Chereads / Charlotte [The Missing Princess] / Chapter 5 - She's Awake

Chapter 5 - She's Awake

MABILIS NA bumaba si Isaiah sa kanyang sasakyan nang maihimpil niya iyon sa harap ng ekwelahan ni Alyana. Nasa ospital siya nang tumawag ang principal ng school upang ibalita ang ginawang pakikipag-away ng kanyang anak sa kaklase nito. Ngayon lang iyon nangyari at kung anong dahilan, iyon ang kailangan niyang alamin.

He jog his way to the principal office. Doon niya naabutan ang kanyang anak na nakaupo sa harap ng batang inaway nito. Sa tabi ng bata ang mga magulang nito. Mangiyak ngiyak itong lumapit sa kanya saka yumakap nang mahigpit.

"I'm sorry, daddy." Sambit nito sa kanya. "Sinabi niya po kasing wala akong mommy at ampon lang po ako." Humagulgol ito sa bisig niya kaya naman binuhat niya ito.

"Mr. Marquez, your daughter hurt my son." Ani ng magulang ng lalaking sinaktan ng kanyang anak.

"She won't do it if your son didn't said those hurtful words, madame." Tugon naman niya dito. Hinagod niya ang likod ng anak.

"Still not a reason to hurt my son."

"We're sorry about what happen." Umikot ang mata ng nanay ng naka-away ni Alyana. Bahagya niya nilayo sa kanya ang anak niya at pinahiran ang mga luha nito. "Baby, you have to say sorry for what you did." Alyana sniffed and shook her head.

"You raised your child in improper way, Mr. Marquez." Dagdag pa ng nanay ng nakaaway ng kanyang anak.

Kailangan niya magtimpi dahil ayaw sumabog sa harapan ng kanyang anak. How dare she make comments on how he raised Alyana? Being a single father is the hardest job he have in his entire life. Everyday, he have to explain in a way that Alyana can understand everyhing. Higit na pinaka-mahirap doon ay ang pagsasabi dito kung bakit wala itong ina habang lumalaki. Nagpapasalamat siya sa Diyos na lumaking maunawain ang kanyang anak. Kinumbinsi pa niyang muli ang anak hanggang sa tuluyan na itong nag-sorry sa inaway nito. Matapos ang kaunting pakikipag-usap sa principal ay umalis na sila doon at habang nasa daan pauwi, tahimik lang si Alyana.

"Hey, love, daddy's not mad, okay?" aniya dito habang nanatiling nasa daan ang atensyon. Ginagap niya ang kamay ng kanyang anak at hinimas iyon. "Just don't let anger fills your heart and hurting someone just because you're angry is not a good idea."

"Sorry po ulit, daddy." Hinawakan niya ang pisngi nito at hinaplos iyon. Napukaw sila pareho nang tumunog ang kanyang cellphone. Pinasagot niya iyon kay Alyana dahil nga nagmamaneho siya. Alyana put it on a speaker mode so he can hear whatever the call will say.

"Mr. Marquez, gising na si Jane Doe at hinahanap ka niya."

Bigla niya naapakan ang break ng kanyang sasakyan dahil sa nadinig. Mabuti na lamang at wala silang kasunod na sasakyan kung hindi ay maaksidente pa silang mag-ama. Napatingin siya sa anak niya. May ngiti na gumuhit sa mga labi nito nang madinig iyong magandang balita habang siya naman ay hindi maipaliwanag ang nararamdaman.

"Daddy, let's go there!" Masayang sabi ni Alyana.

Kinuha niya mula dito ang cellphone at pinakinggan ang mga sinasabi pa ng nirse na siyang tumawag sa kanya. Kanina lamang ay tulog ito nang umalis siya.

For almost seven months, walang patid ang pagdalaw niya sa dalaga. Minsan kasama niya si Alyana at tulad nang nakagawian ng anak, palagi itong nagbabasa ng stories sa tuwing pupunta ito doon. Noong nakaraang buwan lamang ay inalis na ang aparato na tumutulong para huminga ito matapos maging stabilized ang paghinga nito. Naghilom na din ang mga sugat nito sa mukha nito na dinulot ng aksidente.

Nang matapos ang pakikipag-usap sa nurse ay mabilis siyang nag-u-turn papunta sa direksyon ng San Miguel. Pagabi na noon pero kailangan nila mapuntahan agad si Jane Doe upang alamin dito ang totoo nitong identity na nanatiling pala-isipan pa din sa karamihan. Sa loob ng mga buwan na iyon, wala 'man nagtungo doon para kilalanin ito. Nais niya itong tulungan na hanapin ang pamilya nito.