SI ZARA ang nabungaran ni Klara nang umuwi siya galing sa paghatid kay Alyana sa school isang umaga. Nasa sala ito at mukhang siya ang pakay doon. Ngumiti ito sa kanya at gano'n din naman ang ginawa niya. Inaya niya ito papunta sa garden para doon mag-usap. Siya lamang ang naroroon ngayon sa bahay. Nasa farm si Isaiah at sa gabi pa uuwi. Habang ang ama naman nitong mang Vicente ay kasama ng nurse nito sa ospital. Hapon niya pa babalikan si Alyana sa school kaya planado na niya ang mga gagawin niya buong maghapon.
Noong isang araw matapos ang late night conversation nila ni Isaiah, naalis na ang wedding photo nito at dating asawa nito sa may puno ng hagdan. Nailipat na iyon sa isang bakanteng kwarto malapit sa study room ni Isaiah. Nag-request si Alyana na magpakuha din silang tatlo ng picture ngunit hindi pa nila nagagawa dahil sa pagiging abala ng ama nito. Tinimplahan niya ng juice si Zara at hinainan ng mga na-bake niyang cookies.
"Humihina na ang mahal na hari, Charlotte," wika sa kanya ni Zara bago sumimsim sa hawak nitong juice. Pabago bago ang kondisyon ng mahal na hari kaya naman panay panay ang pagpunta doon ng ina niya para kumbinsihin siyang bumalik na sa Aurum Kingdom. Sinabi niya bigyan siya ng sapat na panahon para makapagdesisyon.
Kapag magkasama sila ni Isaiah, hindi nila pinag uusapan ang bagay na iyon. Paulit ulit na sinasabi sa kanya nito na kung anuman ang maging desisyon niya ay gagalangin nito. Kabaligtaran naman iyon ng sa anak nitong si Alyana. Ayaw siya talaga paalisin nito at pinag-promise pa siya na hindi niya dapat sila iwanan.
"Nakapag-desiyon na ako, Zara." Aniya sa kapatid. Napatingin ito sa kanya at punong puno ng antsipasyon sa mga mata nito. "Babalik ako sa palasyo para sabihin sa lahat ang desisyon ko. At sana galaingin niyo kung anuman iyon. Dadalawin ko din ang ama upang hingin niya ang pagsang-ayon sa desisyon ko."
"Kailan mo ito gagawin?" tanong nito.
"Sa darating na sabado, Zara."
"Sasabihin ko agad iyan kay Crown Princess Elisabeth at Serenity," anito sa kanya.
Matapos ang pag-uusap nilang magkapatid, umalis na ito at ginawa na niya ang mga gawaing bahay na ayon sa kanyang schedule. Kinahapunan, sinundo niya si Alyana sa school at gumala pa muna silang dalawa bago umuwi. Pasado alas sais na nang makabalik silang dalawa. Agad niya inutusan si Alyana na maglinis na nang katawan nito para kakain na lang kapag dumating na si Isaiah. Habang nagluluto siya, tumatakbo sa isipan niya ang desisyon na ginawa niya na siyang ipapaalam niya sa buong bayan ng Aurum sa Sabado. Ang desisyong maaring magpabago ng kasaysayan at maaring magdulot ng kalituhan at kaguluhan. Handa na siya harapin ang mga consequences ng desisyon na iyon.
Isang yakap mula sa likuran niya ang siyang pumukaw sa kanyang pag-iisip. Nang malingunan niya kung sino iyon ay napangiti siya. It was Isaiah whose been busy whole day. Umaga lang niya ito nakita at saglit lang iyon. Hinalikan nito ang kanyang balikat maging ang pisngi.
"Ang lalim ng iniisip mo at hindi mo ako napansin," wika nito sa kanya.
"Sorry, iniisip ko kasi yung mangyayari sa sabado," aniya dito. "Babalik ako sa Aurum Kingdom at sasabihin ko na sa kanila ang desisyon ko,"
"May I know what's your decision?"
"Samahan mo ako sa sabado para marinig mo,"
"Kailangan pa ba nandon ako?"
"Kailangan kasi parte ka ng desisyon ko na iyon." Pumihit siya paharap dito at hinalikan ito ng mabilis sa labi. Hinalikan din siya nito at mas matagal iyon. Naputol lang iyon nang madinig nila ang boses ni Alyana. Humangos na pumasok iyon sa kusina at naupo sa pwesto niya. May bitbit itong suklay na siyang inabot sa kanya. Natutuwa siya at mabilis lang itong natuto na paliguan ang sarili nito.
"Mama, ikaw na lang po lagi magsusuklay sa akin," wika sa kanya ni Alyana.
"Hmm, dapat marunong ka din," tugon niya.
"Eh, hindi ka naman po aalis di ba? Kaya ikaw na lang po,"
"Nagpromise si mama sa 'yo diba?" Tumango ito at pinugpog ng halik ang pisngi niya. Naghain na siya at sabay sabay na silang kumain. Matapos iyon ay tumungo silang tatlo sa balcony ng bahay para mag stargazing. Doon na inabutan ng antok si Alyana kaya naman nakatulog ito sa kandungan niya. Kinuha ni Isaiah sa kanya si Alyana at inakyat na ito sa kwarto nila.