Chereads / Operation: Taming the Bad Girl! / Chapter 17 - Portin - Fridate

Chapter 17 - Portin - Fridate

Felix's POV

Alam niyo 'yung feeling na unti unti, 'yung mga effort at pagtitiyaga mo nabibigyang pansin at halaga na ng taong pinaglalaanan mo no'n? Tipong 'yung mga bagay na isinasawalang bahala at di binibigyang halaga noon, e, nagkaroon na ng halaga sa kanya? Tipong dati, kahit mapangiti hindi niya magawa noon sa'yo pero ngayon, kahit patago, nahuhuli ko na siyang napapangiti sa mga surpresa ko para sa kanya.

Ang sarap sa pakiramdam. Daig ko pa ang pumapak ng sandamakmak na Rebisco.

Friday ngayon at uwian na. Namataan ko sina Kid at Ken na nakaupo sa isa sa  mga benches dito sa canteen. Lumakad ako palapit sa kanila at nakitang tutok na tutok na naman sila sa mga gadgets nila. Meron ding ilang ballpen at notebook sa lamesa nila na ikinakunot ng noo ko. Imposibleng mag-partner study ang dalawang 'to. Sabi ko sa isip ko.

"Hoy!  Anong pinagkakaabalahan niyo, ah?" panggugulat ko sa kanila sabay tapik pa sa mga balikat nila.

"Shit ka, Felix! 'Wag ka ngang ano! Takte 'to, o!" reklamo ni Ken sabay hawi sa kamay ko. Si Kid naman, napailing lang at ipinagpatuloy na ulit 'yung ginagawa niya. Mukhang nagta-type siya ng... ewan ko kung ano.

Umupo ako sa upuan sa upuan sa harap nila. "E ano ba kasi 'yang pinagkakaabalahan niyo at mukhang hook na hook kayo?" usisa ko habang binabasa ang mga nakasulat sa notebook nila. May nabasa akong plot, chapter title, storyline at kung ano ano pang ikinakunot lalo ng noo ko. "Ano ba 'tong mga 'to?"

Tumikhim lang si Kid habang si Ken naman ay umirap sa'kin na para bang ang tanga ko. E sa hindi ko naman talaga maintindihan ang trip nila, e!

"Hindi ba obvious, Felix? Notebook 'yan na pinagsusulatan namin ng mga idea namin." Ani Ken sa tonong tila nababagot. Wala pa rin imik si Kid at panay lang ang pagtipa sa laptop niya habang si Ken naman ay panay ang basa.

"Anong idea? Research ba 'yan? Wala pa naman tayong thesis ah?"

Inayos muna ni Kid ang salamin niya sa mata bago ako hinarap. Iniikot niya rin ang laptop niya sa'kin at doon ko nakitang nagwa-Wattpad siya. "Gumagawa kami ng kwento, Felix. Nagsusulat kami." Aniya dahilan para manlaki ang mga mata ko.

"SERYOSO?!" napatayo ako mula sa pagkakaupo ko at nahihindik na tiningnan silang dalawa. "Guys, 'wag nga kayong magbiro! Anong kwento naman ang naisip niyo?! Gen. Fic?!"

Umarte si Ken na tila ba nasaktan siya sa sinabi ko at napahawak siya sa dibdib niya habang may nasasaktang ekspresyon. "Gurabe ka naman sa amin! Ikaw pa naman ang leading man sa kwentong 'to ta's Gen. Fic pala ang gusto mo?"

"Matino at wholesome ang kwento namin, Felix. Di ko akalaing ganyan pala ang tingin mo sa'min," dagdag pa ni Kid na umarteng umiiyak.

Habang tinitingnan ko ang dalawang 'to ay di ko pa rin talaga lubos maisip na nagsusulat sila ng kwento! Di mo naman kasi paniniwalaang may matinong parte ang mga utak nila, e! Di sa hinuhusgahan ko sila pero kung makikilala niyo lang sila, ganito din ang masasabi niyo.

Muli akong umupo sa kinauupuan ko kanina at napapailing nalang. "Ano namang title niyan, ha?" tanong ko sa kanila na may ngisi na ngayon sa mga mukha nila. Nagtinginan pa sila at sabay pang isinigaw ang title.

"Operation: Taming The Bad Girl! Starring Kurt Felix Vinzon and Mary Jane Sedrano!" in chorus na sabi nila sabay thumbs up. Napasapo nalang ako ng ulo ko. Gawan daw ba kami ng kwento?!

"Maganda kaya 'yung plot ng kwento niyo! Ikaw, hinahabol mo si MJ which is totoo naman in real life tapos si MJ naman 'yung tipo ng babaeng may pagka-bad girl at hard to get. Tipong lahat ng bagay dinadaan niya sa pisikalan!" paliwanag ni Ken na kulang nalang magningning ang mga mata.

"Dapat nga maging proud ka at suportahan kami dahil hindi kami gumagawa ng kalokohan, e! Imbes na puro Dota lang, ngayon nagsusulat na rin kami! O diba? Astig kaya! Tapos, 'pag naging peymus kami, sisikat din kayo kasi kayo 'yung bida sa kwento namin! Malay niyo maging libro din 'to o di kaya, maging pelikula! Support support din pag may time!" dagdag naman ni Kid sabay apir kay Ken.

Napailing nalang ako sa kanilang dalawa at sumuko na. Alam kong may tama 'tong dalawang 'to pero di ko inakalang ganito kalala. Pero, sabagay, maganda nga naman 'tong bagong kinakahiligan nila. Di na sila puro Dota lang, ngayon magpapaka-writer kuno na. Pagbigyan! Minsan lang 'yan! Haha!

"Bahala nga kayo. Basta tinuan niyo lang ang gawa niyo dahil sabit ang pangalan namin ni MJ d'yan." Sabi ko nalang. Ngumisi lang 'yung dalawa at nag-thumbs up ulit. Paano mo magagawang magtiwala sa mukhang 'yan? Tanong ko sa sarili ko.

Naramdaman kong nagvibrate ang cp ko kaya naman agad ko itong kinuha sa bulsa ko. Nang makita ko ang pangalan ng nagtext ay automatic na napangiti ako.

"Napapangiti dahil sa nagtext? Hmm..."

"Syempre, si MJ na naman 'yan! Kailangan pa bang i-memorize 'yan?" sabi nung dalawa pero hindi ko nalang sila inintindi dahil abala ako sa pagbasa ng text niya.

From: Marry my Jane :">

Labas na ko. Kita nalang tayo sa parking.

Ang weird isipin pero kahit ganyan lang kaigsi 'yung text niya, kinikilig na ako. Nakakabaklang pakinggan pero gusto kong tumili dahil sa sayang nararamdaman ko o di kaya ay magsasayaw ng Macarena sa harap ng maraming tao! Ewan ko ba pero nang dahil sa nararamdaman ko sa kanya, feeling ko walang bagay na nakakahiya ang di ko kayang gawin.

"Si MJ 'no?" nakangising tanong nilang dalawa. Nagtataas baba pa ang kilay nila at may nakakalokong ngiti sa mga labi nila. Napangiti nalang din ako at napailing. "The one and only."

"Ayon! Sabi na, e! 'Yung mga ganyang ngiti isang tao lang naman ang nakakapagbigay sayo ng ganyan!" halakhak ni Ken saka nakipag-high five kay Kid na nangingiti nalang din.

Nakangiting napailing nalang ako at tumayo na. Isinukbit ko ang bag ko at nagpaalam na sa kanilang dalawa sa pamamagitan ng pakikipag-high five.

"O? Uwi ka na? Di mo kasabay si MJ?" kunot noong tanong ni Kid habang inaayos na rin ang mga gamit niya.

"Kasabay. Sa kanya nga ako pupunta, e," simpleng sagot ko saka sila tinalikuran. Kumaway ako ng di nakaharap sa kanila habang nakapamulsa ang aking kaliwang kamay. "Ge. May date pa ako, e."

"DATE?!! Hoy! Felix!"

"May date kayo ngayon?! Sama kami—aray!"

"'Wag ka nang sumama! Magbalat ka nalang ng patatas, Ken!"

"Gurabe ka naman sa akin, Kid! Gusto ko lang namang..." napailing nalang ako sa kalokohan nung dalawa at nagtuloy tuloy sa paglakad patungong parking lot. Doon ay naabutan ko siyang nakatayo at nakatutok sa cp niya. Bahagya ring nakakunot ang noo niya habang nakikipagtitigan sa cp niya.

Marahan akong lumakad palapit sa kanya at bahagyang sinundot ang magkabilang tagiliran niya, dahilan para mapaigik siya. "Ay putcha! Tanginang—" bulyaw niya na ikinakunot ng noo ko. Binigyan ko siya ng nagbabantang tingin na agad naman niyang nakuha. "Sorry na! 'Wag ka kasing nanggugulat ng kiliti!" aniya saka lumayo sa'kin ng konti.

Ngumisi nalang ako sa kanya at bahagyang ginulo ang buhok niya. "Akala ko pa naman nami-miss mo na ang kiss ko, e. Pagbibigyan naman kita," tukso ko sa kanya saka kumindat.

"Yuck ka! Utak mo ah!" sigaw niya saka nagpatiuna sa paglakad palabas ng school. Nakangisi ko siyang pinagmasdan habang nagmamarcha palabas ng gate pero agad din naman akong humabol sa kanya.

Nang makalabas kami ng gate ay pumara kami ng jeep na patungo sa gawi nila. Nang makakita kami ay agad kaming sumakay doon at nakipagsiksikan sa ilang sakay. Puno ang jeep kaya naman gitgitan sa loob nito. No choice naman kami kasi madalang ang dumadaang jeep ngayon kaya naman kahit puno na ay sumakay pa rin kami.

Sa gawing kaliwa ni MJ ay isang lalaking tingin ko ay teenager pa. Dahil nga siksikan ay nabubunggo nito ang braso ni MJ sa tuwing humihinto ang jeep at tingin ko ay sinasamantala nito ang pagkakataong 'yon. Agad kong ipinalibot ang kaliwang braso ko kay MJ na ikinabigla niya. Magalit man siya sa'kin ay ok lang. Ayoko lang nung may sumisimple sa kanya.

"Huy! Kailangan nakabalot ako sa braso mo?" pabulong niyang sabi habang inginunguso ang braso ko.

"Binabalutan lang kita. Baka kasi may manamantala sayo, e. At least pag may balot ka hindi ka nila mahahawakan nang direkta." Sagot ko sa kanya saka tinapunan ng masamang tingin 'yung lalaking katabi niya. Tingin ko ay narinig nito ang sinabi ko kaya medyo dumistansya ito. Good. At least marunong makiramdam.

Kinunutan lang ako ng noo ni MJ at itinuon nalang muli ang atensyon sa byahe. Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na kami sa kanto nila pero kailangan munang maglakad ng ilang sandali bago marating ang mismong bahay nila. Habang naglalakad ay binalingan niya ako na may nakakunot noong mukha at nanunulis ang nguso.

"Bakit mo biglang ipinalibot sa'kin 'yung braso mo, ha? Chumachansing ka gano'n? Pasimpleng yumayakap—"

"'Yung katabi mo kasing lalaki kanina mukhang nag-eenjoy na nabubunggo ka. Pinutol ko lang 'yung kaligayahan niya kesa naman masuntok ko pa siya." Putol ko sa sinasabi niya na nagpatigil sa kanya at ikinalaglag ng panga niya. "Di mo lang napapansin pero may mga sumisimple sa'yo. At naiinis ako sa gano'n kaya ko ginawa 'yon." Dagdag ko pa habang hindi pa rin siya makapaniwala. "Tameme ka 'no? akala mo naman gano'ng klase ako."

"T-Talaga? Sa itsura kong 'to na mas mukha pang lalaki kesa sa kanya, nagkakainteres pa sila?! Ay tanginang libog 'yan! Grabe talaga!" bulalas niya sabay gulo sa buhok niya. Natawa naman ako sa ekspresyon niya.

Lumapit ako sa kanya at bumulong sa tenga niya. "Alam kong unconsciously napapamura ka pero sana naman conscious ka na may parusa ka sa tuwing magmumura ka sa harap ko. Gustohin ko mang gawin 'yon sayo pero nasa pampublikong lugar tayo at ayoko namang makita tayo ng Papa mo dahil ayan na 'yung bahay niyo," bulong ko at naramdaman kong kinilabutan siya. Nakangisi ko siyang tiningnan at may nangaasar na ekspresyon habang bahagyang pumula ang pisngi niya.

"Sasabihin ko na sanang gentleman ka kaso may pagkamanyak ka din pala! Muntik na akong maniwala!" aniya na ikinatawa ko. Kung ang dating MJ ang kausap at kasama ko noon, malamang ay may black eye na ako. Pero hindi, e. Kahit paano tinatanggap na niya ako sa buhay niya at di man niya aminin ay ramdam ko 'yon.

Binuksan niya ang gate nila at pinapasok ako. Naabutan namin doon ang Mama at Papa niya na kasalukuyang nanonood sa sala nila. Nagmano kami sa kanila at magiliw naman nila akong in-entertain.

"Ang tiyaga mo naman talaga, Felix. Talagang hated sundo mo pa ang anak namin. Hindi ka ba namumulubi sa pamasahe?" nakangiting tanong ni Tita Jenny.

Oo, hatid sundo ko si MJ. Ang totoo, ayaw nga niya no'n dahil pakiramdam daw niya, bata siya na kailangan ng kasama sa tuwing pumapasok at umuuwi. Pero dahil kinukulit ko siya at hindi niya rin ako napipigilan ay sumuko na rin siya at hinayaan nalang ako.

"Hindi naman po. Ang totoo, ayos nga lang po, e. Kasi at least, nagkakaroon pa po kami ng oras para magkakilala," nakangiting sagot ko. Nakangiti naman silang tumango sa akin. Napatingin ako sa relo nila sa dingding at nakitang mag-aalas sais na. Agad akong napatayo at nagpaalam sa kanila, sakto namang bumaba si MJ na nakapagbihis na ng pambahay.

"Tita, Tito, hihiramin ko nga po pala si MJ ngayon. Pwede ko po ba siyang ilabas?" pagpapaalam ko sa kanila at nakita ko ang pagningning ng mga mata ng Mama niya.

"Hoy! Ba't kina-Mama ka nagpapaalam?! Tsaka, ba't di ko alam 'yan ha?" singit ni MJ na binalewala naman ng Mama niya.

"Ay, oo naman! Basta ba ibabalik mo siya ng ligtas at walang bawas sa'min, e," nakangiting sabi niya. "Tsaka, wag kayong magpapagabi ha? Delikado sa labas tuwing gabi," paalala niya pa.

"Opo. May ipapakita lang naman po ako sa kanya," nakangiting sagot ko. Bumaling ako sa kanya at ngitian siya. Kunot na kunot na naman kasi ang noo niya at kung nakakasugat lang ang mga tingin ay malamang duguan na ako. "O, may lakad tayo, ah. Bihis ka kahit pants lang. May ipapakita lang ako sayong lugar. Mas maganda kasi do'n pag gabi." Sabi ko at bahagyang kinurot ang pisngi niya. Inambaan naman niya ako ng suntok pero agad kong nahuli ang kamao niya.

"Ikaw Felix, ah! Bumibingo ka na ata! Aba'y kanina ka pa!"

"Bakit? Wala naman akong ginagawang masama ah?" naguguluhan kong sabi. Totoo naman 'di ba? Bumaling siya sa ibang direksyon at bumulong bulong.

"Kanina ka pa nagpapakilig kinikilabutan na ako! Tungunu!"

"Ha? Paki ulit?" kunot noo kong sabi.

"Wala! Sabi ko umuwi ka na! Anong oras ba tayo aalis, ha?"

Tumingin ako sa relo ko at tiningnan ang oras. "Mga seven, ganun. Para mas maganda na 'yung view."

Tumango naman siya at napakamot ng ulo. "Saan ba kasi 'yan ha? Magdadala ba ako ng flashlight para makita 'yung ipapakita mo?"

Natawa ako nang bahagya. "Kahit wala nang flashlight, makikita mo 'yon." Sagot ko. "Oo nga pala! Pahiram ng motor mo, ah? Nasa pagawaan pa kasi 'yung kotse ko diba? At ayoko nang mag-jeep tayo kaya motor naman." Pagpapaalam ko. "Ako na bahala sa gas, 'wag ka mag-alala."

"Tss. Oo na ho! Kawawang bata ka naman. Walang sasakyan!"

Bumaling ako kina Tito at Tita at nagpaalam na. Inihatid naman ako ni MJ sa gate nila.

"Sige na. Pasok ka na para makakain ka pa tsaka makagayak. Babye!" sabi ko saka mabilis na humalik sa pisngi niya.

"Aba't! Ikaw talaga!!!" narinig kong reklamo niya pero mabilis akong tumakbo. Di rin mawala ang ngiti sa labi ko habang tumatakbo hanggang sa makasakay ako ng jeep.

--------

"Nandito na po ako!" bungad ko nang makarating ako sa bahay. Ganon pa rin, di pa rin mawala 'yung ngiti ko.

"O? Medyo na-late ka ata? Hinatid mo ba si MJ?" nagmano ako kay Mama at humalik sa pisngi niya.

"Opo. Hehe." Sabi ko nalang habang di pa rin mawala ang ngiti ko.

Binigyan ako ng nagsusuring tingin ni Mama habang tinititigan ang mukha ko. "Hmm... may something sa ngiti mong 'yan, 'nak, ah. Naka-score ka ba?" nakangising tanong niya.

Bahagya akong natawa dahil sa salitang ginamit niya. "Medyo po. Naka-steal, e. Haha!"

"'Yan ang bunso ko! Haha! O siya, sige, halika na't nakahain na," ani Mama saka ako iginaya sa hapag kainan kung saan nandoon si Papa na abala sa paglalagay ng ulam. Nagmano ako sa kanya matapos ay sabay sabay kaming umupo sa at kumain.

"Oo nga po pala, may lakad po ako ngayon, Pa. Aalis po kami ni MJ." Pagpapaalam ko habang kumakain kami.

"San naman ang lakad niyo niyan? Mag-ingat kayo, ah. Maggagabi na." paalala ni Papa.

"Dadalin ko po siya doon sa tambayan namin ni Drei." Nakangiting sabi ko.

"Ah. 'Yung paborito niyong lugar," pag-uulit ni Mama. "Si Drei nga pala? Tagal nang hindi dumadalaw dito nung batang 'yon ah? Nagkikita pa ba kayo?"

Tumango ako. "Busy lang po 'yon ngayon. Di bale po, pag libre siya sasabihin ko punta siya dito."

Matapos kumain ay agad akong nagtungo sa kwarto ko para makaligo at makapagbihis. Nagsepilyo, pabango at kung ano ano pa. May mga ritwal din naman kaming mga lalaki sa harap ng salamin tulad ng mga babae. Mas madali nga lang mag-ayos dahil wala nang masyadong gagawin. Nang makapag-ayos ay agad akong bumaba at nagpaalam kina Mama. Matapos ay pumara ako ng jeep at nagbyahe papunta ulit kina MJ.

------

Nang makarating ako kina MJ ay agad akong nagdoorbell. Si Tita Jenny ang nagbukas at nakangiting nagpapasok sa'kin.

"Good evening po," magalang kong pagbati.

"Good evening din naman, hijo. Halika, pasok." Aniya at iginaya ako papasok. "Nasa taas pa si MJ, e. Nagbibihis pa ata." Nakangiting sabi niya. "Upo ka muna."

Ngumiti ako at tumango. "Thank you po."

Maya maya ay pumasok si Tito na mukhang galing sa garahe nila. "Gagamitin niyo daw 'yung motor sabi ni MJ? Hinay hinay sa pagda-drive, ah?" aniya na agad kong tinanguan.

Maya maya ay bumaba si MJ na naka-asul na t-shirt na may disenyong earphones, naka-tokong na kulay itim at converse na itim at puti. May jacket din siyang dala na kulay puti na may disenyong Mickey Mouse. Hinagis niya sa'kin ang isang susi na agad ko namang nasalo.

"Tara na?" aya niya. Nagpaalam kami sa mga magulang niya at agad na lumabas at nagtungo sa garahe. Ibinigay niya sa'kin ang isang itim na helmet at ang kanya naman ay kulay asul.

"Teka pala. Marunong ka bang mag-motor? Parang di pa kita nakikitang nag-motor ah."

Ngumiti ako at isinuot ang helmet ko. "Marunong naman. 'Wag kang mag-alala, di naman kita ipapahamak." Sabi ko at sumakay na sa motor niya. Ini-start ko ang makina at naramdaman kong sumakay na din siya. "Kapit ka sa bewang ko. Mahirap na baka mahulog ka."

"Sanay akong sumakay ng motor at kahit hindi na ako kumapit sayo—ay!" napatili siya ng bahagya nang biglain kong pinaandar at nagpreno  dahilan para mapadikti siya sa likod ko.

"Kapit na kasi, dami pang sinasabi, e." sabi ko at pinaandar na nang tuluyan ang motor. Naramdaman ko pa ang pagkurot niya sa tagiliran ko pero hindi naman madiin.

Buong byahe namin, tahimik lang siya. Ganun din ako dahil wala akong maisip na sasabihin. Mas nagfofocus kasi ako sa pakiramdam na nakapalibot sa bewang ko ang mga braso niya. Bagay na hindi niya ginagawa. Ramdam ko ang mainit niyang katawan na nakalapat sa likod ko, dama ko rin ang bawat tibok ng puso niya na tila sumasabay sa tibok ng puso ko. Marahan at kalmado.

Nang mapadaan kami sa isang convenience store ay huminto ako doon. "Bili muna tayo ng mga makakain. Picnic tayo," pabiro kong sabi.

Kumuha kami ng ilang mga chichirya at maiinom, matapos ay binayaran ko ito sa counter. Nang makuha ang mga binili namin ay muli kaming sumakay sa motor.

"Malayo pa ba tayo?" narinig kong tanong niya habang inaayos ang helmet niya. Kasalukuyan kong isinusuot ang sa akin nang makitang hindi siya magkandaugaga sa paghawak sa plastic ng pagkain. Kinuha niya kasi sakin at siya na daw ang maghahawak. Isinabit ko 'yon sa gilid ng manibela para wala na siyang hawakan pa.

"Malapit na. Mga ilang kembot pa," pagbibiro ko habang inaayos ang lock ng helmet niya.

Ang hindi ko inaasahan ay ang pag-angat niya ng kamay niya at siya ang nagkabit ng lock ng helmet ko. Natigilan ako at napatitig sa kanya na parang wala lang 'yung ginagawa niya. Kung kanina normal 'yung tibok ng puso ko, ngayon nagwawala na.

"Game! Tara na?" aniya na siyang nagpabalik sa'kin sa sarili ko. Tumango ako at agad sumakay sa motor at pinaandar ito.

Sampung minuto ang lumipas at narating namin ang destinasyon namin. Sa sampung minutong 'yon ay pakiramdam ko ang pinakamatagal na sampung minuto ng buhay ko. Pakiramdam ko ang bagal ng takbo ng oras. Pakiramdam ko nag-i-slow motion ang lahat habang kasama ko siya at nakayakap sakin.

"We're here." Deklara ko saka ipinarada ang motor sa tabi ng puno ng mangga. Medyo madilim na kaya naman kitang kita ang makukulay na ilaw na mula sa siyudad. Ganoon pa rin, sa tuwing makikita namin 'to ni Drei ay pakiramdam ko lumilipad ako. Pero dahil kasama ko ngayon si MJ dito, pakiramdam ko nasa langit ako.

Nahalukipkip at nakasandal ako sa motor niya habang siya naman ay bumaba at ang Unang salitang nasabi niya ay "Wow". Nakita ko ang pagkalaglag ng panga niya habang sinusuyod ng tingin ang paligid. Tulad ng una naming reaksyon ni Drei nang madiskubre namin ang lugar na 'to, pagkamangha at tuwa ang nakikita ko sa mga mata niya.

"A-Ang ganda..." aniya habang pinagmamasdan ang tanawin. Ang pagningning mga mga mata niya dahil sa mga liwanag ay nakadagdag pa sa kanyang pagkamangha. "Pa'no mo malaman ang lugar na 'to?" aniya at bumaling sa'kin.

Lumakad ako palapit sa kinatatayuan niya at humawak sa bakod na siyang nagsisilbing harang. "Kami ni Drei ang nakadiskubre nito. Grade school kami no'n nang minsang mag-cutting kami at piniling maglakwatsa kesa pumasok nang mapadpad kami dito." Natatawang sabi ko habang inaalala ang nakaraan. "Inabot kami ng gabi dito na nakatunganga lang at nakahiga sa damo. Doon din namin ipinangakong dito namin dadalhin ang babaeng gusto naming makasama—hindi man habangbuhay ay nang matagal." Lumingon ako sa gawi niya at nakitang nakatingin din siya sa'kin.

Tanging ang liwanag lang ng buwan at ang mga ilaw na nanggagaling sa siyudad ang naging tanglaw namin ng mga sandaling 'to pero sapat na 'yon para makita ko ang kanyang mukha. "Sabi namin noon, sa oras na makita namin 'yung babaeng sa tingin namin ay makakasama namin ng pangmatagalan, dadalhin namin siya dito sa lugar na 'to para makita at maramdaman din niya 'yung sayang naramdaman namin nung una namin 'tong makita." Pahayag ko habang tinititigan ang mga nagniningning niyang mga mata. "Sabihin mo, MJ. Masaya ka rin ba?"

Namayani ang katahimikan sa amin nang hindi siya sumagot. Nag-iwas siya ng tingin at muling humarap sa mga liwanag sa baba. Hindi ko mabasa ang ekspresyon niya, hindi ko malaman kung masaya ba siya o kung hindi dahil wala akong makitang emosyon sa kanya.

"Matagal ko nang gustong itanong 'to sayo, Felix. Bakit sa lahat ng mga babaeng nakapaligid sayo, sa lahat ng mga babaeng kakilala't ka-close mo, sa lahat ng babaeng hindi tulad ko, bakit isang tulad ko pa ang napili mo?" tanong niya saka muling nagbaling ng tingin sa'kin. Ngayon ay kababakasan na ng tila pagkalito ang kanyang mga mata. Bakas na ang pag-aalangang at di kasiguraduhan. "Bakit ako pa ang napili mo gayong malayo sa isang tulad ko ang mga hinahanap niyo sa isang babae? Bakit—"

"Tingin mo, bakit nga kaya hindi sila ang napansin ko at nakaagaw ng atensyon ko?" pagbabalik tanong ko sa kanya. "Bakit hindi 'yung mga babaeng nagdadamit nang akma sa kung ano sila? Bakit isang asal tambay, asal lalaki at asal basagulera pa ang nakapagpabilis ng tibok nito?" itinuro ko ang kaliwang dibdib ko, "Tingin mo, MJ? Bakit?" tinitigan ko siya sa mata, nagbabakasaling alam niya.

Lumapit ako sa kanya at hinawakan siya sa magkabilang braso. "Simple lang ang sagot, MJ. Simpleng simple lang." binigyan niya lang ako ng nagtatanong na ekspresyon. "Kasi, hindi ikaw sila, at hindi sila ikaw."

"Kahit na gaano karaming babae ang makita't makasama ko, kung hindi naman sila ikaw, wala pa rin akong mararamdaman ng tulad ng nararamdaman ko sa'yo. Hindi ako mag-aalala nang sobra sa tuwing iinom sila ng marami, hindi ako kakabahan na baka bigla nalang silang may makaaway sa kanto, hindi ako mapapaisip ng kung paano ako makakapasok sa buhay nila dahil sa isang bagay. Hindi sila ikaw."

Hinawakan ko ang pisngi niya at pinakatitigan siya sa kanyang mga mata. "Tandaan mo 'to, MJ. Nagpapasalamat ako dahil ipinakilala mo sa'kin ang mundo ng Wattpad. Dahil do'n ay nagkaroon ako ng ideya sa kung paano tumakbo ang isip ninyong mga babae. Sa kung paano pala kayo mag-react sa mga bagay bagay, kung paano kayo gumawa ng moves para mapansin ng crush niyo at sa kung paano kayo magtago ng kilig niyo." Napansin ko ang bahagyang pagkunot ng noo niya. Natawa ako nang bahagya. "Alam kong hindi ka ganoong klase ng babae kagaya ng mga nasa kwento, ang ibig ko lang sabihin, may idea na ako sa takbo ng utak ng mga normal na babae."

Lalong nangunot ang noo niya. "Hindi ako normal, gano'n?" aniya at humalukipkip.

Umiling ako. "Hindi. Kasi out of this world ang mga kagaya mo. One of a kind, extra ordinary—aray! Bakit?" napalayo ako nang bigla niya akong pabatukan nang malakas. Napahawak ako sa ulo ko dahil pakiramdam ko nalaglag 'yung utak ko.

"So alien ako?! Tiga-Mars o Pluto na nang-aabduct ng mga tao sa Earth para pag-experimentuhan kayong mga tagalupa?! Gano'n ba?! Ha?!"

Napailing ako sa reaksyon niya. "Porket sinabing out of this world, one of a kind at extra ordinary, alien na agad naiisip mo? Hindi ba pwedeng kasi unique at kakaiba ka?"

Napapalatak siya at ismid. "Unique, kakaiba— tinagalog mo lang, e!"

Napabuntong hininga ako at napailing. "Sige. Hayaan mong sagutin ko ang tanong mong kung bakit ikaw sa lahat ng alien dito sa mundo, ang napili ko." kinuha ko ang cellphone ko at nagtungo sa mga kantang nasa memory card ko. nag-scroll ako nang nagscroll hanggang sa nakita ko ang kantang hinahanap ko, saka pinindot ang play at tumitig sa kanya. "Sa pamamagitan ng pagkanta ng nararamdaman ko." Nagsimula ang kanta sa strum ng gitara, kasunod ang lyrics ng kanta.

I like your smile

I like your vibe

I like your style

But that's not why I love you

And I, I like the way

You're such a star

But that's not why I love you

Sinabayan ko ang isang kantang babae ang orihinal na kumanta pero ginawang ng cover ng isang lalaki. Pakiramdam ko kasi, 'yung bawat lyrics ng kantang 'to, sakto sa gusto kong sabihin at ipaintindi sa kanya.

Hey, do you feel, do you feel me?

Do you feel what I feel too?

Do you need, do you need me?

Do you need me?

You're so beautiful

But that's not why I love you

I'm not sure you know

That the reason I love you

Is you being you, just you

Yeah, the reason I love you

Is all that we've been through

And that's why I love you

Nakatitig ako sa kanya habang sinasabayan ang kanta. Gusto ko kasing sa pamamagitan ng pagkanta ko, kahit man lang paano, maintindihan at maunawaan niya na seryoso at totoo ang mga ipinapakita ko sa kanya. Na hindi ako kagaya nung pesteng ex niya na ang habol lang sa kanya ay katawan. Dapat dun sa gagong 'yon bigyan ng isang malaking hipon, e. Puro katawan lang pala ang gusto niya.

Even though we didn't make it through

I am always here for you, you

You're so beautiful

But that's not why I love you

I'm not sure you know

That the reason I love you

Is you being you, just you

Yeah, the reason I love you

Is all that we've been through

And that's why I love you

That's why I love you

That's why I love you

That's why I love you

Nang matapos ang kanta, hinila ko ang ulo niya palapit sa akin. Pinaglapat ko ang mga noo namin at sinserong tumingin sa kanya. "Narinig mo ba?" tanong ko. "Naintindihan mo na ba? nalinawan ka na ba? naniniwala ka na bang mahal talaga kita at handa akong patunayan ang sarili kong karapat-dapat ako sa second chance na ibinigay mo?" diretso kong tanong sa kanya.

Nakatingin lang siya sa mga mata ko, half open ang kanyang bibig at tila hindi mahanap ang salitang gusto niyang sabihin. Alam ko namang hirap siyang sabihin ang nararamdaman niya, e. Nasanay kasi siyang itago ang tuna niyang nararamdaman sa likod ng tila pader na pangkubli. But I've heard her story. And I know better.

Niyakap ko siya nang mahigpit. Sabi kasi nila, ang mga taong hirap magsabi ng tunay na nararamdaman, sa kilos idinadaan. Pero dahil naging bato siya sa matagal na panahon at nabalot ng takot na magkamali muli, ako na ang gagawa ng paraan para maipakita sa kanya ang totoong siya. Na walang itinatago at ikinukubli.

Naramdaman ko ang unti unting pagyakap niya sa'kin, dahilan para mapangiti ako nang sobra. "Alam kong hirap kang sabihin ang totoo mong nararamdaman pero sa yakap mo palang, solve na solve na ko." ngisi ko. Ramdam ko ang pagkunot ng noo niya at ang panunulis ng nguso niya dahil nasa dibdib ko ang mukha niya. "Tss. 'Wag kang feeling, Koya. Giniginaw lang ako kaya ako yumakap sayo, 'no! Body heat daw kasi ang magandang alternative sa ganitong panahon."

Natawa ako sa sinabi niya at lalong hinigpitan ang yakap ko sa kanya. Hinalikan ko siya sa ulo at nakangising napailing. "Magdadahilan ka nalang, sablay pa. Aminin mo nalang kasing gusto mo din akong yakapin. Naka-jacket ka kaya."