Chereads / No Strings Attached / Chapter 61 - New Beginning

Chapter 61 - New Beginning

ELLE

Mag-iisang buwan na mula nang maikasal si Kyle kay Michelle. At magi-isang buwan na rin ako dito sa Tagaytay.

Pagkatapos kasi nung eksena sa open space/area, pagkagabi ay nagbiyahe na ako papuntang Tagaytay. At first, ayaw akong payagan nila Mama dahil lalayo na naman daw ako sa kanila, to the point na gusto niyang sumama saakin, pero I insisted na I can manage myself na..

Even Patty and Vanessa, wanted to go with me, pero I refused to.. Ayokong madamay sila sa kagagahan ko..

To tell you frankly, gabi-gabi pa rin akong tinatawagan ni Kyle. Kung minsan nga lasing pa siya eh. Sinasagot ko ang tawag niya because I miss him. I miss his voice pero hindi ako nagsasalita. Minsan rin habang on going ang tawag niya at naririnig ko ang kanyang mga sinasabi ay, hindi ko mapigilan ang hindi umiyak..

Sinusubukan ko nang ayusin ulit ang buhay ko, at tuluyan nang makabangon. Lalo pa't hindi na lang sarili ko ang inaalala ko ngayon kundi ---

"Ms. Elle?" Rinig kong tawag saakin ni Claire. Napatingin naman ako sa kanya.

"Yes?" Tugon ko sa pagtawag niya saakin.

"Naku, lutang ka na naman, tinatanong ko po kayo kung saan ko ilalagay tong bagong pitas na mga bulaklak?" Sabi niya habang pinapakita saakin yung mga bulaklak.

"Ahh, sorry. Ilapag mo lang dito sa mesa ako nang bahala kung saan ko ilalagay yan." Sabi ko at bumuntong hininga.

"Iniiisip mo pa rin yung nangyari ano? Hayy, ang hirap naman kasi niyan, Ms. Elle.. Pag saakin nangyari yan, hindi ko alam kung makakayanan ko ba o hindi." Sabi naman niya habang umiiling..

"Ano nang plano mo ngayon Ms. Elle?" I just shrugged my shoulders as an answer to her question.

"Hindi ko alam.. Maybe, I'll stay here for good na at dito na ulit ako magsisimula nang panibagong buhay.." Mahina kong sabi at muling tumitig sa labas ng bintana.

"Pero Ms. Elle, hindi niyo ba ipapaalam kay Kyle ang tungkol ---" Hindi ko na siya pinatapos pang magsalita.

"I don't want to talk about it.. Gusto kong mapag-isa, Claire.." Mahinang sabi ko sa kanya. Bumuntong hininga naman siya at tumayo na at umalis sa harap ko..

"Hindi niya na kailangang malaman pa.." bulong ko sa hangin at pumikit.

"Hey." Bigla ulit akong napamulat dahil sa boses na narinig ko.

"Oh Paulo ikaw pala.." Sabi ko sa kanya.

"Ano yan?" Curious kong tanong sa kanya dahil parang may tinatago siya sa kanyang likod dahil naroon ang kanyang isang kamay.

"Ito ba? For you.." Sabi niya sabay abot ng red rose..

May naalala naman akong bigla dahil sa red rose na yun.

"Favourite mo ba ang red rose? Sabi kasi ni Sir Danilo, favourite mo daw ang red roses eh.." Sabi niya ulit.

Napatingin naman ako kay Paulo at ngumiti sa kanya.

"Salamat." Nakita kong parang namula siya dahil sa sinabi ko.

"Sige, balik na ako ulit sa garden ah?" Tumango lang ako sa sinabi niya at bumalik ulit ang tingin sa hawak kong pulang rosas.

"If only I could go back and make things right.." Bulong ko sa hangin at tumitig sa kawalan..

--

KYLE

"BABE?! I'M TALKING TO YOU!" Sigaw naman ni Michelle.

"WHAT?!" Iritang tanong ko sa kanya dahilan para irapan naman niya ako

"See?! You're not even listening to me! I said I have something to tell you! Ano ba!" Iritang sabi niya naman saakin. Okay, I tried to calm myself na. Hindi pa rin kasi ako sinasagot ni Elle eh. Miss na miss ko na ang boses niya..

"What is it?" Bored kong sabi sa kanya. Ngumiti naman siya.

"Well... I took a pregnancy test earlier and guess what?!" Excited niyang tanong saakin.. "Positive babe! Magkakababy na tayo!" And boom! I'm doomed.

"T-teka.. Ganoon kabilis?! I mean, wala pa tayong isang buwang kasal diba? Pero..--" Bigla namang nagbago ang expression ng kanyang mukha.

"So are you trying to say na hindi mo anak ito?!!" Bigla siyang umiyak sa harap ko. Geez!!

"Look, I'm sorry. Nabigla lang ako! Hin--" Hindi naman niya ako pinatapos na magsalita.

"Nabigla?! A-ang sabihin mo, si Elle pa rin yang nasa puso mo!! S-siya pa rin ang mahal mo! S-siya pa rin yung gusto mo!" Umiiyak niyang sabi saakin. Urgghh, this is so frustrating!

"I-it's not like that! Look, I'm sorry. Okay?! Come here, I'll give you a hug." Ngumiti naman siya at niyakap ako.

"I love you, babe.." Bulong niya saakin. Napapikit ako dahil hanggang ngayon, hindi pa rin ako sanay na marinig sa ibang tao na sinasabihan ako ng mga ganyan..

"Are you hungry? I'll cook for you. " Sabi ko at kumalas na sa kanyang yakap.

Ang hirap mabuhay sa araw-araw lalo pa't hindi mo naman mahal ang kasama mo.

Michelle is too loud, childish, sensitive at maarte in her own way.. Which is ayoko.. Ayoko nang ganoon. Lalo pa't masyado akong binebaby.

Unlike Elle, she's very nice, beautiful inside and out, caring, loving, admirable, genuine and -- ano ba tong iniisip ko?!

I shook my head and start to cook for her breakfast..

It's been almost a month mula nang huli ko siyang makita sa araw ng kasal ko.. I was shocked when she arrived at the church wearing that black gown, at sobrang sakit marinig ang kanyang message para saamin nung nasa reception na kami.

Nagpunta ako sa unit niya, only to find out na she already left for somewhere.. Yan ang sabi ni Tita saakin. Even Patty and Vanessa, told me na umalis na nga siya.. She even resigned sa company, na mas lalong nagpalungkot saakin.

"Kumusta ka na, Elle?" Bulong ko sa hangin.

"Ano yang niluluto mo, Babe?" Nagulat naman ako sa biglang tanong ni Michelle sa likod ko.

"Nagpriprito ng itlog, bacon at tocino. Why?" Takang tanong ko sa kanya.

"Seriously?! Bat suka yang nilagay mo dyan instead of cooking oil?!" Naguguluhang tanong niya saakin. Napatingin naman ako sa frying pan at well, she's right.. Instead of cooking oil ang gamitin ko, I poured vinegar pala. Sorry

I was spaced out.. very lost.. in her memories...

Really, man?!

Tssss.