Nagulat si Dan nang may biglang kumakatok sa bintana ng kanyang sasakyan. Nahimasmasan siya't nagising sa mga alaala ng kahapon.
"Sir, magandang gabi po. Ahh...pasensya na po, may problema po ba tayo? kami po ay mga Barangay tanod, nagroronda lang po kami, ahh napansin po kasi namin kayo, naka-ilang ulit na kami dumadaan dito ehh, andito parin po kayo.. ehh baka po may problema po kayo Sir, kaya nilapitan nalng po namin kayo." sabi ng lider ng tanod. Tiningnan ni Dan ang mga Barangay tanod at muli niyang tiningnan ang na sa terrace, wala na pala sila at tiningnan ni Dan ang relo, mag aala-una na pala.
"Ahh, pasensya na po mga bossing, ehh huminto lang po ako sandali kasi inaantok ako sa byahe, di ko na malayan napahaba pala ang tulog ko." Ang pagdadahilan ni Dan. "Ahhh, okay lang po Sir, mas maganda yan na huminto muna at makapahinga, iwas po sa disgrasya, at saka mababait po ang mga tao dito kaya nag-aalala kami ehh, baka na pano ka dito sa loob ng sasakyan mo, nakaandar pa naman ang sasakyan, ehh kako napano ka at baka kako nawalan ka nang malay..heheh" pagpapaliwanag ng lider.
"Ahh, salamat po sa pag-aalala, sige po aalis na po ako. Maraming salamat po ulit" Ang pagpapaalam ni Dan. At tumango lang ito sa kanya at umalis narin sila. Muling binalik ni Dan ang tingin sa bahay nila Xnne, na magkasalubong na ang mga kilay at pagalit na minaniho muli ang sasakyan.
Nagising si Xnne bandang mga ala una ng madaling araw, uminom siya ng isang basong tubig. Naalala niya na ang kanyang cellphone ay nalimotan niya pala sa terrace ng bahay nila, pagka kuha niya sa cellphone ay parang may nahagip siyang familiar na sasakyan, pero bilis na itong nawala. Nagtaka siya, dahil parang kay Dan iyon. "Pero ano naman ang gagawin niya dito at madaling araw pa naman, but hindi ito kumatok sa bahay o di kaya, "Ahh baka may text siya sa akin!" dalidaling binuksan ni Xnne ang cellphone nito, pero ni isang mensahe ay wala siyang nababasa. Tumingin siya sa gawing nahagip ng tanaw kanina na sasakyan. Nag-isip siya ng maka-ilang beses. "Ahh, baka hindi si Dan yon!" sabay pasok sa loob si Xnne.
Pag-dating ni Dan sa bahay nila, dumiritso na ito sa kanyang kwarto, at na ligo. Pagka tapos niyang maligo ay pumunta siya sa kusina ng bahay at kumuha sa ref ng pwede niyang makain. Pagka tapos kumain bumalik siya sa kwarto at humiga sa kama. Pumikit ito sandali at biglang tumayo at pumunta siya sa sala at nag bukas ng telebisyon. Nakatitig si Dan sa Tv, halos magkakalahating oras na, pero wala siyang naiintindihan sa palabas. Naiisip niya parin ang nakita mula sa airport at sa terrace nila Xnne.
"Hindi dapat ako papaapekto!" Hindi ko Mahal si Xnne! hindi!" diin ni Dan! pero galit na galit na ito.
Makalipas ang dalawang oras, ay gising parin si Dan. Pinatay na niya ang pinapanood sa telebisyon dahil ang mga nakikita niyang mga bidang artista ay mga mukha nila Xnne at Ang lalaking kasama nito.
Nakahiga lang si Dan sa kanyang kama na nakatitig sa kisame. Tiktak tiktak tiktak ang siyang naririnig ni Dan sa paligid.
Lumipas ang ilang sandali tiningnan ni Dan ang orasan sa dingding. 5:57AM na pala. Hindi talaga siya makatulog. May meeting pa naman siya sa opisina. Tumayo si Dan at naligo, nag bihis at umalis na rin. Dumiritso siya sa isang convenience Store. Bumili siya ng isang cup noodles. Pagkatapos niyang magbayad umalis na siya at pumunta sa opisina.
Natapos ang pagpupulong, bumalik na si Dan sa kanyang sariling kwarto sa opisina. Wall glass ang nakapagitan niya at ng mga empleyado ng kompanya. Siya ang Chief Engineer ng N&R International Group.
Habang naka upo si Dan, minamasahe niya ang kanyang sentido. Nag ring ang kanyang cellphone, ang kanyang mga mata lang ang kanyang pinagalaw para makita kung sino ang tumatawag, pero patuloy parin niya minamasahe ang kanyang sentido. Ang dalawa niyang siko ay naka patong sa mesa. Nasa kaliwang banda ng mesa ang kanyang cellphone.
Bigla siyang napatayo at nag dadalawang isip kung sasagutin niya ba ito o hindi. At dahan dahan siyang bumalik sa upuan. Kinuha niya ang cellphone at sasagutin na sana niya ito ay bigla na itong na tigil.
Hinintay ulit ni Dan ang tawag pero hindi na ito muling tumawag.
Hinihintay niya na tumawag ulit ito. Pero hindi na talaga ito tumatawag muli, Hindi na mapakali si Dan, siya na lang ang tatawag. Pero nag dadalawang isip siya, kasi pag tumatawag si Xnne sa kanya, at hindi niya masagot, tumatawag ulit ito hanggang masagot niya ang tawag. Ngayon lang nangyari na isang beses lang ito tumawag.
Tiningnan ni Xnne ang relo, 2:00pm "tatawagan ko muna si Dan, Mark ha? sandali lang" umalis si Xnne sa harap ni Mark at lumabas siya sa gusali. Nasa isang lumang gusali sila ni Mark, makikipagtagpo sila sa mga kaibigan nila nung elementary.
Hinintay ni Xnne na sasagutin ni Dan ang phone. Pero wala itong sagot, naputol na ang pag riring. Tatawag sana siya ulit, pero nasa labas na si Mark, at tinatawag siya, "Xnne, tapos kana dyan? andito na sila Marie at Jhon". Sigaw ni Mark sa kanya dahil na sa pintuan lang si mark, at siya ay nasa medyo malayong distansya. "Ahh, cge Mark, papasok na ako" sabay balik ng cellphone sa kanyang sling bag.