Chereads / BIRDBRAINED / Chapter 16 - Chapter 16 Ang Panimula ni Franz

Chapter 16 - Chapter 16 Ang Panimula ni Franz

"Franz!!"....napa atras bigla si Dan.

"Ikaw kasi ehh hindi muna ako kinuha sa bahay kagabi----"paglalambing na nakayakap parin sa leeg ni Dan si Franz. Biglang kinuha ni Dan ang mga kamay ni Franz at umatras siya ka unti dito.

"Umalis ka muna Franz, please, tatawagan kita pag may libreng oras na ako.."

"libreng oras?? ngayon pala? ang aga-aga ko ngang nagising at dito na ako dumiritso---oh tingnan mo ang oras 5am!" pinatingin ni Franz ky Dan ang kanyang relo. Muling lumapit si Franz ky Dan, at yayakap sana ito muli, pero umiwas si Dan at inayos ang tuwalya sa baywang nito. Napansin ni Franz na naka pantapis lang si Dan. Biglang may naglaro sa isip ni Franz, bigla niya itong nilapitan at hinagkan sa labi at tinanggal ang sapin sa pang-ibaba ni Dan. Natumba sila sa sofa at patuloy parin si Franz sa ginagawa.

Pilit pinapaalis ni Dan si Franz na naka kandong sa kanya. Narinig ni Dan na parang may gumalaw sa loob ng kwarto. Sa bigla niya na itapon niya sa lapag si Franz at biglang sinuot muli ang tuwalya.

Nabigla si Franz sa ginawa ni Dan, Nag abot ang dalawang kilay ni Franz, galit na siya dahil iniiwasan siya ni Dan. Pero hindi siya nagpadala sa galit. Tumayo siya at inayos ang sarili at ngumiti ky Dan.

"Okay, alam ko na pagod ka..mmm gusto mo kape? pumunta sa kusina si Franz "ipag titimpla kita" ang sabi ni Franz.. Hahawakan na sana ni Franz ang tasa ay bigla siyang hinablot ni Dan at pinapalabas siya ng condo. "Ano ba Dan?? nasasaktan na ako ha!

"Maya na tayo mag-usap okay?" ang diin ni Dan ky Franz na nasa labas na ng pintoan.

"Hon??.." ang tawag ni Xnne.

Narinig yun ni Franz bago naisara ni Dan ang pinto.

"Ahh Hon, good morning!"at inayos ni Dan ang sarili.

"Halika Hon, ipagtitimpla kita ng kape at ipagluluto kita ng masarap na almosal" Ang sabi ni Dan ky Xnne. Inalalayan ni Dan si Xnne pa punta sa kusina at pina upo niya ito, at hinalikan niya ito sa noo.

Napangiti si Xnne at namula ang mga pisngi dahil naalala niya ang ginawa nila kagabi. Napansin ni Dan ang pamumula ni Xnne, napangiti nalang siya at pinagpatuloy ang ginagawa. "Muntik na!" ang tanging na usal ni Dan. "Ano yun Hon?" tanong ni Xnne dahil prang may sina sabi si Dan hindi niya masyadong narinig.. "Ahh wala Hon" nilingon ni Dan si Xnne. May naalala lang ako.." ngiting sabi ni Dan at bumalik sa ginagawa. "Heto ang iyong kape mahal kong Reyna!" ang palambing na sabi ni Dan. Tinanggap ito ni Xnne at napangita sa sinabing mahal kong Reyna.

Nagpatuloy si Dan sa pagluluto.

"Ahh Hon? may tao ba kanina dito?". ang tanong ni Xnne. Napahinto si Dan pero nakatalikod parin sya ky Xnne. "ha? bakit Hon? wala namang tao dito kanina."

"May parang naririnig kasi akong nag-uusap pero hindi ko masyadong marinig kaya napaBangon ako"

"Ahhh, baka yung kausap ko sa phone..."at nagpatuloy si Dan sa pagluluto.. "Kausap ko kasi sa kabilang linya ang secretary ko, may meeting daw kami mamaya, pero sinabihan ko na bukas nalang, baka hindi ako papasok ngayon..." Ang pag sisinungaling ni Dan.

"Ahhh, okay.." ang nasabi ni Xnne at ninamnam ang kape. "ito na ata ang pinaka masarap na kape na natikman ko sa buoooong buhay ko--"Ang sabi ni Xnne na malaki ang ngiti sa mga labi. "Hahaha" ang tawa ni Dan, "Mmm, totoo bayan Hon?"paninigurado ni Dan. "Opo" ang sagot ni Xnne.

Pinagsaluhan na nila ang mga niluto ni Dan. At sarap na sarap si Xnne nito. Napangiti si Dan sa ginagawa ni Xnne.

Sa bahay ni Franz:

"Hello! Mr. Go, gusto ko icancel mo ang kontrata mo ky Engr. Monter!...." "Ms. Ford, hindi ko yan magagawa" "Diba gusto mo ako Mr. Ford?---"paglalambing ni Franz. "Makukuha mo ang gusto mo pag susundin mo ang gusto ko"--ang sabi ni Franz sa kabilang linya na nanlilisik ang mga mata sa pader ng bahay nito.

"Tingnan ko ang magagawa ko Ms Ford" ang pangiting sagot ni Mr. Go. Pinutol na ni Franz ang usapan.

"Panimula palang yan Dan! wala pang tumatanggi sa akin! babalik kang paluhod sa mga palad ko! HAHAHA

Sa Condo ni Dan:

"Hon, wag ka munang umuwi ha, dito lang muna tayo, mayang gabi na kita ihatid sa inyo..." yakap ni Dan si Xnne nakatalikod ito sa kanya na nakasandal sa dibdib ni Dan. Naka upo sila sa sofa habang nanonood ng palabas sa tv.

"Mmm sige, tatawagan ko muna si mama" tumingala si Xnne ky Dan. Nagkatitigan sila at hinagkan siya ni Dan sa mga labi at tumugon si Xnne. Muling sinaluhan nila ang sayaw ng mga nag-iinit na mga katawan.

Kinabukasan sa Opisina:

"Ano!!!??? bakit ginawa ni Mr. Go ang pag-atras sa kontrata??!! ang pasigaw na galit ni Dan. Sa kanyang mga subordinates.

"Sir Dan, pinapatawag po kayo ng CEO." pumasok ang Secretary ng CEO. Natigil si Dan sa pag tatanong. Inayos ang sarili at sumunod sa Secretary.

"Mr. Monter! ano to? bakit atras Mr. Go.? Lam mo laki pera mawawala kompanya, at masisira imahe natin sa iba malaki pangalan Mr. Go. Magtatanong board of directors bakit alis Mr Go.."

Hindi makapag salita si Dan dahil hindi pa niya alam kung bakit ito umatras.

"Ayusin Mr. Monter! ako sakit ulo.."

"Aayusin ko po ito Sir" yumuko si Dan. "Aalamin ko kung bakit umalis si Mr. Go, nabigla po ako sa balita".

"Sige alis, ayusin mo! sakit ulo ko isip!" ang sabi ng CEO.

Habang nasa lobby si Dan. Nakita niya si Franz na papasok ng building.

"Hindi ba talaga ako tatantanan ng babaing ito!" ang nasabi ni Dan. Nagtago siya sa gilid ng pader, na nakaharap sa receptionist. Kaya hindi siya napansin ni Franz. Dumiritso si Franz sa elevator.

"Hays!! bakit ko kasi pinatulan ang babaing yun!" tila pagsisi ni Dan sa nangyari sa kanila ni Franz sa China.

Latest chapters

Related Books

Popular novel hashtag