Chereads / Operation: Taming the Bad Girl! / Chapter 19 - SIKSTIN - Simpleng Kaligayahan

Chapter 19 - SIKSTIN - Simpleng Kaligayahan

From: Marry my Jane :">

Huy! Punta ka dito. Boring, e. Wala akong masabunutan.

'Yan ang natanggap kong mensahe mula kay MJ habang nakatutok ako sa harap ng laptop ko. Sabado ngayon at ang balak ko lang sana ay manunuod ng anime na tinatapos ko pero mukhang magbabago dahil sa text niyang 'to.

To: Marry my Jane :">

Wala ba sina Tita d'yan? Ikaw lang mag-isa?

Reply ko habang tumatayo at inililigpit na ang laptop ko. Nakita kong alas kwatro ng hapon na pala. Hindi ko napansin ang galaw ng oras.

From: Marry my Jane :">

Sasabihin ko bang boring dito kung may kasama ako? Duh! Umalis sila. Nag-grocery ata.

To: Marry my Jane :">

Nagtatanong lang naman! Masyado kang highblood. Sige. Punta ako d'yan.

Agad na akong naghanda para makapunta na ako sa kanila. Naligo ako saglit saka mabilis na gumayak, matapos ay hinanap ang susi ng kotse ko para makaalis na. Oo, okay na ulit ang kotse ko at hindi na rin ako grounded.

Bumaba ako at nadatnan ko sina Mama at Papa na magkatabing nanonood sa sala. Humalik ako sa pisngi ni Mama na ikinagulat niya.

"O? Aalis ka?" kunot noong tanong niya nang makita ang ayos ko.

"Opo. Pupunta lang ako kina MJ," nakangiting sagot ko saka tumingin kay Papa. Tumango naman siya bilang sagot.

"Ganun ba? Kung ganon e magdala ka ng mga cookies! Nag-bake ako kanina—ay ako na lang pala ang kukuha." Tumayo si Mama at patakbong nagtungo sa kusina. Napangiti na lang ako at napaupo sa kaninang inuupuan niya sa tabi ni Papa.

"Pursigidong pursigido ang bunso ko, ah. Isang tawag lang sa'yo, punta ka na agad." May himig ng tuwa at konting pang-aasar ang tono ni Papa, bagay na ikinatawa ko. "Wala, e. Tinamaan po ako. Sobra."

Humalakhak siya at tinapik ako nang bahagya sa balikat. "Basta anak, ingatan mo ang puso ng babaeng 'yan. Sila kasi 'yung mga taong napakahirap abutin at napakahirap ding pakawalan."

Tumango ako. "I know, Pa. Dahil para siyang si Mama. Magkatulad nga ata talaga sila." Pareho kaming natawa sa sinabi ko na siya namang pagpasok ni Mama na may dala nang garapon na may lamang cookies.

"Ingat sa pagda-drive, ah. Kakakuha mo palang ng kotse mo." Paalala niya saka ako kinurot ng mahina sa tagiliran ko. Napangiwi ako pero natawa na rin. "Opo."

Nagpaalam na ako sa kanila saka nagtungo sa garahe para sa aking kotse. Mukha itong bago dahil kapapalit lang ng mga parteng nasira dito nang mabangga ako. Makinis at makintab ang katawan nito, ang mga gulong ay puro bago din at itim na itim. Ang cover ng mga upuan ay pawang amoy bago dahil nga kapapalit lang ng mga ito. Mahigpit kong hinawakan ang manibela nito at napapangiting ini-start ang makina nito. "Here we go." Then I sped off to the road all the way to their house.

To: Marry my Jane :">

Nandito na ako sa tapat ng gate niyo. ;)

Text ko at ilang sandali lang ay lumabas ang isang babaeng naka-nerd glasses na bahagyang gulo gulo ang buhok. Naka-oversized shirt na may tatak na Lakers, naka-shorts na natatakpan naman ng kanya t-shirt sa sobrang haba nito at tsinelas na may design na rabbit.

"Anong meron sa pormang jejemon mo?" kunot noong tanong ko habang pinapasadahan siya ng tingin. "Kulang nalang, jeje cap pwede ka nang tumambay dun sa kanto." Natatawang sabi ko.

"Alangan namang mag-gown pa ako e ikaw lang naman ang kasama ko?" ismid niya. "Tsaka, nasa bahay lang naman ako, ah! Kailangan ba lagi akong naka-porma?" aniya habang binubuksan ang gate nila. Agad kong ipinasok ang kotse ko at nag-park katabi ng motor niya.

Nang bumaba ako ay nakapasok na siya sa loob nila kaya naman sumunod nalang ako. "Kanina pa ba umalis sina Tita?"

"Oo ata. Nakatulog kasi ako, e. Kagigising ko lang," balewalang sagot niya habang panay ang lipat ng channel sa tv. "Upo ka dito, o." Inginuso niya ang bakanteng espasyo sa tabi niya na agad ko namang tinungo. Nang makaupo ako ay nabigla ako nang bigla siyang umunan sa hita ko.

"Ang hilig mong umunan sa hita ko, ah. May sa pusa ka ba?" natatawang sabi ko.

"Nye nye. Oo na pusa na. Meow meow." Aniya na may bahid ng pang-aasar. Nakatoon pa rin ang kanyang tingin sa tv.

"Ano bang gusto mong gawin? Nagpapunta ka dito ta's gagawin mo lang pala akong unan." Nagtingin tingin ako sa mga librong nakakalat sa lamesa nila na puro librong wattpad. Tinitingnan ko kung anong pwede kong basahin habang nagpapaka-unan ako sa kanya.

"Di ko nga alam, e. Kanina pa ako nag-uumikot dito pero wala akong maiisip na gagawin." Muli niyang ilipat ang channel at kinuha ang Pringles na nasa lamesa. Dumukot siya doon at kinain 'yon nang hindi naaalis ang tingin sa tv.

"E kung ganon, anong gagawin natin? Magja-jack en poy?" tanong ko naman. Napatingin siya sa'kin na may bahid ng pagkabigla. Aktong isusubo niya ang piraso ng Pringles kaya half open ang bibig niya habang nanlalaki naman ang mga mata niya.

"Hoy, Felix! Anong jack en poy ka dyan?!" pasigaw niya saka bumangon. "Porket tayo lang dalawa dito ite-take advantage mo na ako! 'Kuuu!" Lumayo siya sa'kin at tinitingnan ako na para bang may gagawin akong masama. Bagay na ikinakunot ng noo ko.

"Huh? Anong bang sinasabi mo? anong masama sa—ahh. Gets ko na." Ako naman ang tumingin sa kanya na may bahid ng pagdududa at pang aakusa.

"Anong tingin 'yan?! Hoy Felix, umayos ka ah! Tatamaan ka sa'kin!" banta niya saka iniumang ang kamao niya.

"Ako pa talaga ang sinabihan mo niyan e ikaw nga 'tong kung ano ano ang iniisip sa sinasabi ko," depensa ko. " Napapala ng kababasa ng puro Gen. Fic, e. Nilulumot ang utak!" sabi ko at napahagalpak ng tawa. Ang totoo niyan, nung minsang nahawakan ko 'yung tab niya, nakita ko 'yung libraries niya na may mga SPG stories. Haha! 'Wag kayong maingay ah!

Nakita ko ang pagpula ng mukha niya, saka siya umirap at nag-iwas ng tingin. "Hoy! Hindi ah! Ano lang... basta! Akala ko kasi 'yun 'yung tinutukoy mo e!"

Natawa't napailing ako. "'Yan kasi. Tongkat Ali pa! Hahaha!"

-------

Lumipas ang oras na kami lang dalawa ang magkasama. Hindi pa rin niya kasi alam kung saan nagpunta sina Tita. Pasado alas siete nang makaramdam kami ng gutom kaya naman nagtungo kami ng kusina para humanap ng makakain. Nang mapadako sa pinto ng ref nila ang mata ko ay nakakita ako ng isang note na nakadikit gamit ang magnet.

'Aalis kami ng Papa mo today. May aasikasuhin lang kami at mukhang matatagalan. Siguro mamayang gabi pa ang dating namin. May pagkain sa ref, iinit mo nalang.'

-          Mama

"May note 'yung Mama mo, o," lumingon ako sa kanya, "Di mo nabasa?" tanong ko at lumapit siya.

Matapos basahin ay umiling siya. "Hindi, e. Hindi ako nagawi dito sa ref, e," aniya saka binuksan ang ref. "Uy! Chicken!" nakangiting bulalas niya saka inilabas ang naka-foil na chicken daw. "Solb solb tayo dito! Haha!"

Napangiti nalang ako sa reaksyon niya. Tiningnan ko din kung may kanin sila, meron naman. "Gusto mo ng fried rice?" tanong ko habang nakabantay siya sa manok na iniinit niya.

"Ikaw magluluto?" nanlalaking matang tanong niya.

Tumango ako. "Madali lang naman, e."

"O sige ba! Tingnan nga natin!" nanghahamong sabi niya.

Agad ko namang sinimulan ang pagdurog sa kanin at pagtadtad ng bawang. Nang maihanda na ay kinuha ko ang kawali saka isinalang sa kalan. Nilagyan ng mantika at inantay na uminit ito. Buong panahong ginagawa ko 'yon ay nakamasid sa'kin si MJ. Para bang minomomitor ang bawat galaw ko. Bumaling ako sa kanya habang hihalo ang kanin. "Ikaw ba? Marunong ka bang magluto?"

Tumango siya at namaywang. "Oo naman! Hindi naman ako batugan 'no! Kaya kong magluto kung gusto ko!" proud na sabi niya. Natawa ako.

"Oo't hindi lang ang sagot, ang dami mo nang sinabi." Tinikman ko kung ayus na ba ang lasa ng fried rice na niluluto ko at nang malasahang okay na ito ay hinango ko na. "Ok na 'to. Penge nalang ng plato."

Inabutan niya ako ng plato at agad kong sinalinan 'yon ng fried rice. Fried rice sa gabi? Just wow. Natatawang sabi ko sa sarili ko. Nang malagyan ko na ng kanin ang mga plato ay sakto namang tumunog ang Microwave senyales na handa na ang manok. Inilabas niya ito at tuwang tuwang pinagmasdan ang manok. "Ok! Tiba tiba na naman ako nito!"

"Chibugan na!" pasigaw ngunit nakangiti niyang sabi habang nakataas pa ang dalawang kamay na may hawak na kutsara't tinidor. Agad niyang itinusok ang tinidor sa manok at kumuha ng malaking bahagi no'n. Natatawa nalang ako habang pinapanood siya. May pagka-childish din naman siya, di lang puro siga.

"Dahan dahan sa pagsubo. Para kang mauubusan." Nangingiting puna ko dahil panay ang pagsubo niya ng kanin at ulam. Alam niyo 'yung parang kasali sa boodle fight? Gano'n! At kitang kita ko kung gaano siya kalakas kumain.

"Asus! Di ka pa nasanay sa'kin! Ganito din naman ako kumain sa school, ah!" aniya habang punong puno ng kanin ang bibig. Inubo siya dahilan para mataranta ako at agad na nagsalin ng tubig para sa kanya. "Wag ka kasing nagsasalita ng may laman ang bibig!"

Agad naman niyang inabot ang isang basong tubig at inubos ito. Nang mahimasmasan siya ay ngumiti pa siya sa akin. "Sarap ng fried rice mo! Napapadami ang kain ko!" aniya saka tumawa.

Napangiti naman ako dahil nagustuhan niya. "Sige. Next time ipagluluto pa kita. Basta ituturo mo rin sa'kin 'yung mga alam mo ah?"

"O sige ba! 'Yun lang pala, e!" sagot niya saka ipinagpatuloy ang pagkain.

Nang matapos kaming kumain ay syempre, may dapat hugasang mga plato't kasangkapan. This time, totoong nag-jack en poy na kami... sa kung sino ang maghuhugas. At dahil nga malas ako sa ganito, ako pa rin ang naghugas ng mga plato.

"Practice practice din 'pag may time!" halakhak niya. "Sa sala lang ako, ah. Sunod ka nalang." Aniya at tumango ako.

Habang naghuhugas ako ng mga plato, isang bagay ang pumasok sa isip ko. Para kaming mag-asawa. Anak nalang ang kulang at pwede na!

Pero syempre, alam ko namang hanggang imahinasyon ko lang 'yon... sa ngayon. Ni hindi ko pa nga napapasagot, asawa na agad? One step at a time, ika nga nila.

Nang matapos ako sa paghuhugas ay nagpunas ako ng kamay sa basahan na nakasabit sa pinto ng ref nila. Matapos ay sumunod na ako sa sala at nadatnan ko siyang naka-upo sa sahig at naggigitara. Umupo ako sa tapat niya at pinagmasdan ang chords na tinutugtog niya.

"Anong kanta 'yan?" tanong ko habang pinagmamasdan pa rin ang kamay niya.

"Wala. Random lang," kibit-balikat niya at ipinagpatuloy ang pagtugtog. Dahil nga random chords lang ay hindi ko malaman kung ano bang kanta 'to.

"Ay! Teka, alam mo ba 'yung Way Back Into Love?" Nag-angat siya ng tingin at tumingin sa akin.

"Medyo. Bakit?" takang sagot ko.

Ngumiti siya at patuloy na nag-strum. "Sabayan mo ako, ah. Duet kasi 'yon. Tsaka..." Sinimulan niyang tugtugin ang intro, "Pakinggan mo rin 'yung lyrics nito," kasunod ang pagsabay niya ng pagkanta dito.

"I've been living with a shadow overhead,

I've been sleeping with a cloud above my bed,

I've been lonely for so long,

Trapped in the past,

I just can't seem to move on!"

Pinakinggan kong mabuti ang bawat lyrics ng kanta, tulad ng sabi niya. At nang unti unti kong maintindihan ang nais niyang iparating, wala na akong ibang nagawa kundi ang mapangiti habang pinagmamasdan siyang tumugtog at kumanta.

I've been hiding all my hopes and dreams away,

Just in case I ever need 'em again someday,

I've been setting aside time,

To clear a little space in the corners of my mind!"

Habang patuloy siya sa pagkanta ay patuloy din ako sa pagdama sa tinig niya. 'Yung boses niya kasi 'yung isa sa mga bagay na pinakagusto ko sa kanya. Ang sarap pakinggan. Hindi nakakasawa at hindi rin nakakarindi. Bawat bigkas niya ng lyrics ay parang siya talaga ang kumanta nito. Kung pwede lang i-record ay gagawin ko. Saka ko gagawing ringtone.

Nang marating niya ang chorus ay sumabay na ako. Bagay na ikinabigla niya pero ngumiti din at nagpatuloy pa.

All I wanna do is find a way back into love.

I can't make it through without a way back into love.

Ooo hooow

Itinuloy tuloy namin ang pag-duduet namin, bagay na talaga namang ikinatuwa ko. Bukod kasi sa naririnig ko siyang kumanta, e siya pa ang naggigitara. Alam kong magaling siyang tumugtog nito, idagdag pa na maganda rin ang boses niya. Minsan kasi 'pag nagkukwentuhan kami sa school o kahit saan man, pag may dalang gitara 'yung isa, simula na ang tugtugan nila. Pero iba pa rin 'yung pakiramdam na ikaw lang ang nakakakita't nakakarinig sa pagtutog at pagkanta niya.

Pakiramdam ko napaka-special ko dahil tanging ako lang ang kasama niya ngayon. Pakiramdam ko ako ang hinaharana.

Nang matapos ang kanta ay binigyan niya ito ng isang huling pag-strum, matapos ay ngumiti siya sa'kin. "Improving ang boses mo ah. Konting practice pa pwede na tayong rumaket sa mga bar!"

Natawa ako. "Edi ikaw na may magandang boses."

"Naman! Proud ako d'yan!"

------

Kwentuhan, kantahan, kulitan—'yan ang ginawa namin sa buong oras na magkasama kami. Ni hindi ko nga namalayan ang oras, e. Napatingin nalang ako sa orasan at nakitang alas nueve y medya na ng gabi.

"Wala pa rin sina Mama, ah," may himig ng pag-aalala ang boses niya. Bumaling siya sa'kin at nakita kong nakalabi siya. "Gala tayo? Nababagot na naman ako, e."

Nangunot naman ang noo ko dahil do'n. "Gabi na, e. Saan naman tayo pupunta?"

Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa sofa at nag-inat inat. "Ewan ko. Basta! Bahala na!" aniya saka ako hinila. "Tara!"

Nagpatangay nalang ako sa kanya at sumunod. Nagtungo kami sa garahe nila sa pag-aakalang kotse ko ang gagamitin ngunit hindi. "Magmu-motor tayo?" takang sabi ko.

"Yup! Para makikita natin ang paligid!" aniya saka isinuot sa'kin ang helmet. "Ikaw na magda-drive?" Inilahad niya sa'kin ang susi nito. Napapailing man pero kinuha ko ito at ini-start na ang motor.

"Ready?" tanong ko at bumaling sa gawi niya.

"Yup! Ready na!"

Sakto lang ang bilis ng takbo namin. Ayoko naman kasing magmabilis dahil delikado lalo pa't gabi na. Hindi siya nakakapit sa bewang ko kung 'yon ang iniisip niyo kundi dun sa bakal sa bandang likod. Mautak, e. Haha!

"San'n mo ba gustong magpunta?" tanong ko habang nakatuon ang atesyon sa daan.

"Sa ano... sa... ah! Dun sa lugar na tanaw 'yung city lights!" pasigaw niyang sabi para marinig ko.

"Doon sa pinagdalan ko sa'yo noon?"

"Hindi! Basta! Diretso ka lang! May magandang view d'yan, e," aniya na sinunod ko naman. Ilang minuto pa ay pinatigil niya ako sa isang lugar na may kataasan nga. Katulad din 'to nung pinagdalan ko sa kanya noon, pagkakaiba lang ay hindi ito bakanteng lote kundi isang daanan. Gilid ng kalsada in short. Tanaw din ang siyudad dito na ngayon ay naiilawan ng iba't ibang ilaw na mula sa mga building, sasakyan at kung ano ano pa.

To cut things short, it's a breath-taking view of a city at night.

"Madalas ka ba dito?" tanong ko pagkababa ko ng motor. Nakatanaw siya sa tanawin sa baba at bakas ang pagkamangha sa kanyang mga mata. Umiihip ang banayad na hangin dahilan para umalon alon ang mahaba at maitim niyang buhok. Nakalugay siya ngayon at walang sumbrerong suot kaya naman malayang napaglalaruan ng hangin ang kanyang buhok.

"Medyo. 'Pag na-bobored ako, naglalakad lakad ako. Hanggang sa napunta ako dito at naging tambayan ko na rin 'to," aniya habang hinahawi sa isang gilid ang buhok niya. "Hassle ang long hair! Magpapagupit na nga ako!" asar na sabi niya.

"'Wag! Ang ganda kaya ng buhok mo." Pagtutol ko saka lumapit sa kanya. Pumwesto ako sa likod niya at nilikom ang buhok niya. Saka ko sinimulang itirintas. Nagkakanda lito nga ako dahil hindi ko naman gawain 'to. Nang matapos ay binitawan ko ito. Medyo sabog at maluwag pero pwede na.

Tiningnan niya ang buhok niyang ngayon ay nakatirintas na, matapos ay nagbaling siya ng tingin sa'kin. "Dati kang parlorista 'no?" akusa niya na natatawa.

Natawa nalang din ako at nakisakay sa kanya. "Obvious na ba?" biro ko na ikinatawa niya.

"Sira ka! Sinasabi ko na nga ba, e!" tawa niya sabay hampas sa braso ko.

Nanatili lang kami do'n, nakatanaw sa kawalan. Tanging mga ingay na nanggagaling sa baba at ang huni ng mga insekto ang namamayaning ingay. Nakasandal kaming pareho sa bakal na harang na naghihiwalay sa side walk at kalsada. Wala pang isang metro ang layo ko sa kanya kaya naman panakaw akong tumitingin sa kanya. Habang siya naman ay nakatanaw pa rin sa syudad, parang tinatangay ang isip sa isang malayong paglalakbay.

Tumikhim ako sa humalukipkip. "MJ," pagbasag ko sa katahimikan. Lumingon siya sa'kin na may nagtatanong na ekspresyon. "Bakit ba hindi mo pa ako sagutin? Dun din naman ang diretso nun, e."

Natigilan siya at tila nabigla sa sinabi ko. Maya maya ay iniumang sa'kin ang kamao niya, aktong sasapakin ako. "Luls! Magtiis ka 'no!" aniya. "Tsaka ikaw na rin ang nagsabi na handa kang maghintay!" Lumakad siya patungo sa hagdan at doon umupo. Tumingala siya sa kalangitan at pinagmasdan ang mga bituin na nagniningning. Tumingala din ako at doon ko nakitang may isa pa palang nakakamanghang tanawin tuwing gabi. 'Yon ang kalangitan na napapalamutian ng milyong milyong bituin. Napangiti ako.

Sa katahimikang muling namayani sa pagitan namin ay siya naman ang bumasag. Bagay na ikinabigla kong talaga kaya muntik pa akong malaglag sa kinauupuan kong bakal.

"O sige, tayo na," aniya na talagang ikinabigla ko.

"Talaga?! Seryoso ka?!" hindi makapaniwalang sabi ko. Aba! Sinong hindi matutuwa kung sagutin ka na ng nililigawan mo? Haha!

"Oo." balewalang sagot niya. Lumingon siya sa'kin at may nagtatagong ngiti sa kanyang mga labi. Napatayo ako at tatalon na sana nang biglang niya itong dugdutangan ng, "Break na tayo."

Napatigil ako sa pagsuntok ko sana sa hangin. "B-Bakit? Kasasag—"

"E, dun din naman ang diretso nun, e," aniya saka tumawa ng malakas. Napahawak pa siya sa tiyan niya at napapalo pa sa sahig.

Bumagsak ang balikat ko at marahang lumapit sa kinauupuan niya. Umupo ako sa tabi niya at seryosong tumingin sa kanya. "Alam mo, MJ, hindi ako papasok sa isang bagay na hindi ko kayang tagalan." Seryoso kong sabi na walang ngiti sa aking labi. "Hindi ako papasok sa isang relasyon na good for two days, two weeks o two months lang. In short, hindi kita mamahalin na merong time limit o quota."

Natigilan siya sa pagtawa nang mahimigang seryoso ako. Umayos siya ng upo at tumikhim saka yumuko. "'To naman. Nag-jojoke lang ako, masyado mong sineseryoso."

Napabuntong hininga ako at napailing. "Ayoko kasi na ginagawa mong biro 'yung mga bagay na patungkol sa'tin. Totoo 'yung sinabi kong kaya kong mag-antay. Hindi naman kita minamadali dahil gaya nga ng sabi ko noon, handa akong patunayan sa'yo lahat ng maling bagay na iniisip mo sa mga lalaki. Para naman masabi ko sa'yo na 'di ako tulad nung—"

"Okay. Tama na. Gets ko na. Sorry." Putol niya sa sinasabi ko.

Dumasog ako palapit sa kanya, nang lumingon siya ay nginitian ko siya. "Sa susunod na mag-dedate tayo, gusto ko sa ilalim ng kabute."

Nangunot ang noo niya dahil siguro sa pagiging random ko. I know. One moment seryoso ako, then the next playful na naman ako. Bipolar ba ang tawag do'n o moody? Ewan.

"Huh? Bakit? Anong meron sa ilalim ng kabute?" kunot noong tanong niya, ngumisi ako.

"Para mashroomantic!" sagot ko na binibigyang diin ang 'mashroom'.

Nanulis ang nguso niya dahil sa pagpipigil ng tawa. Maya maya ay napabunhalit na siya at napahampas pa sa braso ko. "Loko! Puro ka kamaisan 'no?" halakhak niya.

Bahagya din akong natawa at lumapit na ng tuluyan sa kanya. Nang makalapit ako ay nabigla ako nang humilig siya sa'kin. Kasunod ay ang pagsandal niya sa balikat ko. Sparks, sparks, sparks! Sigaw ng utak ko.

Humugot siya ng malalim na hininga bago nagsalita. "Akala ko galit ka." aniya.

Itinukod ko ang braso ko para masuportahan siya sa pagsandal niya at napangiti. "Hindi ako galit. Nagpapaliwanag lang."

Buong panahon ng pamamalagi namin do'n, nasa gano'ng posisyon lang kami. Siya na nakasandal sa'kin at ako na napapangiti nalang dahil sa kilig. Hindi ko ikinakahiyang aminin dahil totoo naman. Hindi ugali ni MJ ang bigla nalang makisandal sa kung sino sino kaya naman hindi ko mapaigilan ang pagngiti ko. Hindi ko rin ma-explain ang pabilis nang pabilis na pagtibok ng puso ko. Sa  lapit naming ito ay hindi ko alam kung naririnig ba niya ang pagkabog ng dibdib ko.

Muling umuhip ang banayad na hangin na humaplos sa mukha namin. Napaka sarap sa pakiramdam. Mapakabanayad at napakakalmado ng lahat. Alam niyo 'yung katahimikan ang namamayani pero hindi awkward at nakakainis? 'Yung katahimikan na ang sarap sa pakiramdam kasi... wala... kalmado lang. 'Yun 'yung katahimikang meron kami ngayon.

At dahil nga sa katahimikang 'yon, na kahit mahinang ingay ay maririnig mo, narinig ko ang pagkulo ng tiyan niya. Bagay na ikinatawa ko. Nakatanggap tuloy ako ng mahinang batok.

"'Wag ka ngang tumawa! E sa nagugutom na ako, e!" inis na sabi niya saka lumayo sa'kin.

Natatawa pa rin ako pero tumayo na ako at pinagpagan ang pantaloon ko. Matapos ay naglahad ako ng kamay para maitayo din siya. "Tara na. Gabi na rin kasi baka nasa bahay niyo na sina Tita," sabi ko habang itinatayo siya. "Tsaka para na rin makakain ka na," pang-aasar ko pa sa kanya.

"Che! Tara na at baka ikaw pa ang makain ko!" irap niya saka mabilis na isinuot ang helmet niya.

Natatawang napailing nalang ako at nagkabit na rin ng helmet. Muli akong napatingin sa kanina'y inuupuan namin  at napangiti.

'Yung mga gano'ng sandali ang mga sandaling hindi ko makakalimutan. Dahil sa mga gano'ng sandali, do'n ko nararanasan ang aking simpleng kaligayahan.

Kasama siya. Kapiling siya.

Hashtag KiligToTheBones! Haha!