pero nagawa ko pa ring tumayo para hanapin sila Kei. Naglakad-lakad ako habang hawak ang braso ko na medyo sumakit. 

Nakita ko sina Harvey sa hindi kalayuan at wala ring malay. N-nandito pa sila?!

Patakbo akong naglakad palapit sa kanila at ginising ang mga ito, "Hey! Hey! Wake up!" pag-alog ko sa kanila. Medyo nahirapan pa nga akong gisingin sila pero mabuti na lang ay nagawa naman ng mga ito na maimulat ang mata nila. 

"Ang sakit..." namimilipit na wika ni Harvey habang hawak hawak ang ulo

Lumingon ako sa hindi kalayuan. Rinig sa labas ang tunog ng ambulance, police, firetruck. Lumiliyab pa kasi 'yong apoy sa taas ng mansion. 

Pumasok na ang mga rescuers at tinatayo na ang mga walang malay na tao rito. 

Ang mga pulis na nasa labas ay pilit na pinipigilan ang mga tao na pumasok sa loob. "Hindi ka ba masyadong nasaktan Kei?" Nag-aalala kong tanong pero umiling siya at ngumiti. 

"I-I'm fine..." sagot n'ya at higpit na isinara ang kamay. Hawak-hawak n'ya ang regalo ko na mahahalata mo talagang iningatan n'ya. Rinig ko ang pagsigaw ng ina ni Kei sa labas kaya napatingin do'n ang anak.

"Mom..." mahinang tawag ni Kei. 

Tsk, buti na lang wala ang parents namin ni Harvey dahil sigurado akong mag-alala sila pag nagkataon. 

Nanahimik kami ng ilang sandali nang may maalala ako. Si Rain! 

Sumabay naman sa pag-alala ko ang pagtawag ni Reed sa kapatid niya kaya nanlaki ang mata ko. "RAIN!!!" 

Napatingin kami kung saan nanggaling ang boses na 'yon. Tumingin sa isa't isa saka siya pinuntahan. Nasa dulo si Reed at nag-iiiyak, nakikita rin namin ang katawan ni Rain sa damuhan kaya napatakbo na kami dahil sa kabang nararamdaman. Alam kong hindi lang ako ang nakakaramdam no'n. 

Please... Please... 

"Thank you for everything." naalala kong sabi niya bago ako mawalan ng malay. 

May namuong kaunting tubig sa mata ko. Don't say that! 

Narating namin kung nasaan sila at halos nanlamig ako sa nakita ko. 

Suminghap si Kei samantalang nanginginig na nakatingin si Harvey at Jasper sa nakikita ng mga mata nila ngayon. 

Hindi ako makahinga. Hindi ako makahinga. 

Puno ng dugo. Naliligo siya sa sarili niyang dugo,

...Si Rain.

Nakatayo lang kami roon at nakatitig kay katawan niya. 

Umatras si Kei at nagsisimula ng bumagsak ang mga luha kasabay ang kanyang pagtakip sa bibig. 

"You've got to be kidding me..." hindi makapaniwalang wika ni Jasper habang hawak-hawak ang ulo niya.

Lumuhod si Reed at binuhat ang balikat ng kapatid, "Rain... Rain" nanginginig ang boses ni Reed. 

Hindi alam kung ano ang gagawin habang ako, imbes na makahinga kaagad ng tulong. Para akong napako. 

Wala akong ideya kung ano ang dapat na gawin. Ang lakas ng pintig ng puso ko. 

Sumasakit ang lalamunan ko. Blanko ang utak. 

Umatras ako ng isang hakbang habang nanginginig na ang katawan ko. 

"Thank you for everything." muli kong pag-alala sa boses na binitawan ni Rain.

"Recipe? I gave it to you because I know you'll be the person who will make him happy." ngiti pang sabi ni Rain no'ng magkasama kami noong isang araw. 

No...

Nagka-taon lang ang lahat, impossibleng... Impossibleng alam niyang mangyayari 'to sa kanya.

Maraming saksak ang katawan ni Rain. Isa sa kanang tagiliran. Isa sa hita at isa sa braso.

Napahawak ako sa dibdib ko. 

Hindi ako makahinga... Hindi ako makahinga...  

Ramdam ko 'yong panlalamig ng pawis ko. 

"I-I will ask for h-help." nanginginig na wika ni Harvey bago patakbong umalis para humingi ng tulong. 

Bigla akong napatingin sa taas, may bumagsak na buhangin sa balikat ko.

Warak na ang simento ang mansion, p'wede 'yon bumagsak sa amin kung hindi pa kami aalis.

Inilipat ko ang tingin kay Reed. Kahit nahihirapan akong magsalita, ginawa ko pa rin. 

Lumunok muna ako ng sariling laway, "Reed, umalis na tayo" hindi niya ako pinansin at umiiyak lang na nakayakap kay Rain.

Higpit akong napayukom, "Reed..." may bumagsak ulit na buhangin kaya muli kong inangat ang tingin 'tapos sinenyasan sila Jasper na umalis. Hinila na niya si Kei na nakatulala lang sa kawalan. 

Muli kong ibinaling ang tingin kay Reed, "Reed, let's go." hindi niya ulit ako pinansin at mas humigpit ang yakap kay Rain.

"REE--" 

"SHUT UP!!!" umatras ako sa biglaang singhal niya. "Shut up..." 

"Reed..." tawag ko pa ulit sa pangalan niya nang mas lumakas ang paghikbi niya.

Umiiling-iling itong umiiyak, "I won't leave my sister... I won't allow to repeat the same mistake again..."

Bumuka ang bibig ko't napayuko. Napayukom din ang kamao ko lalo na't mas nadagdagan ang bigat sa dibdib ko. "B-but you can't stay here..." wala itong kibo pero nagsisimula ng umambon. Hinayaan ko siya sandali ngunit mayamaya'y narinig ko ang pag crack no'ng simento kaya sandali akong napatingin doon bago tingnan si Reed. 

"Reed!"

Tuluyan ng nawasak ang simento. Bumagsak na dahilan para malakas na pumintig ang puso ko. 

Hindi ito papunta sa 'kin kundi sa gawi ni Reed. Kung hindi pa kami aalis, mamamatay s'ya.

Nagsimula na akong tumakbo habang inaabot s'ya.

"REED!"