Narito ako sa loob ng kwarto. Nakakabingi ang katahimikan. Subalit, sa bawat hagulhol ko sa loob.Nagkakaroon ng ingay.Hindi ko lubos maiisip na ako lang pala ang naghahabol ako lang pala ang nagmamahal.
Nang malaman ko na ang totoo lubos akong nasaktan, naninikip ang dibdib ko, dahil sa tatlong taon (3 years) naming pinagsamahan. Niloko nya lang pala ako. Mga bawat salita na binitawan nya para sa aking pawang laro-laro lamang sa kanya samantala ako noon umaasa. Kasalanan ko rin naman eh. Talagang hindi talaga kami para sa isa't-isa.
*Kinaumagahan
Nagising ako mga 5:00 o'clock in the morning. Hindi ko alam kung bakit ang aga kong nagising. Pero patuloy paring tumatakbo sa isipan ko yung nangyari kahapon.
*Ring******* [ Nagring ang cellphone ko ]
Sinagot ko agad ito.
" Hello sino to? " paguungkat ko.
" Ano kaba? edi si Ella hayssss... nakalimutan mo na agad ako.Matapos na naabot muna ang pangarap mo kinalimutan mo nako.Kakainis ka talaga " mahabang salaysay nya na nakapagpatawa sa akin kahit hindi nya alam na ngayon broke ako.
" Ano kaba? nakakagulat ka kasi agang-aga hindi pa nasikat ang araw na tawag ka agad. Parang sira to " na nagpatawa naman sa kanya.
" Haha miss na miss na talaga Kita. Sa haba naman ng panahon hindi tayo nagkikita. Huli lang tayo nagkita nung graduation ng senior highschool. Simula nun wala na tayong contact sa isa't-isa kaya nun malungkot. Pero masaya na ko dahil nakausap na kita " ang bait talaga ni Ella kahit kailan simula pa nung highschool nung una kaming magkakilala ganyan na talaga sya.
" Namiss din kita " sabay kamot ko sa ilong kasi may sipon kasi ako dahil sa pag-iyak ko kahapon.
" Sige kita na lang tayo kung kailan ka free friend see you " pinatay naming sabay ang cellphone.
Pagkaligpit ko ng higaan, Naligo na ko hindi naman katagalan ang panliligo ko mga dalwang minuto lang (2 min) ang nakakalipas ang loob ng cr habang pinagmamasdan ko maganda ang pagkakatiles, at ang pinto pa nito sliding door, matapos akong lumigo tinuyo ko ng towel ang buhok ko. Humarap ako sa salamin na katapat lang ng higaan ko. Pinagkatitigan ko ang sarili ko.
" BAKIT GANITO ANG PAGIBIG DAPAT HINDI NA AKO NAGPUNTA SA KANYA para hindi nalang ako umabot sa puntong masasaktan lang ako ULIT " bawat patak ng luha ko bumagsak sa sahig, bawat tingin ko sa salamin naalala ko ang sinabi nya sa akin paulit-ulit narinig ko ito sa tenga ko nakakabingi " ngunit naputol iyon ng may sumigaw.
" Celine !!! bumaba ka na kakain na ! " sigaw ni kuya Henry.
" Ok baba na ako. Wait lang ! " sigaw pabalik ko sa kanya.
Inalis ko ang tuwalya ko sa buhok. Nagbihis ng pambahay ; t-shirts saka shorts hindi kasi ako mahilig sa panjama yakk hindi na ako bata I hate that grrrr.
Bumaba na ko sa hagdan. Sa hindi kalayuan nakita ko si kuya nagprepare nang pagkain namin.
" Oh dali kain na nako pabebe pa maglakad. Oh bakit na ka shorts kananaman pag may pumasok na mga lalaki dito kita ang mga kaluluwa mo dyan ! " giit nyang sabi pagkatapos.
" Kuya pabayan mo na ko hindi na ako bata "
" Ah basta ! dito mo lang. I wear yan ha. Hindi ako papayag na ganyan ang suot mo pagaalis ka. Bago ka umalis iche-check ko kung anong suot mo " ganyan talaga si kuya napaka-strict ang gusto lang naman mapaayos ako.
" Sige kuya kain na tayo " pagkakita ko sa ulam may grill barbeque, gulay na kalbasa na may sitaw at may fried fish pa saan ka pa.
" Kuya sarap nito " ang sarap talagang magluto ni kuya.
" Kuya pinatataba mo naman ako eh. Baka hindi ko na naituloy ang pag-fafasting ko " reklamo ko sa kanya.
" Tama ka na nga sa pagdadiet mo. Tingnan mo naman. Ang payat-payat muna. Lilipad ka na sa liit ng braso mo " giit nya.
" Kuya natural lang yan. Tingnan mo ganda na ng tiyan ko diba? Flat na flat " habang pinakita ko sa kanya bumalik agad ako sa kinauupuan ko dahil may kumatok sa pinto.
" Kumain ka ng madami dyan ha bubuksan ko lang ang pinto "
Pagbukas ng pinto may pumasok na mga lalake tiningnan ko ito. Mga kapitbahay lang pala namin jusko kala ko kung sino.
" Na jan ga po si Celine " tanong nung naka-white t-shirt.
" Bakit? bakit mo hinahanap ang kapatid ko? " galit na sabi ni kuya
"Wala po boss. Kakamustahin ko lang po sya?" agad na lumapit ako kay kuya namabilis naman ako nakita nung nakaputing t-shirt.
" Kuya hindi mo sya nakikilala sya si Ramos. Ano ba kuya sya yung dating matalik kong kaibigan simula nung mga bata palang kami" paliwanag ko.
" Ahh ok sige pasok ka muna " sabay kamot ni kuya sa ulo pabalik sa kichen.
" Celine !!! "
" Po ? "
" Tapos ka na bang kumain ? "
" Yes " agad na sagot ko.
" Ok " tipid na sagot ni kuya.
* Terrace area
" Hindi ka ba papasok? dun tayo sa loob " mahinay na tanong ko.
" Hindi na mahingin kasi ng bahagya dito " magaan na sabi nya.
" Kamusta ka na? " sabay ngiti nito.
" Okay naman eto. Tinatahak ang bagong buhay. Kahit mahirap " sabay tingin ko sa langit.
" May boyfriend ka na ba? " tanong nya naika-bigla ko parang bumalik agad sa isipan ko ang nangyari kahapon.
"Mukha kasing meron ibang-iba kana ngayon lalo kang gumanda " hindi ko naman maiitangi na gusto nya ako nuon simula nung magkaibigan kami lagi syang nakatingin sa kin sobrang close friend kami.
" Bakit mo namn na sabi ang mga bagay na. Wala namang nagbago eto parin ako.....so Celine " nagbago na ba talaga ako?.
" Eh Ikaw ba? May Jowa ka na ba? " tanong ko habang nakaupo kaming dalwa.
" Wala " agad na ngunot ang noo ko.
" Bakit ? Mabait ka, responsible, gwapo, magalang na sayo na ang lahat " sagot ko na nagpatawa sa kanya.
" Why your smiling? nakakatawa ba ang sinasabi ko? Totoo yun dahil matagal na kitang kilala " seryosong sagot ko.
" Hindi naman alam ko naman yun sa sarili ko kaso natuwa lang ako na ganon ang pagtingin mo sakin "
" Alam mo nung lagi tayong magkasama kahit jan lang sa tindahan ang bait mo sa kin. Magalang ka kay mom and dad nung buhay pa sila " habang pareho kaming nakatingin sa mga nadaan na sasakyan.
" Celine may itatanong lang ako sayo. Ano nga pala ang nangyari sa mom and dad non. Wala kasi ako non dito dahil galing akong Mindanao tapos pagdating ko nalang dito sa bahay nyo iyak ka nang iyak dahil namatay ang mom and dad mo " habang nakaupo parin ito habang ako tahimik lang
" Sobrang lungkot mo nun sabi ng kuya mo lagi ka raw tulala. Minsan nalilipasan ka na nga gutom. Hindi ka naglalabas lagi ka lang nasa kwarto " pagpapatuloy niya.
" Sige una nako sa susunod na lang ulit pag nalulungkot ka tawagan mo na lang ako " pagpapaalam nya.
" Sige ingat ka " sabay wave sa kanya.
Pumasok na ako sa loob. Umakyat ako sa kwarto ko. Umupo ng bahagya sa kama. Naiisip ko parin yung mga sinabi ni Ramos tungkol non.
(PERO ANO NGA BA ANG NANGYARI SA MGA MAGULANG NI CELINE BAKIT SILA PUMANAW? ABANGAN SA SUSUNOD NA KABANATA)