Napaluhod na lang ako sasahig. Sa mga sandaling yon. Biglang lumabas ang doctor. Agad akong tumayo sa kanyang harapan upang alamin ang kung ayos lamang ang kanyang mga magulang.
" Doc my mom and dad ayos lang po ba sila? " walang naisagot sa kanya ang doctor sapagkat nakatitig lamang sa kanya ito.
" Doc answer me ?!!! Sabihin mo buhay pa sila diba? " nangangatal ang mga kamay nya na parang mauubusan sya ng lakas.
" Doc ano ba sagutin mo ang tanong ko !!! "
" Doc....parang awa mo na " malapit nang bumagsak ang luha nito ngunit pinipigilan nya ang sakit na nadarama nya.
" Miss.....ginawa namin ang lahat na makakaya pero wala talaga " malungkot na mukha nito.
Nakita ko pa si kuya na humagol-hol habang nakaupo sa bandang upuan.
" Kuya hindi totoo ang sinabi nya diba? kuya kuya sumagot ka?! kuya? " nagsimulang putak ang luha ko sa bandang kanan.
" Celine....Wala na sila...patay na sila Celine " umiling ako sa kanya. Mariing iling.
" Hindi mo ba nakikita !! Iniwan na nila tayo! Wala na sila " agad na rumagasa ang luha ko. Lumakas ang hagulhol ko. Pinakawalan ko na ang sakit na nadarama ko na kanina ko pang pinipigil.
Niyakap ako ni kuya ng mahigpit. Habang akoy patuloy paring iyak ng iyak.
" Kakayanin natin ito. Kakayanin nating mabuhay kahit wala na sila. Dahil pinalaki tayo ng mga MAGULANG nating responsable at mabait " habang akoy walang tigil ang pag-iyak.
Simula ng mamatay ang kanyang mga magulang. Lagi na syang malungkot, nakakulong sa kwarto, walang ganang kumain, tingin nya wala na syang ganang mabuhay.
Maraming dumalo para tingnan ang magulang nyang pumanaw. Nakita din nyang dumalo ang mga pinsan nito, tita o tito dumalaw din at lahat ng mga mahal sa buhay.
Mga (2) dalwang taon narin. Ang nakakaraan noon ng pumanaw ang kanyang pinakamamahal na magulang. Sila na lamang ng kanyang kuya ang namumuhay na magkasama. 13 years old sya ng pumanaw ang kanyang magulang. Samantala si kuya ay 18 years old.
Habang nakaupo ako non sa terrace. May mga alala na patuloy ko paring naalaa nung mga oras na kasama ko sila. Hindi ko na pigilan na mapaiyak. Minsan na papansin ni kuya na napapadalas na ang mga iyak ko sa mga nagdaang araw.
Natigil lamang ang paghagohol niya ng nasilayan ang matalik nyang kaibigan na nasa gate. Agad nyang pinapasok ang binata. Niyakap nya ito ng mahigpit ng maramdaman ng binata na hindi na sya makahinga inalis nya ito ng bahagya paharap sa binata.
" Why are you crying? What happened? " alalang sabi nito. Simula nung mga bata kami lagi na syang nag-eenglish. Kasi sanay daw yan nung nakatira pa sila sa London. May lahi kasi silang American.
" I'm not ok Ramos. My mom and dad...." hindi ko na naituloy ang gusto kong sabihin kasi napahagolhol sya.
" What happened to tito and tita ? " simula palang kasi nung naging close kami yun ang tawag nya kay mom and dad.
" Patay na sila Ramos " hindi maipaliwanag niya ang mukha ni Ramos dahil sa pagkagulat.
Niyakap nya ako ng mahigpit. Tinugon ko lang ang mga yakap nya.
" Simula ngayon lagi na akong nasa tabi mo. Kapag may problems ka tawagan mo lang ako" habang nakayakap parin ito.
" Dahil Mahal ... " biglang umalis si Celine sa pagkakayakap kay Ramos.
" Ano ba pinagsasabi mo dyan ? "
" Wala pinasasaya lang kita. Tatawa na yan ayiee sige aalis na ako pasok ka na dun " taboy nya sa akin.
( Alam mo Celine matagal na may itinatago akong pagtingin sayo simula pa nung mga bata tayo Mahal na Mahal Kita kung alam mo lang dito lang ako hindi kita iiwan )
* END OF FLASHBACK
©Love To The Destiny