Chereads / Teach Me (Sexy Monster Series #2) / Chapter 49 - I will choose my heart

Chapter 49 - I will choose my heart

KYLE went back from Nueva Ecija. Kasalukuyan kami ngayon nagdi-dinner sa 'Antonio's Restaurant' in Tagaytay. Napaka-romantic ng ambience ng lugar na ito. May tumutugtog na jazz music sa background habang nakadagdag ang lamig ng panahon sa relaxing na vibe.

"Do you still remember when you first agreed to be my girlfriend three years ago in this place?"

Mula sa pagkain ay tumingala ako sa mukha ni Kyle. Oo nga pala, dito ko siya unang sinagot noon. That time, it's more than a month simula nang nawala si Levi. Sa sobrang gusto kong maka-move on, agad kong sinagot si Kyle sa pag-aakalang makakalimutan ko siya.

Tumungo ako, "Yeah, I remember."

Ngumiti ng matamis si Kyle at hinawakan ang kamay kong nakapatong sa lamesa. Mayroong nakasinding candles sa center ng table kaya nagre-reflect ang dilaw na liwanag sa gwapo niyang mukha. Looking at him now, since we started dating each other, Kyle did everything to take care of me. He's the sweetest guy I ever know. Sa kabila ng busy schedules niya, he never fails to make time for us. Lalo na sa mga importanteng okasyon gaya ng birthday, christmas, new year at anniversaries.

I still remember nung unang anniversary namin. Meron silang family reunion sa Davao. Ang akala ko no'n ay di na kami magkakasama dahil naiintidihan ko naman na importante ang pamilya niya. But instead, he surprised me by booking a ticket. Dinala niya ako sa Davao at pinakilala sa buong angkan ng mga Felizarde. That day, I know to myself that he's my dream guy.

Never kaming nag-away, never akong umiyak sa mahigit tatlong taon namin relasyon. Kyle was always understanding and patient kahit sa mga panahon na malakas ang toyo ko kapag may dalaw ako. He did everything to make me happy.

"Honey, I know that I've been very busy these past few months, baka minsan naiisip mo na wala na 'kong time sa'yo. And I don't want you to feel unsecured."

Nagulat ako nang may lumapit na mga musician sa amin. Tumutugtog sila ng violin. Isang napakaromantic na tugtugin. Napangiti ako habang nanonood sa kanila.

Pero pagbalik ng tingin ko kay Kyle, nakaluhod na siya sa harapan ko at may hawak na maliit na kahon. Malaki ang ngiti niya at binuksan 'yon. Tumambad sa'kin ang malaki at makinang na diyamante sa ibabaw ng singsing. Napigil ko ang paghinga.

"Hon, ever since the day that I saw you reading alone at the library while listening to your earphones. Alam kong ikaw na ang babaeng gusto kong makasama habang buhay. And I promise that I will take care and love you for the rest of our lives. Apple, will you marry me?"

Napatakip ako sa bibig gamit ang dalawang palad. Kumikinang ang mga mata ni Kyle na may buong pag-a-asam. Mabilis na nangilid ang luha sa gilid ng mata ko dahil sa labis na paninikip ng dibdib.

Kyle is a good person and he don't deserve to get hurt.

Umalis ako ng upuan at lumuhod din kapantay niya. "Kyle, you're one of the best thing that happened in my life. But I don't deserve your love. I'm really sorry…"

Namutla ang buong mukha niya at saglit na natulala. Sunud-sunud na pumatak ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. "Hindi ako ang babae para sa'yo. Kasi 'di ko mabibigay ang buong puso ko. And I can't bear to keep on hurting someone like you."

Saglit na katahimikan ang namagitan sa'min. Dahan-dahan niyang binaba ang kahon at ilang ulit na bumuntong hininga.

Tumingin siya ulit sa'kin na may sakit sa mga mata. Mapait siyang ngumiti. "I know that you don't love me, but I still tried to do everything dahil umaasa ako na matutunan mo rin akong mahalin. But I guess, hindi mo talaga natuturuan ang puso."

"I'm really sorry Kyle, I'm so sorry."

"Hush," pinunasan niya ang luha ko, "Wala kang ginawang masama. Masaya at thankful ako kasi sinubukan mo akong mahalin. At yung tatlong taon na pagsasama natin ang pinakamasayang araw ng buhay ko. I love you so much, hon. That's why I want nothing but your happiness. I'm letting you go."

Pakiramdam ko biglang nawala ang malaking bato na nakadagan sa puso ko. Mahigpit kong niyakap si Kyle at hinalikan siya sa pisngi.

"Thank you."

Hindi na ako nag-aksaya ng panahon at hinakbang ang mga paa paalis. I need to see Levi. This time, magiging totoo na ako sa sarili ko. This time, I will choose to follow my heart.

Nakalabas ako ng restaurant nang tumunog ang cellphone ko. Tumatawag si Erin. "Hello?"

"Apple! Nasaan ka?"

"Nasa Tagaytay."

"Alam mo na ba?"

Napakunot ang noo ko at mabilis na kumabog ang dibdib. "Ano?"

"Babalik na si Mr. Morgan sa UK ngayon."

"What! Anung oras? As in ngayon na?"

"Oo! Narinig ko lang sa tsikahan kanina sa office."

"Oh no, hindi pwede," ginala ko ang mata sa paligid. Shit! Wala naman akong kotse dahil nakisakay lang ako kay Kyle paano ako makakapunta agad sa airport?

"Bilis Apple! Habulin mo ang totoo mong pag-ibig!"

"Okay, thanks Erin, bye!"

Nagulat ako nang biglang huminto sa'kin ang isang itim na kotse. Bumaba ang bintana nito at nakita ko si Selena sa drivers seat.

"Selena? Anung ginagawa mo dito?"

"What are you waiting for? Tutunganga ka na lang ba diyan at hahayaan mo na naman na makaalis si Levi o sasakay ka na?"

Hindi na ako nag-isip at agad sumakay sa unahan, "Thank you Selena."

Umirap siya sabay ismid, "Ikabit mo ang seatbelt mo."

Hindi ko pa man tuluyan naikakabit nang maayos ay bigla na siyang humarurot ng sobrang bilis na halos dumikit ang likuran ko sa upuan.

Latest chapters

Related Books

Popular novel hashtag