Chereads / Operation: Taming the Bad Girl! / Chapter 25 - WAKAS - Officially tamed

Chapter 25 - WAKAS - Officially tamed

May mga kwentong nabubuo't nagsisimula sa isang di sinasadyang pagkikita. May mga kwentong umuusbong mula sa mga simpleng asaran at pikunan sa inyong tropa. May mga kwentong sa una'y hirap simulan at pausbungin pero sa huli, kusa nang kumakawala't nagpapakita ang totoong damdamin.

Sa tuwing makakabasa't makakarinig ako ng mga kwentong sa una'y walang kapagkapag-asang masimulan pero sa huli ay sila din ang nagkakatuluyan; mga kwentong masasabi mong mala-fairytale dahil sa kanilang mga pinagdaanan; mga kwentong sinubok man ng panahon ay sa huli sila rin ang nagkasama't nagkatuluyan, isang bagay lang ang pumapasok sa isip ko.

Inggit.

Buti pa sila, naging masaya sa huli...

Buti pa sila... nagkaproblema man pero nagkaayos din...

Buti pa sila... happy ang ending.

Lahat ng 'buti pa sila', pumasok sa isip ko... at kasunod no'n ang isang malungkot na katotohanang hinding hindi ko na ata mararanasan ang bagay na 'yon mula sa taong... sa taong akala ko ay makakasama ko sa pagtanda.

Maraming kwento ang may happily ever after sa huli pero... marami rin naman ang may ending lang, hindi happy.

At isa ang kwento namin do'n.

Ang kwento namin... ay kabilang sa mga kwentong matatawag mong cliché. Cliché hindi dahil sa kami din ang nagkatuluyan sa huli kundi dahil kabilang ito sa mga kwentong hindi nabigyan ng isang happy ending.

Dahil ang kwento namin... ay isang tragic ending.

Naalala ko pa 'yung mga tagpong nasa bisig ko siya. 'Yung alaala ng nakaraan na katabi ko pa siya at kasama... alaala ng nakaraan na naririnig ko pa ang mga tawa niya, ang mga halakhak niya.. ang boses niya.

At ang alaala ng nakaraan na palagi ko pa siyang kasama.

Pero ngayon, mananatili nalang na isang matamis ngunit mapait na alaala ang mga 'yon.

Sabi ko sa sarili ko noon, malabong mangyari sa'kin 'yung mga nababasa ko sa mga kwento. Dahil na rin sa mapait na nakaraan ko na pilit kong kinalimutan pero heto naman at pinalitan ng isang mas mapait na alaala. Alaala ng isang 'once upon a time' naming dalawa.

Masakit. Sobra. Dahil siya na sana ang dahilan ng mga ngiti ko sa araw araw. Siya na sana 'yung lagi kong kasama sa tuwing gusto ko ng kausap o di kaya'y kakwentuhan. Siya na sana 'yung matatawag kong boyfriend ko... kung di lang niya ako iniwan.

Kung kelan handa ko nang sabihin sa kanya ang tunay kong nararamdaman, saka naman siya nang-iwan.

At eksaktong isang linggo mula nang mawala siya sa'min... heto kami ngayon at hirap man ay kailangan na siyang pakawalan... pagpahingahin sa kanyang huling hantungan.

"Halika na?" napadako ang tingin ko sa taong tulad ko ay mugto rin ang mga matang kababakasan ng lungkot at pangungulila. Bahagya siyang ngumiti ngunit hindi ito naging sapat para itago ang totoo niyang nararamdaman sa mga sandaling 'to.

Humugot ako ng isang malalim na hininga saka marahang tumango sa kanya. "Opo."

Muling nangislap ang kanyang mga mata at kita ko ang pagbabadya ng muling pagtulo ng kanyang luha. Isang tapik sa aking balikat ang kanyang ginawa bago siya tumalikod at ako'y iwan.

Naaawa ako sa kanya. Dahil siya bilang isang inang nawalan ng anak ang siyang pinaka nasasaktan at apektado sa lahat ng pangyayari. Isang inang walang ibang hinangad kundi ang kaligayahan ng kanyang anak ngunit pinagkaitan ng sarili niyang kaligayahan.

Marahan akong tumayo at lumapit sa kanyang kinahihigaan. Kung titingnan ay napaka payapa ng kanyang itsura at may bakas ng kasiyahan sa kanyang mukha pero kami? Ako? Nakalimutan ko na ata kung paano maging masaya. Nang dahil sa pagkawala niya.

Hinaplos ko ang salaaming nagsisilbing harang namin sa isa't isa at kasunod nito ang isa isang pagpatak ng mga ito sa salamin. Muling nanikip ang aking dibdib at para bang mauubusan ako ng hininga habang tinitingnan ko siya. Wala akong ibang maisip kundi bakit?

Bakit nagpatiuna ka agad?

Bakit iniwan mo kami agad?

Bakit kailangang bumitiw ka agad kung kelan dumating ang tulong?

Bakit? Bakit ang daya daya mo, Felix? Bakit mo kami iniwan?

"Alam mo bang naiinis ako sa'yo?" paos na ako sa kakaiyak at kakahikbi ng ilang araw na. Walang matinong kain, walang matinong tulog, walang matinong pahinga... pakiramdam ko di magtatagal pati katawan ko bibigay na. Pero gustuhin ko mang mangyari 'yon, lagi namang isinasampal sa akin ng mga tao sa paligid ko na hindi dahil iniwan na kami ni Felix ay kailangan na rin naming itigil ang pag-ikot ng mundo namin. Na kung kasa kasama lang daw namin si Felix, hindi niya rin magugustuhan na nagkakaganun kami. Kaya dapat ituloy lang ang aming buhay... na wala siya sa tabi namin.

"Bakit kasi hindi mo nalang isinigaw sa akin na nasa likod ko na siya? Bakit kasi nagpakabayani ka pa at sinalo mo 'yung kutsilyo niya?! akala mo ba ikaw si Superman na hindi tinatablan ng  kutsilyo't bala?!" marahas kong pinunasan ang mga luhang panay na ang pag-agos sa aking pisngi. Akala ko natuyo na sila pero meron pa palang natitira. Nakakapagod pero hindi ko mapigilang tumulo't pumatak sila. Nakakainis.

"Bakit kasi bumitiw ka agad kung kelan ko sinabing lumaban ka?! bakit kasi kailangang sumama ka agad sa kung sino mang sumundo sayo't umaya?! Di mo manlang naisip na may mga tao kang maiiwan at malulungkot sa pagkawala mo! Di mo manlang naisip na..." isang hikbi ang kumawala sa aking bibig kasabay ang panginginig ng aking mga labi. "Di mo manlang naisip na may sasabihin pa ako sayo at 'yun ay ang mahal kita... ang gusto pa kitang makasama."

Naramdaman kong may umalalay sa akin kaya naman napalingon ako at nakita ang mga malulungkot na mukha ng mga kaibigan ko. Wala na akong nagawa kundi ang yumakap at humagulgol sa kanila... dahil hindi ko na kayang itago pa ang mga luhang matagal ko nang kinimkim at itinago sa kanila.

"Shh... masakit, MJ. Masakit pero kailangan nating tanggapin na wala na siya at kailangan na niyang magpahinga." Anina Maiko habang panay ang pag-aalot paghagod sa aking likod.

Pero hindi 'yon sapat para makalma ako at humupa ang mga luha ko.

---

Habang tinatahak namin ang daan patungo sa huli niyang hantungan ay napalinga ako sa mga tao sa paligid ko. Nandito ang lahat ng mga kaklase't kakilala namin... at ni Felix—na pawang may mga lungkot sa mga mata habang marahang inihahakbang ang mga paa patungo sa magiging himlayan niya.

Nang marating namin ang mismong lugar at inihanda ang kabaong niya sa unti unting pagbaba nito sa hukay, doon na muling pumailanlang ang mga iyakan. Ang lahat ay muling nagbuhos ng luha't mahinang daing na sana... sana panaginip nalang ang lahat ng 'to.

Sana hindi nalang ito totoo at hindi talaga namin ngayon ginagawa 'to pero... hindi lahat ng hinihiling mo, nakukuha mo.

Dahil may mga bagay na masakit man ay wala ka nang ibang magagawa kundi tanggapin ang katotohanang pilit na sumasampal sayo't gumigising.

Na wala na siya... iniwan na niya kami... at kailangan na niyang magpahinga.

Nang isa isa nang ibinabagsak kasama ng kanyang kabaong ang mga bulaklak ay bumuhos naman ang isang maraha't banayad na ambon na tila ba miski ang langit ay nakikiiyak at nakikiluksa sa aming lahat.

Napatingala ako at doon... nakita ko ang pagsilay ng sinag ng araw na siyang sumilaw sa akin... at para bang may inihahatid na isang mensahe.

'Mahal kita... kayong lahat...' anang isang tinig kasunod ang isang malamig na hangin ang tila ba humaplos at yumakap sa akin. Napakapit ako sa magkabilang braso ko at  bahagyang napangiti nang maisip na siya 'yon at nandito lang siya sa tabi ko.

Muli akong nag-angat ng tingin at tumingala sa kalangitan saka ngumiti. Siguro nga ay mahihirapan kaming lahat sa una na tanggapin ang maaga mong pagkawala pero... pipilitin namin na maging masaya... ipagpapatuloy namin ang buhay ng bawat isa. Kahit na wala ka na.

"Mahal kita, Felix. At hinding hindi ka mawawala sa puso't isipan namin... lalo na sa akin. Salamat sa masasayang alaala... salamat sa pagmamahal na inialay mo sa akin. Paalam na..."

- WAKAS -

Hulaan mo kung kaninong POV

♫ Let me riddle you a ditty, it's just an itty bitty, little thing on my mind.

About a boy and a girl, trying to take on the world one kiss at a time.

Now the funny thing about, ain't a story without it, but the story is mine.

And I wish you could say, that it ended just fine. ♫

"Binabasa mo na naman 'yan." Napabaling ang tingin niya sa akin na halatang naagaw ang atensyon mula sa pagbabasa ng libro. Itinukod ko ang siko ko at sinubukang umupo mula sa pagkakahiga pero dahil sa sugat sa tagiliran ko ay nahihirapan akong gumalaw.

Agad niyang ibinaba ang librong binabasa at inalalayan akoong umupo. May pag-iingat ang bawat pag-alalay niya na akala mo isa akong babasaging gamit. "Tagal mo kasing magising, e. Kaya binasa ko ulit 'yung libro," aniya at muling bumalik sa pagkakaupo, sa gilid ng kama ko. Napangiti ako.

♪ We all want to know, how it ends. ♪

Pinagmasdan ko siya at hindi ko mapigilang mapangiti sa bagay na tumatakbo sa isip ko. At 'yon ay mahal ko siya, at girlfriend ko na siya. "Inaantay ko kasing i-kiss mo ako. Kaso mukhang masyado kang natutuwa d'yan sa binabasa mo," tawa ko ngunit ikinangiwi ko din dahil sa kirot na naramdaman ko sa aking tagiliran.

Agad namang lumapit sa akin si MJ at buong pag-iingat na tiningnan ang sugat ko. Bakas ang pag-aalala sa kanyang mukha, bagay na ikinatataba ng puso ko. "'Wag ka na kasing tumawa! Ikaw din ang nahihirapan, e! 'Pag 'yan dumugo na naman naku!" pangaral niya habang nakayuko at tinitingnan ang tagiliran ko.

Di ko mapigilang mapangisi at mapakagat labi sa pagpipigil ng kilig. E sa kinikilig ako, e. Walang basagan ng trip! "Sana pala lagi nalang akong nasasaksak para ganito palagi ang pag-aalaga mo sa'kin." Napaangat siya ng tingin at kita ko ang pag-igkas ng kilay niya pataas. Ayan na naman at magtataray 'yan.

"E gusto mo palang laging nasasaksak, e. Teka't kukuhanin ko 'yung kutsilyo't ako na ang gagawa!" tumayo siya mula sa kanyang pagkakaupo at aktong lalakad na palabas kaya naman hinawakan ko siya sa pulso niya at hinila ulit paupo.

"Bitaw." May diin niyang sabi na hindi nagbabaling ng tingin sa akin. Ayan kasi, Felix, e. Inasar mo pa kasi. "Bitawan mo ako o bibigwasan kita?!" tinapunan niya ako ng isang matalim na tingin saka tiningnan ang kamay kong nakahawak pa rin sa kanya.

"Sorry na. Di ko na sasabihin 'yon," hinila ko siya palapit sa akin hanggang sa maikulong ko siya sa aking braso. Niyakap ko siya ng mahigpit at di ko mapigilang makaramdam ng tuwa dahil nayayakap ko na siya... pero nando'n din 'yung lungkot dahil alam ko na umiyak siya nang dahil sa'kin.

♫  Oh, happily ever after, wouldn't you know, wouldn't you know.

Oh, skip to the ending, who'd like to know, I'd like to know.

Author of the moment, can you tell me, do I end up, do I end up happy? ♫

Naramdaman ko ang pagtaas-baba ng balikat niya kasunod ang impit niyang paghikbi. Lalo ko siyang niyakap ng mahigpit at hinalikan sa kanyang ulo. "Sorry na. 'Wag ka nang umiyak..." pag-aalo ko sa kanya.

"SIRA ULO KA KASI, E! Ginagawa mong joke 'yung nangyari!" aniya saka ako pinalo sa aking dibdib. "'Kala mo naman ang sarap sa feeling nung umiiyak habang pinapanood ka naming inere-revive ng mga doctor!"

Muling bumalik sa alaala ko 'yung mga bagay na natatandaan ko pa. 'Yung bumuli kami ng mga turo turo, 'yung nagbike kami papunta sa bakanteng lote, 'yung pinanood ko siyang makipaglaro sa mga alitaptap, 'yung nahiga ako katabi siya habang nakatanaw sa kalangitan, 'yung mga sandaling hinding hindi ko ipagpapalit sa kahit na anoman—at 'yung nangyaring di ko inaasahan.

Matapos 'yung nangyaring pagharang ko sa kutsilyong dapat sana ay kay MJ, 'yung napaluhod na ako at iniinda ang kirot sa aking tagiliran, 'yung pag-agos ng sariwang dugo na hindi ko mapigilan... unti unti, pakiramdam ko no'n nauupos akong kandila.

Nararamdam at naririnig ko ang mga nangyayari sa paligid ko, naririnig ko pa ang pag-iyak niya habang tumatawag ng saklolo pero nanlalabo na rin ang panignin ko no'n at para bang isa nalang siyang malabong pigura sa akin. Dahil na rin siguro sa mabilis na pagkawala ng dugo ko sa aking katawan.

Pero magkaganun man, hindi nakalampas sa aking pandinig 'yung pagsagot niya sa akin at ang mahigpit na paghawak niya sa mga kamay ko. Wala na akong lakas no'n para gantihan ang pagkapit niya sa akin pero isang ngiti ang aking nagawa. Ramdam ko na no'n ang unti unting pagbigay ng katawan ko at ang tila ba pangangapos ko ng hangin.

"S-Salamat... Mamamatay a-akong masaya..." matapos no'n ay hinila na ako ng dilim at hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari.

♫ Inhale, breathe steady, exhale, like you're ready, if you're ready or not.

Just a boy and a girl gonna take on the world, and we want to get caught.

In the middle of a very happy ending, let's see what we've got, let's give it a shot.

Let's give it a shot. ♫

Hinagod ko ang kanyang buhok at pilit na pinatatahan siya. Masakit din naman sa akin 'yung nangyari dahil akala ko iiwan ko na talaga siya. Akala ko di ko manlang maipapakita nang lubos 'yung pagmamahal ko sa kanya pero... binigyan pa ako ng Diyos ng isa pang pagkakataon para makasama ang mga taong mahal ko... at ang taong mahal ko.

"Tahan na, MJ... Tama na..."

Ilang minuto din ang lumipas bago siya tuluyang kumalma't tumahan. Naramdaman ko ang pagiging kalmado na ng paghinga niya kaya naman inilayo ko siya mula sa pagkakayakap sa akin saka ko pinunasan ang mga natitirang luha sa mata niya.

"Nagpapalambing lang naman ako sa'yo, umiyak ka na. Sana pwede din akong umiyak ng ganyan para makalibre din ako ng yakap," pabiro kong sabi na ikinatawa din niya saka umirap.

"Sira ka kasi, e. Sabing 'wang ginagawang biro 'yung nangyari," aniya habang pinupunasan ang pisngi niya. Inalis ko ang mga hibla ng buhok na nakasabog sa mukha niya at inilagay ito sa likod ng kanyang tenga. Matapos ay tininitgan ko siya diretso sa mata saka siya hinalikan sa noo niya.

"Opo na po, girlfriend. Di na po mauulit." Muli ko siyang tinitigan sa mata at nginitian. Gumanti din naman siya ng ngiti saka ako niyakap.

"Akala ko talaga iiwan mo na ako," aniya na kababakasan ng takot sa kanyang boses. "Ang daming dugong nawala sa'yo no'n at ayaw tumigil ng pag-agos no'n. Namumutla ka na rin at unti unting nawawala ang init ng katawan mo... akala ko kukunin ka na ni Lord," aniya na para bang isang batang nagsusumbong sa magulang niya.

Bahagya akong natawa. "Di pa daw ako kailangan dun, e. Kailangan pa daw kasi ako ng girlfriend ko."

Muntikan na naman talaga ako no'n, e. Mabuti nalang at walang organ sa katawan ko ang natamaan nang masaksak ako. Pero kung dumasog pa daw ng konti pataas 'yung kutsilyo, baka tinamaan 'yung bato ko. Malalim lang 'yung pagkakasaksak sa'kin dahilan kung bakit mabilis akong nawalan ng dugo.  Milagro na nga rin sigurong maituturing na ganun lang ang nangyari sa'kin. Nawalan lang ako ng malay at muntik maubusan ng dugo.

Muli akong humiga at hinila ko din siya. Ipinatong ko ang ulo niya sa aking braso saka ko hinaplos haplos ang buhok niya. Naramdaman kong yumakap siya sa akin dahilan kung bakit bahagyang bumilis ang tibok ng puso ko. Ako na ata ang lalaking ang daling kiligin sa mga simpleng bagay lang.

Napadako ang tingin ko sa librong nakapatong sa maliit na lamesa sa tabi ng kama ko. 'Yung librong kanina'y binabasa niya na mukhang hook na hook siya kaya hindi niya napansin ang paggising ko. Kinuha ko ito binasa ang title.

Operation: Taming The Bad Girl.

Natawa ako.

"Talagang na-inspire sa kwento natin sina Kid at Ken ano? Talagang tayo pa ang ginawang bida sa kwento nila." Binuklat ko ang unang pahina nito at tiningnan ang iba pang nakasulat doon. Nakatingin lang si MJ at animo nakikibasa din.

"Oo nga, e. Miski 'yung nangyari sa'yong aksidente isinama sa kwento. 'Yun nga ang ginawang ending, e. Tragic ending pa kamo," aniya saka nag-angat ng tingin sa akin. "In fairness naman, kapani paniwala. Naiyak nga din ako nang una kong mabasa 'yan, e. Nabatukan ko pa tuloy silang dalawa dahil d'yan." Natawa siya.

Pinasadahan ko ng tingin ang pinakahuling bahagi ng libro at oo nga. Tragic nga ang ending nito. Sabi ni MJ ay ipinagawa daw ito nung dalawang ugok habang tulog ako. Dalawang linggo na rin 'yon mula ngayon at hindi ko pa sila nakikita ulit. Madalas kasi akong makatulog at nanghihina pa ako dahil sa sugat ko pero konting tiis nalang naman at gagaling na ito.

Ipina-selfpub daw 'to nung dalawang ugok at dalawampung kopya lang ang ipinagawa nila. 'Yung isa ibinigay nila kay MJ at eto nga 'yon. 'Yung iba pa ay ipina-order nila sa mga readers nila. Ewan ko lang kung bumenta.

Ibinaba ko ang libro at saka tumagilid at humarap sa kanya. Hinila ko siya pataas hanggang sa magpantay kami. Tinitigan ko siya diretso sa mata at ganun di siya. Natawa ako dahil nagkakandaduling na siya sa pakikipagtitigan sa akin at sa lapit ng mukha ko sa mukha niya.

"Lumayo ka nga kasi ng konti! Nagdadalawa na paningin ko sa'yo, e!" aniya saka ako bahagyang itinulak.

Mula sa pagkakahiga ay bumangon siya. Umupo naman ako at muli'y inalalayan niya. "Tutal naman e gising ka na, kainin mo 'tong dala ng mga kaklase natin para sa'yo. Dumalaw sila kanina kaso tulog ka pa kaya nangumusta nalang sila at iniwan 'tong mga 'to," aniya habang isa isang inilalabas mula sa basket ang kung ano anong mga pagkain. May mga prutas, cupcake, pagkaing matatamis at kung ano ano pa. Meron ding bulaklak na nakalagay na sa vase.

"Sinong mga kaklase?" tanong ko dahil di ko naman alam kung sino sino ba sila.

"Sina Sky, Jan Marini, Jessa B., Precious, Chelle, Christine Joy, Ate Abbie, Stephanie, Lorah May, Vienna Grace at marami pang iba. Miski mga teacher natin dinalaw ka at nangumusta din kaso nung isang araw naman sila nagpunta." Nang mabalatan niya ang isang mansanas at nahiwa ito ay inilagay niya ito sa isang platito. Matapos ay ibinigay ito sa akin at agad ko naman kinain.

"Nakakahiya naman sa kanila. Nag-abala pa sila. Di bale, magtha-thank you nalang ako sa kanila sa facebook, twitter at instagram. Makapag-selfie nga mamaya," sabi ko at tumawa siya.

"Peymwhore much? Haha!" kumuha rin siya ng isang slice at sinabayan akong kumain. Pati 'yung iba pang pagkain natikman ko rin at masasarap ang mga 'yon. Kaso ang tatamis kaya nasamid ako.

NAKAINAN este—kumain lang kami nang sabay habang panay ang pagkukwento niya sa'kin ng mga nangyari habang tulog ako kaya naman naging updated din ako kahit papaano. Nalaman ko na nahuli na 'yung mga siraulong nantrip sa amin at ngayon ay nasa poder na ng mga pulis. Sila na ang bahalang umasikaso sa mga 'yon.

"Nasaan nga pala sina Mama?" tanong ko dahil kanina pa kami magkasama pero hindi pa rin sila pumapasok o sumusilip man lang.

"Ah. Umuwi sa bahay niyo, nagpapahinga. Kagabi kasi sila ang nagbantay sa'yo kaya ngayon ay pahinga naman sila tsaka..." bitin niya sa huling sasabihin na ikinakunot ng noo ko.

"Tsaka...?"

"Tsaka... dumating kasi 'yung ate mo kanina, e. S-Sumilip lang siya saglit ta's sumama na kina Tita pauwi sa bahay niyo," sagot niya na parang nag-aalangan. "Ang taray pala ng ate mo. parang ayaw sa'kin," dagdag pa niya saka napakamot sa batok niya.

Natawa naman ako. "Ganun lang talaga 'yon pero mabait 'yon. Dalawa lang kasi kami at bitter lang siya kasi ako may lablayp na ta's siyang panganay wala pa," natatawang sabi ko. "Di bale, 'pag nakalabas na ako dito, ipapakilala kita ng maayos." Ngumiti ako sa kanya saka kumindat. Isang hampas sa braso naman ang sagot niya. "Brutal ka talaga!" naiiling kong sabi habang nakangisi.

♫ Oh, happily ever after, wouldn't you know, wouldn't you know.

Oh, skip to the ending, who'd like to know, I'd like to know.

Author of the moment, can you tell me, do I end up, do I end up happy?

We all have a story to tell.

Whether we whisper or yell.

We all have a story, of adolescence and all it's glory.

We all have a story to tell. ♫

Nagkwentuhan kamim ulit ng ilang oras hanggang sa napansin kong humuhikab na siya. Napatingin ako sa orasan sa dingding at nakitang alas nueve na pala ng gabi. Di ko manlang namalayan ang takbo ng oras.

"Inaantok ka na. Halika dito tabi ka sa'kin." Umusog ako ng konti para magkaroon siya ng hihigaan. Di naman na siya nagreklamo at humiga din siya. Pareho kaming nakatagilid at magkaharap. Nakaunan siya sa braso ko habang nasa dibdib ko ang mukha niya. Ramdam ko ang marahan niyang paghinga dahil manipis lang ang suot kong hospital gown at tumatagos dito ang mainit niyang hininga.

"Tulog ka na. Pagod na pagod ka ata, e," marahan kong hinahaplos ang buhok niya, bagay na isa sa mga pinaka gusto kong gawin. Ewan ko ba pero para kasi siyang pusa. Alam niyo 'yon? Sa una ayaw pahawak pero sa huli gustong gusto 'yung hinahaplos siya sa ulo? Para kasing ganun si MJ.

Di nga lang siya pusa, tigre nga lang. Naalala ko tuloy 'yung anime na Tora Dora. 'Yung bidang babae do'n na kung tawagin ay Palm Top Tiger. Parang siya.

"Good night."

"Good night, Felix..." pabulong niyang sagot.

"Wala manlang good night kiss?" pagbibiro ko pero nagulat ako nang bahagya siyang bumangon at hinalikan ako sa pisngi. Shey!

"Good night." Mulis siyang bumalik sa pagkakahiga at yumakap sa akin. Lalo ako napangisi at kung pwede lang magsasayaw ay ginawa ko na pero dahil mukhang pagod at puyat na puyat siya ay di na ako naggagalaw pa.

Kaya naman panay nalang ang ngiti ko habang pinagmamasdan ko siyang mahimbing na natutulog sa tabi ko. Payapang payapa at akala mo di kayang gumawa ng masama pero kabaligtaran 'pag gising at nagwawala.

Joke lang syempre.

Hinalikan ko siya sa noo at kinumutan siya, matapos ay yumakap na din. "Good night, MJ... good night, girlfriend."

Ang sarap lang ulit ulitin nung salitang 'girlfriend' lalo na't wala na akong pagtutol na naririnig sa kanya. Di ko rin alam kung aware siya o hindi pero nagiging maalaga't  maalalahanin siya sa'kin nitong mga nakaraang araw. Sa tuwing nagigising ako ay siya agad ang nakikita ko at wala na siyang ibang ginawa kundi ang tanungin kung, "Masakit pa ba 'yung sugat mo?" "Nagugutom ka ba?"" Nabobored ka na ba?" "Masakit na ba ang likod mo? Mamasahihin kita," at kung ano ano pa pero ang lagi ko lang namang sagot sa kanya ay, "Okay na ako basta nandito ka."

Kasi totoo naman, e. Okay na ako na nandito siya sa tabi ko at ramdam ko ang damdaming hindi niya man masabi ng diretso ay ipinapakita naman niya.

Sa ganung bagay lang, solb na ako. Kinikilig pa!

Muli ko siyang pinagmasdan at ang tangi bagay nalang na masasabi ko ay...

It's over.

The game's over.

The bad girl's officially tamed... and I love her.

♫ Oh, happily ever after, wouldn't you know, wouldn't you know.

Oh, skip to the ending, who'd like to know, I'd like to know.

Author of the moment, can you tell me, do I end up, do I end up happy?

We all have a story to tell.

We all have a story to tell.

We all have a story to tell.

We all have a story to tell. ♫