Chereads / Heal My Wounds Once Again / Chapter 16 - Hindi pa ngayon

Chapter 16 - Hindi pa ngayon

"Si Dark... Siya ang kaibigan ko nung bata pa ako. Naiinggit siya sakin dahil sa mas malakas at masmagaling ako sa kanya..." kwento ng kuya ni Gin sa kapatid niya.

"Tapos?.." tanong pa ni Gussion sa kuya niya.

"Tapos na." naka-ngiting sinabi ni Gin kay Gussion.

"eh, ganon lang 'yun kuya?" tanong ulit ni Gussion.

"Haha 'di ko na rin kase masyadong maalala eh, kaseee, mgaaa seven years na rin 'yun eh" sagot pa nito.

"Ahhhh" pag-hanga ni Gussion.

Pasensiya na Gussion. Hindi pa ngayon ang tamang panahon para sabihin ko sa'yo 'yun. Hintayin mo nalang ang tamang panahon para sabihin ko sa'yo ang lahat. Lahat-lahat, kung ano ang totoong nang-yari kina mama't papa, at kung sino ka ba talaga at kung anong klaseng nilalang ka. Sabi pa ni Gin habang nakahiga sa kama at sinusubukang matulog.

"Si kuya Dark, kaibigan siya ni kuya, eh? Ba't parang isang villain si kuya Dark? Wait nga, tanungin ko nga si kuya." bulong pa nito at pumunta sa harap ng kwarto ni Gin at kinatok.

"Kuyaa" sigaw nito habang kumakatok.

"Oh, bakit?" sagot ni Gin sa kanya.

"Kuya, si kuya Dark ba, isa nang villain?" seryosong boses ang narinig ni Gin mula kay Gussion kaya nagulat ito.

"Ahh, ehh, Ohhh. Oo eh" sagot nito sa tanong ng kapatid niya.

"Ok, matutulog na ako kuya. Good night~" pagbati nito sa kuya niya at pumasok na sa kwarto niya't natulog na.

"Takeshi, ok ka lang? Ba't may ban aid sa pisngi mo?" nag-aalalang tanong ni Kyla sa kanya.

"Haha, teka, 'di naman tayo close para kausapin mo ako ng ganyan, 'di ba?" sabi ni Gussion kay Kyla at tumawa si Ezekiel sa sinabi nito. At umalis si Kyla ng nakasimangot.

"Gussion, sa thursday at sa friday na yung 3rd periodical test natin?" tanong ni Ezekiel sa kanya habang nakaupo sila sa upuan nila sa bandang likod.

"Oo, neexcite na ako, gusto ko ng makapag-grade six tapos ga-graduate ako ng nakasuot ng toga tapos isusuot sa'kin ni kuya yung medalya na pinaghirapan ko" pagbabahagi ni Gussion kay Ezekiel at nakatingin lang ito kay Lisa. "Haha, kapag niligawan mo si Lisa, dapat highschool na tayo nun, tapos bigyan mo siya ng maraming chocolate." payo pa ni Gussion at nginitian siya ni Ezekiel. Saktong dumating si Chelsea at niyakap si Gussion.

"U-uoy, Chelsea?" tanong ni Gussion at tinawanan siya ni Chelsea. Nakita ni kyla na niyakap ni Chelsea si Gussion at nagalit ito.

"Buti naman at magaling ka na" masayang sinabi ni Chelsea ito at binitiwan na niya si Gussion. Parang ang manhid ni Gussion, 'di manlang siya nag-blush o kinilig manlang.

Nang pumasok na si Gussion ay masaya na ulit silang tatlo hanggang sa nag-exam na, 3rd periodical test.

"Sana mapasa namin 'toh" bulong ni Chelsea at tumawa ng kaunti ang dalawa nitong kaibigan.

"Sana nga, ilang minuto nalang mag-eexam na." dagdag sabi pa ni Gussion.

At nag-simula na nga ang 3rd periodical test. Matapos ang dalawang araw ng pagte-test, isang linggo ang nakalipas at nagtinginan na ng card.

"Pasado kaya ako?" sabay na binulong ng tatlong bata.

Makalipas ang ilang minutong pag-silip na card nila ay natuwa ang tatlong bata.

"Yes!" sabay na sinabi ng dalawang bata at ngumiti si Gin at si Lann.

"Matalino at masipag talaga yung kapatid mo." bulong ni Lann kay Gin at nginitian siya nito.

"Oo nga ehh" sagot pa nito.

"Nag-mana kase sayo ehh." pambobola pa nito.

"kuya, naka 89 average ako, si Chelsea naman 88, tapos si Ezekiel naman, haha 79 haha ambaba ng grade niya." nakangiting binahagi ito ni Gussion.

Ezekiel's Side.

"Bagsak ka nanaman! Puro ka kase kalokohan ehh" sigaw ng mama ni Ezekiel sa kanya.

"Hayaan mo na, malay mo. Ine-enjoy niya lang yung kabataan niya, mal, 'wag ka na magalit, pumasok ka na muna sa kwarto mo." paglalambing na sinabi ng papa ni Ezekiel para kumalma ang mama nito.

"Opo." sagot pa ni Ezekiel at pumasok sa kwarto niya at...

Umiyak ito.

Bakit?! Bakit lagi nila akong pinapagalitan samantalang sila naman lahat may kasalanan! Ibang-iba ang trato nila sakin kumpara sa dalawa kong kaibigan, kaya ayaw ko dito! Para lang akong alipin sa kanilang dalawa. Sabi ni Ezekiel sa isipan niya habang umiiyak. Ayoko na dito lola, mas gusto ko pang manirahan nalang diyan sayo kesa kina mama't papa.