Lala's Pov
My name is Lady Lavinia Manoban Jeon o Lala for short. Isa ako sa kambal na anak ni Jungkook Jeon at Lisa Manoban Jeon. May kakambal ako na si Leo at kami ay 26 years old na. Meron akong 4 na kapatid. Ang una si Leo na kakambal ko. Tapos si Lucas na 24 years old. Si Lily na 22 years old at ang bunso nasi Liam na 17 years old.
Bilang isa sa sinasabi nila Perfect twin ay sobra ang expectations nila. Simula pa lang nung nag aaral kami ikinukumpara kani sa school ni Leo. Baliwala naman sa akin iyon kasi hindi ipinaramdam ng magulang ko na dapat kaming ipagkumpara. Marami din ang mga matang nakamasid sa amin kasi kami ang mga anak ng Perfect Couple na si Lisa at Jungkook na isa sa mga pinakamayamang negosyante sa bansa.
Natapos ako ng pagdodoctor bilang isang general surgeon. Pero hindi ko masyadong nagagamit ang pagiging isang doctor ko kasi sa akin ipinagkaloob ni Mommy ang kalahati ng pamamahala sa SDR Hospital. Tapos ako din ang CEO ng mga Golden Hospital sa buong bansa.
Hindi ako perpektong tao. Marami na akong naging boyfriend pero hindi ko masyadong sineryoso kasi busy ako lagi sa pag aaral ko. Kaya naman yun ang dahilan nila kapag iniiwan nila ako.
Nitong huli nagkaroon ako ng boyfriend na naintindihan ako. Ang boyfriend kong caring, smart, loving at gwapo din na si Edward. Wala ka ng mahihiling pa kapag ito ang naging boyfriend mo. Na inlove ako sa kanya ng husto kasi sa mga pinapakita nya sakin nung mga panahong nagtatapos ako ng pag aaral ko. Almost 5 years din kami at ang masakit hindi alam ng mga magulang ko at mga kapatid ko dahil hindi pa daw handang humarap si Edward sa mga ito. Inintindi ko na lang dahil alam ko ang pressure na makaharap ang mga Jeon. Hindi lang sila pati na ang mga pamilya ng mga tito namin na kaibigan ni Daddy at mga uncles na tauhan ni Mommy.
Nandito ako sa condo ni Edward para supresahin sya sa aming 5th year anniversary. Actually 2days pa bago ang anniversary namin kaya lang aalis ako ng bansa bukas dahil sa business.
Pumasok ako ng walang sabi ng condo dahil binigay naman ni Edward ang passcode nya. Dumiretso ako sa kwarto kasi sabi nya puyat daw sya kaya matutulog sya at hindi na sya makakasagot sa mga tawag at text ko. Pagdating ko nakarinig ako ng mga ungol. Pagbukas ko ng pinto nagulat ako sa nakita ko. Ang boyfriend ko nakapatong sa isang babae.
"Mga walang hiya kau! Mga baboy!" sigaw ko habang pinaghahampas ko sila.
"Wait Lala let me explain. Wala lang to." sabi ni Edward.
"Wala? Ilang taon na ba nyo ako ginagago? At ikaw pa Sandra na itinuring kong kaibigan. Kunwari ka pang boto ka saming dalawa yun pala ahas ka! Lahat sinasabi ko sayo ang tungkol samin yun pala patalikod mo akong tinitira!" sigaw ko.
"Babe hindi ko sya mahal ikaw lang mahal ko!" sigaw ni Edward.
"Edward sabi mo makikipag break ka na sa kanya." sabi ni Sandra.
"Shut up!" sabi ni Edward.
"Patawarin mo ko babe natukso lang ako. Hindi mo kasi kayang ibigay sakin ang mga pangangailangan ko. Parausan ko lang sya. Maniwala ka babe ikaw lang ang mahal ko." sabi nya. Naiiyak ako sa sobrang galit sa kanya.
"Hindi mo ako mahal Edward. Kasi kung mahal mo ako hindi mo gagawin ito at isa pa yun lang ba ang habol mo sakin ang katawan ko? Hindi mo kayang humarap sa pamilya ko di ba. Nagbulag bulagan ako dahil sa pagmamahal ko sayo. Sinayang ko alang ang halos limang taon sayo." sabi ko.
"Lala. Sorry na pakiusap hindi ko na uulitin pa." sabi nya.
"Talagang hindi na mauulit pa dahil break na tayo at ayoko nang makita ang pagmumukha mo." sabi ko. Tumalikod ako sa kanila at lalabaz na sana ng magsalita si Edward
"Lala alam ko mahal mo pa ako. Hindi mo ako kayang iwan. Babalik ka din sakin! " sigaw nya. Pinunasan ko ang luha ko at humarap sa kanila.
"Edward, ang kapal din ng mukha mo noh! Ako? Babalik pa sayo? Damn you! Baka nakakalimutan mo ako si Lady Lavinia Jeon, at kayang kaya kitang kalimutan." sabi ko.
"Sige gawin mo. Sasabihin ko sa pamilya mo ang relasyon natin." pananakot nya.
"Nagpapatawa ka. Hindi ka nga makaharap sa pamilya ko nung tayo pa lalo na ngayon na break na tayo. Sige subukan mo. Malaman natin ang tapang mo. Alalahanin mo na kaya ka nilang tirisin sa ginawa mo." sabi ko sabay talikod na sa kanila.
Umalis ako agad ng condo at nagtungo sa bar. Tinawagan ko si Ate Dahlia para samahan ako na uminom sya lang kasi ang sinasabihan ko tungkol kay Edward. Hindi din sya boto rito pero pinakikinggan nya pa rin ako. Uminom ako ng uminom hanggang sa malasing ako. Malakas ang loob ko kasi nandito si ate Dahlia. Hindi na nagsalita si ate dahil alam nya na nasasaktan ako kaya hinayaan nya akong uminom. Umiyak lang ako nang umiyak hanggang sa matanggal ko ang sakit sa dibdib ko.
"Lala saglit lang ha babalikan kita. Punta lang ako sa restroom." sabi ni ate. Tumango lang ako.
Pagkaalis ni ate nagpunta ako ng dancefloor at nagsayaw. Maya maya may humawak sa bewang ko. Nakipagsayaw ito ng sexy dance. Gumiling giling ako at nakipagfliet sa kanya.
"You're so sexy babe." sabi ng lalaki.
"Dont call me babe. I hate that word." sabi ko.
"Okay sweetie, wanna have some fun?" sabi nya. Hindi ko alam kung anong pumasok sa ulo ko at tumango ako sa kanya.
Dinala nya ako sa kotse nya at mapusok nya akong hinalikan. Dahil siguro sa kalasingan hindi ko na alam ang ginagawa ko. Tumugon ako sa mga halik nya.
"Sweetie lets go somewhere." sabi nya at dinala ako sa isang penthouse.
Hinalikan nya ako pagdating sa penthouse nya. Lalo akong nalasing sa mga halik nya. Ibang iba sa ex ko na si Edward. Bumaba ang halik nya sa leeg ko at di ko mapigilang umungol. Hinubaran nya ako at hinalikan sa ibat ibang parte ng katawan ko. Hindi ko na namamalayan ang mga pinaggagawa ko dahil sa sensasyon na ngayon ko lang naramdaman. At nangyari nga ang hindi ko inaasahan. Ang maibigay ko ang sarili ko sa taong hindi ko kilala.
Bago pa ako mawalan ng malay narinig kong sabi ng lalaki habang pinupunasan nya ang luha ko.
"Your mine now, Sweetie." sabi ng lalaking nakaangkin sa akin.