Third Person's POV
Ang kadilimang kanina'y bumabalot kina Felix at MJ ay napalitan ng nakakasilaw na liwanag. Kasunod nito ang nakabibinging sigawan mula sa kanilang mga kaibigan na kanina pa nakikinig at nanonood sa kanila habang nakakubli sa dilim.
"OMG! Why so sweet Felix?"
"Kinikilig ako, grabe! HAHAHA!"
"Siguro naman bibigyan niyo na ng chance ang love story niyo niyan?" kanya kanyang komento nila Maiko, Riz, at Eliza, na pare parehong kinikilig at nagtatatalon sa tuwa.
"Nice, pare! Sa wakas! HAHA!" pabirong salubong nila Kid at Ken saka nakipag-apir kay Felix. Sumunod naman sina Ben na tulad ng naunang dalawa ay kinantyawan din si Felix at pinaggugulo ang buhok.
Nagkatawanan at tuksuhan pa ang mga lalaki habang ang mga babae naman ay may sarili ding usapan. Nagsilapit sila kay MJ na tila hanggang sa mga sandaling 'yon ay hindi pa rin makapaniwala, lalo na sa mga nakikita niya ngayon.
Ang buong gym na kanina'y nababalot ng dilim ay nagkukubli pala ng isang surpresa. May mga lobong nakalutang sa ere at sa mga dulo ng tali nito ay may mga litratong nakadikit sa mga ito. Mga litrato ni MJ noong siya ay bata pa, hanggang sa siya ay nag-high school na. May mga talulot din ng rosas na nakakalat sa red carpet na kanyang inaapakan. Di niya ito nakikita kanina dahil sa dilim ng paligid ngunit ngayon ay malinaw na niya itong napagmamasdan. Pinagmamasdan niya ang mga ito at pilit man niyang pigilan ang pagngiti ay hindi niya magawa.
'Saan naman kaya niya nakuha ang mga 'to?' tanong niya sa sarili habang iniisa isa ang mga litratong nakasabit. Ang mga 'yon ang siyang nagpapaalala sa kanya sa kung sino siya dati, ang dating MJ na mahilig magdamit babae at pumormang para anime. Natawa siya sa kanyang sarili.
"Ako ang nagbigay sa kanya ng mga 'yan," anang isang tinig na nanggagaling kay Annie, ang bestfriend niya simula grade school at ang taong nakaaalam ng kanyang nakaraan. Nakangiti itong lumapit sa kanya ay masuyong hinawakan siya sa kanyang kamay, "Sa tuwing nami-miss ko ang dating ikaw, tinitingnan ko lang ang mga pictures natin noon. Tapos no'n, 'yung pagkamiss ko, biglang nawawala at napapalitan ng tawa," anito sa kanya sabay ang bahagyang pagtawa.
"Annie..." pagtawag niya sa kaibigan. Tumingin ito sa kanya at bakas sa mga mata nito at tuwa at saya. Tila nagniningning ang mga ito at alam niyang hindi ito pagkukunwari lamang. "Kaya ka ba tumulong kay Felix kasi..." hindi niya maituloy ang sasabihin ngunit alam na nito ang tinutukoy niya.
"Oo. Pasado sa'kin si Felix, MJ," nakangiting sabi nito sa kaibigan na bahagyang natigilan. "Nakita ko ang lahat ng effort niya sa'yo, MJ. 'Yung isang gabing nakilala't nakilatis ko siya, nakita kong mabuti at tunay ang damdaming ipinapakita niya sa'yo. Lalo ko 'yong napatunayan nang hindi niya kinaya ang sinabi mong girlfriend mo ako. Doon ko nakitang sobra siyang nasaktan dahil sa sinabi mo. At nakita ko rin 'yon sa mga mata niya nang dinalaw ko siya sa ospital noon."
"D-Dinalaw mo siya?" gulat na pag-uulit ni MJ.
"Oo. At nakita ko kung paano niya ako tingnan noon. Kung paano masasalamin ang sakit at lungkot sa mga mata niya." Sagot nito sa kaibigan. "Noon ko rin ibinigay ang basbas ko sa kanya. Noon ko rin sinabing tutulungan ko siya sa'yo."
Napatingin si MJ sa gawi nina Felix na hanggang sa mga sandaling 'yon ay naglolokohan at nagkakatuwaan pa. Nagkukulitan ang mga ito at panay ang tawa. Nang mapatingin sa gawi niya si Felix ay kumindat ito sa kanya, kaya naman agad siyang nagbawi ng tingin at humarap kay Annie.
"Ang totoo, Annie, natatakot ako, e. Hindi ko alam kung dahil ba 'to dun sa gagong ex ko o ano pero parang may pumupigil pa rin sa'kin na mahulog sa kanya. Alam mo 'yon? 'Yung parang may nagdedebate sa utak mo na dalawang ikaw? 'Yung isa pro, 'yung isa anti?! Tangina! Miski sa gabi nabubulabog ako dahil sa mga 'yon, e!" paliwanag ni MJ kay Annie na pinakikinggan lang siya.
"Mahirap ibalik ang tiwala, MJ. Mahirap, alam ko. Pero hindi mo naman kailangang magmadali, e. Kilalanin mo siyang maigi. Mahaba pa ang oras para makilala mo siya at para malaman mo rin kung ano ang nararamdaman mo sa kanya. Just give him a chance and let him do his ways. Let him prove his self to you, just like what he told you."
Napabuntong hininga nalang si MJ at tumango. "Tama ka, Annie. Susubukan ko," aniya. Ngumiti naman si Annie sa kanya saka siya hinila sa isang yakap. Yumakap din siya dito, gaya ng lagi nilang ginagawa.
"Grabe, Felix. Nung sinabi mong may popormahan ka, hindi ko naisip na ganitong porma pala! Haha! Ikaw na dati, e, nuknukan ng mahiyain e, dumada moves na? Improving, pre!" halakhak ng isang tinig na siyang nakatawag pansin kay Annie. Kumalas siya sa pagkakayakap kay MJ at kunot noong tinunton ang pinanggagalingan ng boses na tila pamilyar sa kanya.
"Huy! Ano 'yang itinutulis ng nguso mo?" takang tanong ni MJ sa kanya nang makita ang ekspresyon ng kaibigan.
"May iba pa ba tayong kasama except sa mga kaibigan niyo?" tanong niya kay MJ.
"Iba? As in, hindi mo pa nakikilala?" kunot noong tanong naman ni MJ. "Baka 'yung bestfriend ni Felix 'yung tinutukoy mo. Si Drei." Sagot ni MJ na ikinabigla ni Annie.
"Drei? As in, Andrei Perez?"
"Uhh... pangalan lang niya 'yung alam ko, e," kibitz balikat naman ni MJ.
Dahil nga nacu-curious si Annie sa boses na narinig ay nagpunta siya sa tumpok ng mga kalalakihan at doon, natagpuan niya ang kanyang hinahanap.
"Drei?" patanong na pagtawag nito sa lalaking nakatalikod sa kanya na kausap nina Felix. Natigil ang mga ito sa pag uusap at humarap sa kanya. "Bakla!" nakangiting bulalas ni Annie nang mapagsino ito.
"Magkakilala kayo?"
"You know each other?"
"BAKLA???" sunod sunod na usisa ng mga lalaki na tila na-curious din sa dalawa.
Nanlalaki ang mga matang napatda si Drei nang makita si Annie. "A-Anniesette? A-Anong ginagawa mo dito?" tanong niya kay Annie na hindi naman mabura ang ngiti sa labi.
"Ako 'yung best friend ni MJ! OMG! Small world! Ikaw daw 'yung best friend ni Felix? Teka, alam ba niya 'yung secret mong—" bago pa man matapos ni Annie ang sasabihin ay tinakpan na ni Drei ang bibig nito. "Shh! 'Wag kang maingay!"
"Magkakilala kayo, Drei?" tanong ng kunot noong si Felix habang ang lahat ay nakatingin sa kanilang dalawa ngayon. Ang kaninang spot light na nakina MJ ay napunta na sa kanila ngayon. Lahat ay kababakasan ng gulat at pagkalito. Lalo na sa tawag ni Annie kay Drei.
Alangang ngumiti si Drei kay Felix habang takip takip pa rin ang bibig ni Annie, "A-Ah... oo. Classmate ko siya at... m-medyo close kami... hehe." Nakangiwing sagot nito kay Felix na tila nakukulangan pa sa mga impormasyon.
"B-Basta! We know each other! Tapos ang usapan!" deklara ni Drei para mawala ang atensyon ng lahat sa kanya saka hinila si Annie palayo sa grupo.
Kinagat ni Annie ang kamay ni Drei na kanina pa nakatakip sa bibig niya, nadamay kasi ang ilong niya at kanina pa siya hindi makahinga. Nang matanggal ito ay humugot siya ng malalim na hininga, "Di mo naman... kailangang... takpan ang bibig ko, bak—Drei!" sigaw niya habang patuloy sa paghahabol ng hininga.
Sa isang gilid naman ay nakahalukipkip at nanliliit ang mga matang nakamasid sina Kid at Ken kina Drei na ngayon ay lumayo ng konti sa kanila para makapag-usap ng sarilinan. Nagkatinginan ang dalawa at parehong napangisi at sabay na sinabing, "I can smell something fishy," they both said in chorus with a wide grin.