Chapter 26 - Danger

LATER that day, pauwi na dapat ako nang makasalubong ko si Ms. Selena sa corridor.

"Hello po Ms. Selena," binati ko siya.

Ngumiti siya sa akin, she's really beautiful. Siya na ata ang pinakamagandang babaeng nakita ko sa buong buhay ko. Lahat ng mga estudyante na nasa paligid ay napapatingin sa kanya. Ganun siya kasikat sa university namin. Maging sa mga kalapit na campus ay kilala rin siya.

"Hello Apple, tapos na ba ang classes mo?"

"Opo, pauwi na po ako."

"I see, mag-iingat ka."

"Sige po," nagpaaalam na ako sa kanya at nakailang hakbang nang tinawag niya ako ulit.

"Oh, Apple, nagmamadali ka bang umuwi?"

Lumingon ako pabalik sa kanya, "Hindi naman po."

Ngumiti ng matamis si Ms. Helena, "Uhm, I need a favor sana if you don't mind. Naiwan ko kasi yung record book ko sa room 414 D Building. Masakit na kasi yung paa ko sa heels para maglakad pa, pwede mo bang kunin for me? Aantayin kita sa office."

Sa kabilang dulo yung Building na tinutukoy ni Ms. Selena. Medyo malayo nga mula dito sa A Building. Pinagmasdan ko ang paa niya. Sobrang taas ng suot niyang sapatos.

"Sige po, no problem."

Hinimas niya ang pisngi ko, "Thank you, Apple. You're such a sweet girl."

Namula ako sa ginawa ni Ms. Selena. Grabe! Crush ko na talaga siya. Nagpaaalam na ako sa kanya at naglakad patungo sa kabilang building. It took me ten minutes dahil nasa likuran yun ng University at sa pinakadulo ng 4th floor ang room.

Tahimik ang buong floor habang naglalakad ako sa mahabang pasilyo. Walang mga tao sa classroom. Oras na rin kasi nang uwian at yung mga night classes naman ay usually nasa A and B Building.

Pagpasok ko sa room 414 ay agad kong hinanap ang record book sa professors table. Tsinek ko sa drawer at sa ilalim ng lamesa pero wala naman akong nakita.

"Nasaan na kaya yun? Hindi kaya kinuha ng janitor?"

Ilang sandali pa nang biglang bumukas ang pintuan at pumasok ang tatlong lalaking istudyante. Natigilan ako nang makita ang itsura nila. Namumula at mapupungay ang kanilang mga mata. Nakabukas ang butones ng polo ng lalaki sa ginta habang naka-shirt lang ang dalawa.

"Oh, hi miss! Saan department ka?" tanong nung lalaki sa gitna.

Kinabahan agad ako sa mga itsura nila, "Ah, s-sa… C-college of A-architecture."

Ngumisi ang lalaki sabay nagpalitan sila ng tingin ng mga kasama niya. Dinumbol ng kakaibang kaba ang dibdib ko na para bang gusto na nitong tumalon palabas ng ribcage.

"Bakit ka nag-iisa dito?"

"Ah, may hinanap lang ako na nakalimutan ko. S-sige, alis na ako," nagmadali akong humakbang palabas.

Pero sa gulat ko ay hinarang nila ang pintuan. Mabilis na nanlamig ang buo kong katawan. Sa malapitan naamoy ko ang sinunog na dahon.

'Sabog' sila. Nakahithit sila ng Marijuana. Alam ko ang amoy nun dahil nag-alaga rin si lolo Carlos ng Marijuana.

"P-please… padainin niyo ako," humigpit ang kapit ko sa sling ng body bag ko.

Halos mapatalon ako sa takot nang hawakan ng lalaki sa gitna ang balikat ko, "Sandali lang miss, dito ka muna, makipagkwentuhan ka muna sa amin," humigpit ang kapit ng kamay niya.

"S-sorry pero kailangan ko nang umuwi," sinubukan kong humakbang pero hinarang ulit ako ng mga kasama niya sa likuran.

Nahuli ng mata ko na ni-lock ng isang lalaki ang pinto. Nagsimula nang mamanhid ang buo kong pakiramdam at nangangatog na ang mga tuhod ko. No, this is not happening. I need to get out of here.

"Sandali lang sabi, hindi mo ba ako narinig?"

"Please, paalisin niyo na ako."

"Pag sinabi kong walang aalis, walang aalis," naglakad sila palapit. Agad akong umatras palayo.

Sumisilay sa mga labi nila ang pinakanakakatakot na ngiti na nakita ko sa buong buhay ko.