Chereads / Charlotte [The Missing Princess] / Chapter 4 - Where is Princess Charlotte?

Chapter 4 - Where is Princess Charlotte?

PAGKA-ALIGAGA AT PAGKABALISA, iyon ang nababakas sa mukha ni Crown Princess Elisabeth matapos makarating sa kanya ang pagkawala ng kanyang anak na si Princess Charlotte. Tatlong araw na mula nang huling makita niya ang anak. Alam niya lang na may pinuntahang charity event ito ngunit nang bumalik, pulos mga gwardya na lang nito ang kanyang sinalubong. Inutusan na niya ang lahat at nakipagtulungan na din siya sa mga pulis para sa mabilis na paghanap sa mahal na anak. Sobra na siyang nag-aalala lalo't wala pa'ng magandang balita ang nakakarating sa kanya.

Nakadagdag pa ang suliraning kinahaharap ngayon ng royal family. Patuloy ang panghihina ng kalusugan ni King Harry. Wala ngayon direktang namamahala sa mga bagay bagay sa kaharian na dapat si Princess Charlotte ang gumagawa. Napukaw ang kanyang atensyon nang pumasok ang ikalawang anak ni King Harry na si Princess Zara. Anak ito ng hari sa consorte nitong si Lady Madelaine. Matagal na panahon din ang lumipas mula noong huli niya itong nakita. Kilala ang anak ni Lady Madelaine bilang prodigal daughter of King Harry at runaway Princess naman sa iba. Hindi kasi nito gusto na makulong sa palasyo gaya nang kagustuhan ng ina nito.

Lumapit ito sa kanya saka yumakap. Wala siyang problema sa Prinsesa, tanging si Lady Madelaine lamang ang naglalagay ng lamat sa relasyon nito sa kanyang anak. Dahil para sa consorte, ang anak nito ang dapat na maging susunod na reyna ng Aurum Kingdom.

"Is there any news regarding with Charlotte's sudden disapperance?" Umiling siya bilang tugon sa tanong nito. "Kamusta po ang mahal na hari?" tanong pa nitong muli.

"Not good. Mas lalong lumala magmula nang mawala si Charlotte." Mangiyak ngiyak niyang sagot. Muli siya niyakap ni Zara at sa pagkakataon na iyon ay mas mahigpit na.

"I'll find her. Kahit saan hahanapin ko po siya." Anito sa kanya. "You have to be strong and lead the Aurum Kingdom in behalf of King Harry. Ibabalik ko po si Charlotte dito."

"Thank you but in absence of my daughter, you are the one who should be leading our people, Zara."

Umiling lamang ito. "Charlotte is the rightful owner of the crown."

Niyakap niya ito. Alam niyang sa katauhan ni Zara, nakakuha siya ng kakampi na hinding hindi sasamantalahin ang kahinaan ng hari at pagkawala ng kanyang anak. Tinanggap niya ang alok na tulong nito at nakipag-usap mga pulis na na naka-assign sa paghahanap kay Charlotte. Ayon sa mga impormasyong nakalap ng mga pulis, walang kahawig ni Charlotte ang nagagawi sa mga bayan kalapit ng Aurum Kingdom. Hinawakan ni Zara ang kamay niyang upang bigyan siya ng lakas pa nang loob na kayanin ang mga mangyayari. Nagsisimula pa lamang sila at hindi sila sigurado kung bukas o makalawa, wala nang bumalik na Princess Charlotte sa kaharian nila.

"Inalis po ng mga pulis ang angulo ng kidnapping since wala pa po tayong natatanggap na tawag mula sa mga dumukot dito. Base sa sinabi po ng mga bodyguards ni Charlotte, iniwan nito ang mga damit, cellphone, kwintas at bag sa store kung saan ito nagpalit ng ordinaryong damit."

"Saan naman pupunta ang kapatid mo?" Desperado niyang tanong. Madaming beses na tumakas noon ang kanyang anak subalit ngayon lang ito hindi nakabalik agad.

"May nabanggit po ba siya sa inyo na lugar na nais niya puntahan?" tanong naman ni Zara pabalik. Umiling lamang siya bilang tugon. "Isa lamang po ang nakikita ko na dahilan nito. Baka nais niyang mamuhay ng simple sa labas ng palasyo."

"But she's the only hope of nation," May bumikig sa kanyang lalamunan matapos bitawan ang mga salita na iyon. "Maaring nasakal na siya sa mga protocol dito. Paano na ang kaharian kung maging siya at tatalikod sa responsibilidad?"

"Hahanapin po natin siya. Huwag po kayo mag-alala. She must wandering somewhere and I'll do everything just to bring her back home."

"Thank you, Zara." Muli sila nagyakap nito at pinanatag nito ang kanyang kalooban. Sinabi oa nitong malalampasan din nilang lahat ang pagsubok na kinahaharap ng royal family ngayon.