Chereads / Love To The Destiny / Chapter 9 - 9 The Secret of Celine

Chapter 9 - 9 The Secret of Celine

Nagising si Celine sa sikat ng araw. Nakakasilaw napansin niyang nakakumot siya. Pagtingin nya wala syang saplot. Ha? Anong nangyari kagabi? Nasan ako? Hindi ko bahay ito teka kina ramos ito.

Pagtingin nya sa kama. May nangyari sa amin. Bumalik sa kanyang isipan ang ginawa nila kagabi. Nagiinit ang kanyang mata. Maaga niyang ibinigay ang kanyang pagka-virgin nya sa taong hindi naman nya minahal.

Sa taong kaibigan pa nya. Haysss sabay pupok nya sa ulo. Tumayo sya ng dahan-dahan sa kama. Na ngayon ang takip nya ay kumot. Nagpunta siya sa cr. Humarap siya sa salmin. Haysss kahit kailan talaga ang tanga-tanga ko. Tumigil ang pagsasalita nito ng may nagsasalita sa labas. Sigurado siyang si Ramos ito. Anong gagawin nya?

" Celine..... " paulit-ulit nitong tumawag ang pangalan niya.

" Nadito ako sa cr. Wait lang. Bakit ba? " Nagsuot agad sya ng damit at pantalon.

Lumabas sya sa cr. Paglabas nya nagulat siya dahil hubad Isa pa wala itong pang-itaas. Tumalikod siya parang naramdaman ng binata ang paggalaw nito. Nagsimula itong nagsalita.

" Sorry ha sa ginawa ko sayo kahapon " napapikit pa siya pagkatapos bumuntong hininga.

" Wala yon. Alam ko naman na pareho tayong hindi ginusto ang nangyari " tumango ito.

Biglang may kumatok sa pinto.

" Tumago ka " sabi niya sa dalaga.

" Saan ? " nanguguluhan siya kung anong gagawin.

Naisip niya na sa cr nalang.

Kumatok ulit ito.

" Pasok " sabi niya kunwari ay kakagising lang nya.

" Kakain na sa baba. Gumising ka na nga dyan" sabi ng ina ni Ramos.

Tumango ito.

" Sunod ka na ha " umalis na nga ito sabay sarado ng pinto.

Nakahinga siya ng maluwag. Binuksan nya ang pinto para ipaalam nya sa dalaga na umalis na kanyang ina.

" Wala na si mom. Ayos na makakaalis kana " tumango ito sabay labas sa cr.

" Sorry talaga ha " umiling ito.

" Nako wag mo nang intindihin iyon.Kalimutan mo na yon " tumango ito.

" Sige ingat ha " sabay wave nya sa bintana. Habang nilalakad nito palabas ang gate.

Naglakad ang dalaga papuntang bahay nito. Dumaan siya sa kusina ng bahay nila. Sakto hindi alam ng kuya nya na tumulog sya sa bahay nina Ramos. Binagsak niya ang sariling katawan sa kanyang kama. Habang mulat ang mga mata nito. Parang namumula ang kanyang mga mata.

' PANO KUNG BUNTIS SYA? SIRA NA ANG BUHAY NYA? '

Sabay kamot nya sa ulo. Haysss nakakainis.

" Celine...baba na kakain na " sabi ng kuya nito. Na parang nasa pinto lamang ng kwarto nito.

" Pamaya nalang. Wala akong gana " biglang bumukas ang pinto.

" Anong oras ka umuwi ng bahay? Pasensya na ha hindi na kita nahintay nainip na kasi ako" hay salamat hindi niya alam ang pangyayari.

" Alas 10:00 kuya ako umuwi " tumaas ang kilay nito. Alam nyang mali ang magsinungaling pero ito lamang ang tamang desisyon para matakpan ang secret nya.

" Ang gabi na. Sabi ko wag kang magpapagabi hayss " alalang sabi nito.

" Sige punta muna ako kay Wendy " pagpapaalam nito.

" Ayieee sana all " loko ko kay kuya napatawa pa ito.

" Bakit ba kuya hindi ka pa nya sinasagot? Dalwang taon kana nagliligaw sa kanya " umiling siya. Napabuntong hininga pa ito.

" Basta dito ka lang sa bahay. Lagi mong isira ang pinto. Wag kang magpapasok kahit kanino na hindi mo kilala " tumango siya.

" Sige alis na ako. Gwapo ba? " tumango siya.

" B-bye ingat " sabi nya.

Bumalik siya sa kama. Hay salamat naman hindi alam ni kuya ang nangyari. Pamaya lamang tumunog ang cellphone nito.

" Hello? " tanong nya.

" Celine.....musta na? " tanong nito.

" Ayos lang naman " biglang sumagi sa kanyang isipan kung sasabihin ba nya ang nangyari kahapon.

Pero sigurado siya rito. Malaki ang tiwala nya rito.

" Pwede ba tayong magusap " sabi nya.

" Oo naman. Saan? " tanong nito.

" Pwede sa bahay mo? " agad namang sumagot ito.

" Okay lang " pinatay na nito ang cellphone.

Nagbihis siya ng damit suot nya ang simple lang. T-shirt na may tatak na Lee ang brand at jeans. Nagdrive sya ng kotse. Nang makarating siya sa bahay nina Ella. Parang walang tao dito. Ipinarada niya ang sasakyan katapat lamang ng bahay nito.

" Celine!!! " sigaw niya.

" Wait " agad na sagot nito.

Binuksan nito ang gate at pinapasok ito.

" Ano bang paguusapan natin? " habang papasok kami sa loob ng bahay.

" Ano kasi...may nangyari kagabi " sabay upo nila sa sofa.

" Ano namang nangyari kagabi? " sabay kunot ang noo.

" May nangyari sa amin ni Ramos "nagulat ito.

" Ano??? Ano ka ba naman Celine " sabay suntok nito sa sofa.

" First time??? " pumikit pa ito pagkatapos.

Tumango siya. Inaamin naman nya. Kahit nung nagkaroon sya ng nobyo hindi manlang sila nagtatalik. Pero hindi na iba sa kanya ang paghalik. Kaya nasabayan niya ang mapusok na halik ng binata.

" Malaki nga yang problema mo " reklamo nya.

" Alam ko naman ang nangyayari kaso ginamit ko yun para madaling makalimot sa dati kong ex " nagalit bigla ang mukha nito.

" Kahit kailan ang gaga mo haysss " binigyan sya ng kaibigan ng pregnancy test.

" Ano to? Anong gagawin ko dito? " ngumisi ito.

" Tingnan mo kung buntis ka. Kung buntis ka dapat panindigan ng lalakeng yon ang ginawa nya " kinakabahan sya sa magiging resulta.

" Iintayin kita dito sa sofa. Wag kang mag-aalala nandito lang ako " tiningnan ko ang resulta.

Napasigaw ito. Kumatok ng magkakasunod ang kanyang kaibigan.

" Ano bes? " alalang boses nito.

" Bes negative " humiyaw na rin ito.

" Salamat naman sa diyos " buong galak ni Celine habang palabas na sa cr.

Yumakap si Ella sa kanya. Tinanggap niya ang yakap nito.

" Salamat ha. Kung wala ka talaga. Hindi ko alam ang gagawin ko " tumawa ito.

" Wala yun " sabay hawak nya sa balikat nya.

" Sige bes uwi na ako. Tutal naman wala akong gagawin dito " tumango ito.

" Ella secret lamang natin ito ha " tumango ito.

Lumabas na sya sa gate. Nagdrive ng mabilis si Celine. Sakto wala pa kuya nya. Pinarada niya ang kanyang kotse. Pumasok siya sa bahay. Tumaas siya sa hagdan para magpalit ng suot. Pagkatapos,umupo muna siya sa sofa para manuod ng TV. Parang boring sya. Kumuha sya ng snacks sa refrigerator. Bumalik siya ulit sa sofa para maupo. Makalipas ang ( 5 min ) limang minuto. May kumatok sa pinto.

" Buksan mo nga itong pinto Celine " binuksan nya ang pinto ang kuya nya lang pala kala nya kung sino.

" Salamat naman at binuksan mo agad pagod na pagod na ako " sabay upo nito sa sofa.

Naamoy pa niya sa bibig nito. Amoy beer.

" Kuya uminom ka ba? " tumango ito.

" Bakit? Ano bang nangyari sa date nyo? " umiling ito.

" It's none of your business " wika nito.

Tumango siya.

" Tataas na ako. Gusto ko nang magpahinga " tumuloy na siya pagpasok sa higaan para matulog.

Sana walang makaalam na may nangyari sa kanila ni Ramos. Kung may makaalam man sigurado parehong sira ang kinabukasan nilang dalawa. Pasalamat siya na hindi sya buntis. Hindi na kaylanman mauulit ang pagkakamaling iyon. Malapit ng magsara ang mga mata nito para matulog.

©Love To The Destiny