Chapter 42 - Hon

NAGKAROON kami ng "meet and greet" dinner sa 'Red Lantern' chinese restaurant sa loob ng Solaire Resort and Casino. Pinareserve ng RPHC ang buong restaurant exclusively para sa amin.

Umulan ng pagkain at mga inumin. Bukod sa proyekto ay kung anu-anung mga bagay about sa business ang pinag-usapan ng mga Directors, Engr. Miko at Sir Peter. Halos tahimik lang ako habang kumakain at hinahayaan ko lang sila Erin na makipag-chikahan sa ibang Architect.

Paminsan-minsan ay sumusulyap ako kay Mr. Morgan na abala sa pakikipag-usap sa mga Big Boss. Hindi ko mapigilan ang sarili kong pagmasdan siya. Ilan taon na ang lumipas pero pakiramdam ko parang kahapon lang kung kailan nangyari ang lahat ng memories namin ni Levi.

He looks and acts differently from before. Mas nag-matured siya at tila nabawasan ang pagkapilyo niya. O siguro ganito talaga 'pag nasa harap ka ng mga business people. Kailangan maging presentable at respectable ang mga kilos at pananalita mo. Malayong-malayo sa playful na sex demon na nakilala ko three and half years ago.

Anu nga kaya ang nangyari kay Levi sa lumipas na mga taon?

Biglang lumingon si Mr. Morgan sa gawi ko at mabilis akong nag-iwas ng tingin! Shocks! Nakakahiya! Sa sobrang tense ko ay tinunga ko ang isang baso ng wine na nasa ibabaw ng table.

Inabala ko na lang ang sarili sa pag-inum ng wine hanggang sa matapos ang dinner. As usual, nalasing na naman si Erin.

"Hello, Vlad? Nasaan ka na? Nandito na kami sa labas ng main entrance sa may fountain," kausap ko si Vlad gamit ang cellphone ni Erin habang akay-akay ko siya.

Ilang sandali pa at huminto ang isang itim na sasakyan sa harapan ko. Lumabas ng drivers seat si Vlad at agad lumapit sa amin.

Nagising si Erin nang makita ang fiance. Binuka nito ang dalawang braso at buong siglang sumigaw, "My hubby! You're here!"

Tinalon niya ng yakap si Vlad, "Sweetie, why did you overdrink again?"

Natawa ako habang nakatingin sa kanila. Naalala ko tuloy nung college pa kami after ng birthday party ni Bryan. Ganitong-ganito rin ang eksena nilang dalawa.

"I'm sorry my hubby, napasarap kasi ang kwentuhan," nakangusong sagot ni Erin habang nakayakap sa batok ni Vlad.

Bumuntong hininga si Vlad, "Ikaw talaga, I told you to control your alcohol intake."

"Sorry na my hubby, wag ka na magtampo, I'll make bawi to you later…"

Lumaki ang ngisi ni Vlad at sumilay ang kapilyuhan sa green niyang mga mata. Umikot naman ang mata ko dahil sa kalandian ng dalawa at sa harapan ko pa talaga nag-PDA.

"Umuwi na nga kayo at sa bahay na kayo maglandian!" pabiro kong pagtaboy gamit ang dalawang kamay, "Shoo! Shoo!"

Tumawa si Vlad, "Thanks Apple, why don't you ride with us? Hatid na kita."

Umiling ako, "Hindi na. Off the way ang bahay ko. Magbu-book na lang ako ng grab. Iuwi mo na agad 'yan si Erin dahil may pasok pa kami bukas para makapagpahinga na rin siya."

"Okay, take care!"

"Bye!"

"Bye Apple! See you tomorrow!" kumaway si Erin.

Sinakay na ni Vlad ang fiance niya sa passengers seat bago naglakad papasok sa drivers seat at mabilis na umalis.

Pinindot ko ang touch screen ng iPhone upang mag-book ng grab nang mapansin kong lumabas ng entrance sila Mr. Morgan kasama sila Engr. Miko at Sir Peter. Inassist sila ng valley assistant at sinabing paparating na ang mga kotse nila.

Biglang nag-ring ang phone ko, tumatawag si Kyle, "Hello?"

"Hello hon! Tapos na ang dinner niyo?"

"Yes, hon, kakatapos lang."

"Great! Tama lang pala ang dating ko."

Napakunot ang noo ko, "Huh?" pumihit agad ako sa likuran at nagulat nang makita kong nakatayo na dun si Kyle na may malaking ngiti.

"Hon…"

Agad siyang naglakad palapit sa'kin at pinulupot ang dalawang braso sa bewang ko saka ako hinalikan nang madiin sa labi. Sa sobrang gulat ko sa bigla niyang pagdating ay nanigas lang ako sa kinatatayuan.

"I've missed you," bulong ni Kyle matapos niyang pakawalan ang labi ko.

"I've m-missed you too. A-anung ginagawa mo dito? Akala ko nasa Iloilo ka pa for medical mission?"

"Nagpaalam ako na uuwi ng maaga at pinayagan naman nila ako. Miss na miss na kasi kita. Kaya dumiretso agad ako dito pagkababa ko sa airport."

Two months na kaming di nagkikita ni Kyle dahil bukod sa busy siya sa Med school ay kasama siya sa mga volunteers for medical mission. Umiikot sila sa iba't ibang probinsya almost every week end upang magsagawa ng libreng check-up sa mga maliliit na komunidad.

Muli niya akong hinalikan sa labi at niyakap nang ubod ng higpit, "Haaay, miss na miss kita, hon. I'm so happy I see you again. I promise that I'll make it up to you. Let's go for an out of town or anything you want."

"Ah, eh, hon, ang dami pa kasing kailangan tapusin sa office. May malaking proyekto kami diba? I don't think makakapag-file ako ng leave."

Hinarap ako ni Kyle at kinulong ang magkabila kong pisngi, "It's okay, I understand. Mahalaga magkasama tayo ngayon. Let's go…"

"Okay."

Hinawakan ni Kyle ang kamay ko at ginayak ako papunta sa kotse niya na nakaparada malapit sa entrance. Hindi ko napigilan ang sarili na lumingon sa pwestong kinatatayuan nila Sir Peter. Nagtama ang mata namin ni Mr. Morgan. Walang reaksyon ang mukha niya.

Pinagbuksan ako ng pinto ni Kyle at umupo na ako sa passenger seat sa unahan. Siya pa ang nagkabit ng seatbealt ko, "Thank you."

Sinara niya ang pinto at agad umikot patungo sa drivers seat. Nanatili ang mata ko sa side mirror at nakita kong nakatingin pa rin sa kotse namin si Mr. Morgan habang naka-poker face. Hanggang sa umandar ang sasakyan ay 'di siya nagbitaw ng tingin.