Chereads / Charlotte [The Missing Princess] / Chapter 12 - Alyana's Birthday

Chapter 12 - Alyana's Birthday

MAY NGITI SA LABI NA SUMILIP si Klara sa bintana ng kanyang kwarto. Mula doon kitang kita niya ang makukulay na banderitas sa labas, masayang tugtugan ng mga musikero, mga ilang ilang bata na naglalaro. Napalingon siya nang bumukas ang pintuan niya at niluwa noon si Alyana na hindi pa maayos ang pagkaka-ribbon ng damit.

Lumapit ito sa kanya at pinaayos iyon. Pupunta ito at si Isaiah sa puntod ni Maine para dalawin. Ngayon kasi ang kamatayan nito at kaarawan ni Alyana. Nang maayos niya ang ribbon ng damit ni Alyana, hinarap niya ito sa kanya saka hinaplos ang mapula nitong pisngi. Nabanaag niya ang lungkot sa mga mata nito kaya bigla siya nag-alala.

"What's wrong?" tanong niya sa bata.

"I hate this day." Sagot nito sa kanya.

"Why? Its your birthday, you should be happy." Inayos niya ang buhok nito na bahagyang nagulo marahil noong nagsuot ng damit. "You'll going to visit your mom today, right? Iyan ba ang ipapakita mo sa kanyang itsura mo?"

"We don't celebrate my birthday ever since. After namin bumisita kay mommy, magkukulong lang si Daddy sa study room niya,"

"Okay. Kausapin ko siya bago kayo umalis." Aniya dito. Mula sa drawer sa tabi ng kanyang kama, kinuha niya ang isang box at inabot iyon sa bata. "Here's my gift for you."

Tinanggap iyon ni Alyana at binuksan. Pabangong ginawa niya iyon gamit ang mga bulaklak na nakuha nila noong isang araw. Ibinili siya ni Isaiah ng mga gamit para makagawa noon. Noong una, ayaw pa niyang hayaan na ibili siya nito. Sobra sobra na kasi ang tulong na nabigay nito sa kanya at kahit pa tukoy na ang kanyang identity, wala siyang nadidinig dito na kailangan na niyang bumalik sa totoo niyang pamilya.

"Thank you, mama Klara!" ani Alyana saka yumakap ito sa kanya. "Turuan mo din po ako gumawa nito."

"Sure. Halika na sa labas baka hinihintay ka na ni daddy mo."

Tinanggap nito ang kamay niya at sabay nila nilisan ang kwarto niya. Sa 'baba ng bahay, doon nila nakita si Isaiah na matamang nakatingin sa labas. Lumingon lamang ito sa gawi nilang dalawa nang tawagin ito ni Alyana. Lumapit silang dalawa dito at binati ito. Pagkabati sa ama, nagpaalam na si Alyana na mauuna na sa sasakyan kaya naman naiwan silang dalawa nito sa sala.

"Can we celebrate Yana's birthday later?"

Alam niyang may chance na hindi ito pumayag. Bukod kasi sa kaarawan ng anak nito ay kamatayan din ng dati nitong asawa. Mahirap para dito na i-celebrate iyon bilang isang normal na okasyon. Nang hindi ito tumugon agad, nakaisip siya ng ibang paraan para lang mairaos ang birthday ni Alyana.

"Ayos lang naman kung hindi pwede. I'll bake a cake for Yana instead because she said awhile ago that you didn't celebrate her birthday since came out."

"Up to you. Aalis na kami." Malamig na tugon nito sa kanya.

Napabuntong hininga siya at matamang hinatid ito nang tingin palabas ng bahay. Nang makaalis ang sasakyang lulan ang mag-ama agad siyang nagtungo na siya sa kusina para maghanda ng para sa lunch nila. She decided to bake a chocolate cake for Alyana and cook Isaiah's favorite food. Kung ano naman paborito ng mag-ama iyon din kinakain ni Mang Vicente. Madaming beses na sinabi ng matanda na tawagin niya itong papa ngunit naiilang pa din siya kahit pa sabihing magdadalawang buwan na siyang nakatira kasama ang mga ito.

Ilang beses na din nagpabalik balik doon ang totoo niyang pamilya at kinukumbinsi siyang bumalik na sa palasyo kung saan talaga siya nakatira. May isang bagay na pumipigil sa kanya na umalis at alam niyang may kinalalaman iyon sa mag-ama. Napalapit na kasi siya kay Alyana at higit sa lahat unti unti na nahuhulog ang loob niya kay Isaiah. It all started when he kissed her.

Lunch time nang dumating ang mag-ama. Gaya ng sabi ni Alyana, dumiretso nga si Isaiah sa study room nito at sila lang nina mang Vicente at Alyana ang kumain. Nang matapos sila kumain, nilabas na niya ang cake at sinindihan ang mga kandila sa ibabaw noon. Tinawag niya si Alyana para hipan iyon at mag-wish. Tumalima naman ang bata at pumikit ito para magwish.

"Anong hiniling mo apo?" tanong ni mang Vicente kay Alyana.

"Baby brother po." Simpleng sagot ng bata sa tanong ng lolo nito.

Malutong na tumawa si mang Vicente habang nakatingin sa kanya. Alam nitong sa papel lang sila kasal ni Isaiah at hindi pa ito nakaka-move sa yumao nitong asawa.

"Ask your daddy and mama Klara." Tinawag ni mang Vicente ang nurse nito at nagpahatid sa garden kung saan palagi ito nakatambay. Naiwan sila ni Alyana doon na abalang nilalantakan ang cake na ginawa niya.

"Mama, can you ask daddy to go with us and watch the fireworks display?" Gusto niya din mapanood iyon. Nadinig niya na special ang magiging fireworks display ngayon sa plaza.

"Sige susubukan ko. If hindi siya pumayag, tayo na lang magpunta na dalawa." Tumango naman ang bata bilang pagsang-ayon sa sinabi niya.