Felix's POV
Nanatili kami sa park at nagkwentuhan, nagtawanan at nagkulitan. Hanggang sa may naisip akong itanong sa kanya.
"Bakit ba 'lola' ang tawag mo sakin? Tapos sayo gusto mo itawag ko lolo? Anong trip 'yon?" tanong ko.
Tumawa muna siya bago nagsalita, "'Yun ba? Wala lang. Ayaw ko kasi ng mga tawagang beh, honey ko, sweetie pie, babe at kung ano ano pang nakaka-diabetes na tawagan. At least pag 'lolo-lola' ang tawagan, may paggalang, 'di ba? Tsaka, ang cute kaya!" Hmm, sa bagay may punto siya.
"Ok lang naman na ganun ang tawagan ang kaso, ako 'yung lalaki tapos ako 'yung lola? Bakit ba kasi kailangang kabaligtaran ng kasarian natin 'yung itatawag natin sa isa't isa?"
"Para masaya! Haha! E, cute naman ah... 'di ba?" Tumingin siya sa'kin at ngumiti... na naman.
Sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, kahinaan ko ang mga ngiti niya. Para kasi sa'kin,' yung mga ngiti niya ay pawang totoo at walang halong ka-plastikan. Yung parang, she's smiling with her heart's content? Ganoong klaseng ngiti ang meron siya. Isama pa 'yung mga mata niya na sumasama sa pagngiti niya. Even her eyes are smiling whenever she does. Maybe that's one of the reasons why I fell in love with her. Why I feel so comfortable whenever she's around.
"Ah alam ko na!" buong sigla niyang sabi. "Bakit hindi tayo mag isip ng unique na endearment? 'Yung, tayo lang ang may gawa? 'Di ba mas cool 'yon?" pinagdikit niya ang dalawa niyang palad at kung pwede lang kuminang ang mga mata niya, nangyari na.
"Anong endearment naman?" tanong ko.
"Hmm... basta dapat unique. Tapos 'yung may sense. Ano kaya..." ipinatong niya 'yung baba niya sa isa niyang kamay at umaktong nag iisip. Ansarap niyang pag masdan. Di nakakasawa.
"Ano 'yang binabasa mo?" Natigil ako sa pagbabasa at napalingon kay MJ na nasa tabi ko. Dumungaw siya sa cellphone ko at tiningnan 'yung nasa screen. "Ay! My Childish Girlfriend? Cute niyan!" aniya na nakangiti.
Tumango ako at muling inilipat sa susunod na pahina ang binabasa ko. "Nabasa mo na 'to?" tanong ko sa kanya habang nakatitig din siya sa phone niya.
"Yup! Sina Vector at Scalar labtim. Haha! Cute nung story. Kala ko happy ending pero-"
"Hep hep hep! 'Wag gano'n! Spoiler ka naman, e! Edi wala nang thrill!" awat ko sa sasabihin niya. Tama ba namang ikwento na sa'kin 'yung dulo e halos nagsisimula palang ako?!
Natawa siya at binelatan ako. "Sorry na! Nadala lang ho! Epic kasi 'yung dulo, e." aniya saka muling tumitig sa cellphone niya.
Kung nagtataka kayo kung bakit kami magkasama ngayon, simple lang 'yon. Kasal na po kami at malapit nang magtapos ang kwentong 'to. Magkaka-anak na rin kami at ayon sa ultra sound ay kambal daw. Ayos, di ba? Isang hirap nalang, dalawa na agad.
Pero syempre, joke lang 'yon.
Linggo ngayon at nandito ako sa kanila, nakikitambay. Tinext niya kasi ako na dito daw ako mag-lunch dahil inaaya daw ako ni Tita Jenny. Syempre, agad akong pumunta kaya naman heto ako at nakatambay sa kanila. Katabi ko siyang nagbabasa ng kwento sa Wattpad habang nakasalampak kami sa sahig. Nakaupo ako at nakasandal sa sofa nila habang siya naman ay nakaunan sa hita ko. Nagulat nga ako nung bigla siyang umunan sa hita ko, e. Wala sa sarili siguro kaya biglang napaunan sa'kin. Well, ok lang naman. Ang cute nga naming tingnan, e.
Ako naman ang dumungaw sa hawak niyang tablet at tiningnan ang binabasa niya. "Operation: Taming The Bad Girl?" pagbasa ko sa title. "Teka, 'yan ba 'yung kina Kid at Ken?" tanong ko at humalakhak siya. "Oo, ito nga. Takte, akalain mong magaling 'yung dalawang 'yon? Aba'y kuhang kuha 'yung ugali ko, e!" aniya sabay tawa.
Napailing nalang ako at napatitig sa kanya. Ang sarap lang pakinggan nung tawa niya na parang walang inaalalang problema. Alam niyo 'yun? 'Yung tipong tawa na napaka-carefree at walang kapoise poise kung ibabase sa tawa ng babae? Wa-poise man pero para sa'kin, 'yun 'yung tawa na gusto kong marinig araw araw.
"Nakakatawa nga 'tong gawa nila, e. In all fairness naman, magaling sila kahit na beginner palang. Hindi rin jeje 'yung pagkakasulat at hindi rin magulo. Pwede na talaga kahit newbie palang." Aniya habang nakatutok pa rin sa tablet niya. Ako naman, nakatitig lang sa kanya.
Nakasuot siya ng normal na pambahay. At ang ibig kong sabihin na pambahay ay 'yung normal na pambahay. Kumpara kasi sa normal niyang pambahay noon, iba 'to. Naka-t shirt siya na hindi loose at parang sa tatay niya, 'yung lapat lang sa katawan niya. Naka-shorts din siya, hindi 'yung short shorts o 'yung jersey shorts na dati niyang sinusuot kundi 'yung shorts na abot naman sa ibabaw ng tuhod niya. In short, sakto lang.
"Na-try mo na bang basahin? Haha! Try mo, bhe! Ang cute at kwela!" pagtutuloy pa niya na ikinabigla ko.
"Te-Teka... anong itinawag mo sa'kin?" kunot noong tanong ko. Hindi naman ako nabingi di ba?
Lumingon siya sa'kin na nakakunot ang noo. "Ha? Ano bang narinig mo?"
Napalunok ako at hindi makatingin sa kanya ng diretso. "Sa-Sabi mo..." tumikhim ako, "sabi mo 'bhe'..."
Nanlaki ang mga mata niya at sandaling natigilan. Maya maya ay nanulis ang nguso niya kasunod ang malutong niyang pagtawa. "Hahaha! Ah 'yun ba?" aniya sa pagitan ng tawa niya, "Sorry naman! E 'yun kasi 'yung nabasa ko, e. Di ko naman alam na big deal sa'yon 'yung pagtawag ng ganun! Lols! Kung nakita mo lang 'yung mukha mo, ang epic!" dagdag pa niya saka nuling tumawa. Nagkanda gulong gulong na siya sa sahig sa kakatawa. Nawala rin siya sa pagkakaunan sa hita ko dahilan para mauntog siya sa sahig. "Aray! Putcha!" daing niya habang nakahawak sa likod ng ulo niya. Pero kahit na nauntog na siya, ayun at tuloy pa rin siya sa pagtawa.
Mataman ko siyang tiningnan, pilit na pinapaseryoso ang ekspresyon ko. "Tuwang tuwa ka naman. Kasalanan ko bang kiligin kung bigla ka nalang mantatawag ng 'bhe'?"
Muli siyang bumalik sa pagkakaunan sa hita ko habang pilit pinapatigil ang pagtawa. "Oo na! Ikaw na ang lalaking madaling kiligin sa simpleng 'bhe'. Sorry na, bhe. Peace na tayo, bhe," Nang-aasar na sabi niya sabay tawa. Napailing nalang ako at napangiti. Kinurot ko ang pisngi niya at nakangiting tiningnan siya. "'Kaw talaga. Such a tease!"
"O mga bata, tama na ang kulitan. Kain na tayo." Napalingon kami sa Mama ni MJ na nakangiting tinitingnan kami. Tumango ako at pinabangon si MJ na nakahiga pa rin sa hita ko tapos ay tumayo na rin ako. Inalalayan ko siya sa pagtayo saka kami sabay na nagtungo sa hapag kainan.
---------------
"Oy pre! Balita ko nandun ka daw kina MJ kahapon? Musta?" bati sa'kin ni Ken. Kasunod niya si Kid na nakatutok pa sa tablet niya. Ewan ko kung anong pinagkakaabalahan.
Umupo ako sa bench "Ayos lang naman. Do'n lang ako pinag-lunch ni Tita. Konting kwentuhan. Pero alam niyo ba?" nakangiti kong pambibitin. Agad naman silang umupo sa harap ko at kakikitaan na ng interes sa mga mukha.
"Ano, ano?" excited na usisa ni Ken.
Napangiti ako nang maalala ko 'yun. "Tinawag niya akong bhe!" Malapad ang pagkakangiti ko nang sabihin ko 'yon pero 'yung itsura naman nila, akala mo pangkaraniwan lang 'yung sinabi ko. Napakunot ang noo ko sa kanila. "Bakit parang wala lang 'yung sinabi ko?"
Napasandal sa sandalan ng upuan niya si Kid habang si Ken naman ay napapalatak. "'Kala ko naman kung ano na, 'yun lang pala." Aniya na parang disappointed. Napakunot naman lalo ang noo ko.
"Di mo ba naririnig ang tawagan nila MJ at nung iba pang girls?" singit ni Kid. Umiling ako. "Puro ka kasi titig lang, e, nabibingi ka na tuloy,"aniya at napailing pa. "Tawagan 'yon ng mga girls ngayon. Nakakabigla nga kasi miski si MJ nakisali. O ayan na pala sila, e." Napalingon kami sa likod nang inguso ni Kid ang nagtatawanang sina MJ. Kakwentuhan niya sina Maiko, Riz at Eliza. Nang mapadako sa gawi namin ang tingin nila, nakangiti silang kumaway at patakbong lumapit sa kinauupuan namin.
"Oy! Good morning mga bhe! Musta Monday niyo?" nakangiting bati ni MJ sa bawat isa sa'min. Nakangiti siya na talaga namang napaka-unusual kumpara sa dating MJ na nakabusangot at ang angas ng dating. Ngayon, lagi na siyang nakangiti at nabawasan na rin 'yung angas na meron siya. Wala akong ibang nagawa kundi mapatulala.
"Aysus! Si Felix, o. Napatulala na naman kay MJ!" pang-aasar nina Ben sabay tawanan. May dala silang mga pagkain na agad naman nilang inilapag sa lamesa.
"Nanibago ka 'no? Di mo napapansin tawagan nila," bulong ni Ken sa gilid ko. Di ko nalang siya inintindi. Masama bang sabihin na nag-expect ako na ako lang 'yung tinatawag niya ng gano'n? Sabi ko sa sarili ko.
Umupo si MJ sa tabi ko at nakangiting nakipag-agawan sa pagkain sa harapan. Lumingon siya sa'kin at iniumang ang nakabukas na Piatos sa harap ko. "Gusto mo?" alok niya.
Wala sa sariling napatango ako at kukuha na sana nang ilayo niya sa'kin 'yung Piatos. "Edi kumuha ka!" halakhak niya sabay apir kina Ben.
"Yown! Di pa rin nalalaos si MJ mah-men!" tawa ni Jin sabay high five kay MJ.
"Naman!" nakangiting sagot ni MJ dito.
----------
"Huy! Kanina ka pa tahimik, ah. Problema mo?" pabulong ni MJ sa gilid ko. Klase namin sa SocSci ngayon at iba ang seating arrangement namin kaya naman magkatabi kami. Nasa kanan ko siya. Ikalawang bangko mula sa likod ay dun kami nakaupo.
Umiling ako nang hindi nag-aalis ng tingin sa blackboard. "Wala. May iniisip lang ako," sagot ko habang patuloy sa pakikinig sa guro sa harapan. Sa gilid ng aking mata ay nakikita kong hindi niya inaalis ang tingin sa'kin. Kunot ang kanyang noo at nanliliit ang mga mata.
"Nagtatampo ka ba dahil di kita binigyan nung Piatos? Kung oo, sige mamaya ibibili kita!" aniya na hindi pa rin inaalis ang tingin sa'kin.
"Hindi. Ambabaw ko naman kung dahil lang do'n." Sagot ko na hindi pa rin lumilingon sa kanya.
Nagtagal 'yon ng ilan pang sandali kaya naman lumingon na ako sa gawi niya at bahagyang pinisil ang tungki ng ilong niya. "'Wag mo akong pakatitigan at intindihin. Mamaya malusaw ako sa tingin mo, e. Kinikilig pa naman ako." Pabiro kong sabi saka ngumiti sa kanya. Agad naman niyang hinawi ang kamay ko at ibinaba. Napailing lang siya at itinuon na ang atensyon sa teacher.
"Uy, Felix! Antayin mo naman ako!" pasigaw na sabi ni MJ mula likod ko. Lumingon ako at nakita ko siyang humihingal na humabol sa'kin. "Ang bilis mo namang maglakad!" reklamo niya saka humugot ng malalim na hininga. Nakatitig lang ako sa kanya habang panay ang paypay niya sa sarili at nagpupunas ng pawis. Napatingin siya sa akin at tumaas ang kilay niya. "Bakit? May dumi ba ako sa mukha?" aniya at umiling ako.
"Wala. Naisip ko lang na bagay sa'yo 'yang ayos ng buhok mo. Paturo ka pa ng ibang style kina Maiko ta's ituro mo sa'kin kung pa'no para ako naman ang mag-iipit sa'yo sa susunod," ngiti ko saka kinuha ang bag niya. "Tara na? Uwi na tayo." Muli akong humakbang pero napatigil ako nang maramdaman ko ang bahagyang pwersang pumipigil sa'kin mula sa laylayan ng polo ko.
Napalingon ako sa likod ko at doon, nakita ko ang kamay ni MJ na nakahawak sa laylayan ng damit ko. Sinundan ko ng tingin ang kamay niya pataas sa mukha niya at nakitang hindi siya nakatingin sa akin kundi sa ibang direksyon. Di rin nakalagpas sa paningin ko ang bahagyang pamumula ng pisngi niya.
"Ano... p-pahawak sa... sa laylayan ng damit mo, ah." Nahihiyang sabi niya na hindi pa rin makatingin sa akin. Kinagat niya ang ibabang labi niya at sinisipa sipa ang sahig, nakapako lang sa kanya ang atensyon ko habang siya naman ay hindi makatingin sa akin ng diretso.
"Tsaka... ano... S-sorry na. K-Kung ano man 'yung ginawa ko na ikinatampo o galit mo, s-sorry na."
Sa gitna ng mga estudyanteng nagmamadali rin sa pag-uwi, sa gitna ng mga taong naaabala namin dahil sa pagkakahinto namin, sa kanya lang nakatuon ang buong atensyon ko. Sa MJ na malaki na ang ipinagbago kumpara sa MJ na una kong nakilala, sa MJ na marunong nang mag-ipit ng buhok at mag-ayos babae... kahit konti at sa MJ na napakadalang humingi ng tawad sa kung ano mang bagay na nagawa niya.
Pakiramdam ko may kung anong nagwawala sa tiyan ko dahil do'n. Dahil sa sinabi niya at dahil sa mga kilos niya. Napangiti ako at napailing. "Bakit ka nag-sosorry e wala ka namang atraso sa'kin?" tukso ko dahilan para lalong mamula ang mukha niya. Napatingin ulit ako sa kamay niyang nakahawak sa laylayan ng damit ko at lalong napangiti nang makitang sobrang higpit ng pagkakahawak niya doon. "Nahihiya ka lang ata, e, bakit di nalang kamay ko ang hawakan mo? Ba't d'yan pa sa laylayan ng damit ko ang kapit mo kung pwede mo namang kawakan ang kamay ko?"
Kunwari ka pa, MJ, e. Gusto mo lang hawakan ang kamay ko. Nangingiting sabi ko sa sarili ko.
'Gusto mo rin naman. Dumadahilan ka pa!' bara naman ng isang parte ng utak ko. E ano kung sabihin kong oo? Itinatanggi ko ba?
Inilahad ko ang kamay ko sa kanya. Bibiruin ko lang sana siya pero ako ang nabigla nang hawakan nga niya ito. Unti unti at marahan pero nang lumapat ang kanyang palad sa akin ay pakiramdam ko, nakuryente ako.
Ito ba 'yung tinatawag nilang sparks? Napatanong ko sa sarili ko.
'Hindi. Dream come true talaga.'
Pinagmasdan ko ang mga kamay naming ngayon ay magkahawak. Nakakapanibago at ang weird ng pakiramdam. Lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Takte. Kinikilig ata ako!
Tumingin siya sa'kin na hindi iginagalaw ang ulo niya, 'yung, mata lang ang gamit niya? "O-Oy ah! Shey na titig 'yan! Sabihin mo lang kung naiilang ka sa kamay ko, aalisin ko-" Agad kong hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay niya nang aktong aalisin niya ito mula sa pagkakahawak ko.
"Hindi, ah. Ba't ako maiilang e, ito nga ang pangarap ko?" Di ko mapigil ang ngiting unti unting gumuguhit sa labi ko habang pinapakatitigan ang mga kamay naming magkahawak. Heaven pre! Cloud nine! Haha!
Bahagya ko siyang hinila palapit sa'kin. "Tara na?" aya ko at tumango naman siya.
Habang naglalakad kami ay di nakalampas sa paningin ng mga tao ang kamay naming magkahawak. Ramdam ko ang pagkailang ni MJ dahil sa mga atensyong ipinupukol sa amin ng mga nakakakita kaya naman mas hinila ko pa siya palapit, dahilan para mapamura siya.
"Shey, shey, shey! Di ko alam na agaw eksena pala tayo!" mahinang bulong niya. Natawa ako.
"'Wag mo silang pansinin. Naninibago lang kasi sila sa'tin." Bumitaw ako sa pagkakahawak sa kanya para maakbayan siya. Nakarinig ako ng ilang mga pagsinghap at impit na pagtili dahil sa ginawa ko. Naramdam ko naman ang mahinang pagsiko niya sa sikmura ko pero natawa lang ako.
"Pasikat ka talaga."
"Di ah. Kinikilig lang," sabi ko saka tumawa.