NATUMBA si Hannah at napasama siya. Salamat at malambot na damuhan ang binagsakan nila.
"Sorry, sorry," nagkukumahog na humingi ng paumanhin si Aegen. "Nasaktan ka ba? Napilayan? Nabagok?"
"OA ka naman," tumatawang sagot ni Hannah. "Okay lang ako." Tumigil ito sa pagtawa at tumingin sa mga mata niya.
Pakiramdam naman ni Aegen ay huminto sa pagtibok ang puso niya. She had never looked as lovely in his eyes as she did at that moment. At siguro ay noon na nauwi sa puppy love ang dati ay pagkakaroon lang niya ng crush sa kababata.
Sinapian ng kakaibang init ang katawan niya nang matukoy kung ano ang posisyon nila. Nakahiga ang dalagita at nakapatong siya rito. He could feel the warmth and softness of her body beneath him.
Namilog naman ang mga mata ni Hannah. Ilang sandali ang lumipas bago naisip ni Aegen ang posibleng dahilan. Naninigas iyong...iyong kanya.
Nagkukumahog siyang umalis sa pagkakadagan dito.
"H-halika na. U-umuwi na tayo. Baka...baka hanapin ka ni Yaya Nena." Ayaw sana itong alalayan ni Aegen sa pagtayo. Bigla ay natatakot siya na mahawakan ito. Pero hindi rin niya matiis na pabayaan lang ito. Nahugot niya ang hininga nang maglapat ang mga palad nila. Nagmamadali na siyang bitawan ang kamay nito. Nalilito siya sa mga nararamdaman. Hindi niya alam kung paano iha-handle ang mga iyon...
Hinahabol ulit niya si Hannah. Pero sa pagkakataong iyon ay hindi tuwa ang nararamdaman niya kung hindi matinding kaba. Because Hannah is running towards the edge of a ravine.
Ilang buwan silang hindi nagkita nito. Mula nang mag-college sila ay nagkalayo na sila. Sa isang kilalang unibersidad sa Metro Manila pinag-aral si Hannah samantalang siya naman ay sa state university sa kabilang bayan pumapasok. Hindi na ganoon kadalas umuwi sa bayan nila ang dalaga. At sa bawat pagkikita nila ay parang may nababago sa pagkatao nito.
Sa pagkakataong iyon, nang datnan ni Aegen ang dalaga sa napagkasunduan na nilang meeting place sa hangganan ng lupain ng pamilya nito, ay nakita niyang may hinihithit si Hannah. Itinapon agad nito iyon pagkakita sa kanya saka ito ngumiti.
But even her smile is different. Hindi iyon umaabot sa mata nito. Halatang pilit. Hindi rin ito masyadong nag-iiimik habang naglalakad sila. Paakyat ang daang binabagtas nila at nang may parte na masyadong paahon ang daan ay inilahad niya ang palad dito. Tinanggap ng dalaga ang alok niyang pag-alalay pero kahit hindi na gaanong pataas ang daan ay hindi pa rin ito bumitaw sa kanya. May dalang init sa kalooban niya ang ikinilos na iyon ng kababata. He savored the feeling holding hands with her brought him. But it bothered him that she would barely talk to him.
"Kelan ang balik mo sa Maynila?" tanong niya. Malapit na sila noon sa tuktok ng bulubunduking inaakyat nila. He felt her tense up. Kahit nga iyong pagkakahawak nito sa kamay niya ay humigpit.
"I don't wanna go back. Ever," bulalas nito.
"Ha?"
"I hate it there. I hate being with my parents."
Hindi maintindihan ni Aegen ang dalaga.
"I...I hate my life. Maybe...I could just end it." Noon ito biglang bumitaw sa kamay niya saka nagtatakbo papunta sa gilid ng bangin.
Natakot si Aegen sa ikinilos niya kaya nagkumahog siyang habulin ito. She is just a few steps away from the edge when he reached her. Ikinawit niya ang braso sa beywang nito at hinila ito palayo.
"Let me go," palag nito.
"Hannah, ano'ng nangyayari sa 'yo?" tanong niya.
Bigla rin itong tumigil sa pagkukumawala. Lumaylay ang balikat nito, parang nawalan ng lakas na sumandal ito sa kanya.
"Sana ay puwedeng bumalik na lang ako sa kabataan. Noong panahong simple, inosente at payapa ang lahat," usal nito habang nakasandal ang ulo sa dibdib niya.
"May problema ka ba? Handa akong makinig."
Marahas na buga ng hangin ang pinakawalan nito. "I doubt you'd like what you'd hear."
"Hindi naman ako..."
"Know what, just forget it. Tinotoyo lang ako." Umalis na ito sa pagkakasandal sa kanya saka ito tumingin sa kapatagang tanaw mula sa kinatatayuan nila.
"I love this place. Nandito ang mga huling masasayang alaala ko."
May problema ito, nahuhulaan ni Aegen. Pero hindi niya alam kung paano ito hihimukin na ihinga iyon sa kanya. Pumihit ito paharap sa kanya, iniangkla ang mga braso sa leeg niya. Walang sabi-sabi o pasakalye, bigla na lang siyang hinalikan nito.
Nanigas si Aegen sa pagkagulat. Matagal na niyang pinapantasya ang ganoong pangyayari pero hindi inasahan na si Hannah pa ang mag-i-initiate niyon. Hindi rin niya alam kung ano ang gagawin. Bumitaw naman ito agad sa kanya. Isinapo nito ang palad sa pisngi niya.
"You will always be my anchor," anito. "Promise me you'd always be here for me."
"Oo naman. Pero ano ba kasi..."
"No questions please. Sasabihin ko rin sa iyo ang lahat. Sa tamang panahon. For now, I just want to savor the moments we can still share." Tumalikod ulit ito sa kanya para tumanaw sa kapatagan pero hinila rin nito ang mga braso niya para ipaikot sa katawan nito.
He hugged her close from behind and he had to fight the urge to pull her against him. Sinadya pa ngang ilayo ni Aegen ang ibabang bahagi ng katawan niya para huwag dumait dito ang pagkalalaki niya na kahit anong pigil niya ay nagpumilit pa ring tumayo...
Mabilis ang pagkislap ng mga tagpo sa diwa ni Aegen. Lalong pinatindi ng mga iyon ang pakiramdam niya na binigo niya si Hannah. And it made him more determined to just let himself plunge to his death.
Thanks for reading. Sa uulitin!