Chereads / Love To The Destiny / Chapter 10 - 10 Ramos

Chapter 10 - 10 Ramos

Sa hindi kalayuan. Magkatabi lamang sila ng bahay ni Celine. Oo inaamin nya may tinatago syang pagtingin para rito. Pero alam din nya na mali ito. Sapagkat magkaibigan lang naman ang turing sa kanya. Sinubukan nya ring aminin sa dalaga. Ang totoong nararamdaman nya kaso inunahan sya ng kaba at takot. Nakadagdag pa ng malaman nya na may nobyo na raw ito. Lalong nawalan na sya ng pag-asa.

Nagsisi sya sa ginawa nyang pagkakamali sa dalaga nung gabing yon. Parang ayaw na niyang lumapit dito. Pero itatago nya nalamang iyon na pawang walang nangyari.

* Kinabukasan maaga syang gumising.

Para umatend ng trabaho. Tumayo siya sa kama. Pumunta siya sa cr para maligo at magtoothbrush. Makalipas ang ilang segundo ( sec ). Lumabas sya ng cr. Para magbihis suot na polo shirt, nakarelo narin sya nakadagdag pa sa porma nito unlimited pa, at nike na shoes. Lumabas siya sa kwarto. Dumiretso siya sa kusina para kumain. Amoy na amoy nya ang nilutong adobo. Nakakagutom sabi nito sa kabilang isipan.

Umupo siya sa silya. Para kumain naroon narin sa lamesa. Ang plato ,kutsara at tinidor, at baso. Kumain sya ng mabilis baka malate sya sa trabaho. Pagkatapos nun uminom sya ng tubig.

" Ma ! aalis na ako " tumayo siya sa silya papuntang sasakyan.

" Alis kana hijo. Sige ingat ha " sabay beso sa kanyang pisngi.

Umalis na sya sa loob ng bahay at nagdrive ng sasakyan. May tagabukas naman ng gate ang mga katulong namin; si Manang Lea at si Manang Merry.

Umalis na ako sa sa bahay. Habang nasa loob ako ng sasakyan may tumawag sa akin. Sinagot ko ito.

" Oh pre bakit? " tanong ko.

" Wala pre. Magpapasundo sana ako sayo papuntang trabaho natin. Sira kasi ang sasakyan ko " matagal na kaming magkaibigan. Kasama ko rin siya sa trabaho ko.

" Bakit? Anong sira " bumuntong hininga ito.

" Pre sira ang brake ng sasakyan "

" Sige dadaan ako sa inyo " nagpunta siya sa bahay ng mga ito. Pareho lamang naman sila ng buhay. Naggaling din ito sa hirap. Na ngayon ay mayaman na rin.

Sumakay ito sa kaliwang pasenger seat.

" Naku pre salamat ha. Babawi ako sayo sa susunod " pagpapasalamat nito.

" Pre wala yun. Malaki ang natutulong mo sa akin nung mga araw na wala akong pera. Kaya tulong ko narin ito sayo. Ako nga dapat ang magpasalamat dahil malaki ang utang naloob ko sayo " mahabang sabi niya.

" Naku ayos lang yon. Late na ba tayo? " tanong nito.

" Hindi naman " agad niyang sagot.

Ipinarada niya ang sasakyan katabi lamang ng kompanya. Bumaba sila sa sasakyan. Ang poporma nila. Napapatili ang mga babaeng nagdaan.

" Pre kaylan ka ba magkakagirlfriend? Ako matagal na kami ni Shaina " habang patuloy silang naglalakad sa loob ng kompanya.

" Bakit mo naman naitanong ang mga bagay na yan? " sabay kibit ang balikat.

" Wala naman. Gusto ko lang na maging masaya kanaman sa buhay " nangunot ang noo nito.

" At sa tingin mo ba hindi ako masaya! " umiling ito.

" Hindi naman ganon pare relax lang. Galit na galit ka nanaman aga-aga " inayos nito ang polo papuntang upisina.

" Pasensya na " sabay upo sa Wheel arm chair.

" Sige na alis na ako. Marami pa akong gagawin pamaya nalang " pagpapaalam nito. Sabay tango ko.

Lumabas sya ng office. Siya ay si Hayden bilang isang matalik kong kaibigan malaki narin ang tiwala ko sa kanya.

Pagkatapos kong tapusin ang mga pinipirmahan na documents. Lumabas ako ng office para tingnan ang mga hinahawakan ko na sasakyan. Na galing pa sa New York. Pinabantayan ko na lang sa secretary ko ang office. Pinaalam ko na sa kanya kung may naghahanap sa akin nasa bilihan ako ng sasakyan.

Nagtungo ito sa hilira ng mga sasakyan.

" Hayden pre kamusta? Marami bang bumibili? " tumango ito.

" Pero hindi katulad dati. Medyo na baba ang ratings natin sa business " tumango sya.

" Ayos lang basta maraming bumibili sa atin" kindat nito.

Babalik na sana sya sa office para pirmahan pa ang ibang documents. Pero hindi na niya naituloy. Bigla kasing negosyante ang pumasok sa kompanya nila. Mayaman, nakashades at talaga namang malaki ang kikitain nila dito.

" Welcome sir! Ano pong kailangan nyo po? " bungad ni hayden

Ngumisi ito.

" Maganda ba ang quality ng sasakyan mo? Sinisigurado mo ba na matibay ito? at Are you sure that hindi ko pagsisihan ang pagbili ko rito? " Lumapit si Ramos.

" Yes. May nakita ka bang sira? " nagkibit balikat ang lalaki sabay tingin sa ulo at paa.

" You are intelligent " wika nito.

" Yes sir. Gusto po namin na maganda ang serbisyo namin " Sabi ni hayden. Tumango ito.

" What is your name? How old are you and how long in your job? " tanong nito.

" My name is Hayden Lim. I'm 20 years old. 5 years na po akong nagtatrabaho dito simula pa nung highschool ako " pakiramdam naman nya nakumbinsi niya ito.

" Kakaunti pa lang ang experience mo pero pwede narin " na panay ang masid nito sa mga sasakyan.

" Ano ser may napili na po ba kayo? " patuloy parin ito sa pagpili.

" Ito magkano? " sabay turo sa puting kotse na maganda talaga ang quality.

" Mga 1,126.00 " pinagpatuloy nito ang paglibot sa bawat anggulo ng sasakyan.

" Sige " tipid nitong sagot.

" Talaga po? " tanong nito. Na malaki ang tuwa.

" Bakit ayaw mo? babawiin ko na " umiling ito.

" Hindi naman ganon sir. Ngayon lang pong tao na bumili sa amin ng isang unlimited na sasakyan " bigla hinawakan nito ang balikat.

" Ngayon masanay kana. Dadating na ang swerte mo sa buhay " sabay alis nito ang kamay sa kanya.

" Salamat sir " pagpapasalamat nito.

" Mr ? " naputol ang sasabihin dahil hindi niya alam ang pangalan nito.

" John Castillo " sagot nito. Sabay talikod sa kanya. Na ngayon ay papuntang counter para magbayad.

" Thank you Mr. John " sabi ni Ramos. Sa taong napakaporma na suot. Sabay lahad ang kamay dito.

" Walang anoman. It's my pleasure " sabay tugon ang shake hands dito.

Madali lamang itong nagbayad. Inihatid ni Hayden sa labas ng kompanya ang nag-ngangalang John ang pangalan. Sumakay ito sa kotse.

" Sir balik ulit kayo " tumango ito sa kanya. Na mabilis ang takbo. Na parang alikabok na lang ang makikita sa dulo ng daan.

Bumalik sya sa loob ng office niya. Upang umupo sa wheel armchair.

" Galing mo talaga pare. Ang taas agad ng rating natin " sabi ni hayden. Na kasabay ko pala pagpasok ng office.

" Syempre ako pa ba " sabay tawa din nito.

" Bago ko makalimutan. Sabihin mo sa service ipadala kay Mr. John ang sasakyan nito. Para maging maayos na ang lahat " tumango si Hayden.

" Kapag natangap na ako ni pa na maging CEO ako na ang magaasikaso sa kompanya. Mas pagbutihin ko pa ang trabaho " napalakpak si hayden.

" Sana nga pre. Tapos ako ang assistant mo " sabay tango nya.

Sabay tawa nilang dalawa. Yun lang naman ang hiling nito. Masayang pamumuhay, tahimik at maabot ang kanyang pangarap. Hangga't malaki ang tiwala nya sa sarili madali niyang makakamit ang gustong buhay.

( PANO KUNG MALAMAN NI RAMOS NA ANG NAKILALA NYANG LALAKI AY EX PALA NI CELINE ? ABANGAN SA SUSUNOD NA YUGTO)