Chereads / Teach Me (Sexy Monster Series #2) / Chapter 43 - There’s a beauty who can tame the beast

Chapter 43 - There’s a beauty who can tame the beast

RIBBON CUTTING ng Red Phoenix Manila ngayon araw. Nagpatawag ng mga media, social influencers at press conference upang i-market ang inaasahang panibagong prestihiyosong hotel and casino na itatayo sa Entertainment city.

Maganda at malaki ang potential ng negosyo ng 'Gaming Industry' dito sa Pilipinas dahil legal magtayo ng Casino dito kumpara sa ibang bansa sa Asia. Kung kaya naman marami ang mga international corporations na nagtatayo ng Casino at Hotels partikular sa Entertainment City sa ASEANA Paranaque kung saan ito ang sinasabing "Macau and Las Vegas of the Philippines." Dinadayo pa talaga ng mga intsik, koreano at hapon ang Manila para lang mag-sugal at magwaldas ng pera.

Nagpalakpakan ang lahat matapos gupitin ni Mr. Morgan Sr. na siyang chairman ng RHPC, ang pulang ribbon. Katabi nito si Mr. Morgan, Engr. Miko, Architect Peter at iba pang Directors. Panay ang pag-flash ng camera habang nakangiti sila kung saan background nila ang construction site.

If I'm not mistaken, ayon sa tsismisan ng mga tao sa office ay apo ng Chairman si Mr. Morgan. Pinagmasdan kong mabuti si Chairman, hindi ko sure kung dahil ba sa katandaan kung kaya 'di ko makita ang pagkakahawig nilang dalawa. Kunsabagay, wala naman talaga akong alam sa family background ni Levi noon.

Matapos ang ribbon cutting at blessing ceremony ng isang pari ay lumipat ang lahat sa ballroom ng 'City of dreams' kung saan susundan ang press con, kainan at iba pang hinandang program.

Tahimik lang akong nakaupo sa table habang nakikinig at nanonood kay Mr. Morgan na prenteng nakaupo sa stage habang iniinterview ito ng mga taga-media. He answered all the reporters questions with confidence and wittiness. Aliw na aliw ang lahat sa mga pasimpleng jokes niya. Maging ako ay 'di napigilan na matawa dahil sa kabila ng lumipas na taon ay dala-dala pa rin ni Levi ang pagkapilyo niya.

Isang baklang journalist ang may hawak ng microphone ang sumunod na nagtanong, "Mr. Morgan, if you don't mind I like to ask you a personal questions," anito na may kasama pang beautiful eyes.

"Sure," simpleng ngiti ni Mr. Morgan.

"I heard that you are single at wala rin anak. At the age of twenty eight nasama agad ang pangalan mo sa "Forbes Magazine" as one of the youngest and successful billionaires in Asia under their 30's. You seems to have the best of both worlds. Wala pa ba sa isip mo ang mag-settle down? Aren't you dating someone?"

Nagbulungan ang lahat sa tanong ng baklang journalist. Partikular ang mga kababaihan na lalong kuminang ang mga mata sa paghanga na malaman na single pa si Mr. Morgan. Ngayon ko lang din nalaman ang tungkol sa entitlement na mayroon siya.

Saglit na hindi umimik si Mr. Morgan na tila may inaalala. Napalunok ako dahil interesado rin ako marinig ang sagot niya. Ilang sandali pa nang magsimula siyang magkwento.

"I'm actually waiting for someone."

"Ooooooohhhhh," nag-ingay agad ang mga tao. Napakunot naman ang noo ko sa narinig.

Tumawa ang journalist, "First love mo ba ang girl na 'to Mr. Morgan?"

Tipid siyang ngumiti, "She was the only woman I never forget."

"Nasaan na siya?"

"Let's say nandito lang siya sa tabi-tabi."

Biglang kumabog ng malakas ang dibdib ko.

"Yun naman pala Mr. Morgan nasa malapit lang, bakit hindi mo pa ligawan?"

"She's in a relationship."

"Oooooooohhhhh. . ." mas lalong nag-ingay ang mga tao sa paligid.

Alam kong napaka coincidence lang ng mga sagot ni Mr. Morgan para isipin kong baka ako ang tinutukoy niya dahil lang I'm in a relationship with Kyle pero di ko pa rin mapigilan itong kakaiba kong nararamdaman.

To my surpirse, Mr. Morgan suddenly glanced at my direction and our eyes met. Napalunok ako ng madiin at mas dumoble ang kabog ng dibdib ko. Bakit niya ako tinitignan? Don't tell me. . .

"Napaka hopeless romantic mo naman pala Mr. Morgan," komento ng journalist.

"You know what they say, there's always a beauty who can tame the beast, " iyon ang sagot niya habang hindi bumibitaw ng titig sa'kin.

Oh no. . . Levi, why are you doing this to me?

***

NAGBUGA ako ng mabigat ng hangin para ilabas ang lahat ng bigat sa dibdib ko.

"Haaaaaaa!"

Lumabas muna ako sandali upang magpahangin dito sa garden. Pakiramdam ko lumiliit ang mundo ko sa tuwing nasa malapit lang si Mr. Morgan. Lalo na at kakaiba ang mga tingin na binigay niya sa akin kanina.

"There's always a beauty who can tame the beast? Ha? Anu yun?" napairap ako sa hangin habang nakapamewang.

Bakit ba kasi ako masyadong affected sa mga pinagsasabi niya sa interview? Anu naman ang pakielam ko sa lovelife niya?

"It means a man simply fell in love."

"Ay puki nalaglag!" napatalon ako sa gulat at paglingon ko sa likuran. Sobrang lapit ng mukha ni Levi— este Mr. Morgan. Mabilis akong napaatras habang sapo ang dibdib.

Umismid siya, "Wala akong pussy, pero snake meron ako."

Napalunok ako sa sinabi niya. I felt dejavu. Mabilis na bumalik sa alaala ko ang ganitong pangyayari noon sa bleacher after ng basketball game. We said exactly the same words towards each other.

I cleared my throat and stand straight. Shit na malagkit! Kliyente pa rin namin siya at hindi dapat ako nagsasalita ng bastos sa harapan niya. Nakakahiya. Mentally, ay binatukan ko ang sarili.

"G-good evening Mr. Morgan," bahagya akong yumuko at naglilikot ang mata dahil 'di ko siya matitigan ng diretso.

Nakapulsa si Mr. Morgan habang may amused sa mga mata niya, "How have you been?"

Tumalon ng mataas ang kabog ng dibdib ko sa simpleng tanong niya.

"O-okay naman… m-mabuti naman…" okay, I sound so awkward. Why do I sound so awkward? Nagkakamustahan lang naman kami bakit nauutal ako?

I need to calm my tits. Big boss ang kausap ko at hindi dapat ako lumabas na unprofessional. Higit na maging affected.

"I-ikaw? K-kamusta ka na? It's been what… three years? Ang tagal na pala. Ang bilis ng panahon ano?"

Nakatitig lang sa'kin si Levi na may amusement sa mga mata. Di ko napigilan ang sarili na pagmasdan ang kanyang magandang dark gray eyes at napakagwapong mukha. Walang nagbago sa itsura niya, instead mas lalo pang lumakas ang appeal niya. Bagay na bagay sa kanya ang suit and tie.