Chereads / Mga Makabuluhang Nonsense / Chapter 1 - Dutdutin Mo Ako

Mga Makabuluhang Nonsense

nasabayabasan07
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 39.1k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - Dutdutin Mo Ako

DI DI DIT DAH DAH DI DI DIT!

Alam nyo ba na ang "di di dit dah dah di di dit" na lumang message alert tone ng Nokia phones kapag ni translate mo using morse code ang ibig sabihin ay "SMS" (Short Message Service – thanks google)

Ako lang yata ang walang ipad or smart phone dito sa office. I like technology pero may mga sandaling naiisip ko na mas mainam pala kung wala ito. Tara, usap tayo. (Boy Abunda voice)

Break time na naman, sabay sabay kami nila officemate tungo sa cozy na pantry. "So kamusta yung current project nyo?" tanong ko kay Instagram girl. Hindi nya ko napansin kasi busy sya sa pagkuha ng picture sa kape kasama ang resibo. "click!, click!" ang tunog habang nagseselfie sya ng may hawak na kape.

Pagkatapos ko mag buntung hininga ay tumingin naman ako kay boy FB. Kakausapin ka lang nya kapag may gusto syang I pa –LIKE sayo, pero sinubukan ko parin mag start ng conversation.

"Tol, ilan nga ba yung target nating AHT yesterday?" no response.

"Tol! Tol hello? Kelangan mo rin i-file yung Csat report today" no response, please try again.

"Tol, na like ko na yung piktyur ng aso mo na nag flush ng toilet."

"Uy thanks sir, mag comment ka narin ha, tapos I like mo yung comment ko sa comment mo."

"Okay…" Suntukan nalang kaya tayo? Bulong ng isip ko. Ang pathetic ng taong to, sariling status, sariling like at sariling comment. Walang friends?

Tumayo ako upang maghanap ng matinong kausap. Nakita ko si Moymoy na mistulang estatwa sa isang sulok. Taimtim at kunot noo syang nakatitig sa kanyang ipad mini. "Moy, musta? Balita ko na release naraw yung Playstation 4. Astig noh?"

"Yup," dinutdot nya ng daliri ang gitna ng screen, at walang kaabog abog na iniba ang usapan. "Napanood mo na ba yung video ng asong nag s-sleep walk? O yung funny cats? O yung bagong MTV ni Miley Cyrus?" the list goes on and on. Kaya pala sya nakatayo doon ay naghahanap daw ng magandang signal. Habang kinakausap ako ay doon lang sya nakatingin sa maliit na screen ng ipad mini, habang naka pasak ang earphone sa magkabilang tenga. Communication etiquette? Check.

Kibit balikat akong nagtungo kay ate tindera upang bumili ng Cobra (yung energy drink, hindi yang iniisip mo). Habang naka yuko si ate, automatic na umangat ang kanyang kamay na mistulang sumasahod ng ulan, iniabot ko ang bayad, sumulyap sya sandali sa binili ko, at bumalik sa pag tetext. Sinubukan kong kumupit ng kendi, yung mga nasa harapan nya, pero nahuli nya ako. "Sir bayad nyo po?" nakangiting sabi nito habang ang isang kamay ay abala parin sa pagtetext. Aba ate pwede ka na sa production floor, di mo na kelangan ng training for multitasking! Pwede rin security guard kasi may mata ka sa noo…

Simbilis ng pag ubos ko ng energy drink ang pagtatapos ang araw, busy at stressful, same sh*t, different day. Along the way ay halos makabangga ako ng mga taong hindi tumitingin sa kanilang dinadaanan, bagkus ay mistulang mga may stiff neck habang nakatitig sa kanilang gadgets and phones. Para akong si Pac-Man na nakikipag alagwa kina Blinky, Pinky, Inky, at Clyde (pangalan ng mga ghosts) habang tinatahak ko ang kahabaan ng aming subdivision.

Pagdating ko sa bahay ay sinalubong agad ako ni Bunso upang akapin, ngunit isang kamay lang ang kanyang gamit dahil hawak nya sa kabila ang I-pad. Automatic, pagbitiw ay balik muli sya sa walang katapusang paglalaro ng Kendi Kras. Si Ate naman ay nasa harap ng PC, naka web cam habang may katext, si Tatay nasa harap ng TV habang nagkakamot ng tiyan, si Nanay naghahanda ng tanghalian (tanghalian talaga kasi graveyard shift ako)

Matapos ang tanghalian ay iniwan ko na ang aking pamilya na mistulang mga sundalo na bumalik sa battle stations nila; Kanya kanyang dutdot, pindot, kamot, type, takatak, swipe, sundot, shake, etc. "Bye humans, tutulog na po ako sa itaas," nagpaalam ako kahit alam kong hindi rin naman sila sasagot. Humihikab akong umakyat tungo sa kwarto upang sumalampak na sa aking kutson.

Mahimbing ang aking pagkakatulog subalit maya maya'y naalimpungatan ako sa init na nararamdaman. Nakapalibot sakin sina LED TV, Galaxy, Nexus, Ipad, Ipod, I-pot, at iba pang android phones na made in China. Sina Bunso, Ate, Nanay, at Tatay ay nakakulong sa loob ng mga screen; ang kulay green nilang mga mata ay nanlilisik, kakulay ng Full Bat. Distorted ang kanilang mga mukha na naka photoshop at walang pimples habang walang humpay ang pag galaw ng kanilang mga kamay at braso. "Kuuuuyaaaa," nakaka tindig-balahibo ang mala robotic voice ni Bunso, tumagos ang kanyang kamay mula sa screen at hinila ang aking paa upang sumali sa kanilang mundo. "Kuuuyaaaa, laro tayo now na….." pagpapatuloy ni Bunso habang ang isa kong paa ay hinigop na ng touch sensitive na screen. Dumampi ang aking talampakan at narinig ko ang mala higanteng boses ng lalaki na nagsasabing "SWEET!'. Sinubukan kong sumigaw ngunit hindi ko boses ang lumalabas, isang malakas na "DELICIOUS!" ang narinig ko. Tila wala nang pagasa at nanigas ang aking katawan, patindi ng patindi ang init kasabay ng paghigop ng makabagong mundo sa natitira kong ulirat.

"Kuya, kuya," paliit naman ng paliit ang boses ni Bunso. Naramdaman kong hinihila parin niya ang aking paa, nagpumiglas ako at biglang bumangon. "Huh? Anong nangyayari Bunso?!" Nagmasid ako sa paligid, sobrang dilim at sobrang init. Merong kung anong eerie light na yellowish ang nag iiluminate sa kwarto. I'm scared. Biglang may kung anong malamig na hangin ang dumampi sa aking mukha.

"Paypay kita kuya, kanina pa pawis ka o sorry palit ka damit," gulat na sinabi ni Bunso. I feel sorry for her, nasigawan ko ata. "Lika nga dito," niyakap ko sya ng mahigpit at nag thank you at sorry narin dahil nataasan ko sya ng boses. "Nanaginip kasi ako ng bad, buti nalang ni rescue mo si Kuya," pag e-explain ko sa kanya. Napansin kong ang eerie light ay nagmumula lamang pala sa isang kandila. Gabi na at oras ng hapunan, tangan tangan ko si Bunso at sabay kaming bumaba sa living room.

Doon ko nakita sila Ate, Nanay at Tatay na masayang naglalaro ng Ungguy ungguyan; isang lumang lampara lamang ang nagsisilbing ilaw nila. "Sali kami!" sigaw ni Bunso na agad agad namang umupo sa tabi ni Tatay. Hindi ko na maalala ang huling araw na nagkaroon kami ng totoong family bonding, walang distractions, walang technology, nakakabinging katahimikan, ang sarap sa pakiramdam. Pagkaraan ng 15 minuto ay nagkailaw nang muli; bumukas ang TV, ang computer at mga ilaw. Nagkatinginan kaming mag anak; makaraan ang sampung segundo ay kumindat si Tatay samin at pinatay ang ilaw, TV at computer. "O sino na ang unggoy?" bulalas ni Tatay.

Yun nga lang, nakalimutan ni Nanay magluto.