Chereads / Love To The Destiny / Chapter 6 - 6 Second Sight

Chapter 6 - 6 Second Sight

Minulat ko ang mga mata ko. Mataas na ang sikat ng araw 10:00 ng umaga. Ayos lang naman dahil wala naman syang aatendang trabaho ngayon.

Sa mga hindi nakakaalam ay trabaho ni Celine sya ang manager ng milktea shop. Simula nung highschool sya lagi syang ng papartime job don. Nung una naging secretary sya. Ngayon manager na.

Bumaba sya ng hagdan. Pagbaba ko wala si kuya. San kaya sya nagpunta sabi ko sa kabilang isipan.

Napansin ko ang nakadikit sa lamesa. Binasa ko ito. Nagpunta lang naman pala ito sa market. Nagsimula na akong kumain hayss busog na namn ako hindi na ako makapagdiet.

* A few moments later

Tapos na akong manligo. Umupo ako sa kama habang tinutuyo ang buhok ko.

* RING******

Agad ko itong sinagot.

" Hello sino to? "

" Si Ella bess musta? Gusto kitang makita at makausap ngayon kaso busy ka yata " nung una masaya ang boses nito biglang ding humina pagkatapos.

" Ayos naman ako. Hindi naman ako busy. Kakatapos ko lang maligo " pagpapaliwanag niya.

" San ba tayo magkikita? pupunta ako "

" Sa milktea shop mo bes. Para matikman ko naman ang special dish mo dun saka milktea narin " masayang boses nito.

" Sige wait mo lang ako a few minutes "

" Ok I can't wait see you " pinatay ko na ang cellphone.

Nagbihis agad ako. Naka crop top t-shirt ako tapos checkerd skirt and white shoes.

Nilock ko ng mabuti ang bahay. Nagiwan ako ng sulat sa lamesa pagpapaalam kay kuya. Nilock ko na rin ang gate.

Nagdrive na ako ng kotse. Hindi naman ito kagandahan para sa akin simple lamang ito, kulay white. Hindi naman masikip ang daloy ng kalsada. Wala masyadong traffic. Bago ako pumasok sa milktea shop. Ipinarada ko muna ito sa mismo ring tapat ng shop.

Pumasok ako sa loob ng milktea shop. Nakita ko si Ella sa bandang tabihan nakaupo. Nilapitan ko ito.

" Ella.... " bungad nya naparang hindi makilala.

" Celine...." agad silang nagyakapan.

" Musta na? Namiss ko ang pagtawa mo. Naiiyak tuloy ako " sabi sa kanya ni Ella.

" Ano ka ba wag kang umiyak narito tayo para pagusapan ang masaya hindi malungkot " kumawala sa kanya ang dating kaibigan sa pagkakayakap.

" Namiss lang kita " sabay hampas nito sa bandang balikat.

" Awww namiss ko ang hampas mo haha " sabay silang nagtawanan.

" Umupo na tayo kanina papala tayong nakatayo " sabay kaming umupo.

" Anong gusto mong order natin? treat ko. Dito naman ako nagtatrabaho. Pero ikaw na susunod ha lugi ako hahah " sabi ko kay Ella.

" Akala ko laging libre. Sige sasusunod ako na" sabay nyang tawa sa akin.

" Sige upo ka muna jan Celine ako na ang oorder pero iyong pera " napahagihik pa pagkatapos.

Napailing na lang ako sa kanya. Habang pinagmamasdan ko ang mga tao sa labas. Habang nililibot nya ang tingin sa bawat sulok. Nabigla ako sa nakita ko. Sa mahabang panahon nakita ko ulit ang mukhang yon. Si John ibang-iba na sya ngayon mukhang mayaman na rin sya. Ngunit napansin nya ito na may kasama ng babae. Bumalik na ulit sya sa huwisyo ng biglang may nagsalita sa harap nya.

" Hoy bes! . Sino ba ang tinitingnan mo Jan? Bes ano yan tulala lang? " napansin nya na lalaki ang tinitingnan nito.

" Hoy !! Aminin mo nga sa akin. Si John ba yon yung naging syota mo nuon? " bakit nya nalaman ang tungkol sa amin.

" Pano.....mo nalaman? "

" Sabi ko na nga ba sya yon eh " gigil nyang sabi.

" Bakit sya may kasamang babae? Hiwalay na ba kayo ? " hindi nya pinansin ang sinabi nito.

" Eto na po ang order nyo. Balik po kayo " umalis na nga ang waiter pagkatapos.

" Wag na muna nating pagusapan. Nadito ako para magusap ng masaya at gumawa muli ng magaganda na karanasan "

" Sige kung kailangan mo lang ng kausap sabihin mo lang ha. Makikinig ako nandito lang ako. Wag mong ililihim masama yon " tumango ako sa kanya.

Kumain kami ng tahimik. Pagkatapos naming kumain nagpaalam na kami sa isa't-isa.

" Sige Celine una na ko see you next time. Wag kang malungkot lagi nandito lang ako hindi kita iiwan. Ingat " yinakap ko sya ng mahigpit.

" Sige bye Ella ingat din " nag wave ako sa kanya.

Nagdrive ako ng sasakyan at nilisan nya ang milktea shop.

Pagdating nya sa bahay. Napansin nya bukas na ang gate. Pinasok nya ang kotse para iparada sa kanilang bahay. Bumaba sya sa kotse. Nakita nya may lalakeng nakaupo sa terrace. Nilapitan nya iyon. Si kuya eh sino naman tong lalakeng ito.

" Ella ! San ka nanaman nagpunta ha? " bungad ng kuya nito.

" Isa pa bakit ganyan ang suot mo?. Di ba sabi ko wag kang mag susuot ng mga ganyan hayss. Ang tigas talaga ng ulo mo "pansin ko ang tingin sa akin ni Ramos sa katawan ko mula ulo hanggang paa.

" Sige uwi muna ako sa amin. Pagusapan nyo muna yan balik na lang ako pamaya " pagpapaalam ni Ramos umalis na nga ito papuntang gate.

Kinaladkad ako ni kuya paloob ng bahay.

" Hindi mo ba pansin ? Nakatingin sayo yung si Ramos sa suot mo ! " matalim nyang salita nito.

" Kuya normal lang ito. Saka kuya wag na kayong mag-alala sa akin. Kaya ko na ang sarili ko " habang paakyat na ako ng hagdan.

" I just want to protect you " mahinahong sabi nito.

" Sige kuya. I accept your concern for me " matino nyang sabi.

©Love To The Destiny