Chereads / Mga Makabuluhang Nonsense / Chapter 5 - Mga Kwentong Filler part 2

Chapter 5 - Mga Kwentong Filler part 2

Pron

"OOOOOhhhhhhhh," sigaw ng babae.

"AAAAhhhhhhhhhhhh," hiyaw ng isa pang babae.

"OOoaahhhhhh," mas malakas na sigaw ng babae

"AAAaoooaaahhhh," mas malakas na hiyaw ng isa pang babae.

Halos isang minutong "OOOOOhhhh" at "AAAAhhhhh" ang maririnig sa kuwarto ni Ben. Nabahala ang kaniyang ina kung kaya't bigla siyang pumasok sa kuwarto ni Ben.

"Hoy Ben nanonood ka na naman ng bold?!" galit na sabi ni aling Bebang. Biglang may nag palakpakan. "Fifteen, love" sabi ng announcer.

"Nay, finals na ho!" nakangising sabi ni Ben.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Ang nawawalang baon

"Hindi totoo yan! Nagsisinungaling ka!" kunot noong depensa ni Bogart laban sa bintang.

"Sus, ikaw lang ang naiwan dito, imposible namang si Richard ang kumain ng baon ko," sagot ni Elmer.

"Pwes, do you have proves? Ha?!" paghamon ni Bogart.

"5 minuto," siguradong sagot ni Elmer.

"H-ha? Anong 5 minuto?" pagtataka ni Bogart.

Prooooooooot!

Pagkaraan ng limang minuto ay nangamoy kamote ang buong kuwarto.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Freefalling

Nagkamalay ako nang maramdaman ang malakas na hanging tumatama sa aking buong katawan.

Tanaw ko ang maliliit na gusali at bubong na tila naghihintay sa akin. Nakapalibot sa akin ang mga ulap na parang nagagalit. Nilalamig ako.

Nahuhulog pala ako!

Nag kick – in ang adrenaline. Nag panic ako. Sana may dala akong parashoot.

Wala.

Naglilikot ako at lalong bumilis ang aking pagbagsak. Hindi ko alam kung bakit ako nandito. Palaki ng palaki ang mga bahay at gusali. Ilang segundo nalang ay susunduin na ko tiyak ni Kamatayan.

Ang ginaw ng hangin. Nakakasugat ang talim. Gumuguhit sa aking mukha.

Napapikit ako. Biglang nag flash back ang aking mga alaala.

Nakatapos ako ng pagaaral.

Nagsilbi para sa Inang bayan

Na- in love.

Nagpakasal.

Nagkaroon ng anak.

Ganito nalang ba matatapos ang lahat?

Hindi ito maaari!

Kailangan kong lumaban. Buhay pa ako. Humihinga pa.

Hindi pa ako handang lumisan sa buhay na ito.

Nais ko pang makita ang aking mag ina. Hindi pa tapos ng pagaaral si bunso. Hindi ko pa nabibili ang dream house ni misis.

Mga patak ng luha.

Dumilat ako. Tumahimik ang buong paligid. Nawala ang hangin. Nawala ang lahat ng pakiramdam. Nagdilim ang langit.

Kadiliman.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Seaman Speak – what speak you?

The language we use onboard the vessel is English. Akala mo sa Pinas lang uso ang English Carabao? Amazingly enough, the language evolved in such a way that anyone here can use and understand it. Europeans, Far East Nationals, Aliens, etc became united as one. Here are some examples:

What speak you? – what do you need from me?

*Use in a sentence: What speak you? Me like to get form claim.

How do you? – how are you?

*How do you? I'm same same, no problem.

Have / No have – it is available / not available

*Do you have same same this? (Points at safety shoes) No have again?!

Finish – ubos na

*Where is the corn flakes? Finished?!

Madam – prostitute

*This madam no good too much ask for touch only!

No good – hindi kaaya aya (pwedeng sitwasyon or tao)

*This no good no rice.

Take Take – to get something

*My friend, can you take take me from the store somethings?

Fak Fak – to go out and f*ck

*If you want to go fak fak, you need lot money

No like – I don't want

*Me no like you too much salsalero.

S*lsalero – you know what it means.

Too much – used as an expression of extreme emotion

*You too much sa peak (speak) this and that. Too much problem!

Same same – same like the other one / other day

*Can you give me same same him?

For eat – going for lunch

*We go for eat now

So a typical conversation will go something like this:

B1: How do you?

B2: Same same.

B1: Where you go yesterday?

B2: Fak fak madam too much expensive!

B1: No have money but fak fak? Why like that?

B2: No like you only s*lsalero.

B1: You take take advan (cash advance) now finish! Too much!

B2: We go for eat?

So basically, anyone and everyone can become a man of the sea. Apply na! 

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Untitled

Sa ilalim ng init ni haring araw ay biglang natumba ang namimilipit na mamang may tangan tangang mabigat na bag. Walang kamag anak, walang kakilala. Sa may GMA Kamuning malapit sa MRT station, busy ang lahat, tila walang nakapansin sa nakahandusay na mamang hirap nang huminga. Paralisado na ang kanyang katawan, ngunit ang ibang nagmamadaling papasakay sa MRT ay nilaktawan pa siya.

Isang abogada ang napadaan at napahinto sandali. "The man looks poor, he may not be able to pay my services," bulong nito sa sarili at tumuloy sa paglalakad.

Isang doktor naman ang tila umaktong susuriin ang lalaking nasa sahig, ngunit napaisip ito "Wala na sigurong pag asa, na stroke. Malelate na ko sa appointment…"

Isang politician naman ang napadaan, "Naku sayang ang isang boto," ani niya sa sarili at sumakay sa mamahaling SUV.

Isang jejemon ang natapilok sa mamang na stroke. "Nakanam put—wag ka dito matulog!" bulalas nito at nagpatuloy sa pakikinig ng "Sirena" sa kanyang MP3 player. Cool.

Tila wala nang pagasa ang kaawa aawang lalaki nang may masilayan siyang isang dilag sa kanyang harapan. Si Girlie, nasa late 20s, isang factory worker, hindi kagandahan pero maganda ang hubog ng pangangatawan lalo na ang kanyang malulusog na mga dibdib. Lumuhod ito sa kanyang harapan at sinapo ang kanyang ulo.

"Naku manong inaapoy ho kayo, wala po ba kayong kasama?" tanong ni Girlie.

Natauhan ang mama, na distract dahil narin sa nasisilip na niya ang mga bundok ni Girlie dahil sa luwang ng blouse nito. Nagkaroon siya bigla ng lakas magsalita.

"Sa iyo na itong aking bag, busilak ang iyong kalooban at ako ay lubos na nagpapasalamat…" nanigas muli ang mama, lalo na yung ano…

"Heeeelp! Heeeelp!" halos lumuwa ang lalamunan ni Girlie sa paghingi ng tulong. Buti nalang at may tricycle at agad naisakay ang mama patungo sa hospital.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Ang Sikreto

Si Rose, ang kauna unahang nagpatibok ng puso ko. Hindi ako mahilig sa volleyball ngunit napapatambay ako sa may court upang masilayan lamang ang napaka kinis nyang legs at mala anghel na mukha. Nagtataka lang ako kung bakit lagi syang naka long sleeves kahit tirik na tirik si haring araw.

Di nagtagal ay nakamit ko ang matamis niyang oo pagkaraan ng panliligaw ng mahabang panahon. Mga 2 and a half days.

"Hon, tatanggapin mo ba kung ano yung tunay na ako?" sambit ni Rose habang ang kanyang ulo ay nakahiga sa aking mga hita. Tumitig ako sa kanyang mga matang kulay blue at ngumiti.

"Mahal kita Hon, kahit ano pa man ang tinatago mo ay tatanggapin kita," mala- ahas kong sinuggab ang kanyang long sleeves at hinalikan si Rose na punung puno ng pagnanasa. Mapusok.

Nagpagulong gulong kami sa kama habang nag lalabing labing at tuluyan nang nahubad ang long sleeves ni Rose.

Namilog ang aking mga mata sa nakita.

"Ang puti at ang kinis naman pala ng kili kili mo!" parang relieved ako kasi kala ko may B.O. (bad omen) sya or buhok sa kilikili. "Wala ka naman dapat itago, mahal kita Hon. Tatanggapin ko ang buo mong pagkatao---

Biglang may napansin akong bukol sa gitna ng kanyang mga legs. Nahimatay ako.

Ruben pala ang tunay niyang pangalan.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Paglaban at Paglisan

Akmang bibitawan ko na ang aking kamao patungo sa makapal na mukha ng aking among Arabo. Ibubuhos ko na lahat lahat ng aking natitirang lakas dahil hindi ko na kaya. Hindi ko na kaya ang lubos lubos na pag mamaltrato sakin simula't sapul, na umabot ng halos limang taon. Hindi ko na kaya ang mga araw na kumakayod ako habang kumakalam ang sikmura. Hindi ko na kaya ang muli pang mapahiya sa harap ng maraming tao sa tuwing ako'y may pagkukulang. Hindi ko na kaya ang kawalan ng pahinga sa tuwing magkakarga kami ng mga nakaw na probisyon bunga ng pagkaganid ng tarantado kong amo. Dumating na ang ararw upang ako'y lumaban.

"GGGGGGGAAAAHHHHHHH!!!!!" pikit mata at buong pwersa kong pinadausdos ang aking kamao. Mistulang huminto ang kapaligiran; nawalan ng hangin sa paligid at tumigil ang pag sayaw ng mga dahon sa bakuran. Ang lahat ng poot, galit at pangungulila sa pamilya ay mga naipong luhang kusang dumaloy mula sa aking mga mata. Bumuhos ang matinding emosyon na kinimkim ng kay tagal. Ako ay isang tao lamang na may hangganan din. Unti-unting nagdilim ang aking paningin.

"Tay, paglaki ko gusto kong maging abroad kagaya mo!" bilugan ang mata ni Jun Jun habang hawak hawak ang kanyang laruang turumpo.

"O, talaga?" nakangisi kong pinagmasdan ang mala carbon-copy na hilatsa ng mukha ni bunso. "Naku mahirap don, anak, baka malungkot ka lang," pabiro kong ginulo gulo ang kanyang buhok.

"Eeeee Tay naman gusto ko punta Disni Lan! Daming laruan!" lumayo ito, humaba ang nguso, at kinamot ang ulo.

"Hahaha!" sa likod ng aking mga halakhak ay ang lungkot ng realidad na sapat lamang ang aking sahod upang matustusan ang pag aaral ng aking mga anak. Ito lamang ang alam kong trabaho dahil isa rin ako sa mga kapus palad na hindi nabigyan ng pagkakataong makapag tapos ng pag aaral. Ito na lamang ang aking maipapamana sa kanila, ang edukasyon na kanilang magiging sandata upang lumaban sa masalimuot at mapaglarong tadhana.

"Tay!" Sigaw ni Jennifer habang bitbit ang dextrose ng kanyang ina na inaalalayan niya patungo sa banyo. "Kain na ho, luto na po ang ulam!"

Ngumiti sakin ang aking may bahay na ngayo'y halos buto't balat na. Sa kabila ng kanyang kalagayan ay paulit ulit parin akong umiibig sa kanya. Bumulong ako sa hangin ng "mahal kita" na siya namang ibinatong pabalik sakin ni Rosario. Lumuksong muli ang aking puso.

Sumabat si Jennifer sa gitna ng aming mga ngitian. "Hoy ikaw Jun Jun maghugas ng kamay, ang dungis dungis mo na naman!"

"Waw GG! Yehey!" kumaripas ng takbo si bunso upang sundin ang utos ng kanyang ate.

Mula sa kadiliman ng paligid ay biglang bumuhos ang nakasisilaw na liwanag.

Ilang sandali ng katahimikan….nakapagtataka.

Nagmasid ako sa paligid at unti unting nabuo ang imahe ng mga taong mistulang anino. Sa kabilang banda ay napansin ko ang kapayapaan ng kapaligiran. Bagama't patuloy ang paghuni ng mga ibon at pag ihip ng hangin ay walang kakibo't kibo ang mga tao. Bakas sa mga mukha nila ang lubos na paghihinagpis at panghihinayang na taliwas sa liwanag na bumabalot sa buong lugar. Nabasag ang katahimikan nang marinig ko ang tinig ni Jennifer.

"Itay, bakit hindi ka lumaban?!" mga patak ng luha.

"Itay, Itaaaaaaaaaaaaaayyyyyyyy!!!!"

-WAKAS-