Makalipas ang sampung taon (10 years) sariwa parin sa aking isipan. Ang bumalot sa aking nakaraan.
*FLASHBACK
Galing kami non sa Beach. Hindi naman kalayuan ang lugar na yon. Magaganda talaga ang tanawin, malinis ang tubig, tama lang ang sikat ng araw. Habang pinagmamasdan ko ang Isla sobrang saya ko dahil wala na akong mahihiling pa buong pamilya, masaya, Malaya.
" Celine!!! Kain na pinaghintay nyo ang pagkain " naalala ko parin si mom Emelia tuwing magsisimula kaming kumain yan ang mga sinasabi.
Agad akong nagtungo. Agad akong na amaze dahil ngayon ko lang nakita ang isang kubo. Maliit lang naman ito. Pero comportable habang nakaupo.
Naamoy ko pa ang paboritong luto ni mom ang ginataang shrimp. Agad akong umupo.
" Ang sarap nito. Mapaparami nanaman ako ng Kain " kumuha agad ako ng tatlong kanin (3).
" Dahan-dahan lang ha haha " natutuwa ang mom ni Celine dahil na gustuhan ng kanyang anak ang kanyang luto.
Pagkatapos namin kumain. Sobrang busog na busog ang tiyan nya.
" Hey picture naman tayo " agad kaming ng selfie.
" one two three smile "
[ CLICK ***** ]
Pagkatapos non ako na ang nagligpit ng pinagkainan namin para naman makabawi kay mommy. Konti lang naman ang pinggang nilinis ko. Hayss salamat natapos din habang masarap na nakahiga sa kamang malabot na ramdam sa aking bandang lingkod.
" Hoy Celine gumising ka nga jan ! Bakasyon to hindi matulog ka jan ! narito tayo para magsaya hindi maging malungkot hayss " sabi ni kuya napakamot pa sa ulo pagkatapos.
Dinig ko nya ito sa banda labas ng resort. Kahit kailan ang kapatid nito napakalakas ng boses bwesit nagpapahinga yung tao tapos sya pa ang may ganang manigaw hayss.
Lumabas sya ng kwarto at pinuntahan. Habang kibit balikat syang nakaharap sa kanyang kuya.
" Oh narito na ko. Ano bang ginagawa ko rito? Mas gusto ko pang humiga at matulog kaysa mag swimming hayss. Kahit naman minsan pagbigyan mo na ko sa mga gusto ko hindi na ko bata " lagi naman ganyan ang kuya nya napaka-strict.
" Saka napakainit masisira ang skin ko. Baka mangitim pa ako nyan " dadag ng dalaga. Napakamistesa kasi nito, halatang alaga ang balat nya kaya maraming lalakeng nahuhulog sa ganda nya.
" Ok bahala ka sa gusto mo basta wag kang lalayo o pupunta kung saan " nagpunta mula sya sa kwarto. Pinagpatuloy ang kaninang naudlot na tulog.
Makalipas ang (5) minutong pagtulog. Minulat nya ang mata. Nakatingin sya sa bandang bintana. Nakita nya na malapit ng lumubog ang araw. Gumising sya sa kama at naisipan niya na ngayon na ang tamang oras para magswimming sa Isla.
Nagsuot sya ng 2-piece bathing suits. Napansin nya sa salamin ang magandang kurba ng kanyang katawan. Totoong napakaganda nya. Wala manlang galos ang katawan nito napaka-kinis at maputing balat. Habang ang buhok nito ay malayang nakalugay. Lumabas sya ng resort upang magswimming sa Isla.
Malayang ang mga paa nito ay nakatapak sa buhangin. Papalapit ang kanyang paa sa tubig. Sinimulan nyang tangalin ang tapis niya na natatakpan ang kanyang katawan at itinalsik kung saan. Nasilayan na ng liwanag ang kanyang katawan. Sinimulan nyang lumubog sa tubig. Napakasarap sa pakiramdam sa kanyang katawan. Ngayon lamang nya na pansin sya lamang pala ang nag-swimming. Matapos syang magbabad sa tubig kinuha nya ang isang tapis ng tuwalya para matakpan ang kanyang katawan. Pumasok sya sa loob ng kwarto para magpalit baka kasi magkasakit sya.
" Celine !! aalis na tayo maghanda kana ng damit baka hapunin tayo " sigaw ni kuya.
" Ok susunod na ako. Wait lang" tugon ko.
Lumabas na ako sa kwarto. Paglabas ko ako na lang pala ang hinihintay kanina pa. Sumakay na kami sa kotse na puti. Kotse kasi ito ni daddy Roderick. Bago kami umalis nagbayad kami sa resort.Tuluyan na naming nilisan ang resort.
Habang nasa biyahe kami nakatulog ako. Nasa highway na kami bandang alas 6:00 ng hapon. May kaunti pa naman liwanag sa daan. Napansin ko napatulin yata ang pagdadrive ni dad sa kotse. Pansin ko yon kahit ang mga mata ko'y pikit.
Nang biglang nakarinig ako ng tunog. Parang busina ng truck. Nang biglang may yumakap sa akin.
Pagmulat ko ng mata si kuya nakayakap. Sina mom and dad sugatan. Samantala naman kami ni kuya Henry galos lang. Napansin ko pa ang mga ulo ng mga ito duguan.
Pinilit naming dinala sa ospital pero.....biglang gumuho ang mundo ni Celine ng biglang....
[ ABANGAN ANG SUSUNOD.ANO KAYA ANG NANGYARI NA BUHAY BA O PATAY ANG MAGULANG NYA? ABANGAN]
©Love To The Destiny