Chereads / Mga Makabuluhang Nonsense / Chapter 6 - Papel

Chapter 6 - Papel

PAPEL

Pag wala kang papel, wala kang papel

Hindi ka makaporma, di ka makapapel,

Maihahatid ka nya sa heaven o sa hell,

Papel

"Wohoooo!" nagtatalon si Dagul habang hawak hawak ang latest edition ng isang sikat na diyaryo sa Maynila. Hindi alintana ang mga usok ng sasakyan, mga gangster na hip hop, mga buntis na may kasamang Amerikano, at mga street vendor na naka touch screen phone.

"Makakabayad na ko sa mga utang. Mapapagamot ko na yung ubo ni bunso. Mapapag aral ko na si Nene. Makakapag negosyo na kami. Maiaahon ko na sa hirap sina lolo't lola. Makakabili na ko ng regalo para sa anniv namin ni misis. Makakapag ice skating nako sa Megamall," Mangiyak ngiyak si Dagul sa tuwa.

Karipas siya ng takbong mabilis pa kay Elma Muros sa pinakamalapit na lotto outlet upang ma – claim ang kanyang prize.

"Congratulation ho," Tinignan ng babae mula ulo hanggang paa si Dagul. Kinuha niya sandali ang limpak limpak na salapi. Naisip niya na malamang ay hindi nakapag aral ang gusgusing lalaki sa counter kung kaya't ibiniulsa niya ang tatlong bungkus ng salapi na tig- iisang libo.

"Bilangin na ho nati—"

"Huwag na! Akin na yan miss!" muling nagtatalon si Dagul at umalog alog ang kanyang baby fats. Nang mahawakan niya ang limpak limpak na salapi ay nagbago ang ihip ng hangin.

"Makakapag beer house na ko gabi gabi! Makakatikim nako ng shawarma araw araw! Makaka pasyal nako sa ibang bansa! Makakabili nako ng mamahaling painting! Hindi nako mag tatrabaho! Ipapatahi ko na yung bibig ng asawa kong taklesa! Makakabili nako ng Iphone 5!"

Papalabas na ng pinto si Dagul nang tawagin siyang muli ng babae.

"Sir, baka ho pwedeng humingi ng balato?"

"Tse! Manigas ka!"

Ngayon ay nanginginig si Dagul sa excitement habang tangan tangan ang plastic bag na punong puno ng salapi. Tinanggal nya ang mga bungkos upang magmukhang mas marami. Inamuy, amoy niya ang mga ito, at paminsan pang dinilaan. Eeew. Sinubukan niyang bilangin, pero nakalimutan niyang hindi pala siya marunong magbilang. Nagtatakbo parin siya at nagtatalon habang iniisip ang mga sariling plano para sa napanalunan.

Meanwhile…

Sakdal kahirapan ang matutunghayan sa munting baryo sa ilalim ng overpass.

"Ang tagal ng tatay nyo, naku malamang nakapila na naman yun sa lotto," sambit ni Aling Dolores habang kinukusot ang damit na may signature.

"Nay, gugutom na po kami," umuubo at sumisinghot ng matapang na pantapal sa bubong ang paslit na mas malaki lang ng konti sa grown up na aso.

"Punyeta! Singhutin mo kasi ng todo at matulog ka na! Hahanapin ko yung p*tang ama nyo!" iniwan na ni Dolores ang mga labada at ang mga puppies.

"Wohooo! Yehey!" nagtatalon na parang isang kangkarot na turumpo si Dagul. Hindi niya namalayan ang rumaragasang ordinary bus na biyaheng Cubao.

BEEP BEEP! ~ BLAG!**

Nagliparan ang mga papel. Ang mga papel na sanhi ng mga krimen. Ang mga papel na sanhi ng kasakiman. Ang mga papel na may powers upang baguhin ang katauhan mo. Ang mga papel na handang ipag laban ng patayan. Ang mga papel ng kaligayahan. Ang mga papel na sinasamba.

Mga pulis, politicians, NGO, LGU, GRO, private sectors, teachers, accountants, engineers, sea man, warriors, dancers, doctors, mystical creatures, wine tasters, mountain climbers, mascots, jejemons, at iba pang mga tao ay hindi magkandaugaga sa pagsalo at pag pulot ng nagliliparang mga ugat ng kasamaan. Hindi alintana ang 38 degrees na sikat ni haring araw ay halos matabunan na ang kawawang si Dagul. Parang Zombie Tsunami.

"Daguuuuuulllll!!!!" isang pamilyar na boses ang tumawag sa naghihingalong si Dagul. Hawak hawak ni Dagul ang isang pirasong isang libong piso at akmang iniabot kay Dolores. Hindi ito tinanggap ni Dolores, bagkus ay niyakap ang nakahandusay na kabiyak.

Kasabay ng pagbuhos ng pera ay bumuhos ang mga luha ni Dolores. Lalo pa niyang pinaghigpit ang pagyakap sa asawa.

"Hindi ko kailangan ng pera mo. Ikaw ang kailangan ko ! P*tang ama kaaaa !!! "

-WAKAS-