KAKAMADALI kong makarating, hinihingal tuloy ako pag-akyat ko sa third floor ng C Building. Sa dulong bahagi ang room 312. Para akong nakaramdam ng dejavu. Tahimik din ang buong hallway dahil lunch break. Naalala ko ang nangyari noon sa D Building kung kailan si Ms. Selena rin ang nagpapunta sa akin.
Hindi ko maintindihan pero may kakaiba akong kabang nararamdaman. May something na mali kay Ms. Selena at kailangan ko yun malaman. Malakas ang kutob ko na sinadya niya akong papuntahin sa classroom nung isang araw para mapahamak ako.
Nilakas ko ang loob at dahan-dahang naglakad patungo sa dulo ng hallway. Nasa tapat ng ako ng room 310. Dalawang classroom pa bago ko marating ang 312. Paano kung may mangyari ulit na di maganda?
Humugot ako ng malalim na hangin sa dibdib at nagpatuloy sa paglalakad. Walang mangyayari kung matatakot ako. I need to know the truth. Sino ka ba talaga Ms. Selena?
Ilang hakbang na lang at makakarating na ako sa pintuan. Humugot ulit ako ng sapat ng lakas ng loob bago binuksan at pinto at pumasok sa loob. Pero di ko inaasahan kung ano ang makikita ko.
Sa unahang upuan malapit sa professors table nakita ko si Ms. Selena na nakayuko habang may kahalikan itong estudyante.
Oh my God! Napako ako sa kinatutuyan. Wrong timing pa ata ang pagdating ko. Napaatras ako at natabig ang isang silya sa likuran kaya nakagawa ako ng ingay. Sabay na humarap sa'kin si Ms. Selena at ang estudyante.
Pero nang makilala ko kung sino ang kahalikan nito ay para akong pinagsakluban ng langit at lupa.
"Apple!"
Mabilis na tumayo si Levi sa upuan, namumutla siya at nanlalaki ang mga mata. Nahuli kong nag-smirk sa'kin si Ms. Selena.
Pansamantala akong napako sa kinatatayuan at nanlamig ang buo kong pakiramdam. May bagay na bumara sa lalamunan ko at nangilid ang luha sa mga mata.
Mabilis na pumasok sa isipin ko nang minsan may binangit si Levi tungkol sa pangalan Selena.
"Selena's breast were so huge and fluffy. Her nipples were pink and hard when I licked it..."
So it's true! Tama nga ang hinala ko. Si Ms. Selena at ang tinutukoy ni Levi na nakalandian niya ay iisa!
"Apple, let me explain…"
Sinubukang lumapit ni Levi pero nagmadali akong tumakbo palabas ng classroom. Sobrang sakit, pakiramdam ko dinidikdik ang puso ko hanggang sa malilit na piraso.
Lahat ng masasayang memories namin ni Levi ay napalitan ng kirot at kalungkutan. Wala lang pala sa kanya ang mga yun. Walang ibig sabihin. Ako lang itong nagbigay ng kahulugan kaya sa huli ako itong nasaktan.
"Apple! Wait!"
Hinila ni Levi ang braso ko at pinihit ako paharap sa kanya. Nanlalabo na ang paningin ko dahil sa nagbabadyang luha pero pinigilan ko ang mga ito na tuluyang bumagsak.
"What you saw… it's not what you think, Selena is jus—"
"I understand. Wala kang dapat i-explain."
Natigilan si Levi. Pilit kong pinatatag ang sarili at hinarap siya kahit ang totoo ay parang bibigay na ang tuhod ko sa sobrang panlalambot nito.
"I'm just one of your assignment, isa lang ako sa mga tao na dapat mong tulungan matupad ang inner desires. Nagtagumpay ka. I had fulfilled it, thanks to you."
Panay ang pag-iling ni Levi, "No, nagkakamali ka, hindi ka lang basta assignment sa akin Apple."
Natawa ako ng mapakla. Ano sasabin niya sa akin na special ako sa kanya? Dapat ba akong matuwa dun? Ipagbubunyi ko ba yun? Ipagdidiwang? Magpapa-party ba ako dahil "special" student ako ni Levi?
Ang sakit. Sobrang sakit. Pero bakit nga ba ako magagalit sa kanya? Una pa lang ay alam ko naman kung anu lang ang papel niya sa buhay ko. Nandito lang siya para turuan at gabayan ako. What we have is nothing but a pure mission. Ako itong tanga na naniwala na hihigit pa doon kung anu ang namamagitan sa aming dalawa.
I should have known better.
Humugot ako ng malalim na hangin at hinarap siya ng may mas buong loob. I need to be strong.
"Thank you Levi, sa lahat ng tinuro at tinulong mo sa akin. Thanks to you, I have accepted everything about myself including all my insecurities. Salamat sa'yo kasi mas nakilala ko yung sarili ko at mas lumakas ang loob ko."
"Apple…"
"Pero hanggang dito na lang ang lahat. Tapos na ang assignment mo sa akin."
Kumunot ang noo niya at ilang ulit na umiling, "What are you saying?"
"Okay na, marami akong natutunan at ready na ako pumasok sa isang relasyon."
Napanganga si Levi habang nagsasalubong ang kilay niya. Tapos nag-iwas siya ng tingin at ilang beses na humugot ng malalim na hangin.
"Pumasok sa relasyon?" ulit niya na tila di makapaniwala, "Kanino sa Kyle na yun?!"
Nagulat ako sa biglang pagtaas ng boses niya pero pinilit kong patatagin ang sarili. Mahabang katahimikan ang namagitan sa amin dalawa, matalim ang mata ni Levi pero pinatibay ko ang loob na salubungin ang nakakapanikip dibdib niyang mga titig.
"Oo," sagot ko nang di kumukurap.
His dark gray eyes suddenly reflected a glimpse of hurt. I'm not sure kung tama ba itong nakikita ko o ilusyon ko lang ulit. Katulad ng pag-ilusyon ko noon na pareho kami ng nararamdaman. But everything was meaningless. He's a sex demon, I'm his student. I'm just part of his job in fulfilling lustful dreams among humans. Isa lang ako sa milyong-milyong taong tinutulungan niya. Nothing more, nothing less. It was so ridiculous of me to believe na magugustuhan ako ni Levi ng higit pa doon.
"So ganun na lang yun Apple?" tanong niya habang titig na titig siya sa mga mata ko.
I struggled to meet his dark gray eyes. Same eyes that have twisted my whole life into multiple ways I had never imagine. But everything just fucking hurt so much, and I want it to end.
"Diba nga… libog lang, walang feelings."
Mapait akong ngumiti sa kanya sa huling pagkakataon. Nanatili lang siyang nakatayo at nakatulala. Wala siyang sinabi, wala siyang reaksyon. I took his silence as an answer. Hinila ko ang mga paa na lumakad palayo. Nang sandaling makatalikod ako ay tuluyang bumuhos ang bagyong luha na kanina ko pa pinipigilan.
Good bye Levi...
Good bye my sex demon…
+++
Dear Diary,
Pinaramdam sakin ni Levi ang dalawang uri ng sakit na hindi ko makakalimutan. Ang sakit sa unang pagbuka ng bulaklak ko, at mas matinding sakit sa unang beses ng pagkadurog ng puso ko.