Chereads / Charlotte [The Missing Princess] / Chapter 6 - Who Am I?

Chapter 6 - Who Am I?

MATAMANG BINABASA NIYA ang mga card na nakalagay sa ibabaw ng cabinet katabi ng kanyang kama. It was a hand written cards of a kid for her. Nang magising siya two hours ago, matinding sakit ng ulo ang kanyang naramdaman. Kaya naman binigyan siya ng doctor niya ng pain reliever upang maibsan ang sakit na kanyang nararamdaman.

Tinanong din siya ng mga ito kung sino siya ngunit wala siya naisagot dahil wala siyang maalala. Isang nurse na siyang naka-toka sa pag-alis ng benda sa kanya ang nakapagsabi na umalis lang saglit ang kanyang asawa. She has a husband whom she can't remember. At iyong mga card na hawak niya galing sa anak niya na palaging nagbabantay din doon sa kanya.

Inalis niya ang kumot na tumatabing sa kanyang mga paa at marahang tumayo. Sa una at na-out of balance siya ngunit pinilit pa din niyang tumayo at lumakad palabas ng kanyang kwarto. Sa pagbukas niya ng pinto, bumungad sa kanya ang isang lalaki na nakasuot ng white shirt na napapatungan ng leather jacket, faded jeans at white sneakers.

Napakapit siya sa magkabilang balikat nito at tumingin diretso sa mga mata. Nakita niya doon ang pagbakas ng pag-aalala. Marahan siya nitong pinangko upang ibalik sa kama na kinahihigaan niya.

"Are you my husband?" Tanong niya dito dahilan upang matigil ito sa ginagawa. "Sinabi sa akin ng nurse na palagi ka nandito kasama ang anak natin. Kasama mo ba siya? I want to see her."

"W-wait…" Hinawakan siya nito sa magkabila niyang balikat. "Calm down first, okay?" Napatango siya dito at nagpatianod ng ihiga siya nito sa kama. Nang maiayos na nto ang kumot niya, akma itong aalis ngunit napigil niya.

"Where are you going?" Aniya dito.

"Kakausapin ko lang iyong doktor mo. Babalik din ako agad." Tugon nito sa kanya.

Niluwagan niya ang pagkakahawak niya dito hanggang sa tuluyang bumitaw na siya. Lumabas ito at naiwan siya doon mag-isa. May mga tanong gaya nang sino siya, nasaan siya at anong nangyari sa kanya ang mga paulit ulit na gumugulo sa kanyang isipan. Mariin siyang napapikit nang maramdaman na naman niya ang pagkirot ng kanyang ulo.

Lumipas ang ilang minuto, bumalik na ang lalaki at may kasama itong batang babae na sa tantya niya ay nasa edad pito na. Alon alon ang buhok, maputi ang balat at singkit ang mga mata. Mapupula din ang mga labi nito at nahahawig sa lalaking kasama nito. It must be her daughter. Wala siya maalala mula sa nakaraan at kahit pilitin niya, sumasakit lamang ang kanyang ulo. Lumapit sa kanya ang bata at sumampa sa silyang nasa tabi ng kanyang kama.

"What is your name? Sorry, I couldn't remember anything." Tanong niya sa bata. Ngumiti ito at naupo sa tabi niya.

"I'm Alyana Marie Marquez." Tugon nito sa kanya.

"How about you? What is your name?"

Umiling siya at napatingin sa lalaking kasama nito. "I can't remember even my name." Hinaplos niya ang buhok nito at masuyo itong tiningnan.

"Shall we gave her a name, daddy?" Bumaling ang bata sa lalaki. Ngumiti lang ito saka binuhat ang bata.

"Will do but first I want you go to Ninang George so we can talk." Nakita niyang tumango ang bata.

"I'll be back." Paalam nito sa kanya. Lumabas na iyon at naiwan silang dalawa doon ng lalaki. Umupo ito sa silya malapit sa kanya.

"I'm Isaiah Dominick Marquez. I'm the one who brought you here right after the accident. Nagkaroon ka ng retrograde amnesia dahil sa severe head injury na tinamo kaya wala ka maalala na kahit na ano mula sa nakaraan. We don't know what's your name, your age even you who are your family. You've been sleeping for almost seven months now and no one tries to confirm your identity." Paliwanag nito sa kanya. "Tutulungan kitang hanapin sila at pansamantala sa bahay muna kita titira kasama namin ng anak ko."

"Will I regained my lost memory?" Tanong niya dito.

Umiling ito bilang sagot. "Hindi ko masabi ngunit may posibilidad na hindi mo na talaga maalala ang mga iyon."

May namuong mga luha sa ilalim ng kanyang mga mata. There's a possibilities that she can't regained those memories she had in the past. Ang mga luha na kanina lamang ay namumuo sa ilalim ng mga mata ay tuluyan nang naglandas sa kanyang mga pisngi. Lumapit sa kanya si Isaiah at niyakap siya ng mahigpit.

"Don't cry, please? We will help you in finding your family."

Iyong yakap ni Isaiah ay nagbigay ng komportableng pakiramdam sa kanya. She knows that the man in front of her will really help her in finding who she really is.