Zeus Pov
Nagising ako na masakit ang tagiliran ko. Naalala ko na nabaril nga pala ako. Inilibot ko ang mata ko sa paligid. Hindi ito ospital parang clinic lang ito. Napatingin ako sa babaeng nasa paanan ko. Naglalaptop ito at hindi nito napapansin na gising na ako.
Ilang minuto pa ang nakalipas ng mag angat ng tingin ang babae. Napatitig ako ng maige para masigurado kong sya nga. Lumapit ito sa akin.
"Kamusta ang pakiramdam mo? Sabihin mo kung sumasakit para mabigyan kita ng gamot." sabi nya.
"Okay lang. Medyo masakit. Ikaw ba ang gumamot sakin?" tanong ko.
"Yeah." sabi nya. Hinipo nya ang noo ko tapos gumamit sya ng thermometer. Pinainom nya ako at pinunasan.
Pumikit muna ako kasi sumasakit ang ulo ko. Maya maya nagmulat ulit ako para tignan kung hindi ba ako nananaginip. Nakita ko ang babae na natutulog. Napangiti naman ako sa nakikita ko. Maganda pa rin sya. Isang buwan ko din sya hinanap. Nagpabalik balik ako sa club kung asan kami unang nagkita kaso walang nakakaalam kung sino sya.
Hinaplos haplos ko ang buhok nya. Simula ng may mangyari sa amin ay hindi ko na sya makalimutan. Nakatulog ulit ako dahil siguro sa sama ng pakiramdam ko.
Kinaumagahan nagising ako sa ingay ng dalawang mokong na to. Boses pa lang kahit hindi ko idilat ang mga mata ko ay kilala ko na ito.
"Ang himbing ng tulog natin tingin mo nagising si boss?" tanong ni Wilson.
"Baka kailangan na nating umalis. Ayaw pa naman ni boss na nagpapagamot sa iba maliban kay Ian. Bakit ba kasi umalis ng bansa si Ian? Kainis tayo na naman mapapagalitan nito." sabi ni Tom.
"Ang iingay nyo! Kita nang may natutulog!" sigaw ko.
"Boss!" sabay naman nilang sigaw.
"Boss no choice na kami kaya dito ka na namin dinala. Wala kasi si Ian." sabi ni Tom.
"Ayos lang. Nasan ba tayo?" tanong ko.
"Nasa Errol Foundation tayo. Dito ka dinala ni Ms. Beautiful." sabi ni Wilson.
Maya maya pumasok ang babaeng kanina ko pa hinahanap at isang lalaking may mga dalang pagkain.
"Oh gising na pala kayo. Tamang tama kumain na kayo para makainom na ng gamot." sabi ni ganda. Tapos inilapag nila ang pagkain sa lamesa.
"Ms. Lala may iba pa ba kayong ipag uutos." tanong nung lalaki.
"Pakipuntahan mo naman si teacher Abby. Pakisabi pumunta sakin pagkatapos nya magturo. Yun lang salamat." sabi ni Lala. So Lala pala ang pangalan nya.
Umalis na ang lalaki tapos si Lala ay pumunta sa table kung saan nakalagay ang laptop nya at cellphone. Umupo ito, kinuha nya ang cellphone at may tinawagan.
"Hello Hera. Pakitignan ang files ng lahat ng doktor at nurse natin. Pakitignan kung sino ang single na pwedeng magstay in dito sa Errol foundation." sabi nya. Natigilan ito at malamang pinapakinggan ang sinasabi sa kabilang linya.
"Tama. Email mo na lang sakin. Mostly need ko ay pedetrician. Cge pagmaykailangan ka pa itawag mo na lang sakin. Siguro ilang araw din muna ako dito. Cancel mo muna lahat ng meeting ko. Cge salamat." sabi nya tapos ibinaba ang phone. Napatingin naman ito samin.
"Bakit hindi pa kayo nakain?" tanong nya. Agad naman kinuha ng dalawang mokong ang mga pagkain.
"Miss Beautiful, nasan na yung batang ginamot mo kagabi?" tanong ni Tom.
"Ah yun ba. Nasa kwarto na nya. May nagbabantay na sa kanya dun." sabi ni Lala. Lumapit ito sa akin.
"Kamusta ang pakiramdam mo?" tanong ni Lala.
"Okay na ako. Salamat." sabi ko.
"Mamaya pagtapos mo kumain, lilinisan ko ang sugat mo ha para hindi maimpeksyon." sabi nya. Tumango ako.
"Alam mo boss swerte natin kasi napadaan si Ms. Ganda. Akalain mo yun isang doktora pala sya." sabi ni Wilson.
"Pwede bang malaman ang pangalan ng taong sumagip ng buhay ko?" tanong ko.
"Ako nga pala si Lady Lavinia Jeon. Tawagin nyo na lang akong Lala." nakangiting sabi nya.
"Lala.... Ako nga pala si Zeus. Zeus Saavedra." pagpapakilala ko.
Matapos akong kumain, nililinisan na nya ang mga sugat ko. Lumabas muna sina Tom at Wilson dahil naiinip daw sila. Kaming dalawa na lang ni Lala sa clinic. Hindi ko mapigilan na magtanong sa kanya.
"Hindi mo ba ako nakikilala?" tanong ko sa kanya habang naglalagay sya ng bandage sa sugat ko.
"Huh? Artista ka ba o sikat na tao? Pasensya na kasi hindi ako madalas manuod ng tv. Popular ka ba?" tanong ni Lala.
Napatitig lang ako sa kanya tama nga hindi nya naaalala ang nangyari sa amin. Sobra bang pagkalasing nito nuon?
"Ang sakit naman nun. Hindi mo maalala ang nangyari sa ating dalawa? Sobra ka bang nalasing nun para kalimutan mo ako?" sabi ko. Nanlaki ang mata nya sa sinabi ko.
"Ika..... Ikaw.... Ikaw yun?" nauutal na tanong nya.
"Ako nga. Isang buwan din kitang hinanap. Tinakbuhan mo kasi ako." sabi ko.
"Sira ka pala paano ako hindi tatakbo sa sobrang katangahan ko. Nakagawa ako ng pagkakamali. Sa tingin mo aantayin pa kitang gumising at sabihin ang pangalan ko. And its just a one night stand, bakit kailangan mo pa akong hanapin?" tanong nya.
"Dahil akin ka na!" sigaw ko
"Wow lang ha. Makaangkin ka naman. Walang nagmamay ari sakin kundi ako lang noh. Feeling mo." sabi nya.
"Sa ayaw at sa gusto mo sa akin ka na." sabi ko.
"Goodluck na lang sayo." sabi nya at lumabas na sya. Napangiti naman ako. Mukhang mahihirapan ako sa isang to.
Lumipas ang ilang oras pero hindi pa din nabalik. Ako lang mag isa dito sa clinic hindi ko alam kung nasaan ang dalawa. Naisipan kong lumabas at maglakad lakad. Masakit pa ang sugat ko pero kaya ko namang tiisin. Nakita ko na may binubuhat sina Tom at Wilson papasok sa isang kwarto.
"Tom!" sigaw ko.
"Oh boss bakit ka tumayo? Saglit lang at ilalapag ko lang ang dala ko." sabi ni Tom at inilapag ang dala dala nya. Tapos lumapit sa akin.
"Anong ginagawa nyo?" tanong ko.
"Tumutulong lang kay miss ganda. Ginagamot nya kasi yung mga batang maysakit. At binibigyan ng vaccine yung ibang bata. Kawawa nga si miss ganda eh kanina pa pala syang umaga. Pinuntahan lang tayo kanina para linisan ng sugat. Napansin namin na may mga bubuhayin kaya tumulong na kami." paliwanag ni Tom.
Pinagmasdan ko syang masayang nakikipag usap sa mga bata.
"Ate Lala dito na po ba kayo titira?" sabi nung batang babae.
"Hindi Ana eh. Nandito lang si ate para palitan sandali ang doktor nyo." sabi ni Lala.
"Sayang naman po. Mas gusto ko po kayo pag ginagamot kami. Mabait kasi kayo, hindi tulad nung doktora dati." sabi pa nung bata. Ginulo lang ni Lala ang buhok ng bata.
Bumalik ako sa clinic at nagpahinga. Medyo sumakit ang sugat ko. Mga ilang oras pa habang naglalaro ako ng cellphone ko ay bumukas ang pinto ng clinic. Pumasok sina Tom at Wilson ng may dalang tinapay at mineral water. Pumasok din si Lala kasama ang isang babae.
"Abby inaayos mo ba ang mga gamot mo? Baka nakakaligtaan mong magturok ah sasabunutan kita." sabi ni Lala.
"Hindi naman ate. Sinusunod ko lahat ng sinasabi mo." sabi nung babae.
"Oh nakalista na dyan lahat ng bata na naturukan ko. Sabihin mo na lang sa padating na doktor ang mga binilin ko sayo." sabi ni Lala.
"Opo ate. Sige ate alis na ako at nang makapagpahinga ka na." paalam nung babae at umalis na sya.
"Miss ganda! Kelan kami pwedeng umalis?" tanong ni Tom.
"Bukas pwede nyo nang iuwi yang kasama nyo. Ibinigay ko na ang reseta ng mga gamot nya at pakiayos ang paglilinis ng sugat nya." sabi ni Lala.
Pumwesto na ito sa table nya at nagsimula ng magtype sa laptop nya. Maya maya nagring ang cellphone nya.
"Hello, Liam bakit ka napatawag?" tanong ni Lala. Natigilan ito at di na nagsalita pa. Nagulat ako nang bigla syang umiyak. Binaba nya ang tawag at natataranta itong nagligpit ng gamit nya.
Lumapit ako kanya at hinawakan ko ang kamay nya. Napansin ko kasinb nanginginig ito.
"Anong problema Lala?" tanong ko. Tumingin ito sa akin at walang tigil ang pagdaloy ng luha nito.
"Uuwi na ako. Kailangan kong umuwi." sabi ni Lala.
Kahit anong tanong ko ay di na makasagot si Lala. Natataranta na ito at hindi alam ang gagawin. Napagdesisyunan kong samahan na ito pa Manila. Malamang hindi ito makakapagdrive kaya ako ang nagdrive. Pinasunod ko na lang sila Tom sa amin.
Nagring ulit ang phone nya na nakalagay sa cellphone holder sa may cardashboard.
"Pakipindot lang ang phone ko. Hindi ko kaya itong hawakan. Nanginginig pa ang kamay ko." sabi sakin ni Lala. Ginawa ko naman ang sinabi nya.
"Hello ate, nasan ka na? Gusto mo bang ipasundo kita kay uncle Red?" tanong nung tumawag kay Lala. Nakaloudspeaker kasi ito kaya naririnig ko.
"Hindi na papunta na ako dyan. Kamusta si kambal?" tanong ni Lala.
"Ok na si kuya. Nailabas na ng operating room. Buti na lang daw at nadaplisan lang si kuya." sabi nung tumawag.
"Sige maya maya lang pabalik na ako." sabi ni Lala.
"Ate relax lang ha. Ok na si kuya. May kasama ka ba? Please lang ate wag kang magdadrive ng mag isa. Sigurado akong nanginginig ka na naman." sabi ng tumawag.
"Oo na may kasama ako. Sige na. Kita na lang tayo mamaya. Bye bye Liam Love you!" sabi ni Lala.
"Love you too ate! Ingat ka." sabi nung kausap ni Lala bago pinatay ang tawag.
Napansin ko na nanginginig pa din si Lala kaya hinawakan ko na lang ang kamay nya. Tumingin naman ito sa akin.
"Salamat Zeus." sabi ni Lala bago ito makatulog.
Nang makarating kami sa Golden Hospital ay ginising ko na si Lala. Dali dali itong lumabas at hindi naalala na may kasama sya. Nilock ko ang kotse bago pumasok sa ospital para sundan si Lala. Nakita ko sya sa information.
"Doktora nasa VIP room na po ang pamilya nyo." sabi nung nurse.
Nagpasalamat si Lala at pumanik kami sa VIP room. Dali dali itong pumasok ng kwarto. Nasa labas lang ako ng kwarto pero nakikita ko sya dahil nakabukas ang pinto nito.
"Boss kailangan na nating umuwi. Dumating na daw ang mga bagahe." sabi ni Tom. Tumango lang ako.
Mukhang safe na sya dito kaya naman iiwan muna kita dito. Magkikita ulit tayo Lala.