Si Ms. Minching
Isang normal na araw para sa isang normal na estudyanteng katulad ko. Nakatayo ako sa harap ng blackboard habang nakababa ang aking shorts at naka squat. Walang humpay ang tawanan ng aking mga kaklase, maliban nalang si Dagul.
"Mr. Batumbakal I hope you will learned your lesson," sabay kamot sa kanyang pwet nang pasimple. "Pag nagpagawa ako ng project kailangan gagawin, tignan mo ikaw lang ang walang project!" singhal na mabantot ni Ms. Minching. Pasimple pa syang dumukot ng kanyang ilong.
"E mam, wala po talaga kaming kompyuter… yun lang po talaga ang nakayanan ko, hand writing pero mukha naman compyuterize ah!" Pagpapaliwanag ko. Ilang gabi kong pinagpuyatan ang research paper na tungkol sa tadpole (tuhd-pow-leeh) at kung pano sila nakaka hinga sa ilalim ng tubig. Nagalit lalo ang bruha.
"You've got the nerves to spoke with me like that!? You will have to remains standing up until class dismissed!" lagot na naman, hirap naman sa taong to lagi akong mali. Si Dagul sinisenyasan akong tumahimik nalang. Pinakinggan ko sya.
Bigla kong naalala ang powers ko. Kung gumana iyon kay Dagul, malamang gagana din kay bruha. Nagbuntung hininga ako sabay sabing "Da pawer op lab!" tahimik ang paligid at nakatingin sa akin lahat ng mga kaklase ko. Biglang umugong ang buong classroom kasabay ng pagtawanan ng aking mga kaklase.
"Silence! What's so funny about that? You obnoxious little rants! Mr. Batumbakal, you may now return to your seat. Next time, if you do not have a computer to work with just tell me and I will help you. Your education should not be hindered by poverty." Biglang gumaling umInglish si mam. Umupo ako at ngayon ay humanga narin sa kanya. Lumukso ang aking puso sa kanyang mga sinabi pero… "Mam pwede ko na rin po bang isuot ang aking salawal?" tawanan ulit ang aking mga kaklase.
Si Ms. Minching ang nag turo sa akin kung papaano gamitin ang kompyuter. Ang lupit pala ng hi tech technology na iyon. Natuto akong mag type ng mabagal gamit ang dalawang daliri. Tinuruan nya rin ako ng konting math pagkatapos ng klase kasama pa ng ibang mga nangangamote sa walang kwentang sabject na yun. Isa siyang tunay na bayani dahil kahit pagod na sa buong araw kakalecture ay hindi parin nya pinalalagpas ang pagkakataon upang makapag bahagi ng kaalaman sa mga kamote. Walang bayad ang overtime nya.
Si Mang Jose
"Pare meron ka ba dyan? Kelangang kelangan ko lang talaga," para siyang laging may sipon dahil walang tigil sa pag singhot. Wala namang uhog. Mapula rin palagi ang kanyang mga mata at paminsan ding sumusuray suray sa paglakad.
Yan ang mga huling salitang nabitawan nya sa aking ama. Hindi ko magets kung bakit tuwing darating siya ay magkukulong sila sa kwarto, bitbit ang kung ano anong mga kagamitan. Basta ang naaalala ko lang ay pinapabili nya ako ng isang kaha ng sigarilyo at ipinapa tanggal ang foil nito. Siguro kagaya sila nung kaklase kong si Elmer na itinatakip ang foil ng bubble gum sa mga ngipin nya, para maging kulay gold. Minsan ko ring nakita ang isang karayom na nilalagyan ng gamut sa ospital, hindi ko lang alam kung ano ang tawag dun basta pinapang iniksyon ng duktor.
Matapos ang kanilang ginagawa ay dilat na dilat ang kanilang mga mata. Yun bang parang si mister Bean kapag naglagay siya ng toothpick sa kanyang mga mata para hindi makatulog. Paglabas ng kwarto nung araw na yon, walang sabi sabing lumisan si Mang Jose. Naiwan si Ama sa loob kaya pinuntahan ko. Pero nakita ko siyang nakahiga sa kama at mistulang tulog, hindi ko na siya ginising dahil bubugbugin nya lamang ako.
Kinagabihan ay narinig ko ang malakas na hiyaw ni Mama. Hiyaw na hindi tulad ng tuwing lumilindol sa kwarto nila, kundi isang hiyaw ng desperasyon. Isinisigaw niya ang pangalan ng aking ama at pinapakiusapan akong gisingin ko raw. Ano yun joke? E di pagtutulungan nyo na naman ako parang tag team sa Wrestling. Nakatayo lamang ako at nagoobserba sa kung ano ang susunod na mangyayari. Maya maya pa'y napansin ko na hindi na pala siya humihinga.
"Nay, nakalimutan na po ni tatay huminga?"
"Anak ka talaga ng p*t*ng ama mo! Hindi mo ba nakikita patay na siya?!" humahagulgol na wika ni inay. Sa puntong iyon ay dapat may cue na ng dramatic music at magsisimula na kaming mag iyakan ni Mama, pero ako? Hindi ko alam. Hindi ko alam kung bakit parang balewala lang sakin ang paglisan ni Ama.
Yun narin ang huling araw na nakita ko si Mang Jose. Balita ko'y naging isa siyang taong grasa dahil sa kaadikan sa pinagbabawal na gamot.
Makalipas ang ilang linggo ay may nakita akong lalaking nag hahalungkat ng basura namin sa likod bahay. "Hoy! Mama wag nyo pong likutin yan at baka kalikutin ng pusa!"
Wala siyang pakialam at tuloy tuloy parin ang pag hahalungkat. "Hey man, istap!" baka kasi hindi siya marunong mag tagalog. Wala parin.
"Put*ng ama mo ang dahilan! Lahat ng ito dahil sa kanya!" nanlilisik ang kanyang mga mapupulang mga mata. Ang kanyang sungki sungking dilaw na ngipin ay maaaninag mo kahit gabi. May nakita siyang basag na bote at tumiting sakin ng nakakatakot. Bigla nya akong sinunggaban at natumba kami pareho. Siguro tadhana ko na ito, ang mamatay nang dahil kay Mang Jose. Parang si Ama din.
"da pawer op lab!" ilang sentimetro na lamang ang layo ng basag na bote sa aking ulo. Binitawan ito ni Mang Jose at napaupo sa simento. "Patawad! Patawarin mo ako… " mahinang boses niya. "Ako ang may kasalanan kung bakit siya nalulong sa masamang bisyo. Noong araw na iyon ay hindi ko alam ang aking gagawin kung kaya't tumakas na lamang ako. Gabi gabi kong napapanaginipan ang patay na mukha ng iyong ama kung kaya't nawalan ako ng katinuan.
"Ok lang po yun," nagulat si Mang Jose sa hindi kapani paniwalang sagot ko. "Siya rin po may kasalanan. Sarili nyang katawan iyon at walang ibang pwedeng mag dikta kung ano ang dapat o di mo dapat gawin sa sarili mo. Ika nga nila you are the king of yourselfs.
"Matalinong bata, sigurado akong proud sayo ang ama mo. O pano, una na ako at aayusin ko ang sarili ko. Maghahanap narin ako muli ng trabaho kinabukasan.
Hindi naglaon ay bumalik na sa dating buhay nya si Mang Jose. Dahil sa kanyang pagmamahal sa kanyang sarili ay iniwasan na nya ang bisyo at dumaan sa daang matuwid ni Ninoy. Naging regular siya sa pag kakarpintero at tinulungan niya rin kami ni Mama na ayusin ang tahanan namin na gawa sa yero.
Si Mayor Tulfo
Tuwing halalan ay nagliliparan ang mga kung ano anong kalat sa aming baranggay. Mga papel, pamaypay, sombrero, at papel parin. Si Mayor Tulfo ang palaging nananalo sa eleksyon dahil wala raw gusto kumalaban sa kanya. Palagi ko syang nakikitang kumakain sa mamahaling restaurant tuwing uuwi ako galing iskwela. Iba't iba rin ang kasama nyang chicks. Merong morena, merong vuluptus at meron din namang MILF. Pero bata pa ako kaya hindi ko alam ang ibig sabihin ng mga iyon.
Isang araw pagkatapos ng klase ay nakita ko ang isang pulubi na nanghihingi ng pera kay Mayor. Makulit ang bata dahil gutum na gutom na raw siya. Itinulak lamang siya ni Mayor at sumakay na lamang sa kanyang kotse kasama ang chicks. Hindi ko rin alam kung bakit chicks ang tawag sa mga iyon e malinaw naman na inahin na silang baboy.
Habang umaandar ang kanyang kotse ay bumulong ako "da pawer op lab." Tuloy tuloy parin sa pag andar ang kanyang magarang sasakyan at hindi konarin nakita yung pulubing bata. Mukhang wa epek ata ako kay Mayor…
Kinabukasan ay inabutan kong muli yung pulubi na kinukulit si Mayor T. Hindi na siya sinaktan nito, bagkus ay inabutan ng piso. Laking pasalamat ng paslit at tumakbo tungo sa kanyang mga kalaro upang mag toss coin. Hindi ako nakuntento doon dahil sa dami ng pera ni Mayor T eh kaya nyang bigyan lahat ng pulubi sa barangay namin kahit tig 500. Inulit ko ang pag sambit ng "da pawer op lab!"
Kinabukasan muli ay 2 piso naman. Naging 3 piso. Hanggang sa naging 5 piso. Napagod ako sa pag gamit ng aking powers. Hindi ko na ata talaga kayang mapag bago itong si Mayor T.
Nalaman ko na galing pala sa taong bayan ang kanyang salapi. Yun ang binabayad ng ating mga magulang sa gobyerno. Pero si Mama daw hindi nagbabayad dahil tax free daw ang paglalaba. Habang sinasambit ko ang munti kong makapangyarihang salita ay lalo lamang lumalaki ang pagmamahal ni Mayor T…. ang pagmamahal niya sa pera. Yumaman siya dahil sa dugo't pawis ng ating mga mamamayan. Namuo ang galit sa aking puso…
Nakapag pasya na ako; kailangan ko na siyang kausapin ng lalaki sa lalaki (kahit bata pa ako at blondie ang buhok). Inabangan ko si Mayor T sa uswal na lugar. Gaya ng inaasahan, ilang minuto lang ay nag mani-obra na siya sa parking space ng kilalang restaurant. Inihanda ko na ang aking litanya.
"Magandang hapon po Mayor Tulfo, ako po si Ben Ten Batumbakal, estudyante ng Mababang Paaralan ng Pinagpala Elementary School. Isa po akong iskolar at---
"Ayos yan bata, pag patuloy mo lang. Gutom na kami ng kasama ko saka nalang tayo mag usap!" tangan tangan ang isa na namang chicks na parang lola na ay dere deretso sila sa restaurant nang hindi man lang lumilingon. Ang litanya ko na 2 pages long at 10 ang font at single space ay nasayang lamang. Lalong pumintig ang sentido ko at wala na akong nasabi kundi…
"da pawer op….." nang biglang may lumundag na palaka sa aking harapan.
"ay shet!" biglang dumilim ang langit kasabay ng pagdilim ng paningin ni Mayor at ang kanyang querida…
Kayo nalang ang humusga kung ano ang bumalot sa buo nilang katawan. Hindi ito kaaya ayang tignan, kumaripas ako ng takbo pauwi kay Mama. Eew!
Pagwawakas
Masikip pala sa dibdib ang poot at galit. Hirap akong dalhin ito. Dahil sa pagka umay kay Mayor at disappointment dahil hindi ko maialis ang kanyang pagmamahal sa pera ay sumuko ako. Kahit ano pa ang mangyari, mayroon talagang mga taong sadyang matigas ang puso at wala nang pag asang magbago, bukod nalang siguro kung magkakaron sila ng cancer o kaya kahit anong malalang sakit na nagreresulta sa taning sa buhay. Bigla silang maniniwala sa Diyos, hihingi ng tawad sa mga kasalanan, ek ek, eklavu.
Siguro panahon na para isuko ko ang kapangyarihang ibinigay sa akin ng ermitanyong mahilig. Ang sabi kasi nya, kapag sa tingin ko ay sapat na ang nagawa kong pagbabago sa paligid ay maaari kong gamitin ang powers sa sarili ko, at ang huling bisa nito ay maghuhudyat ng pagkawala ng kapangyarihan. Gusto kong mawalan na ng galit sa aking puso. Gusto kong makakuha ng lakas upang mapatawad ang lahat ng may kasalalan sa akin. Hindi ko na babaguhin si nanay, mahal ko siya kahit ibitin nya pa ako ng patiwarik sa puno ng santol. Mahal ko siya kahit minsan ay ginagawa niya rin akong punching bag. Mahal ko siya dahil naghihirap siya para lang ako mapag aral; sobrang gasgas na ang kanyang mga palad sa paglalaba, sapat na itong sakripisyo upang mag aral akong mabuti. Balang araw, sisikat din ang maningnign na araw samin ni Mama tungo sa maginhawang buhay.
Heto na, gagamitin ko na ang huling hibla ng powers ko…
"da pawer op…." biglang may pusang lumundag sa kusina at nalaglag ang mga kaserola.
Tae – umuulan ng tae!