Noong nasa third year college ako, atat itong mga kaklase namin na taga probinsiya na mag ghost hunting kung saan-saan. Since lumaki nga ako sa Baguio, tapos may mga paniniwala pa na marami ngang mga nilalang na ganoon sa amin.
One time, nagkukuwentuhan sila tungkol sa multo na nasa apartment nila.
"Taragis pre! Bigla na lang nag la-lock pinto ng cr sa labas, kahit nasa loob naman ang pindutan,"
"Paano 'yon?"
"Aba! ewan ko, kayo naka tira doon eh,"
"Gusto ninyo kausapin natin?"
"Gagi, iyong paramdam nga lang takot na kami, gusto pa ninyo kausapin?"
"Eh baka naman sira talaga iyong lock ng pintuan ninyo?"
"Gagi, naka tatlong palit na kami ng doorknob,"
"Ilang buwan na ba kayo doon?"
"Tatlong buwan,"
"Aba, matindi, monthly nagpapalit ng doorknob,"
"May pabrika 'pre!" sila, at nagtawanan.
"Seryoso nga pre, may alam ba kayo na puwedeng gawin?"
"Pre, kung 'yon lang naman prob ninyo, hayaan n'yo na,"
"Hindi lang 'yon, minsan bigla na lang nahuhulog mga bagay sa sala. May nagkakalat sa gabi, patay sindi ang ilaw,"
"Ah, 'lam ko 'yan pre, siguro dating jowa ng kuya mo, may galit," sila ulit
"Pre, no joke kasi 'yon,"
"Pre, gusto mo mag spirit of the glass tayo?"
"Iyon nga sabi nila eh, baka raw may gustong iparating,"
"Ella, sama ka?" tanong nila sa akin
"Saan nanaman?" tanong ko
"Sa bahay nila Kuya Omar,"
"Anong gagawin?"
"Kakausapin iyong multo," sabay tawa
"Noong huli isinama ninyo ako doon sa chicks na isinabit, ngayon naman multo sa apartment,"
"Sige na Ella,"
"Hoy! Rex, hindi ako exorcist noh," sagot ko
"Eh saka lang naman kasi may nagpapakita kapag kasama ka namin,"
"Tigilan ninyo ako ha, busy ako,"
"Ano ba kasi ginagawa mo?" sila
"Iyong pinapagawa ni Mojacko na program, hindi ko pa tapos," sagot ko.
"Ako na gagawa," sagot ni Roy
"Hindi na ako na,"
"Sige na kasi Ella, wala naman itong third year reP natin eh,"
"Sige na nga, ihahatid ninyo ako pauwi ha,"
"Oo," sagot nila sabay-sabay
"walang spirit of the glass ha,"
"O-oo," si Roy
Kinagabihan
"Pasok ka Ella," si Roy
"Nandito na si Ella,"
"Ay, ano 'yan? Spirit of the glass?" gulat na tanong ko.
"H-hindi po ako naglalaro niyan eh," ako
"Sige na Ella, tutal nandito ka na," ang ate niya
"Bawal po ako diyan eh," sagot ko
"Bakit?"
Hindi ko masabing sarado na ang third eye ko, at sa gagawin nila muli ko lang ulit itong bubuksan.
"Sige na upo ka lang dito," siya ulit.
At inumpisahan na nga nila ang ritual,
"Spirit of the glass are you in?" sila
habang tinititigan ko lang ang baso na nasa gitna ng namin. Naka squat lang kaming lahat sa floor. Walang daliring naka dikit.
Nang bigla na lang tumumba ang baso.
"Oh my God!" sigaw nila sabay tayo.
Kinuha ko ang baso at ibinalik sa gitna.
"Walang aalis, inumpisahan ninyo ito tapusin ninyo," sabi ko
at isa-isa na nga silang nagsibalik sa pagkaka upo. Siksikan.
"Isara na ninyo," utos ko.
At tinapos na nga nila.
"Hoy! Ano 'yon?" tanong nila.
"Akala ko ba walang spirit of the glass? Hindi ba ninyo alam na lalo lang kayong nagtawag?" tanong ko.
"Ella, ihi tayo," si Jen
"Sama ako," si Weng
"Sira talaga kayo, may balak pala kayong gano'n dapat hindi ninyo ako pinapunta," sabi ko.
"Hindi rin namin alam, wala kaming idea," sila.
"Ella, hindi ko mabuksan ang pinto," sabi ni Jen.
"Paano? Eh nandito sa loob ang lock?"
lumapit ako at hinila. Umiikot ang doorknob pero ayaw magbukas.
"Baka may humihila sa labas," si Jen
"It can't be, hindi dapat siya maikot," ako
"Oh my God! Help!" sigaw ng dalawang kasama ko.
Kinakalabog na namin ang pinto sa loob ng cr.
"Bakit hindi nila tayo naririnig,"
Sige pa rin kami sa pag kalabog, siguro inabot na kami ng thirty minutes sa loob.
Nang bigla na lang ito magbukas ng walang, agad na kaming nagtakbuhan palabas.
"Ano nangyari sa inyo?" tanong nila
"Hindi ba ninyo kami naririnig?" tanong ko
"Hindi, nagtatawanan na nga kami dito kasi ang tahimik ninyo sa loob eh," sila.
Pagka uwi ko ng bahay, Agad akong naka tulog kasi 11:30 na 'yon ng gabi.
Hindi ko alam kung nananaginip ako, basta naka higa ako sa kama.
Tapos nakita ko iyong babaeng naka uniporme ng kulay puti na nilapitan ako habang nakahiga sa kama. Galit na galit siya, hinila niya ang kamay ko at inipit pataas sa ulo ko. Tapos nagsalita siya.
"Ano, gusto n'yo pa? Gusto n'yo pa, ha?" tanong niya.
Hindi ako maka galaw, takot na takot ako.
"Ella, Ella!" boses ng daddy ko.
"Binabangungot ka," sabi niya at binuksan ang ilaw.
Umiyak ako sa takot.
Kinaumagahan,
"Kuya, nakita na ba ninyo iyong nagmumulto sa apartment ninyo?" tanong ko.
"Ako, hindi ko pa nakita. Iyong mga babae nakita na nila,"
"Gusto mo kausapin girlfriend ko?" siya ulit
"Ate, ano po itsura noong babae?" tanong ko.
"Basta naka puti siya, parang estudyante," siya
"Opo, parang uniform ng dentistry or PT," sabi ko.
"Nakita mo?" gulat na tanong niya.
"Sinundan po niya ako kagabi, iyon po bang kuarto ninyo kulay puti ang beddings tapos kulay blue ang kurtina?" tanong ko ulit.
"Sh**, sh**," mura niya. At hinila ako papasok ng silid nila.
Iyong nakita ko sa panaginip, iyon mismo ang itsura ng silid nila.
*PRAY
-Anino