"DAN?! DAN?! GISING!! DAN??!" sigaw ng isang babaeng familiar ang boses. Gusto niyang imulat ang mga mata pero ang bibigat nito, nahihilo siya pag sinusubokan niyang idilat ang mga mata. Wala siyang maalala, "Ano ba ang nangyayari?" pinipilit alalahanin ni Dan ang nangyari. Wala wala talaga siyang maalala. At tuloyan na siyang nawalan ng malay.
"Dok!!? tulongan niyo ang anak ko, ang bata bata niya pa Dok! please Dok, maawa kayo!" Sigaw ng Ina ni Dan, na halos hindi na makatayo ng maayos dahil sa pag-aalala sa anak. Nahimatay ito at nasalo ng isang kaibigan ni Dan na si Lloyd na iyak din ng iyak. Umalis na ang Doktor at pumasok na ito sa Operating Room.
Tinulongan sila ng isang Nars, ipina-higa niya ang Ina ni Dan sa isang higaan at sinimulan na itong pagrerepaso.
Makaraan ang ilang oras ay inilipat na si Dan sa ward. Nandon ang mga kaibigan niya at Pamilya. Nawala na ang pag-aalala sa kanilang mga mukha dahil ligtas na sa kapahamakan si Dan.
Nagising si Dan "Ahh! Ang sakit ng Ulo ko.." sabay hawak sa ulo nito. May nasalat siyang benda sa kanyang ulo.
"Dan? kamusta ka,ha? anong nararamdaman mo?", hinawakan niya ang anak sa balikat "Ma??" pagtataka ni Dan. "Anak! Oo si Mama ito? Naalala mo ba ang nangyari,anak?" Hindi napansin ni Dan ang ibang tao sa kuwarto. Ang tanging ang Ina lang ang nakita nito, dahil ito ang malapit sa kanya at nakikipag-usap. Malaki ang kuwarto, inilipat siya ng isang kaibigan sa pribadong kuwarto ng Ospital.
Inalala ni Dan ang nangyari. Ang naalala niya pumunta siya sa bahay ni Tony. Sa hardin nila tony, bago siya makapasok may naaninag siyang mga tao. Pinuntahan niya ito baka sila Tony iyon. Laking gulat niya sa nakita. Oo si Tony nga ang nakita niya pero may kahalikan ito. Hindi siya nagkakamali si...si...si...
"Ahhhh.. ang sakit ng ulooo kooo.." iyak ni Dan na napasigaw. Dahil sa naalala, ang puso niya ang labis na nasasaktan. Binigyan siya ng Nars ng gamot at nakatulog ito.
"Ano ba talaga ang nangyari nong gabing'yon ha??" tanong ng Ina ni Dan sa mga kaibigan nito. Sina Lloyd, Tony, Maris at ang nobyang si Erica. Hindi parin sila nag sasalita, nanahimik parin ang bawat isa, Walang gustong umamin sa nangyari sa bahay nila Tony.
"Erica?! sabihin mo sa akin, ano ba talaga nangyari at bakit nahulog si Dan sa hagdan? at bakit ang sabi ng Doktor, overdose siya??!" Ano? Magsalita ka Erica? kayo! ano ba??! Galit na tanong ni Aling Monec Monter, Ina ni Dan. Nag wawala na ito dahil ayaw parin nilang magsalita, inawat siya ni Alvin Monter. Pinapatahan niya ito, dahil baka ito na man ang ma ospital. 17 yrs old palamang itong si Alvin, 24 yrs old na man si Dan. Ang Girlfriend niya si Erica ay 27 yrs old. 27 yrs old din si Tony Kapatid niya si Maris na 24 yrs old. Si Lloyd na man ang bestfriend ni Dan magka edad sila ni Dan.
Nagkakilala si Dan at Erica dahil sa kaibigan na si Maris. Kapatid ni Maris si Tony na kaibigang matalik ni Erica. Si Erica ang dream girl ni Dan. Maganda, Matangkad, Matalino at Palaban sa Sarili. Hindi ito basta basta maloloko, magaling si Erica sa lahat ng bagay, mataas ang ambisyon sa buhay. Napa ibig si Dan dito, dahil nakikita ni Erica na mahal na mahal siya ni Dan, sinagot niya ito. Lahat ng sasabihin o hingin ni Erica, kinakaya at binibigay ito ni Dan. Naging sunodsunuran ito sa lahat ng gusto ni Erica.
"Siya na ang babaeng gusto kong makasama habang buhay Lloyd, Mahal na mahal ko si Erica!" ang sabi ni Dan ky Lloyd habang silay nag iinoman sa kanto ng bahay nila Lloyd.
"Wala na bang iba Dan? sa tingin ko hindi ka bagay ky Erica, naaawa na nga ako sayo minsan, kasi para kanang asong sunodsunuran sa mga utos niya. Hindi kaba napapagod? saka hindi na man kalakihan ang sahod mo sa kompanyang pinapasukan mo. May kapatid kapa na pina paaral".
"Hindi ako mapapagod Lloyd. Siya ang lakas ko" ngiting sabi ni Dan.
"Hayss, ikaw bahala!" sabi ni Lloyd.
Dumating ang isang gabi, na wawasak sa mundo ni Dan. Birthday ni Maris, inanyayahan niya lang ang mga malalapit sa kanya.
Huling dumating si Dan, dahil nagkaroon ng meeting sa opisinang pinapasokan niya.
Bago pa siya makapasok, naaninag niya na may mga tao sa hardin nila Maris. Pinuntahan niya ito, baka sa hardin ang party.
Napanganga si Dan sa nakita, gulat na gulat si Dan. Si Tony at ang nobyang si Erica ay naghahalikan sa ilalim ng puno. Hindi siya makagalaw, Hindi niya alam ang gagawin niya. dilat na dilat ang mata ni Dan, gusto niyang sugurin ng suntok si Tony. Pero hindi siya makagalaw sa kinatatayuan niya.
Napansin siya ni Tony, at bigla niyang tinulak bahagya si Erica. Nagtaka si Erica at tiningnan ang tinitingnan ni Tony. Laking gulat niya! Si Dan!