SINA KLARA AT ALYANA ang nabungaran niya sa kusina na naghahanda ng almusal. Sa dining table naroon ang kanyang ama na kasalukuyang nagbabasa ng dyaryo. Isang linggo na nakatira sa kanila si Klara at magpasahanggang sa mga araw na iyon, wala pa din siyang nakukuhang magandang balita ukol sa pamilya nito. Napangiti siya nang marinig ang hagikgik ng kanyang anak at malutong na tawa ng kanyang ama. Iyon ang unang beses na nangyari iyon.
Magmula nang mamatay si Maine, naging tahimik na ang kanilang bahay. Oo, madaldal ang kanyang anak ngunit hindi sapat para tumawa ng gano'n ang kanyang ama.
Paralisado na ang kanyang ama dulot ng naging aksidente nito limang taon na ang nakakaraan. Sa loob ng isang linggo, si Klara ang nag-alaga dito pati na din sa anak niya kapag umaalis siya. Sinabi naman ng doktor ni Klara na tanging mga memories lang ang nalimutan nito at wala iyon epekto sa mga skills nito.
Patuloy pa din ang therapy sa dalaga dahil madalas nitong idaing ang pagsakit ng likod nito. Matagal tagal din kasi itong naka-coma at sa loob ng mga panahon na iyon ay nakahiga lamang ito.
"Good morning, daddy!" Bati sa kanya ng anak nang makita siya.
"Good morning!" aniya sa kanya nilapitan ito at hinalikan sa noo. Binati din siya ang ama niya at hinawakan ito sa kamay. "How are you, pa?" tanong niya dito.
"Good. Magaling ang nurse ko at mabait pa at higit sa lahat maganda," tugon naman nito. Napatingin siya kay Klara na abalang hinahainan siya ng pagkain.
"Aalis ka po ba ngayon, daddy?" tanong sa kanya ni Alyana. Umiling siya bilang sagot sa tanong ng kanyang anak. "Samahan mo po kami ni mama Klara na mag-grocery mamaya." Napatingin siya kay Klara at nakita niyang naupo ito sa bakanteng silya sa tabi niya.
"Okay sige. Aalis tayo kapag dumating na yung nurse na mag-aalaga kay Lolo mo." Tugon niya sa anak.
May nurse talaga ang kanyang ama ngunit makailang beses na siyang nagpalit dahil sa madalas na pagrereklamo ng kanyang ama na sinasaktan ito ng mga dati nitong nurse. Mabuti na lamang at nagawa ni Klara na alagaan ang tatay niya noong mga panahon na wala itong nurse.
"Yehey! Pumayag na si daddy, mama Klara." Excited na turan ng anak nkya kay Klara.
Ngumiti ang dalaga sa anak niya. Sa loob ng isang linggo mas lalong napalapit dito ang si Alyana kung kaya nakakadama siya nang matinding pangamba. Pangamba na baka kapag nahanap na ni Klara ang totoo nitong identity at pamilya ay malungkot muli ang anak niya kapag umalis ito. Nang matapos silang magbreakfast, hinatid na ni Klara ang papa niya sa sala kasama si Alyana. Habang siya naiwan sa dining area at nagliligpit ng kanilang pinagkainan. Naabutan9 siya ni Klara na ginagawa iyon kaya naman lumapit ito sa kanya.
"Ako na ba bahala sa mga iyan." Anito sa kanya saka nagligpit ng mga kubyertos.
"No. Its fine, ako nang gagawa nito." Kinuha niya mula sa kamay ng dalaga ang hawak nitong nga kubyertos. "Did Alyana help you to list down all the things we're going to buy later?"
"Uhmm, oo pero puro pagkain lang 'yon at mukhang mga paborito lahat ni Alyana."
Napangiti siya sa tinuran ng dalaga. Gano'n naman palagi sa tuwing mag-go-grocery sila, kalahati sa listahan ay mga paboritong pagkain ni Alyana. Kaya gustong gusto nito kapag nag-go-grocery sila at wala siyang kakayahan na tanggihan ang anak. Sa iba, pang-i-spoil na ang tawag sa ginagawa niya pero para sa kanya, ginagawa lang niya iyon para maging masaya ang kanyang anak.
Napabaling siya kay Klara na may inaabot sa isang mataas na saucer cabinet. Matama niyang nilapitan ito at siya na ang umabot ng gusto nitong kuhain. Nang maabot njya iyon, pumihit paharap sa kanya ang dalaga dahilan para halos magdikit ang kanilang katawan. He smelled her strawberry perfume and fruity scent of her hair. Mas nagfocus ang tingin niya sa mga labi nito na mapula kahit na walang nakalagay na kahit anong kulay ng lipstick.
Tila naakit naman siya kaya tinawid niya ang pagitan ng kanilang mga labi at hinalikab ito. Dampi lang una niyang ginawa ngunit nang lumaon at hindi siya nakatanggap ng pagtutol dito'y, lumalim na ang halik na tinutugon nito. Mali 'yon pero tila ayaw makisama ng kanyang utak at mas umiral ang sinasabi ng kanyang puso. What does it even means? Does he like her already?