Chereads / Heal My Wounds Once Again / Chapter 17 - Ezekiel's POV

Chapter 17 - Ezekiel's POV

Ezekiel's POV

Anim na taong gulang palang ako nung nahiwalay ako ni lola kay mama't papa dahil lagi silang nag-aaway dahil sakin, naiistress sakin si mama lagi kapag nakikita niya ako, si papa naman binubugbog ako lagi sa tuwing magkakamali ako ng unti.

Isang beses nabasag ko yung plato ng hindi sinasadya at biglang pumunta sa kusina si mama.

"'Yan, nakabasag ka nanaman ng pinggan, nagtatanga-tangahan ka nanaman" pananakit na sinabi sakin ni mama at pinapulot sakin yung nabasag na plato. "Pulutin mo 'yan!" sabi pa niya at pumunta ako sa bakod namin sa likod para kumuha ng walis at daspan. Mas lalong nagalit sakin si mama dahil nagdala ako ng walis at daspan para linisin yung mga bubog. "Huwag na 'wag mong gagamitan ng walis at daspan 'yan, pulutin mo 'yan gamit ang dalawa mong kamay! Bilisan mo" pasigaw pa na sinabi sakin ni mama 'yun kaya sumagot na ako.

"Bakit ko naman po pupulutin ang nabasag na plato gamit ang dalawang kamay ko, ma?" nagmamakaawang boses ko, walang ibang sinabi sakin si mama kundi...

"Susumbong kita sa papa mo para mapalo ka ulit, gusto mo 'yon" pagbabanta pa niya sakin at pinulot ko nalang ng mabilisan ang mga bubog at pumunta na ulit sa sala si mama. Nang pupulutin ko na ang maliliit na bubog ay nasugatan na ako, hindi na ako nagreact kase alam ko naman na kapag nagreact ako ay pagagalitan nanaman ako ni mama. Dali-dali ko na lang kinuha yung walis at daspan sa tabi ko at winalisan ko nalang, hindi ako napansin ni mama kaya nawalisan ko yung bubog. Iniwan ko yung daspan dun sa bakod namin sa likod at pumasok na sa kwarto ko at naglaro ng videogames.

Nang maghahapunan na kami ay biglang sumigaw si mama.

"EzekiELLLL!" sigaw ni mama at nagukat ako. Dali-dali akong bumaba at tiningnan ako ng masama ni mama.

"Tingnan mo, iniwan mo yung daspan na puro bubog dito! Tingnan mo! Nasugatan na yung malinis kong paa, kakamanicure lang niyan kanina!" sabi pa sakin ni mama at sinabunutan niya ako.

"Aray ma! Masakit!" sabi ko sa kanya pero 'di pa rin niya ako binitiwan.

"Masakit? Hindi mo ba alam kung magkano ang magpamanicure haa?" tanong pa sakin ni mama na nagtitimpi ang boses.

"E-ehhh kase ma ehh, wala yung basurahan natin ehh, kaya diyan ko nalang nilagay" sagot ko pa sa kanya kahit na napapaaray na ako sa paghawak niya at paghila sa buhok ko.

"Edi gumawa ka ng paraan, ganon lang naman 'yun 'di ba?" dagdag tanong pa niya na nagtitimpi ang boses at tumango nalang ako't inayos ko nalang ang bubog.

Bakit? Bakit wala akong kakampi dito sa bahay na ito.

Simula ng umalis sina tito at tita sa bahay na ito nag-iba ang ugali nila mama, parang lagi nalang nila akong pinapalo kahit na walang dahilan, parang sakin nila binubuhos ang galit nila. Sa tuwing maggalit sila sa akin, nung nandito pa sina tito at tita ay hindi ako pinapalo ni mama, ang bait niya sa ibang tao pero iba sakin.

Limang taong gulang palang ako nung ginagawa na sakin nina mama't papa 'yun simula ng umalis sina tito at tita.

Walang lumilipas na araw na 'di nila ako pinapalo.

Isang beses dumalaw si tito at tita sa bahay at kinumusta ako.

"Oh, Ezekiel, tumangkad ka ng kaunti ah—ba't ka may sugat sa paa?" nag-aalalang tanong ni tita sakin. "Pati s mga braso at.." sabi pa ni tito at tinaas niya yung damit ko "Pati rin sa katawan, ang dami mong peklat at may mga sariwa ka pang sugat ahh" sabi pa ni tita. Biglang sumagot si mama sa kanila na halatang pinagtatanggol niya ang sarili niya at si papa.

"Ang hilig kaseng maglaro niyan sa labas ehh, 'yan laging nadadapa, haha" sabi pa ni mama na may tawa sa bandang hulihan. At tumawa rin sina tito at tita.

"Ahhh, haha, dapat kase nag-iingat ka~" payo' pa sakin ni tita at hindi na ako sumagot at pumasok nalang sa kwarto ko.

"Magmeryenda na muna kayo" pang-aalok pa ni mama sa kanila.

Habang nasa kwarto ako ay natulog nalang ako, parang nagsisisi ako na 'di ko pa sinabi kina tito at tita dahil sa takot ko. Muli akong lumabas ng kwarto at hindi ko na nadatnan sina tito at tita sa baba, naisip ko na umalis na sila kaya pumasok nalang ulit ako sa kwarto. Nang nasa kwarto na amo ay bigla kong narinig ang boses ko na nagmula kay tita. At ngumiti ako.

"Ezekiel, halika nga rito!" sigaw ni tita sakin at bumaba ako agad.

Akala ko nandun si mama pero wala siya, kasama siya ni tito na pumunta sa palengke para bumili ng ulam, naisip ko na matagal mamili si mama kaya 'eto na yung pagkakataon para sabihin ko kay tita kung anong klaseng pagtrato ang ginagawa sakin ni mama't papa.

"Kakausapin kita ng masinsinan, ano ang totoong nangyari diyan sa mga sugat mo?" masinsinang tanong ni tita at napatulala ako. Hindi ko siya masagot, paluha na ako, wala akong masagot kay tita, hanggang sa bigla na lang akong umiyak at sumagot.

"Ehh kase tiTa, si-Si-sIla.. MamA! TsA-TsakA Si paPA! LaGi ni-ni-niLa AkOng pinApAlO sa tuwinG magKakamAli akO ng Ka-ka-k-UnTi, si-simula Na-Na-ng u-umaLis kayo, Tita, waLA na SilAng Ginawa saKin kunDi ay Paluin AkO ng PaluiN kahit na wa-walang dah-Ilan. Sa-sakin nila binubuhos Ang GAliT nila, LaGi na Lang, aRaw-Araw na LanG." sabi ko kay tita at umiyak rin siya, naawa siguro siya sakin kaya umiyak rin siya. "Tita, pwede po Bang... Dito nalang Kayo mAtulOg sa Bahay." pakiusap ko sa kanya.

"Oo, dito kami matutulog para sayo, para na rin 'di ka rin paluin" sagot pa ni tita.

Sa wakas may kakampi na rin ako, kaso lang may limitasyon rin, 'pag dating ng kinabukasan ay aalis rin sila. At sa wakas..

Nasabi ko na rin yung matagal ko nang gustong sabihin sa kanila.