Chereads / Operation: Taming the Bad Girl! / Chapter 24 - TWENTI- Date... tragedy 

Chapter 24 - TWENTI- Date... tragedy 

MJ's POV

"Okay class, please settle down."

Nagsiupuan kaming lahat nang pumasok ang adviser namin na siyang teacher namin sa oras na 'to. Miski ako na nakikipagkulitan kina Ben ay napabalik sa pwesto ko at umayos ng upo.

"So as we all know, at alam kong excited kayo dito, ay malapit nang matapos ang school year na 'to," anang guro namin na umani ng iba't ibang reaksyon mula sa mga kaklase ko.

"Wala nang assignments, project at quiz!"

"Yiiiz! Malapit nang magpakahayahay!"

"Bakasyon na!!!"

Napailing siya at natawa sa kanya kanya naming reaksyon. Miski ako nakikisigaw din. "Ayan. Sa ganyan kayo magaling, e," aniya. "Pero liban do'n, matapos ang school year na ito ay ang panibagong taon niyo bilang mga graduating students," dugtong niya na nakapagpatahimik sa aming lahat. "Alam niyo mga bata, sa isang taong nakasama ko kayo ay napamahal na rin kayo sa'kin kaya matutuwa akong makita kayong gagraduate at aakyat sa stage—may karangalan man o wala. Kaya bilang mga graduating next year, sana ay mas pag-igihan niyo pa ang pag-aaral niyo para sa magandang kinabukasan niyo patungo sa pagiging kolehiyo. Basta lagi lang akong nandito at pwede niyong lapitan kung may kailangan kayo," aniya na may ngiti sa labi habang pinapasadahan kami ng tingin. "Pwera lang kung tungkol sa pera. Problema ko rin 'yon."

Natawa kaming lahat dahil may iba na kita sa mukha ang pagka-touch pero biglang natawa dahil sa punchline ni ma'am.

"Mainam na 'yung nililinaw dahil alam kong mga pilisopo kayong tunay!"

----

"Oyst! Anong plano niyo ngayong darating na bakasyon?"

"Balak ni Mama na pagbakasyunin kami sa Nueva Ecija, e. Ewan ko lang kung kelan kami ipapatapon do'n," ani Eliza na ikinatawa naming lahat. Ang bilis ng panahon 'no? Parang kelan lang pasukan palang, tapos ngayon matatapos na naman ang isang school year at magge-Grade 12 na kami. Tapos no'n ay kolehiyo na.

Madami nang nangyari sa mga lumipas na buwan. Dumaan ang Undas, Pasko at Bagong Taon. Ang Valentine's Day na dati ay pinakaayaw na araw ko sa school pero ngayon, nagbago na. Dahil may tao nang nagbibigay saya sa'kin sa araw na 'yon.

'Ayiiie~ Si MJ kumikire! Hahaha!'

Tsk. Ewan!

Magkakasama kaming magbabarkada ngayon at eto kami't nakatambay sa garden sa school namin. Uwian na pero mas pinili naming tumambay muna at panoorin ang mga estudyanteng excited na sa pag-uwi. Friday kasi at syempre, bukas ay Sabado kaya lahat ay nagkukumahog nang umuwi.

Nakaupo kami sa isa sa mga upuan ditong gawa sa semento. Dalawang pahabang upuan ito na magkaharap at napapagitnaan ng lamesa na inartehan na parang log. May mga chichiryang nakapatong sa mga 'to na siyang binili namin at pinagpipyestahan. May softdrinks din na siya naman naming panulak.

"Uhm! Onga pala!" biglang sabi ni Ben na napatigil pa sa pagsipsip sa softdrinks niya. "Birthday mo na Felix sa susunod na linggo diba? Anong balak mo? Magpapainom ka ba?" aniya na ikinabigla ko. Birthday na niya next week? Hindi ko alam!

Ngumisi siya at napakamot sa kanyang batok na para bang nahihiya. "E... balak ko kasi, kinabukasan na tayo mag-inuman. Makapag-outing na rin tutal naman bakasyon na."

"Ayown! Swimming na ituu!"

"Ayos 'yan! Namimiss ko na rin ang tubig sa pool!"

"Kuu! Palibhasa di ka lang talaga naliligo! Hahaha!" bara ni Riz kay Ken na umani ng tawanan. Miski ako ay natawa at napailing sa kalokohan nila.

Napatingin ako kay Felix at may tila nahihiyang ngiti siyang pilit na itinatago. Napakunot noo ako dahil napapanguso siya sa pagtatago ng ngiti niya.

"Ano bang balak mo sa mismong araw ng birthday mo?" usisa ni Kevin na tinanguan naman nilang lahat. Miski ako ay curious sa kung anong balak niya.

Napayuko siya at napakamot ulit ng batok niya. "Ano lang... balak ko kasing ayain si MJ na mag-date nun, e. Alam niyo na... First time na makakasama ko siya sa birthday ko..." nahihiyang sabi niya na hindi makatingin sa akin.

Tsk. Kung makapagsalita 'tong ungas na 'to parang di ako katabi. Naiiling ako pero di ko maipagkakailang parang... na-excite ako. Parang biglang lumukso ang puso ko dahil sa sinabi niyang 'yon.

'Kung di pa na-open ni Kevin 'yung topic na bakasyon, di mo pa malalaman ang birthday niya! Kuuu!'

E sa hindi naman ako 'yung taong matandain sa mga ganyan, e! Tsaka hindi ko naman inuusisa 'yung mga bagay bagay na tulad niyan noon! Basta may notification ako sa fb na birthday ni ganito ganyan, doon ko lang malalaman. Di naman kasi ako 'yung tipo ng tao na akala mo kalendaryo ang utak at kabisado ang bawat okasyon na magaganap.

"Ayon... alam na this!"

"Oo nga naman. Celebrate with your special someone."

"Mga galawan mo talaga, Felix e! Haha!"

Panay na ang tukso nila kay Felix na nakuha pa talagang mahiya matapos ang lahat ng pinaggagagawa niya kasama ang mga kaibigan namin. Pinagsusundot nila siya sa tagiliran at ginulo gulo ang buhok. Syempre, hindi rin ako nakawala sa tuksuhan kaya damay din ako. Mga tinginan palang at ngisi nina Maiko alam ko na agad na manunukso sila, e. Napailing nalang ako.

Napatingin ako sa gawi nina Ben at Ken na nagbubulungan sa isang banda. Napatawa nang malakas si Ben sa ibinulong ni Ken sabay apir sa huli.

"Haha! Tangina 'tong si Ken! SOGO daw ang punta niyo?" tatawa tawang sigaw ni Ben habang panay ang pakikipagharutan kay Ken na tawa din nang tawa.

Nanlaki naman ang mata ko at napaawang ang bibig ko sa sinabi nung dalawang kolokoy. Napatingin ako sa gawi ni Felix at nakita kong biglang pumula ang pisngi niya. Nang mapatingin siya sa'kin ay lalo siyang namula sabay iwas ng tingin.

Aba't?! may balak talaga siya?!

"Ay! Alam na this! Hahaha! Namumula pa ang pisngi, o! Loko loko ka din pala Felix ah! Nasa loob ang kulo!" anila saka siya pinagbabato ng chichirya.

"Hoy, Vinzon! Umayos ka, ah! Baka gusto mong sa ospital mag-celebrate ng birthday mo!" banta ko sa kanya sabay amba ng kamao ko.

Umakto naman siya na parang babaeng nahihiya at nakuha pang iipit sa likod ng tenga ang imaginary'ng buhok niya! "Hihihi... baka lang naman gusto mo. Willing naman ako," aniya sabay kindat! JUSKO!

Nag-init ang magkabilang pisngi ko at napatayo ako sa pagkakaupo ko saka ko siya pinagpapalo sa braso niya. Napatayo din siya at napatakbo palayo dahil todo ang mga palo ko sa kanya.

"Haha! 'Kaw naman, MJ! Syempre biro lang 'yon!" tatawa tawang sabi niya habang pilit sinasangga ang mga palo ko. "Pero always open and available ang offer kong 'yon kaya itext mo lang ako kung magbabago ang isip mo."

"Loko ka, Vinzon! Bahala kang mag-celebrate ng birthday mo!" sigaw ko saka siya hinabol para masuntok ng todo. SIRA ULONG LALAKI 'TO! Ugh!!!

"Hahaha! Ang cute niyong tingnang dalawa! Aaway away ta's mamaya maya bati na naman! Kayo na ang in love!" sigaw nila pero di ko na pinatulan at pinagpatuloy ko nalang ang paghabol kay Felix na tatawa tawa pa rin habang tumatakbo.

--------

Nagpupuyos pa rin ako sa inis habang nagmamarcha patungo sa locker ko. Kukunin ko na kasi ang mga libro ko at ilang gamit ko dito para naman next week ay wala na akong librong iuuwi. Pabalagbag kong binuksan ang pinto ng locker ko at narinig ko ang malutong na tawa ni Felix. Matalim na tinigin ang ipinukol ko sa kanya pero panay pa rin ang tawa niya sa sariling kalokohan niya.

"'Wag kang tumawa nakakainis sa pandinig!" singhal ko sa kanya.

"Haha! E sorry naman na. Ang cute mo kasing mamula!" sagot naman niya sabay tawa ulit.

Napahiyaw nalang ako at inambang babatuhin siya ng isang hardbound na libro nang makita kong nasa pinto na siya at nakasilip sa pinto. Nagtatago sa kung ano mang bagay na pwede kong ibato.

"JOKE! 'Kaw naman, o! Masyado kang hot!" aniya pero napapabungisngis pa rin. Napabilot na ako ng kamao ko at handa na siyang sugudin ng suntok nang bigla siyang tumakbo at iwan ako. "Hahaha! Antayin nalang kita sa parking, MJ ko! Palamig ka muna ng ulo!" sigaw niya habang kumakaripas ng takbo.

Napahigit nalang ako ng malalim na hininga at napailing. Itinuloy ko ang pag-aayos ng mga gamit ko para makalabas na ako at makauwi na rin. Meron pa akong lalaking lalagyan ng black eye mamaya.

Matapos kong makuha lahat ng gamit ko ay agad kong isinarado ang locker ko at pumihit na palabas patungong corridor. Kanina pa nag-uwian ang mga estudyante kaya ako nalang siguro ang nandito at palakad lakad pa. Ang tahimik tuloy. Kaiba sa kadalasang eksena dito.

Nang lumiko ako sa isang kanto patungong hagdan ay may nakita akong taong nakasandal sa pader. Naka-itim na jacket siya sa kainitan ng panahon at bahagyang nakayuko. Ipinagsawalang bahala ko siya pero nang madaan ako sa harap niya ay naramdaman kong may pumigil sa aking kamay, dahilan para mapatigil ako sa paghakbang.

Kunot noo ko siyang nilingon at binalingan ng tingin pero nanatili lang siyang nakayuko. Isama pa na nakasuot ang hood ng jacket niya kaya talagang hindi ko makita ang mukha niya. No'n ko lang napansin na mahaba pala ang buhok niya at itim na itim ito. Hindi rin siya naka-uniform na tulad ng suot ko kaya lalong nangunot ang noo ko dahil hindi pwedeng pumasok ang outsider dito.

"Uhh... miss? Kilala ba kita? Tsaka estudyante ka rin ba dito? Bakit—"

"Patalim..." Putol niya sa sasabihin ko. Napakunot lalo ang noo ko dahil sa sinabi niyang 'yon.

"H-Huh?"

"Sabihin mo sa kanya ay mag-ingat siya sa mga patalim," matalinhaga niyang sabi na hindi ko ma-gets kung anong ibig sabihin. "Ang lalaking madalas mong kasama. Sabihin mong umiwas siya sa patalim."

----

Habang naglalakad ako patungong parking ay hindi pa rin maalis sa isip ko ang mga salitang binitawan ng babaeng 'yon. Hindi ko siya kilala dahil ngayon ko lang siya nakita pero kung makapagsalita siya, parang kilalang kilala niya ako... kami ni Felix. Nababagabag ako, oo, dahil bigla akong nakaramdam ng kilabot sa mga pinagsasasabi niya. Iniisip ko na ngang baka baliw siya at may tama sa utak dahil ang weird weird niya.

Pero may parte sa'kin na parang gustong maniwala sa kanya.

Sa kalalakad ay di ko na napansing nakarating na pala ako sa parking lot. Natauhan lang ako nang may humawak sa braso ko at umagaw sa mga librong dala ko. Nang mag-angat ako ng tingin ay si Felix pala.

"Ayos ka lang? tulala ka ata?" puna niya sabay dungaw sa mukha ko at parang inuusisa. Nawala ang kanina'y makulit niyang ngiti at aura at napalitan ito ng pag-aalala.

Marahan akong umiling at pilit na ngumiti sa kanya. "Hindi... Pagod lang siguro," pagdadahilan ko. Ilang sandali din niya akong tinitigan matapos ay tumango siya at ngumiti na rin.

"Sige. Ihahatid na kita sa inyo," aniya at inakay ako pasakay sa kotse niya.

----

Mabilis na lumipas ang mga araw at heto na nga ang araw ng pagsisimula ng aming bakasyon. Huling araw na ng pagpasok namin at may mga madramang estudyante na panay na ang pagpapaalam sa mga kaklase't kaibigan nila. Natatawa nalang ako sa kadramahan nila dahil kung makapagpaalam sa isa't isa kala mo di pa uso ang facebook at skype.

Kasabay ko pa rin ang mga kaibigan ko at heto kami't naglalakad na patungo sa parking lot. Pauwi na syempre. Panay ang kwentuhan nila at paghaharutan, miski sina Maiko, Riz at Eliza ay nakikisama sa harutan nung mga boys.

Si Felix? Eto lang naman siya sa tabi ko. Siya ang may dala ng bag ko at pangiti ngiti lang habang naglalakad. Bangag na naman po ang isang 'to.

"Huy! 'Yung ngiti mo parang dun sa kalaban ni Batman. Maka-ngiti ka naman d'yan!"

Natawa siya at lalo lang ngumiti. "E... excited lang kasi ako para mamaya."

"Tsk. Basta paniguraduhin mo lang na matino 'yang pinaplano mo at naku! Kahit birthday mo talagang tatamaan ka sa'kin!" banta ko pero ngumiti lang siya't sumaludo pa.

Kung tutuusin, siya dapat ang sorpresahin ko dahil nga birthday niya pero ewan ko ba sa mokong na'to at ako pa ang trip niyang bigyan ng surprise. Basta maki-ride nalang daw ako at sumama. Ang akin lang naman e basta ba matino ang plano niya at wala siyang gagawing kabalbalan, ok ako.

"'Wag kang mag-alala. Wala naman akong binabalak na masama sa'yo 'no! Atsaka siguradong mag-eenjoy ka... lalo na ako," aniya sabay kindat.

Napabuntong hininga nalang ako at marahang tumango. Bahala na mamaya. Come what may, ika nga.

---------

Bandang alas sais y medya nang makatanggap ako ng text galing sa kanya. Kakatapos ko lang no'n maligo at nang marinig kong tumunog ang phone ko ay agad ko itong kinuha at tiningnan ang mensahe.

From: Felix...

Hi! Today's my special day and I want to spend this day with you. ;)

Just wear something that you're comfortable with. Not so formal as much as possible. We'll do this date the "kalye way". See yah!

Umigkas pataas ang kilay ko at napakurba pataas ang gilid ng labi ko. Di ko mapigilang punahin ang pagkaka-text niyang ito at English pa talaga. Patawa. Muli kong narinig na tumunog ang phone ko at ang mensahe ay kadugtong nung nauna niyang text.

From: Felix...

PS- Alam kong pinagtatawanan mo na naman ako sa mga kakornihan kong 'to pero ayos lang. Makita ko lang na nakangiti ka, solb na ako, e. Haha! De. Gusto ko lang namang sabihing mahal na mahal kita at excited na akong makasama ka sa espesyal na araw kong 'to. :"D

Di ko na napigil ang pagngiti ko at talagang gumuhit na ito. Bahagya din akong natawa dahil pakiramdam ko biglang lumundag na naman ang puso ko at nagtata-tumbling sa loob ko. Hayst! Eto na naman po ako.

Ibinaba ko ang phone ko at humarap sa damitan ko. Sabi niya kasi, wear something I'm comfortable with. Kaya naman naghalughog ako sa damitan ko ng damit na komportable daw ako. Pero halos lahat naman ay kumportable ako dahil puro maong pants, t-shirt at rubber shoes ang get up ko. So alin sa mga 'yon ang isusuot ko?

'Grabe ka naman, MJ. Di ka manlang magpeprepare ng bongga para kay Felix? Birthday niya kaya at ikaw ang birthdate niya!' anang boses sa isip ko na nakapagpaisip sa akin.

May point siya este—ang isip ko pala. Kung tutuusin nga din ay dapat maging presentable manlang sana ako sa kanya lalo na't wala akong maireregalo sa kanya.

'Tsk, tsk, tsk... grabe talaga!'

Sorry na! E sa wala naman akong idea sa kung anong pwedeng ibigay sa kanya at ngayon ko lang din nalaman na birthday niya pala! Kapos na ako sa oras kung ngayon pa ako hahanap dahil kanina pa rin ako paikot ikot at isip nang isip sa kung anong pwedeng ibigay sa kanya!

'Ay grabe ka, myself! The answer is so easy! You're making your problem complicated, my dear.' Sa gawing kaliwa ko ay may biglang lumabas na maliit na chibi ko. Hindi ko alam kung dahil lang 'to sa taranta ko o dahil lang 'to sa kakaisip ko kaya heto't nakakakita ako ng chibi version ko na kumakausap sa'kin at napapailing pa!

'Well, MJ, dalawa kaya kami. At kami ang iyong konsenysa!' may isa na namang lumabas sa gawing kanan ko at isa ulit chibi version ko! Nanlaki ang mga mata ko at sinubukan kong kusutin ito pero naroroon pa rin sila at nakalutang sa ere't nakatingin sa'kin!

Nababaliw na ba ako?!

'No, girl. Di ka pa pang mental, don't worry. Matagal naman na talaga kaming nanggugulo sa'yo sa tuwing nagdedecide ka pero ngayon lang kami nabigyan ng exposure,' anang maliit na ako na nasa gawing kaliwa. Nakahalukipkip siya at mukhang maangas. May sumbrerong nakapabaligtad sa ulo, naka-t-shirt na maluwag, tokong na camouflage, at Vans na sapatos.

Parang... ako?

'Natumbok mo! kami ang dalawang ikaw na gawa ng imahinasyon mo!' masiglang sabat naman nung isa na nakangiti pa. Nang mapagmasdan ko naman ang suot niya ay may muli akong naalala.

Nakasuot siya ng baby blue dress na abot hanggang ibabaw ng  kanyang tuhod. May patong itong apron na puti at may maliit na ribbong kulay itim sa may bandang leeg. May headband din siyang kulay itim na pa-ribbon din ang itsura. Naka-knee high socks na kulay puti saka naka-black shoes.

Nanlaki ang mga mata ko at napaawang ang aking bibig nang makilala ko ang style at pormang 'yon. T-Teka...

'Pamilyar ba, MJ?' tanong nito at umikot ikot pa na animo ipinapakita sa akin ang lahat ng detalye ng suot niya. 'Ako ikaw... at paborito mong gayahin ang pananamit ni Alice, hindi ba? dahil siya ang paborito mong karakter noon sa palabas na Alice in Wonderland. Hihi!'

Muling nagbalik sa alaala ko ang mga panahong adik na adik ako sa palabas na Alice in Wonderland. Halos lahat ng bagay na may disenyong related sa palabas na 'yon ay binibili ko. Mug, pillow case, panyo, pencil case at kung ano ano pa. Meron ako ng mga 'yon noon.

Kaya nga tuwang tuwa ako noon nang regaluhan ako nina Mama at Papa noon ng costume na pang kay Alice. Mula sa damit, wig, accessories at sa rabbit na lagi niyang hinahanap at sinusundan. At nung 7th birthday ko? Alice in Wonderland ang theme no'n.

Napangiti ako sa mga alaalang nanumbalik sa akin. Oo nga. Minsan din akong nahilig sa mga ganun dati.

'Tsk. Puro pambabae. Mukha kang taong manika! Ang init init kaya ng ganyang damit!' anang isang ako na nasa gawing kaliwa. Humalukipkip siya at binelatan 'yung isa pang ako. Gumanti naman 'yung isa ng belat din kaya natawa ako.

Doon ako nagka-idea sa kung ano ang susuotin ko.

Agad akong naghalungkat sa damitan ko at pilit na inalala kung saan ko nailagay ang damit kong 'yon. Halos lahat na ng sulok ay natingnan ko na pero hindi ko pa rin makita. Sa huling parte ng damitan ko na maaari kong napaglagyan nito ay nagbakasakali akong naroon pa ito at maayos pa. Di naman ako nabigo at napangiti ako nang makita ko itong maayos at mukhang kasya pa.

"Ito nalang ang isusuot ko!" Nakangiti kong pinagmasdan ang buong damit at itinapat ito sa aking katawan. Ayos! Sakto pa naman!

­

Matapos ang ilang oras ng pag-aayos ay lumabas na ako ng kwarto ko at bumaba. Doon pala nag-aantay sina Mama at Papa na talagang nagulat nang makita nila ang itsura ko. Pareho silang natulala at napatitig habang bumababa ako. Nakaka-concious tuloy.

"MJ..." maharang lumapit sa'kin si Mama at maluha luhang pinasadahan ako ng tingin. "A-Akala ko hindi ko na makikitang isuot mo ang dress na 'yan." Pinaikot niya ako kaya naman napa-ikot nalang din ako at napakamot ng ulo ko. Si Mama talaga, oo.

"Alam kong magugustuhan mo ang dress na 'yan kaya ko bili sa'yo. At di nga ako nagkamali. Bagay na bagay nga 'yan sa'yo," aniya at mahigpit akong niyakap. Napangiti nalang ako at napatingin kay Papa na nakangiti rin at marahang tumatango.

Bumitaw si Mama at hinawakan ang magkabilang pisngi ko saka ngumiti. "Halika. Sigurado akong magugulat siya sa'yo ngayon," aniya at hinila ako patungong sala kung saan naroroon si Felix at naka-upo sa sofa.

Nang mapatingin siya sa akin ay agad na natigilan siya sa paglakad na para bang bigla siyang na-freeze. Nakatulala lang siya at nanlalaki ang mga mata habang bahagyang nakaawang ang labi niya. Ganun ba ka-shocking ang itsura ko?! tanong ko sa isip ko.

"Sabi na nga ba't mabibigla ka rin, e," ani Mama na siyang nakapagpabalik sa kanya sa sarili niya. Tumikhim siya at inalis ang suot na sombrero saka magalang na yumuko, na ikinangiwi ko dahil ang awkward!

"Di ko alam kung nagkataon lang ba o ano pero bakit parang sumakto ang mga porma natin?" nakangiting tanong niya nang muling mag-angat ng tingin at ibalik ang sombrero sa ulo niya.

No'n ko naman napasadahan ng tingin ang suot niya at napangisi nalang din ako. Naka-puting long sleeves siya na nakalilis hanggang siko ang manggas, may black vest, naka-khaki pants at black canvas shoes. Reminds me of someone. I smiled.

Nagpaalam kaming pareho kina Mama at hinatid naman nila kami hanggang sa pinto. Habang naglalakad kami palabas ay napapansin kong panay ang pagnanakaw niya ng tingin matapos ay ngingiti. Adik?

"So ano namang ikinakangiti mo d'yan?" Di ko mapigilang itanong. Tumingin lang siya ulit sa'kin tsaka ngumiti ng tuluyan.

"Wala. Naisip ko lang kasi bunny ears nalang ang kulang sa'kin tsaka 'yung orasan na may tali, pwede na akong The White Rabbit sa Alice in Wonderland." Aniya at bahagyang tumawa. Napatawa nalang din ako dahil totoo naman, para kasing ganun ang get up niya.

"Pero di ko ineexpect na magde-dress ka at parang kay Alice pa! Grabe lang. Di ko tuloy mapigilang isipin na nag-abala ka pang mag-dress para sa'kin," halakhak niya sabay kindat. Pinalo ko naman siya sa braso at napapailing na nakitawa na rin.

'O di ba na-appreciate niya? Yieeeh~' buska ng isip ko pero ikinangiti ko nalang.

Nang buksan niya ang gate namin at nang makalabas kami ay nagtaka ako nang wala akong makitang sasakyan. Wala 'yung kotse niya na ineexpect kong sasakyan namin patungo sa kung saan man kami pupunta. Nagtatakang bumaling ako sa kanya at nakitang nakangiti pa rin siya. Siguro ay ineexpect na niya na ganito ang magiging reaksyon ko.

"Uhh... di tayo mag-kokotse?" tanong ko at umiling siya.

"Nope! Para maiba naman..." lumakad siya ng konti at sa isang gilid ay may kinuha siyang isang... "Bike?!" bulalas ko.

"Yup! Magba-bike tayo!" aniya at sumakay na dito. "Tara na! malayo layo din ang lalakbayin natin papuntang Wonderland!"

Natawa ako sa kanya at napailing. Pero aaminin ko, korni man at mukhang ewan dahil naka-dress ako at paaangkasin niya ako sa isang bike ay okay na rin. Ito naman kasi 'yung bike na kagaya dun sa mga Koreanovela na nasalikod ang angkasan at may basket sa harapan.

Lakas maka-Stairway to Heaven! Haha!

"Kapit ka sa bewang ko, Alice. Ako ang bahala sa'yo ngayong gabi." Aniya at nagsimulang sumikad sa bisikleta kaya naman napakapit talaga ako sa kanya.

Habang siya ay abala sa pagpepedal, ineenjoy ko naman ang mga view na nakikita ko sa daan. Ngayon ko lang kasi nasubukang mag-bike o mas tamang sabihing umangkas sa bike sa gabi at mamasyal sa kung saan. Ang mga ilaw sa poste na nadaraanan namin, ang mga kabahayan, ang mga taong napapalingon 'pag nakita kaming dumaan... Awkward pero ang saya.

Sa kakamasid ko sa paligid ay may nahagip ang mata kong isang lumilipad na paru-aprong kulay itim na may halong purple. Nang sundan ko ito ng tingin ay nahagip ng aking mata ang isang imaheng nakakubli sa dilim. Di ko gaanong maaninag ang mukha niya dahil nakasuot ang hood ng jacket niyang itim pero may nagsasabi sa'king nakatingin siya sa amin ni Felix. Napahigpit ang kay Felix nang maalala ko ang mga sinabi niya.

Ilang sandali pa, nakarating na kami sa siguro'y destinasyon namin talaga. Nagtaka na naman ako dahil parang di akma 'yung mga suot namin sa kakainan namin kaya napangiwi ako sa kanya.

"Seryoso, Felix? Sa ihaw ihaw tayo kakain?" naguguluhang tanong ko sa kanya. Pa'no ba naman kasi, oo nga't simple lang ang suot naming 'to kung tutuusin pero sa lugar naman na'to, lalo kaming OP. Sa isang maliit na pwesto lang naman na puro ihaw-ihaw ang tinda at ang karaniwang customer ay mga nakatambay lang sa daan. Srsly?!

"Sabi ko naman sa'yo di ba? We'll do it kayle style. Kaya eto! Dito tayo chichibog!" aniya at marahan akong hinila matapos mai-park ang bike niya.

Napatawa nalang ako at nagpatangay sa kanya na mukhang excited na excited. Nagtuturo siya ng kung ano ano tapos ay ipinaihaw ito. May hotdog, isaw, adidas, helmet at kung ano ano pa.

"Manang, padagdag ng suka ah? Isang matamis ta's isang maanghang. Thank you!" nakangiting request niya dun sa tinder na natawa nalang sa kanya. Siguro kasi mukha kaming ewan dahil sa suot namin.

Nang maluto ang mga 'yon ay muli niya akong hinila at pinasakay sa bike niya. Di naman na ako kumontra at nagpatangay nalang din sa kanya. Muli siyang pumedal at habang tinatahak ang daan ay unti unting naging pamilyar sa'kin 'yung lugar.

"Pupunta tayong bakanteng lote?" tanong ko habang sumisikad siya.

"Oo. Dun tayo tatambay sandali," aniya na bakas ang saya sa boses niya.

Di rin nagtagal ay narating na namin ang aming destinasyon. Pero hindi ko ineexpect na may surpresa pala doon sa gabing 'to. Dahil ang lugar kung saan nakatanim ang malaking punong mangga ay napapalibutan ng libo libong alitaptap! Ang ganda!

"F-Felix! Ang daming alitaptap!" bulalas ko at napatakbo na palapit dito. Manghang idinipa ko ang aking mga braso at kunwari'y niyayakap ang mga ito. Tuwang tuwa ako dahil isa sa mga pangarap ko ang makakita ng ganito. Bibihira nalang kasi sa syudad ang mga alitaptap at wala naman kaming probinsyang pwedeng uwian para makakita ako ng ganito karaming alitaptap. Pero dito lang pala makakakita pa rin ako.

"Dahil nga madalas kami ni Drei dito noon ay halos makabisado na rin namin ang mga schedule ng pagtambay ng mga alitaptap dito. Sumakto naman na birthday ko ngayon kaya naisip ko na dalhin ka dito at ipakita sa'yo 'to at—"

"THANK YOU!" napayakap ako sa kanya sa tuwa dahil hindi ko na makontrol ang sayang nararamdaman ko. This is my first time in forever! Pakiramdam ko tuloy ako talaga si Alice at nandito ako ngayon sa Wonderland... kasama siya.

Naramdaman kong nanigas siya nang yumakap ako sa kanya pero dahil sa sobrang tuwa ko ay hindi ko na napagtuunan ng pansin. Muli akong napaikot ikot at pinanood ang mga palipad lipad na alitaptap sa ere.

Amazing.

That's all I can say.

May inilatag siyang blanket sa lupa matapos ay inilagay sa gitna ang mga binili naming ihaw-ihaw kanina. May softdrinks ding kasama na panulak namin kung sakaling mabulunan.

Kumain kami, nagkwentuhan, matapos ay humiga at nag-stargazing. Sa ilalim ng kalangitan na naiilawan ng milyong milyong mga bituin at mga palipad lipad na alitaptap, nasabi ko nalang sa isip ko na sana ay di na matapos ang araw na'to.

Everything seems so unreal, magical and fantastic. Para akong nasa isang panaginip na ayaw ko nang magising pa. Unang una dahil sa sayang nararamdaman ko, at pangalawa ay dahil sa kasama ko siya.

Sa mga panahong nililigawan niya ako, di ko itatangging nahulog nang talaga ang loob ko sa kanya. Kasi naman di ba? Para siyang isang karakter sa kwento na... na napaka perfect. Hindi man siya kagaya nung mga karakter na akala-diyos sa Mt. Olympus kung i-describe pero may something sa kanya na nagdedefine sa salitang 'perfect'. Di ako sure kung ano pero alam ko at ramdam ko 'yon.

Napatingin ako sa kanya na nakatitig pa rin sa kalangitan. Sa liwanag ng buwan na siyang tangi naming tanglaw ay napagmasdan ko ang mukha niya. Bakas ang saya at kakuntentuhan sa kanya na masasalamin sa kanyang mga mata. Para bang nagniningning din ang mga ito kagaya ng mga bituin.

"Alam kong gwapo ako, MJ pero 'wag mo naman akong tunawin sa tingin," aniya at nagbaling ng tingin sa akin na may kasama pang nakakalokong ngiti. Inirapan ko lang siya pero di ko rin napigilan ang matawa. Muli kong ibinaling ang tingin sa kalangitan at napabuntong hininga.

"Lalim naman nun! Ano bang iniisip mo?" puna niya at lumapit pa sa akin. Kita ko sa gilid ng aking mata na nakatingin siya sa'kin.

"Wala naman. Parang ang hirap lang kasing i-digest ng mga pangyayaring 'to ngayong araw. 'Yung ihaw-ihaw, 'yung bike chuchu, at 'yung mga alitaptap..." muli akong napabuntong hininga, "Iniisip ko lang na sana... sana hindi na matapos ang araw na'to. Kasi 'yung sayang nararamdaman ko kakaiba sa sayang nararamdaman ko araw araw. Di ko ma-explain kung paanong naiba pero—"

"'Wag mo nang hilingin na 'wag matapos ang sandaling 'to dahil habang kasama mo ako, lagi kang makaka-experience ng ganito. Oo nga't weird at mukhang ewan pero alam ko namang magugustuhan mo kaya handa akong ipakita't ipamalas sa'yo ang mga bagay na tulad nito." Napatingin ako sa gawi niya at nakita kong malapad ang pagkakangiti niya. Miski mata niya nakangiti din at kakikitaan ng saya.

Habang nakatitig ako sa kanya ay naramdaman ko ang unti unting paglapit ng kamay niya sa kamay ko hanggang sa pagsalikupin niya ito at marahang pisilin. Napatingin ako doon at muli ko na namang naramdaman ang pagbilis ng tibok ng puso ko.

"Ramdam mo rin ba, MJ?" aniya at bahagyang iniangat ang mga kamay naming magkahawak. "'Yung pagbilis ng tibok ng puso mo, 'yung para kang hindi makahinga, 'yung parang may nagwawala sa tyan mo na kung ano... ramdam mo rin ba?"

Di ako sumagot pero habang sinasabi niya ang mga 'yon, napapangiti nalang ako dahil ganun din pala siya. Kasi ganun din ang nararamdaman ko tuwing kasama ko siya, katabi ko siya, at sa tuwing hahawakan niya ang kamay ko.

Hirap man akong aminin noon pero ngayon? Mukhang tama nga sila... tinamaan na rin ako sa kanya.

Muling namayani ang katahimikan, ilang sandali ay nahirinig ko siyang tumikhim kaya naman napatingin ako sa gawi niya, kunot noo at tila nagtatanong.

"Uhh... meron lang kasi akong bagay na dapat matagal ko nang sinabi sa'yo at ipinagtapat. N-Natatakot lang kasi ako na baka sa oras na malaman mo... layuan mo ako at itulak mo ulit ako palayo. Kaya naman uunahan na kita bago mo pa man malaman sa—"

"Diretsuhin mo nalang ako. Ano bang ikukumpisal mo?" kunot noong tanong ko at muli siyang bumuntung hininga.

"K-Kasi... ang totoo n'yan... ano e..."

Napairap ako at napataas ang aking kilay dahil sa mga pasakalye niya. "Ano nga? Gaano katagal mag-loading?"

Muli niyang pinisil ang kamay ko at tinitigan ako diretso sa mata na para bang di pa man ay nagmamakaawa na siyang paniwalaan ko. "Ang totoo kasi, nag-umpisa akong suyuin ka dahil sa isang pustahan."

Marinig ko palang ang salitang 'pustahan' ay nakakaramdam na ako ng galit at inis sa loob loob ko dahil sa masamang alaalang kadikit ng salitang 'yon para sa'kin. Pero ngayon?

"K-Kasi hindi ko rin alam noong una kung paano ka susuyuin at lalapitan dahil nga tropa tropa lang ang turing mo sa akin at wala rin akong alam sa kung paano manuyo sa isang babaeng tulad mo kaya... nang minsang magkaroon kami ng pustahan nina Kid at Ken tungkol sa pagpapa-ibig sa'yo... pumayag ako."

Buong panahong isinasalaysay niya 'yon, nakatingin lang ako sa kanya habang siya naman ay parang nagmamakaawa na agad na patawarin siya at paniwalaan ang paliwanag niya. Napangiti nalang ako sa bandang huli dahil naisip ko, bibihira nalang ang tulad niyang nagsasabi na agad ng pagkakamali nila bago pa man lumala ang lahat.

"Alam ko." Prente kong sagot na ikinagulat niya.

"A-Alam mo? P-Paano..."

"Sinabi sa'kin ni Annie." Saglit siyang natigilan habang unti unting pinoproseso ang mga sinabi ko. Nakaawang ang kanyang bibig at walang kakurapkurap na nakatitig lang sa'kin. Shock siya, obviously.

Napalunok siya. "K-Kelan pa? S-Saka... anong... naramdaman mo? G-Galit ka ba? maniwala ka MJ kailangan ko lang naman talaga ng konting—"

"Nung nalaman kong ganun nga, syempre nasaktan ako kasi eto na naman tayo sa pustahan. Pero nung ipaliwanag sa'kin ni Annie at nina Ken ang buong kwento, in the end natanggap ko na rin. Naisip ko, siguro nga minsan, kailangan mo lang talaga ng konting push para magawa at masimulan mo ang isang bagay."

Unti unti ay gumuhit ang ngiti sa kanyang labi, kasunod ang isang malalim na buntong hininga. "Thank you, MJ. Akala ko magiging dahilan na naman 'to ng paglayo mo sa'kin, e." aniya na muling nagniningning ang mga mata. Napangiti nalang din ako at muling tumitig sa mga bituin.

Siguro nagtataka kayo kung bakit parang ang dali kong tinanggap nung bagay na 'yon 'no? Mahirap sa una, oo. Pero 'pag narinig mo na kasi muna ang paliwanag nila, tsaka mo nalang masasabi sa huli na, "Dapat talaga pinapakinggan muna ang mga paliwanag bago magbigay ng hatol." Kasi nga, ang mga taong laging tamang hinala at nagpapakabingi sa katotohanang sinasabi sa kanila, sila 'yung sa huli e umuuwing luhaan.

Nanatili kami doon hanggang sa namalayan nalang namin ay alas diyes na ng gabi. Ayaw man naming umalis na at umuwi ay hindi naman pwedeng tumambay pa kami doon ng mas matagal dahil papagalitan kami nina Papa. Alam niyo na.. 'pag babae ang anak at ginagabi ng uwi...

"Okay ka na?" tanong niya at bumaling pa sa akin na nasa likod niya. Hinigpitan ko ang kapit ko sa bewang niya saka tumango. "Yep!"

Nag-umpisa siyang sumikad at muli kong naramdaman ang malamig na hangin ng gabi. Banayad lang ang pagtakbo niya at maingat kaya naman napagmamasdan ko ang paligid. Wala nang gaanong tao sa dinadaanan namin at iilan nalang ang nakikita kong pakalat kalat sa daan. Karaniwan ay mga tambay at ang ilan naman ay mga nag-iinuman.

"Felix..." pagtawag ko sa kanya na sinagot naman niya ng, "Bakit?"

"Uhh... hindi, wala pala. Hehe..." narinig ko siyang natawa at muli ay ipinagpatuloy ang pagbibisekleta. Tahimik lang siya habang ako naman ay hindi mapakali dahil may gusto akong itanong sa kanya.

'E ano ba kasi ang gusto mong itanong at hindi mo matanong tanong?' usisa ng pasaway kong isip.

Curious lang kasi ako. Kasi... ilang buwan na rin siyang nanliligaw sa'kin 'di ba? tapos hindi kagaya nung ibang lalaki na ilang araw palang nanliligaw, ang tanong na agad, "Kailan mo ba ako sasagutin?" Alam niyo 'yon? Parang atat na atat?

Pero siya, hindi.

Iisang beses palang niyang naitanong sa'kin 'yon, pabiro pa.

'E ano na nga ba ang real score? Kelan mo ba siya sasagutin?'

Napaisip ako. Oras na ba? ngayon na ba talaga 'yung right time para sa sagot ko?

Napukaw ako sa pag-iisip ko nang bigla kaming tumigil dahilan para mapayakap ako ng todo kay Felix. Babatukan ko na sana siya at sisigawan dahil muntik na akong lumipad kung di lang dahil sa mga boses na narinig ko na mukhang humarang sa amin.

"MJ... dito ka lang sa likod ko, ah." Pareho kaming napababa ng bike tapos ay agad niya akong itinago sa likod niya na para bang pinoprotektahan.

"Teka nga! Ba't mo ba ako itinatago sa likod mo?! Kaya ko ang sar—"

"Basta d'yan ka lang!" may diin niyang sabi na ikinatigil ko.

"Oyoyoy! Mukhang may pinag-uusapan kayo d'yan ah? Share niyo naman." Napadako ang tingin ko sa nagsalita. Lalaki siya at sa ayos niya ay mukha siyang hoodlum—pati ang mga kasama niya. Pare pareho silang mukhang di gagawa ng maganda.

"Ano bang kailangan niyo? Padaanin niyo nalang kami, o. Kailangan nang makauwi ng girlfriend ko." Napamulagat ako sa sinabi ni Felix at kulang nalang ay lumuwa ang mata ko. May diin ang bawat salitang sinasabi niya at kababakasan ng pagbabanta.

Mapapaaway ba kami? Nang maisip ko 'yon ay imbes na matakot at magtago nalang ay napangiti pa ako at parang biglang nabuhayan ako ng dugo. Nami-miss ko na rin naman ang pakikipagbakbakan!

"'Wag mo akong itago sa likod mo Felix! Nakalimutan mo na ba kung sino ako?!" pabulong kong sabi sa kanya saka umalis sa pagkakatago sa likod niya. Narinig kong napasipol 'yung mga kolokoy kaya naman napatingin ako sa kanila.

"Aba! Chix pala ang kasama mong gelpren mo!"

"Tainga pre! Mukhang palaban 'yang shota mo ah?"

"Ganyan ang mga tipo ko!" sabi nung isa saka nakipag-apir dun sa kasama nila. Nagtawanan sila na parang mga tanga na ikinainis ko. Isama pa 'yung mga tingin nila na nanghahagod na para bang hinuhubaran ka. Aba... e makakatikim 'tong mga 'to sa'kin!

"Talagang palaban ako at talagang mapapalaban kayo sa'kin mga gago! Anong karapatan niyong harangin kami at pagtripan niyo ha?! Naghahanap ba kayo ng sakit ng katawan?!" lumakad ako paharap pero agad naman akong hinawakan ni Felix sa pulso at hinatak ulit sa likod niya. "Ano ba?!"

"'Wag mo na silang gatungan, MJ! Lalo lang silang magagalit! Let me handle this, please." Aniya at hinigpitan pa ang hawak sa braso ko.

"Felix naman! Eto ang gusto ko, e! Nami-miss ko na ang mga umaatikabong aksyon sa buhay ko! Pagbigyan mo na ako!" pagmamakaawa ko habang sinusubukang makawala sa pagkakahawak niya.

"Nandito kami sa harap niyo pero panay ang pag-uusap niyo d'yan! Tangina! Bastusan ba?!" sigaw nung isa na ikinakulo ng dugo ko.

"AT KAMI PA TALAGA ANG BASTOS HA?! Tangina mo rin pero kayo ang humarang harang sa'min kaya magtiis ka!" Shey! Namiss kong magmura! Haha!

"Palaban ka talagang babae ka ah! Halika dito't nang malaman mo ang minumura mo!" Ako ang pinapalapit niya pero siya din ang sumugod. Bobo! Haha!

Sumugod siya sa'min ni Felix dahilan para mapabitiw siya ng hawak sa'kin. Ako ang una niyang pinuntirya pero agad akong nakaiwas at ngumisi pa para maasar siya.

"Duling ka ba? eto ako o!" pang-aasar ko na ikinainis niya.

"MJ!" narinig kong sigaw ni Felix pero agad ding nabaling sa iba ang atenyon niya nang sugurin na rin siya nung isa.

Apat silang lahat at dalawa lang kami ni Felix. One vs. two kung maghahati kami. Ayos! Bring it on!

"Tangina mong babae ka! pang-asar ka ah!" Muli siyang sumugod ng suntok na nailagan kong muli. Kung tutuusin ay mahirap gumalaw sa suot kong 'to pero wala akong pake! Nararamdaman ko ang pagbugso ng adrenaline sa dugo ko kaya pakiramdam ko kaya kong ilagan ang lahat ng suntok niya.

Kitang kita ang pagkaasar sa mukha niya dahil lahat ng suntok at sipa niya ay naiilagan ko. Lalo akong ngumisi at kulang nalang ay pumutok ang ugat sa noo't leeg niya sa inis.

"Puro pala kayo satsat e! Puro lang kayong yabang!" Ako naman ang umatake sa kanya at agad pinuntirya ang mukha niya. Di niya ito naiwasan kaya naman solid itong tumama sa mukha niya dahilan para mapabagsak ko siya.

OH YEAH! I want some more!!!

Napalingon naman ako sa kasama niya na napatingin sa kasama niyang ngayon ay nakahandusay sa sahig. Bakas ang pagkabigla sa mukha niya at di agad ako napagtuunan ng pansin kaya naman sinamantala ko ito at agad siyang inatake. Sinuntok ko siya sa tiyan at nang mapayuko siya ay sinundan ko ng suntok sa mukha niya. Sinigurado ko nang hindi siya makakatayo sa sakit kaya naman sinipa ko siya 'doon' sa pinakamasakit na parte ng katawan niya. Namilipit siya sa sakit at napahandusay din sa sahig.

"Pwe! Di man lang ako pinagpawisan!" Tinalikuran ko sila at bumaling kay Felix na napatumba na rin pala ang isa niyang kalaban at ngayon ay kaharap ang huling kalaban. Lalapitan ko na sana siya para tulungan pero nang mapatingin siya sa gawi ko ay nakita ko ang panlalaki ng mata niya at bigla bigla nalang niyang sinuntok ng ubod lakas ang lalaking kaharap niya. Di man gaanong napatumba ay agad siyang tumakbo papunta sa akin saka ako hinawakan sa braso at hinila palikod niya.

Nabigla ako sa ginawa niyang 'yon pero nang mapaharap ako at nang makita ko ang dahilan ng pagkataranta niya ay nanlaki ang mata ko at napaawang ang bibig ko sa nakita ko.

'Yung lalaking una kong sinuntok ay nakatayong muli at may hawak na patalim. Nang mapatingin ako kay Felix ay nakita kong napahawak siya sa tagiliran niya at doon... nakita kong umaagos na ang dugo niya.

Ibinaon pa nung lalaki ang pagkakasaksak kay Felix dahilan para mapaluhod siya at mamilipit sa sakit. Matapos ay agad tumakbo kasunod ang mga kasama niya na iika ika man ay pinilit pa ring makalayo sa amin.

"FELIX!" Agad ko siyang dinaluhan at sinalo nang bumagsak siya. Napadako ang tingin ko sa tagiliran niya at nakitang panay na ang pag-agos ng dugo niya! Lalo akong nataranta at hindi ako magkamayaw sa kung paano ko pipigilan ang pagdurugo niya. Sinubukan ko itong takpan ng kamay ko pero napadaing lang siya kaya inalis ko.

"F-Felix! T-Teka... Felix sandali hahanap ako ng tulong!" nataranta ako at hindi ko na alam ang gagawin at uunahin ko. Nanlalabo na rin ang mga mata ko dahil sa nakikita ko. Panay ang pag-agos ng dugo niya at nang mapaubo siya ay may kasama nang dugo. Nagpalinga linga ako sa paligid sa pagbabakasakaling may taong mahihingan ko ng tulong pero wala! Napaiyak na talaga ako dahil pakiramdam ko wala nang makakatulong pa sa'min... sa kanya.

"T-Teka! Felix kumapit ka! 'Wag kang bibitaw hahanap ako ng tulong!" hinalughog ko ang gamit ko at hinanap ang cellphone ko pero humawak siya sa kamay ko dahilan para mapatigil ako. Nanginginig ang mga kamay ko at naramdaman ko ang pagtulo ng mainit na likido nang makita ko ang paghihirap sa mukha niya.

"M-MJ..."

"Oo, Felix! Sandali lang! T-Tatawagan ko sina Kid! H-Hihingi ako ng tulong s-sa kanila!" nang mahawakan ko ang cellphone ko ay nagkakandamali ako sa pagtatatype kaya naman lalo akong nainis. "'Wag ka ngang manginig, MJ!" bulyaw ko sa sarili ko at marahas na pinunasan ang luhang panay na ang pagbagsak sa pisngi ko. Nang sa wakas ay ma-dial ko ang numero ni Kid ay panay na ang hiling ko na sana ay sagutin niya agad ito.

"M-MJ... m-may... may gusto akong... itanong sayo..." bakas ang paghihirap at panghihina sa boses niya kaya naman lalo akong nataranta. Kumapit siya sa kamay ko at mahigpit na piniga ito.

"'Wag ka nang magsalita, Felix! Lalong lalala ang pagdurugo mo!" Panay na ang pagtulo ng luha ko at nanginginig na ang mga labi ko. Hindi ko kayang tingnan siya sa ganitong kalagayan. Kanina lang ay masaya kami at nagtatawanan tapos ilang sandali lang ay ganito na?! Bakit?!

Bakit lagi nalang gano'n? na kung kelan ka masaya saka naman agad papawiin at papalitan ng lungkot?

"M-MJ..." umubo siya na may kasamang dugo kaya napahagulgol ako. "Kung... kung hindi man ako mabubuhay pa..."

"'WAG KANG MAGSALITA NG GANYAN! Mabubuhay ka pa! Tangina mabubuhay ka pa kaya 'wag kang bibitiw!" sigaw ko pero narinig ko ang bahagyang pagtawa niya.  May mahinang ngiti sa kanyang labi pero kita sa kanya ang paghihirap. Namumutla na ang labi niya dahil sa dami ng dugong nawawala sa kanya.

"G-Gusto sana kitang h-halikan pero 'w-wag nalang..." aniya at muling umubo. Sa pagkakataong 'to ay mas malala at mas naging malalim at mabigat na ang paghinga niya.

Panay lang ang pagriring kaya naman pinutol ko na ang tawag at sina Mama nalang ang tinawagan. "'W-Wag ka na kasing magsalita! T-Tinatawagan ko na sina Mama!" Unti unti ay inabot niya ang kamay kong may hawak na cellphone ko at bahagyang pinisil ito. Napatingin ako sa mukha niya at lalong bumuhos ang luha ko hanggang sa panay na ang paghikbi ko. "F-Felix... 'wag naman..."

Humugot siya ng isang malalim na hininga kasunod ang pagkislap ng gilid ng mata niya dahil sa mga luha. "K-Kung di na ako aabot pa ng... hanggang bukas... g-gusto ko lang itanong sayo ang... ang bagay na m-matagal ko n-nang gustong... itanong..." muling humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko at sa kabila ng hirap sa pagsasalita ay nagpatuloy siya. "W-Will you be... m-my girlfriend?"

Walang pagdadalawang isip na tumango ako at hinawakan din ng mahigpit ang kamay niya. Dinala ko ito sa pisngi ko at doo'y humagulgol ako. "Oo! Oo na sinasagot na kita kaya lumaban ka!"

Muli ay gumuhit ang isang pagod na ngiti sa kanyang mga labi na lalong ikinakirot ng puso ko. "S-Salamat... Mamamatay a-akong masaya..." isang malalim na hininga ang pinakawalan niya, kasunod ang unti unting pagluwag ng hawak niya sa kamay ko... hanggang sa tuluyan na siyang makabitaw.

Nabitawan ko nalang ang cellphone ko at napahagulgol na ng tuluyan. Sinubukan kong pakinggan ang tibok ng puso niya pero dahil sa paghikbi't panginginig ko ay hindi ko ito marinig. Hinaplos ko ang pisngi niya pero wala na ang init na kagaya ng sa akin.

"FELIX!!! TULONG! TULUNGAN NIYO PO KAMI! PARANG AWA NIYO NA TULUNGAN NIYO KAMI!!!" sigaw na ako nang sigaw pero sa wala. Wala pa ring tulong na dumarating.

"Felix gumising ka! Felix!!!" niyugyog ko siya pero gano'n pa rin. Nanatili lang siyang nakapikit.

Sa isang kakatwang pagkakataon ay muli kong nakita ang paru-parong nakita ko habang paalis kami. Ang kulay kulay itim na pakpak at katawan nito na may halong violet na sadyang kakaiba sa lahat ng aking nakita ay talagang makakaagaw pansin. Dumapo ito sa dibdib ni Felix at doo'y tila namahinga.

Nang mag-angat ako ng aking tingin at sa di kalayua'y nakita ko ang isang pamilyar na pigurang lagi kong nakikita sa dilim. Nakasuot ng itim na jacket at nakatakip sa ulo ang hood nito. Mahabang buhok na itim na itim at mga matang hindi ko mabasa ang emosyon.

Saka muling nanumbalik sa akin ang mga sinabi niya noong makasalubong ko siya...

"Nakikita ko ang kulay ng kamatayan sa kanya. Malapit na siyang kunin at nasa listahan na siya ng susunduin.

Sabihin mong mag-ingat siya sa mga patalim...

Dahil 'yon ang magsisilbing mitsa ng buhay niya."