"Alena, halika sandali," tawag sa akin ng boss ko.
"Yes, sir" mabilis na sagot ko sa kaniya at pumunta na nga ako sa opisina niya.
"Alena, may ipapagawa ako sa'yo ha. Mag overtime ka na lang mamaya." Utos niya sa akin habang tinititigan ako mula ulo hanggang paa.
"Y-yes sir" muling sagot ko sa kaniya.
Parang alam ko na ang mangyayari mamaya.
Oras nanaman ba para maghanap ako ng panibagong mapapasukan?
Tatlong buwan pa lang akong nagtratrabaho rito bilang secretary niya, kasundo ko na rin ang mga ibang empleyado. Nakakalungkot, nakakalungkot isipin na bukas maghahanap nanaman ulit ako ng ibang papasukan.
"Alena, kunin mo ang laptop mo at dito ka sa opisina ko gumawa para mabilis tayo" sabi ng amo ko sa telepono.
"Opo," sagot ko sa kaniya at malungkot na akong tumayo.
Maayos naman akong nakakapag trabaho noong una. Kaya lang...
"Alena," tawag niya habang hinahaplos ang balikat ko.
"Pagbigyan mo ako Alena, gustong-gusto talaga kita eh" siya ulit.
Napatingin ako sa kaniya at kitang-kita ko ang pag-iinit ng mga mata niya.
"Sige na, Alena," sabi muli niya, at sinunggaban na niya ako nang mahigpit na yakap.
Kung saan-saan umabot ang kamay niya habang pinipigilan niya ang isang kamay ko para hindi ako makapanlaban sa kaniya.
"Alena," muling tawag niya.
Pagkatapos ay pinilit niyang iharap ang mukha ko sa kaniya.
"Nag-eenjoy ka na ba?" Tanong ko sa kaniya nang nakangiti.
" Alena..." Sigaw niya.
Ilang sandali pa ay tahimik na ang buong silid.
Tumayo ako at inayos ang damit ko na nakusot sa ginawa niya.
"Tsk... saan nanaman ako maghahanap nang mapapasukan? Nakakainis kasi, kailan ba mauubos ang mga lalakeng hayok sa laman?" Naiinis kong bulong sa sarili,
Habang tinitignan ang humiwalay na ulo ng lalakeng may pagnanasa sa akin.
"Ilang araw nanaman kaya akong hindi makakalabas?" Tanong ko habang hinahaplos ang tiyan kong malaki, kung saan naruon ang katawan ng boss ko, pagkatapos ko siyang lunukin nang buo.
"Maka alis na nga rito, Hisss" gumapang na ako palabas ng bintana, habang hila ko ang buntot ko.
-Anino