"I FOUND PRINCESS CHARLOTTE." Tila nabuhayan nang loob si Crown Princess Elisabeth nang madinig ang mga binitiwang salita na iyon ni Princess Serenity. She was the disregarded princess to pay for her mother's crimes.
Tinangkang lasunin ng mama nito ang kanyang anak kaya napatalsik ang dalawa sa kaharian. Ngayon lang ito nagbalik at dala pa ang balitang hindi niya pa alam kung maganda ba o masama. Naramdaman niya ang pag-gagap ni Princess Zara sa kanyang mga kamay.
"She's alive but she has a permanent amnesia. Kasal siya sa isang farm owner na nagngangalang Isaiah Dominick Marquez. May isang anak ang lalaki at si Princess Charlotte ang tinuturing ng bata na ina nito."
Nilapag ni Princess Serenity sa harap nila ang isang envelop na naglalaman ng mga impormasyon ukol sa mga taong kumukupkop ngayon kay Princess Charlotte. May mga larawan din bilang patunay na ang nawawalang prinsesa nga ang nakita nito sa bayan ng Santa Luisa. Naroon din ang hospital record nito noong ma-confine ito sa isang ospital sa bayan ng San Miguel. Maging pangalan ng mga doctor na umasikaso sa kanyang anak ay naroroon din.
"Sinabi mo ba sa kanila ang totoong pagkatao ni Princess Charlotte?" tanong ni Princess Zara sa kapatid nito. Tumango si Princess Serenity bilang sagot. "Kung gayon maiintindihan nila kung kukuhain natin si Princess Charlotte sa kanila."
"That's a big problem. Since she can't remember anyone from our family, we will be having a hard time to convince her to go back." Saad ni Princess Serenity sa kanilang dalawa.
"I want to see her. Can we go there?"
Nakita niya ang pag-aalangang sumagot ni Princess Serenity ngunit sa huli ay pumayag din ito sa kagustuhan niya. Inutusan niya ang mga bodyguards na ihanda ang sasakyan. Patuloy pa din ang panghihina ng mahal na hari at kailangan na kailangan na nila ng papalit sa pwesto nito. Alam lahat sa palasyo na nalalabi na lang oras na igugo nito sa mundo. Kung kaya, gagawin na niya ang lahat upang maibalik ang anak niya sa loob ng Aurum Kingdom.
Habang nasa biyahe patuloy ang pananalangin niya na sana hindi totoo ang lahat ng mga sinabi ni Princess Serenity. Siya ang mama nito kaya maalala siya nito. Pulos malalawak na palayan ang kanilang nakikita. Natatandaan niyang iyon ang pangarap ng kanyang anak, ang tumira sa gano'ng kasimpleng lugar na sila lang dalawa. Ngunit tadhana na ang nagdesisyon para sa kanilang dalawa at pareho silang natali sa palasyo.
Nang dumaan sila sa isang lugar na punong puno ng bulaklak, doon niya nakita ang pigura ng kanyang anak na may ngiti sa labi habang nakikipaglaro sa isang batang babae. Agad niya pinahinto ang sasakyan at bumaba doon.
Mula sa kinatatayuan niya, dinig na dinig niya ang tawanan ng dalawa. She miss that loud laugh of her daughter. That bright smile and face of her. Nakita niya kung paano ito yakapin ng bata at halikan sa pisngi nito. Iyon marahil ang batang sinasabi ni Princess Serenity na tinuturing ni Princess Charlotte na anak nito.
"Serenity…" Napalingon silang tatlo sa nagsalita mula sa kanilang likuran. Bumungad sa kanya ang isang gwapo at matipunong lalaki na tila may dugong maharlika. Kayumanggi ang balat nito at nakasuot lamang ng simpleng puting T-shirt, ripped jeans at sapatos na nababalot ng kaunting putik.
"Isaiah, this is Crown Princess Elisabeth, Princess Charlotte's mother."
Pakilala ni Princess Serenity sa kanya. Napansin niya ang gulat na rumehistro sa mukha ng binata ngunit mabilis itong nakabawi at neck bow ito sa kanya gaya ng mga nakagawian nang paraan ng pagbati ng mga tao sa tuwing makikita siya.
"I want my daughter back," simple niyang sabi dito.
"Its her decision to make, ma'am and whatever it is we will respect it." Tugon nito sa kanya.
"Daddy!" sigaw na nagpalingon sa kanilang lahat. Nakita nila ang masayang pagkaway ng batang kasama ni Princess Charlotte sa lalaking kausap niya. Kumaway din ito at pagkatapos ay bumaling na sa kanila.
"You can visit her in my house, ma'am. Sere - I mean Princess Serenity knows where it is." Muli itong nagbow sa kanya bago tuluyang umalis at tumungo anak nitong kanina pa tumatawag dito.
Sinundan lamang niya ito tingin hanggang sa makalapit na ito kinaroroonan ni Princess Charlotte at batang kasama nito. Larawan ng isang masaya at simpleng pamilya, iyon ang nasa harapan ngayon ni Crown Princess Elisabeth. Klase ng pamilyang nais ng kanyang anak ngunit kailangan niya maibalik ito agad sa Aurum sa lalong madaling panahon. Paano naman niya iyon magagawa?