"Kahit isa pang araw"
🎶Akala ko hindi na darating ang panahon
Na liliwanag ang daang nasisilayan ko
Sa libo-libong taong nangangarap
Binigyan mo ako ng pagkakataon🎶
"I love you Henry!" Nakangiti kong sabi sa kaniya.
Hinalikan ko ang noo niya, kahit hindi ako sigurado kung naririnig niya ako.
Tatlong araw na siyang lantang gulay sa hospital na ito, dito siya ginamot pagkatapos ng aksidente na iyon.
Nasasaktan ako na makita siyang ganito, ang daming tubo sa katawan.
Walang malay, hindi maka galaw. Pero gano'n pa man, nandito pa rin ako.
🎶Kung mababago ang landas na tatahakin ko
Ikaw pa rin ang hahanapin ng puso ko
Sa bawat sandaling kasama kita
Binigyan mo ng buhay ang aking mundo🎶
"Natatandaan mo ba noong unang araw na nagka kilala tayo? Nabuhusan mo ako nang malamig na juice, bumakat iyong panloob ko sa puting polo ko kaya napilitan ka na hubarin ang t-shirt mo para takpan ang katawan ko." Tumatawang kuwento ko sa kaniya, habang inaalala ang nakaraan.
Pero ganoon pa rin, wala pa rin akong makita na pagbabago sa iyo.
🎶Dumadaan ang araw
'Di mo namalayan naubusan ka ng oras
Pwede bang humiling
Isa pang araw na ikaw lang ang kasama
Kulang na kulang ang panahon
'Di sapat ang meron tayo ngayon
Pwede bang humiling isa pang araw🎶
"Oras na," sabi ng lalake sa aking likuran.
"Babe, gumising ka na," bulong ko, hindi ko na mapigilan ang pagtulo ng luha mula sa mata ko.
Pinipilit kitang yakapin, baka sakaling maramdamam mo na nandito ako at kailangan mo na lumaban para sa akin.
"Babe," bulong ko sa tenga mo, halos humagulgol na ako..
Humarap ako sa lalake na nasa aking likuran,
"Isa pang araw," bulong ko sa kaniya, kahit luhaan.
Ngunit isang yuko lamang ang ibinigay niya.
"Henry!" Sigaw ko baka sakaling marinig pa niya ang boses ko.
🎶Hindi ko napansin unti-unting nawawala
Ang kaba sa 'king dibdib
Bawat minutong nakapiling kita
Tumatapang ako nang dahil sa 'yo🎶
"Henry," bulong ko nang makita kong gumalaw ang mga mata mo.
Napangiti ako habang lumuluha.
Agad kitang niyakap at hinalikan, kasabay nang pagbukas ng mga mata mo.
Lalo akong nasaktan nang makita ko ang mga luha mo habang naka titig sa akin.
Pinilit kong ngumiti, para sa'yo.
Para sa'yo, sa pag gising mo.
Kung maari lang akong humiling ng isa pang araw,
Isa pang araw para makasama kita.
Kaya lang oras na,
Hinawakan ko ang mukha mo at hinalikan ang mga labi mo,
Sa huling pagkakataon,
Napuno nang luha ang mga mata mo habang tinititigan ang unti-unti kong paglaho.
🎶Dumadaan ang araw
'Di mo namalayan naubusan ka ng oras
Pwede bang humiling
Isa pang araw na ikaw lang ang kasama
Kulang na kulang ang panahon
'Di sapat ang meron tayo ngayon.🎶
-Anino✍