Chereads / Charlotte [The Missing Princess] / Chapter 10 - Klara's Real Identity

Chapter 10 - Klara's Real Identity

"WHO ARE YOU and what did you do to my sister?"

Dalawang tanong na siyang pinukol sa kanya sa kanya ng babaeng biglang yumakap na lamang kay Klara kanina sa grocery store. Dahil nabigla si Klara, bigla na lamang sumakit ang ulo nito at hinimatay. Mabilis niyang iuwi ang dalaga kasama ang anak niya. Sumunod sa kanila ang babae na nakilala niya sa pangalang Serenity. Tulad nito, isang prinsesa din si Klara sa bayan ng Aurum na limang oras ang layo mula sa Santa Luisa.

Charlotte Elisabeth Aurum, iyon ang totoong pangalan nito at ito ang nahirang na tagapag-mana ng korona.

"I didn't do anything to her. She got into an accident, I found her and brought into the hospital. She's been in coma for seven months and when she woke up, she didn't remember anything from her past even her real name." Paliwanag niya kay Serenity. "Nag-a-undergo siya ng sa mga physical therapy dahil matagal tagal din siyang na-coma." Dagdag pa niyang paliwanag dito.

"Permanente na ba ang amnesia niya?" Tumango siya bilang sagot sa tanong nito. "Kung gayon, kayo ang nakagisnan nitong pamilya."

"Oo pero alam niya din ang tungkol sa pagkawala ng mga alaala niya. Dito, hindi siya isang prinsesa. Isa lamang simpleng babae na asawa ko at step mother ng anak ko." Aniya kay Serenity.

"But she have to go back and lead Aurum Kingdom."

"Alam ko pero kailangan natin intindihin ang kondisyon niya."

Natahimik si Serenity at gano'n din siya. Maya maya pa'y nagpaalam na itong aalis na at sinabing ipaparating na nito sa Aurum Kingdom na nahanap na nito si Princess Charlotte. Wala siya karapatan na pigilin iyon dahil isa lamang siyang simpleng mamamayan na kumupkop dito. Nahilot niya ang kanyang sentido nang kumirot iyon. Ang dami pumapasok na kung ano ano sa kanyang isipan gaya nang paano niya sasabihin sa anak ang totoong identity ng mama Klara nito? Paano kung umalis ito at piliin ang obligasyon nito sa kaharian ng mga 'to?

"Daddy…" tawag na nagmula sa nakabukas na pintuan ng kanyang study room niya. Napalingon siya at awtomatikong napangiti nang makita ang kanyang anak. Lumapit ito sa kanya at binuhat niya ito saka pinaupo sa kandungan niya.

"Is your mama Klara awake now?" Umiling lang ito bilang sagot. "What's wrong baby?"

"That woman awhile ago, she belongs to mama Klara's family, right? Kukunin na po ba nila sa atin si mama?" Napalunok siya nang madinig ang lahat ng tanong na iyon ng kanyang anak. Expected na niya iyon kaso hindi pa din niya alam ang isasagot dito. "Ibibigay mo ba si mama Klara sa kanila, daddy?"

"Yana, its your mama Klara's decision. If she choose to stay, she can stay here. If she choose to go back, we have to respect that. She's a real princess who has a lot of responsibilities in their town."

Habang sinasabi niya iyon sa isipan niya, nanalangin siya nasa madaling naintindihan iyon ni Alyana. Alam niyang sobrang gusto nito si Klara at panatag din naman ang kalooban niya kapag ang dalaga ang kasama ng kanyang anak. Kasundo din nito ang kanyang ama. Hindi na niya alam ang kanyang gagawin. How will he handle that? It's a big decision to make.