Chereads / Teach Me (Sexy Monster Series #2) / Chapter 29 - Happy place [2]

Chapter 29 - Happy place [2]

PAGKATAPOS sa haunted mansion ay marami pa kaming ibang sinakyan gaya ng Bumper cars, log rides, flying swing, roller coaster at marami pang iba. Sinubukan din namin ang mga shooting games.

Ang galing ni Levi nang tamaan niya lahat ng target gamit ang laruang baril. Manghang-mangha ang mga tao sa paligid habang pinapanood ang tila action star na si Levi sa galing nito. Siya pa ang nakakuha ng record breaking highest points sa score board.

Napakamot na lang ang binatang staff, "Anu pong gusto niyong prize?"

"Anung gusto mo?" tanong ni Levi.

Tinignan ko ang mga nakadisplay na stuff toy, merong monkey, elephants, spongebob, hello kitty at kung anu-anu pa. Pero isang partikular na stuff toy ang pumukaw ng mga mata ko.

"Yun!"

Tinuro ko ang cute na 'devil' stuff toy. Bilog ang mukha nito, pula ang katawan na may sungay at buntot. May hawak pa itong tila tinidor.

Tuwang-tuwa ako nang iabot sa akin ni kuya staff ang devil, "Kamukha mo!" hinarap ko kay Levi.

Napaismid siya, "Mas cute ako diyan."

After dun ay nag-aya akong sumakay sa Ferris Wheel. Napakalaki at kasing taas ng twenty floors na building. Parating na kami sa tuktok habang mabagal ang ikot nito. Halos lumuwa ang mata ko habang pinagmamasdan ang breathtaking night view ng buong siyudad. Napakaganda pagmasdan ang iba't ibang kulay ng mga ilaw mula sa building at mga bahay. Maging ang tila dagat ng pulang liwanag sa kahabaan ng traffic sa mga kalye.

Napatahimik ng madilim na kalangitan at nakapagbigay iyon sa akin ng kapayapaan.

"Ang ganda-ganda," ang tangi kong nasabi.

"Yes, it's so beautiful," narinig kong bulong ni Levi sa tabi ko.

Paglingon ko sa kanya nahuli ko siyang nakatingin sa akin sabay mabilis na nag-iwas ng mga mata, "Yung… view, it's so beautiful."

Napangiti ako at muling pinagmasdan ang tanawin habang namayapa ang matagal at nakakabinging katahimikan sa loob ng sinasakyan namin na tila kahon na gawa sa metal. May magkatapat na upuan at salamin na bintana kung saan ka makakadungaw.

"Are you feeling better?" tanong ni Levi pagkuwan.

Lumingon ako sa kanya, "Oo, salamat sa pagdala mo sa'kin dito."

Ngumiti si Levi at mahabang katahimikan ulit ang namagitan sa'ming dalawa. Nakatingin lang siya ng seryoso sa mukha ko hanggang sa 'di ko namamalayan na masyado na pala kaming malapit sa isa't isa.

"Please be careful next time Apple, hindi ko mapapatawad ang sarili ko 'pag may nangyaring masama sa'yo," hinaplos ni Levi ang pisngi ko.

Napalunok ako sa sinabi nita. Bigla kasing nanikip ang dibdib ko at tila may mga lumilikot na paru-paru sa loob ng sikmura ko. Hindi ko alam baki ako nakakaramdam ng ganito.

"Levi…"

"You're… you're… special to me Apple."

"Ha?"

Teka lang, parang nag-hang ang utak ko sa binitiwan niyang salita. Wala akong ibang naririnig ng mga sandaling ito kundi ang abnormal na lakas ng tibok ng dibdib ko.

Tug tug! Tug tug! Tug tug!

"Nung makita kitang nasasaktan at umiiyak. Nanikip yung dibdib ko."

Natulala lang ako sa upuan at wala akong makuhang kahit anong sabihin. Masyadong mabilis ang tibok ng heartbeat ko at pakiramdam ko kinukulang na ako ng hangin.

"I can't bear to see you hurt…"

Gumapang ang mga mata ni Levi sa buong mukha ko. Mula sa mata, ilong, hanggang pababa sa nakauwang kong labi.

"I can't bear to see you crying…"

Hinawi niya ang kumalat ng hibla ng buhok sa mukha ko.

"I can't bear to…"

Natigil ang sinasabi ni Levi. Tumaas baba ang adams apple niya at unti-unting bumaba ang mukha sa akin. Humigpit ang kapit ko sa suot na jacket habang hindi bumibitiw sa mga titig ng gray niyang mga mata.

Alam kong ilang beses ko nang nahalikan si Levi pero hindi ko alam bakit kakaiba ang pakiramdam ko ngayon na para bang nasu-suffocate na ako sa kaba.

"Apple…"

"Levi…"

Kinulong ni Levi ang magkabila kong panga at pinagdikit ang tungki ng ilong namin dalawa.

"Close your eyes, babe."