Chereads / Teach Me (Sexy Monster Series #2) / Chapter 32 - Tug of war

Chapter 32 - Tug of war

UMUPO si Levi sa katapat ng table ko at kanina pa kami nagpapalitan ng tingin. Ano ang ginagawa niya dito at paano sila naging magkaibigan ni Bryan?

"Levi, saan University ka nag-aaral?" pumalumbaba si Sam habang kumikinang ang mga mata na nakatingin kay Levi.

Ngumisi ito, "I'm done with school."

"Ooh, so anung trabaho mo?"

"I'm in sales."

"I see, mukhang bagay ka nga sa sales kasi with pleasing personality ka. I'm sure top agent ka sa kumpanya niyo."

"Yeah, I am."

Napasinghap nang malakas si Sam, "Sabe ko na eh, hindi ka lang gwapo, career driven ka pa. Ang swerte naman ng girlfriend mo."

Napatingin ako kay Sam, halata ko agad sa mga tingin niya na type niya si Levi. I know her so well. Basta gwapo at matipuan niya. Hindi nito palalampasin. Bigla akong nakaramdam ng paninikip ng dibdib. Sam is beautiful at hindi malayong magustuhan siya ni Levi.

"I'm single."

Lalong nagningning ang mga mata ni Sam, "Anung instagram at twitter mo? Let's follow each other."

"I don't use social media."

Tumaas ang isang kilay ni Sam, "Oh, pa-mysterious ka pala."

Tumikhim nang malakas si Ethan. Kanina ko pa din siya napapansin na tumitingin kay Sam. Sigurado akong type niya ito.

"Ako na lang Sam, may instagram at twitter ako."

Tinignan ni Sam si Ethan mula ulo hanggang paa. Actually, cute naman si Ethan medyo geeky nga lang itong tignan dahil sa suot na salamin. Pero magandang lalaki ito lalo na sa tuwing ngumingiti.

"Okay, sure, anung username mo?"

Nagpalitan silang dalawa. Bumalik ang tingin ko kay Levi na umiinom sa bote ng beer pero ang mata niya ay nakatingin sa akin. Di ko alam bakit kumakabog ang dibdib ko sa mga tingin niya. Muling sumagi sa isip ko kung anu ang ginawa namin kagabi sa Ferris wheel. Napalunok ako ng madiin at agad nag-iwas ng tingin.

"Hey, are you okay? Inum ka muna ng tubig para 'di ka ma-dehydrate," inabutan ako ni Kyle ng isang baso ng tubig.

Tinangap ko yun at uminom, "Thank you."

Pagharap ko ulit kay Levi nakita kong madilim ang mukha niya na para bang gusto nang pumatay ng tao. Bigla akong napaubo habang umiinom ng tubig, may umagos pa sa baba ko.

"Okay ka lang?" agad hinimas-himas ni Kyle ang likuran ko.

"Ahem! O-okay… ahem! lang… ahem! " ani ko sa pagitan ng pag-ubo.

Sa gulat ko ay pinunasan pa ni Kyle ang nabasa kong baba gamit ang panyo niya. Natigilan ako at nanigas sa kinauupuan. Lalo na at ramdam ko ang napakalamig na titig sa amin ni Levi. Nakikita ko sa peripheal vision ang pag-itim ng aura niya.

"Brrr… bakit bigla atang lumamig, lumakas ba ang aircon?" sabi ni Bryan na katabi si Levi. Niyakap pa nito ang sarili.

Ramdam ng buong table ang biglang pagbaba ng temperature. Pero alam ko kung kanino nangagaling yun.

"Okay na ako, thank you Kyle."

Natuloy pa ang inuman namin at naubos namin ang dalawang bote. Lasing na ang lahat kaya nag-aya nang mag-uwian.

Sinundo si Erin ni Vlad.

"Sweetie, why did you drink so much?" nag-aalalang hinimas ni Vlad ang namumulang mukha ni Erin habang nakasandal ito sa balikat niya.

"Hehe, sorry na, nagkasiyahan lang kami."

Bumuntong hininga ito, "You naughty girl. I'm going to punish you tonight," bulong nito na may kalakasan at narinig namin ni Sam.

Lalong namula ang mukha ni Erin at niyakap sa batok si Vlad, "Uwi na tayo, excited na ako sa parusa mo."

Aba! At sa harapan pa talaga namin naglandian ang dalawa! Umikot ang mata ni Sam at natulala lang ako sa sobrang sweetness ng dalawa na literal na may gumagapang ng mga langgam sa paanan nila.

Pero happy ako para kay Erin dahil nakikitang kong masayang-masaya siya sa relationship nila ni Vlad.

"I'll take her home," sabi ni Vlad sa amin saka pinangko si Erin na halos hindi na makatayo sa sobrang kalasingan.

"Sige Vlad, ingat kayo," sabi ko.

Nagpaalam na ang dalawa at sumakay ng taxi. Kasunod nun dumating ang itim na kotse at huminto sa tapat namin, "Apple, tara sabay ka na sa akin," sabi ni Sam.

Sasagot na sana ako ng oo pero biglang may humigit sa braso ko, si Kyle.

"Ako na lang ang maghahatid sa kanya."

Makahulugang tumingin si Sam sa aming dalawa habang nanunudyo ang ngiti, "Sure, ingatan mo ang kaibigan ko ah," nakipagbeso na sa akin si Sam at bumulong, "Good luck girl," saka ito sumakay ng kotse.

Naiwan kaming dalawa ni Kyle, "Nakakahiya naman sa'yo pwede naman ako sumabay kay Sam."

"No it's okay. I'm the one who invited you here."

Ngumiti ako sa kanya. Ilang sandali pa at dumating na ang sasakyan na minamaneho ng driver ni Kyle na si kuya Peng. Pinagbuksan na ako ni Kyle ng pintuan sa likuran nang biglang may humigit ng braso ko.

Nagulat ako nang makitang nakatayo si Levi sa gilid namin at ubod ng dilim ang mukha nito.

"Ako maghahatid sa kanya," malamig na sabi nito na kasing lamig ng mata niya sa pakikipagtitigan kay Kyle.

Napatayo ng tuwid si Kyle at nagpabalik-balik ang tingin sa amin dalawa. Naramdaman ko ang mabilis na pagtaas ng tensyon sa pagitan ng dalawang lalaki na para bang kumidlat sa langit at lumabas ang mga kuryente sa mata nila.

Kinuha ni Kyle ang isa kong braso at hinila ako, "Ako na maghahatid kay Apple… pare."

Uh-oh! This is not good.

Hinila naman ako ulit ni Levi palapit sa katawan niya, "Ako na sabi. I live nearby their neighborhood."

Pero hindi nagpatalo si Kyle at hinila ulit ako, "I was the one who invited her so she's under my care."

Hinila ulit ako ni Levi, "I can take care of her."

Hinila ulit ako ni Kyle tapos hinila ulit ni Levi. Mas lumakas ang kuryenteng lumalabas sa mga mata nila sa isat isa at patuloy akong pinag-agawan na parang naglalaro ng 'tug of war' at kulang na lang ay mabali na ang dalawa kong braso.

"Anu ba! Bitawan niyo nga ako!" sumigaw na ako sa inis at binawi pareho ang braso ko.

Hindi makapaniwalang tinignan ko sila pareho. Seriously? Ano sila dalawang batang nag-aagawan sa laruan na robot? Mukha ba akong robot?

"Ako na lang ang uuwi mag-isa!"

Sa inis ko ay inirapan ko sila at nagdadabog na naglakad palayo.

"Apple, wait!" narinig kong sumigaw si Kyle pero 'di na ako lumingon at nagmamadaling naglakad palayo.

Nabu-bwiset ako kay Levi dahil umaatake na naman ang power trip niya. Naiinis din kay Kyle dahil hindi ko inexpect na papatulan niya ang immaturity ni Levi. Urgh!!! Bahala na nga silang dalawa! Mag-away sila LAKOMPAKE!