"CHEERS TO OUR FRIENDSHIP!!!" malakas na sigaw ni Sam.
Sabay-sabay namin tinaas ang baso ng champagne at nag-cheers.
"I still can't believe na ikakasal ka na soon! I'm so excited for you, Erin!"
"Thank you, Sam. Namiss ka namin ni Apple, it's so good to see you again," buong ngiting sagot ni Erin.
"Oo nga, iba pa rin kapag kumpleto tayo na tulad ng ganito," dugtong ko naman.
Bumuntong hininga si Sam at nagpalipat-lipat ang tingin sa'min dalawa ni Erin. "Ang mga bestfriends ko sobrang swerte sa buhay pag-ibig. Ang isa may perfect fiance at ang isa naman may perfect boyfriend. Hay. . . kailan ko kaya makikita ang aking Mr.Right, lovelife of my life? " pumalumbaba siya sa ibabaw ng table.
Hinimas ni Erin ang balikat ni Sam, "Ikaw pa ba mawawalan? Eh ang dami-dami nga'ng nagkakagusto sa'yo!"
Umikot ang mata ni Sam, "Hmp! Ayaw ko naman sa kanila!"
"Wala ka ba talagang ibang nagugustuhan kahit isa man lang sa mga lalaking dumaan sa buhay mo?"
Saglit na napaisip si Sam at natulala sa kawalan na tila may inaalala. Mabilis na bumakas sa maganda niyang mata ang kalungkutan. Napakunot ang noo ko at nagpalitan kami ng nagtatakang tingin ni Erin.
May hindi ba na-i-ku-kwento sa amin si Sam?
Tumikhim siya ng malakas at inayos ang sarili bago muling ngumiti, "Anyways, kamusta naman kayo ni Kyle, Apple?"
Nakagat ko ang labi at nag-iwas ng tingin. Ang totoo niyan ay ilang gabi na akong 'di makatulog ng maayos kakaisip ko kay Levi. Lalo na ang huli naming pagkikita.
"Keep on lying to yourself, Apple." Parang sirang plaka ang boses niya sa isipan ko.
Humugot ako ng malalim na hangin at malungkot na tumingin sa dalawa. "Ang totoo niyan, may problema ako. Remember 'yung kinuwento ko sa inyo na sex demon na nakilala ko nung college?"
Ngumuso si Sam, "Si Levi?"
"He's back."
Sabay na napasinghap ang dalawa. Tumingin ako kay Erin, "Siya si Mr.Morgan."
Mas lalong lumaki ang mata nito, "Oh my God! Siya 'yun!?"
Tumungo-tungo ako. Kinuwento ko sa kanila ang lahat ng nangyari sa amin ni Levi sa hotel.
Apologetic na hinawakan ni Sam ang kamay ko. "Girl, ang hirap nga ng situation mo. Sino ang pipiliin mo? Ang past o ang present?"
"Sinu ba ang mas matimbang sa puso mo?" tanong ni Erin.
Hindi ako nakasagot. Ang totoo ay alam ko naman talaga kung sino. Pero natatakot lang akong gumawa ng desisyon dahil alam kong may masasaktan akong tao.
"I don't want to hurt anyone."
"Kaya sarili mo na lang ang sasaktan mo?" tanong ni Sam, "Apple, minsan sa buhay 'di natin mapipigilan na masaktan 'yung mga tao sa paligid natin. Tao lang tayo na nagkakamali. Lahat ng mga bagay na nangyayari sa buhay natin ay resulta ng mga desisyon na ginagawa natin. But don't ever let yourself deprived from true happiness just because you don't want to make a mistake. Mas malaking pagkakamali na hindi ka maging totoo sa sarili mo dahil baka habang buhay mo 'yun pagsisihan."
Natahimik ako sa mga sinabi ni Sam. She was right. I always want to choose the right path. I don't want to hurt anybody but I ended up hurting myself more. I kept on lying with my own feelings just because I'm afraid. I've always been a coward. Ngunit hanggang kailan ako magiging ganito? Hanggang kailan ako magpapangap na okay lang ang lahat kahit hindi?
Nakatulala lang ako sa labas ng glass wall ng bar na pinuntahan namin nang may nakita kong dumaan na isang magandang babae. Napatuwid ako ng upo dahil agad kong nakilala kung sino siya. Hinding-hindi ko makakalimutan ang babaeng 'yun.
Nagmadali akong tumayo ng upuan at lumabas ng bar.
"Apple! Sa'n ka pupunta!?"
Narinig kong tinawag ako ng dalawa pero sinabi ko na lang na babalik agad ako. Lumabas ako ng kalye at natanaw na tumawid ng pedestrian lane si Ms. Selena. I need to talk to her. I need to confirm something.
Tumakbo ako at kahit naka-red pa ang stoplight ay 'di ako nag-atubiling tumawid. Nag-ingay ang mga busina at nakipagpatintero ako sa mga sasakyan.
Muntik na akong masagaan ng isang kotse pero buti na lang at nakahinto ito. Malakas na bumusina ang driver at binaba ang bintana. "Hoy! Magpapakamatay ka ba!?" galit ako nitong dinuro.
"Sorry po! Pasensya na talaga!"
Nagmadali akong tumakbo habang humahaba ang leeg ko sa paghahanap hanggang sa matanaw ko ang buhok ni Ms. Selena na nasa gitna ng maraming tao na dumadaan sa kahabaan ng Poblacion, Makati.
"Excuse me! Excuse me po!" mabilis akong tumakbo at nakipag-unahan sa mga tao.
Mas binilisan ko pa ang kilos ng mga paa hanggang sa maabutan ko siya at kinuha ang braso niya, "Ms. Selena!"
Pero pagharap niya ibang mukha ang bumungad sa'kin. Nakakunot ang noo nito, "Kilala ba kita miss?"
Agad ko siyang binitawan at nahihiyang napangiwi, "Pasensya na po, akala ko kasi kayo 'yung kakilala ko."
Umismid lang ito at tinalikuran na ako. Nasapo ko ang noo. Saan siya napunta? Sigurado akong siya ang nakita kong dumaan kanina.
"Looking for me?"
Napatalon ako sa gulat nang makita si Ms. Selena sa maliit na eskinita sa kaliwa. Nakasandal siya sa pader habang nakahalukipkip.
"Ms. Selena. . ."
Wala pa rin siyang pinagbago. Mala-Diyosa pa rin ang ganda niya. Ngumiti siya at umalis sa pagkakasandal saka dahan-dahan na lumapit sa'kin.
"It's good to see you again."
Pinatibay ko ang loob at hinarap siya ng tuwid, "Pwede ba tayong mag-usap?"
Saglit muna siyang nakipagtitigan sa'kin bago ngumisi. "Sige."