Chereads / No Strings Attached / Chapter 57 - Announcement

Chapter 57 - Announcement

ELLE

Tatlong linggo na ang nakakalipas mula nang mangyari ang insidenteng yun.

At sa tatlong linggo na yun ay bumalik na rin ang mga investors ng company namin.

Currently, nasa kotse ako ngayon patungong company namin para of course, to work though tinadtad ako ng maraming questions nila Patty at Vanessa pero isa lang naman yung sinabi ko sa kanila eh.

'What happened was a big mistake..'

At mukhang nagets naman nila ang ibig kong ipahiwatig at hindi na muli pang nagtanong saakin.

Pagpasok ko sa company, as always. Ganoon pa rin. Bati sa guard, mga co-workers at upo sa table ko para simulan na ang ginagawa dahil girl, hindi mo gugustuhing tambakan ka ng trabaho dahil nakakaloka..

Nagumpisa na akong mag-encode sa laptop ko nang biglang pumasok sina Vanessa at Patty.

"Hi bakla! Good morning!" Bati niya saakin at bineso ako.

"Naku, nakakaloka na talaga tong mga clients natin! Habang tumatagal, lalong nagiging demanding!" Inis na sabi ni Vanessa.

"Hayaan niyo na, ito ang trabaho natin eh. Wala na tayong magagawa pa." Sabi ko na lang as I continued typing..

Narinig kong nagbuntong-hininga si Vanessa at dumretso na sa kanyang mesa. Habang abala ang lahat sa kani-kanilang mga trabaho, biglang dumating si Mr. Albert na may kargang parang envelopes siya.

"Good morning to all of you. I have some important announcement to make.." Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng kaba pagkarinig ko sa salitang 'announcement' ni Sir.

"I have here some envelopes and inside of it, ay mga invitations.." Napuno ng bulung-bulongan ang buong office.

"Invitation para saan?" Narinig kong tanong ni Patty kay Vanessa..

Lahat ay naguguluhan, except for me...Dahil kahit hindi sabihin ni Mr. Albert kung para saan yung mga invitations na hawak niya, alam ko kung para saan yun..

"Well, Kyle's wedding will be a week from now. Luckily, they invited us so we should come. So, please distribute these to all of you.." Utos ni Mr. Albert kay Mark at umalis na si Mr. Albert.

"Ikakasal na pala si Kyle? Pero bakit ang bilis naman ata?" Nagtatakang tanong ni Patty.

"Well, of course, money talks.. Money runs the world after all." Rinig kong sabi naman ni Vanessa sa kanya.

"For you." Tumingala naman ako at nakita ko si Mark handing me the envelope. Nakasulat ang name ko doon. Kinuha ko naman ito at ngumiti nang pilit sa kanya.

"Thanks.." Simpleng sabi ko sa kanya.

"I'm sorry." He whispered pero narinig ko pa rin. Bumuntong hininga ako habang tinitignan ko yung invitation card..

"Aattend ka ba?" Biglang tanong ni Vanessa pero hindi siya nakatingin saakin. Nasa sinusulat pa rin ang atensyon niya.

"I don't know.." Bulong ko pero sapat na para marinig niya.

"Ang unfair ng life no? Wala eh, sa pera umiikot ang mundo, hindi na ang tao.." Sabi niya naman. Hindi ko na siya sinagot pa at muling itinuon ang atensyon sa ginagawa ko.

Buong araw, wala akong ibang ginawa kundi ang magtrabaho, kumakain man ako pero patuloy pa rin ako sa pagtatrabaho..

Pagkahapon, nagpaiwan ako sa office dahil kunwari may inaasikaso pa ako, pero ang totoo niyan, wala na dahil natapos ko na siya kanina pang 3pm. Sadyang ayoko pa munang umuwi..

Bandang 6:30pm nang maisipan kong lumabas na sa office. Nagpaalam na ako kay Kuya Guard at sumakay na ako sa kotse ko.

"Saan ako pupunta?" Bulong ko sa sarili at nagisip dahil ayoko pa talagang umuwi. Naisipan kong dumaan na muna sa grocery. Nang maipark ko na yung kotse ko ay pumasok na agad ako sa loob ng grocery at kumuha ng pushcart.

Inumpisahan ko nang kumuha ng mga house stuffs at of course, my personal stuffs na rin. Agad akong umalis pagkabayad ko.

Habang naglalakad ako palabas ng grocery ay may nakasalubong ako. Nakahawak sa kanyang kamay ang babae habang ang lalaki naman ay nakababa lang ang mga kamay niya..

"Hi! You must be Elle, right?" Sabi saakin ng isang babae. Nagdadalawang isip man, ay tumango pa rin ako. "Yes."

"Oh by the way, I'm Michelle Cordoval, Kyle's Fiancè" She said.

"Nice meeting you, Michelle. Sige, mauuna na ako ah. Gabi na rin kasi eh.." Sabi ko at nauna nang naglakad sa kanila. Hindi ko na hinintay yung sagot niya saakin. Masyadong mabigat tong kinakarga ko. Hindi yung mga paper bags na karga ko, kundi ang nararamdaman ko. Masyadong mabigat, masyadong masakit.

"ELLE!" Napahinto ako nang marinig ko ang kanyang boses. Huwag kang lilingon, Elle. Huwag na huwag kang lilingon.

Pinagpatuloy ko lang yung paglalakad ko patungo sa kotse ko pero sadyang trip lang talaga ako ng tadhana at nahulog yung kinakarga kong paper bags.

"Sh.t!" I cursed at nagmadaling pulutin ito, pero dahil sa kagagahan ko ay nahulog naman ang mga de latang binili ko..

"Let me help you." Rinig kong sabi niya saakin at inumpisahan nang tulungan ako sa pagpupulot pero.

"No. I can manage.." Cold kong sabi at kinuha mula sa kanya yung hinahawakan niyang mga de lata.

"May we talk? Kahit sandali lang. " Pagsusumamo niya saakin.

"No, nagmamadali ako." Pagdadahilan ko. Stupid, Elle! Dahil sa kagagahan mo, ayan tuloy naabutan ka niya!

"Please.." Bulong niya naman. Abala pa rin ako sa pagpupulot ko sa mga nahulog na mga binili ko nang bigla niya akong hawakan sa kamay ko

"ANO BA?! WHAT'S YOUR PROBLEM?!" Inis kong bulyaw sa kanya.

"Ganito na lang ba tayo parati, Elle? Mag-iiwasan na lang ba talaga tayo?" Malungkot niyang sabi

"Well, wala na tayong magagawa pa, Kyle! Tanggapin na lang natin na hanggang doon na lang talaga tayo. Can't you see? Pinaglalayo lang tayo ng tadhana, ayaw niyang magkasama tayo." Mapaklang nginitian ko siya.

"Hindi tayo ang para sa isa't-isa, Kyle.." Bulong ko sa kanya. Nakita ko namang pumatak ang kanyang mga luha sa sinabi ko.

"Elle.. I love you..." bulong niya saakin.

"I love you too.. pero tama na.." Biglang pumatak ang mga luha ko na hindi ko man lang namamalayan. Maya maya pa'y biglang bumaba ang kanyang mukha at dumampi ang kanyang labi sa labi ko. At naramdaman ko ang pagtulo ng kanyang mga luha.

Isang halik na puno ng sakit.

Isang halik na puno ng poot..

at..

Isang halik na sumisimbolo ng pagkatalo, at pagsuko sa pagiibigan naming dalawa.