Lala's Pov
Makalipas ng isang buwan simula ng makipagbreak ako sa ex ko at may nakaone night stand ako umikot ang mundo ko sa trabaho at sa bahay lang. May problema pa sina kuya kaya ayokong makadagdag pa.
Palagi akong ginugulo ng ex ko. Tinapon ko kasi yung sim ko na para sa kanya lang. Tapos lahat ng may kaugnayan sa kanya itinapon ko. So sa office na lang nya ako nagugulo. Ban na sya sa kompanya ko kaya sa labas nya ako inaabangan.
Pumunta ako sa parking lot para sumakay sa kotse ko. Pasakay na sana ako ng may yumakap sakin.
"Lala kausapin mo naman ako. Please naman. Iniwan ko na si Sandra. Bumalik ka na sakin." sabi ni Edward.
"Bitawan mo ako!" matigas kong sabi.
"Hindi! Ayoko! Aalis ka na naman eh. Hindi mo na naman ako kakausapin." sabi nya.
"Bitawan mo ako! Ayaw mo ah!" sigaw ko. Pinilipit ko ang kamay nya at binalibag ko sya. Kahit nde kami pinayagan maging secret agent ay tinuruan kami ng pangselfdefense.
"Tigilan mo na ako kung ayaw mong makulong!" sigaw ko.
Sumakay ako ng kotse at umalis. Bwisit na yun makikipagbalikan dahil iniwan nya si Sandra. Ano yun parausan? Pagbumalik ako sa kanya baka matulad pa ako kay Sandra. Ngaun ko lang nakikita ang tunay nyang ugali kasi nuon nagbulag bulagan ako sa kanya.
Papunta ako ng foundation dahil may inutos si Mommy. Malapit na ako sa foundation ng may makita akong isang sasakyan na may 3 lalaki na sugatan. Tumigil ako malapit sa kanila. Narinig ko ang isa na kailangan na ng doktor ni boss. Kaya naman ay bumaba ako at nagtanong sa kanila.
"Anong problema mga kuya?" tanong ko. Mapansin ko sa bintana ng passenger seat na namumutla ang lalaki.
"Shit kuya kailangan nyo na ng ambulansya." sabi ko. Pinigilan naman nila akong tumawag.
"Hindi pwede delikado si boss dun." sabi ng isang lalaki.
"Pero kuya delikado na ang lagay ng isang yan." sabi ko sabay turo sa isang lalaki.
"Matatagalan pa ang doktor namin at malayo pa ang bahay namin." sabi nya.
"Ganito na lang dun tayo sa foundation dahil kahit paano may mga gamit dun na panggamot sa inyo. Malapit na yun. Kaya nyo pa bang magdrive?" tanong ko sa kanila. Tumango naman ang mga ito.
Nagdrive ako papunta ng foundation at nakasunod sila sakin. Ginamit ko ang backdoor para nde sila makaagaw pansin sa mga bata. Dinala ko sila sa clinic.
"Ihiga nyo na ang isang yan. Uunahin ko na sya bago kayo." sabi ko.
"Asan ang doktor?" tanong nung isang lalaki.
"Doktor ako kaya manahimik kayo." sabi ko sa dalawang lalaki.
Hinanda ko ang mga gagamitin ko. Tapos naghugas ng kamay at nagsuot ng gloves. Inumpisahan ko na syang operahan. Tinanggal ko ang dalawang bala sa katawan nya. Tumagal kami ng ilang oras. Dahil nga sa kulang ang gamit sa clinic.
"Tapos na ako sa kanya kaya kayo naman. Bilisan nyong kumilos at may gagawin pa ako." sabi ko.
Ginamot ko din ang dalawang lalaki. Daplis lang ang tama nila. Wala akong pake kung masasamang loob ang mga ito. Kailangan ng tulong ko bilang doktor.
"Maiwan ko muna kayo. Magpahinga kayo at maya maya babalikan ko kayo." sabi ko.
"Hindi ba sya pwedeng iuwi." sabi nung isang lalaki.
"Hindi pa. Kailangan pang imonitor ko sya. Hindi rin makakatulong kung bubuhatin nyo sya. Pagginalaw nyo sya malamang bubuka ang tahi nya. At isa pa kailangan pang masalinan pa sya ng dugo." sabi ko.
Tumahimik ang dalawang lalaki. Napansin ko na nakatulog sila. Mukhang pagod na pagod sila.
Lumabas ako ng clinic at nagpunta kay Sister Micah.
"Sister may mga dinala po ako sa clinic. Ginamot ko po sila. Nagpapahinga po sila ngaun dun. Pinag iistay ko po sila ng isang araw pa." sabi ko.
"Ganun ba. Nasabi ba sayo ni Mommy mo na papatignan ko ang mga bata. Medyo napapansin ko kasi na nagkakasakit sila. Meron din isa na kahapon ko lang nakita ang mga sugat nya. Ayaw nyang ipakita at ipahawak sa iba." sabi ni Sister Micah.
"Cge po tatawagan ko po si Mommy para dito muna ako ng ilang araw." sabi ko.
"Cge, puntahan na natin yung batang may sugat at nag aalala ako. Kakaalis lang kasi nung doktor dito eh. Naghahanap pa kami ng kapalit." sabi nya.
"Dont worry Sister, ako na pong bahala dun. Maglalagay ako ng doktor dito." sabi ko.
Habang naglalakad kami tumawag ako kina Mommy para hindi sila mag alala.
"Hello Mom, nandito na po ako sa foundation. Ilang doktor po ba ang gusto nyong ilagay ko dito?" tanong ko.
"Maglagay ka ng isang doktor at nurse yung pwedeng magstay in. Tapos pwede bang mageneral check up yang mga bata?" sabi ni Mommy.
"No problem Mom. May gusto ka pa bang idagdag? Hindi pa po ako uuwi tatapusin ko muna ang problema dito sa foundation." sabi ko.
"Okay anak, mag iingay ka palagi. Love you ate." sabi ni Mommy. Ang sweet talaga ni Mommy. Hindi nakakalimot sa aming mag i love you.
Dumating kami ni Sister Micah sa batang may sugat. Medyo naimpeksyon ito kaya may sinat na ang bata. Nakuha daw ang sugat nung nadapa sya. Kailangan din malaman ko kung diabetic ang bata.
Pinabuhat ko ang bata at pinadala ko sa clinic. Sinabihan ko si Sister na ako nang bahala sa bata at pwede na syang magpahinga. Nang makarating kami clinic nakita kong gising na yung 2 lalaki na may daplis lang. Nagpasalamat ako sa bumuhat at sinabihan ko na magdala ng pagkain para sa tatlo.
Sinimulan kong icheck up ang bata. Kinuhanan ko ito ng dugo para malaman kung mataas ang blood sugar nito. Maya maya dumating na ang naghatid ng pagkain. Inilapag ito sa mesa tapos umalis na.
"Mga kuya ano nga pala pangalan nyo?" tanong ko.
"Ako si Tom." sabi nung matangkad na lalaki.
"Ako naman si Wilson" sabi naman ng isa pang lalaki.
"Cge mga kuya kumain na kayo. Kung kulang pa yan sa inyo at may kailangan kau may canteen dito. Sabihin nyo lang pangalan ko." sabi ko. Tumango naman sila.
"Pwede bang magtanong? Anong sakit ng bata?" tanong ni Wilson.
"Impeksyon gawa ng sugat. Inaalam ko pa kung diabetic ito. Medyo may sinat kaya dito muna sya sa clinic." sabi ko habang nilalagyan ko ng dextrose ang bata.
Nang matapos kong mapainom ng gamot ang bata, lumipat naman ako sa lalaking inoperahan ko. Inayos ko ang IV na inilagay ko dito. Malamang maya maya lang magigising na to.
Lumapit ako sa dalawang lalaki at binigyan ko sila ng gamot. Tapos pumunta akong lamesa ko at inilabas ko ang laptop ko. Bukas na lang ako tatawag kay Hera para sa ilalagay na doktor dito.
Nagsimula akong gumawa ng report para sa naganap na medical conference sa Japan. Lumipas ang mga oras ng di ko namamalayan. Napansin ko na tulog sina Tom at Wilson pati na ang bata. Napatingin ako sa lalaking inoperahan ko. Nakadilat na ito at titig na titig sakin. Lumapit ako sa kanya.
"Kamusta ang pakiramdam mo? Sabihin mo kung sumasakit para mabigyan kita ng gamot." sabi ko.
"Okay lang. Medyo masakit. Ikaw ba ang gumamot sakin?" tanong nya.
"Yeah." sabi ko at hinipo ko ang noo nito. Gumamit ako ng thermometer at 38.8C may lagnat nga ito. Pinainom ko muna ito ng gamot saka sya pinunasan. Titig na titig pa din ito sakin. Sa totoo lang nung ginagamot ko ito, napansin ko na parang nakita ko na sya di ko lang alam kung saan.
Pagkatapos ko syang ayusin at mapansin ko na nakapikit ito ay tinigil ko na ang pagpunas. Bumibigat na din ang talukap ng mata ko. Yumuko ako at inihiga ko ang ulo ko sa kama nya at napapikit na ako sa sobrang pagod ko.