Chereads / No Strings Attached / Chapter 63 - The Truth

Chapter 63 - The Truth

KYLE

I followed Michelle hanggang sa dumating ako sa Robinsons Place Manila. Nasa loob pa ako ng kotse ko ay tanaw kong may kausap siya sa kanyang phone.. Alam kong may hindi tamang nangyayari dito at yun ang kailangan kong malaman.

Nang makalayo na siya kaunti sa parking lot ay lumabas na ako mula sa kotse ko para sundan siya... Maraming tao, kaya hindi madaling sundan siya, pero sadyang naaayon saakin ang tadhana ngayon, nakita ko siyang nakasakay sa escalator. Nagtungo naman ako doon at sumakay rin.

Pagdating ko sa second floor, tanaw kong pumasok siya sa loob ng Starbucks.. Hindi muna ako gumalaw sa kinatatayuan ko.. Hindi ako makakilos, basta ang alam ko lang kung anong mangyayari sa araw na ito, kailangan kong paghandaan.. Kailangan kong paghandaan ang kung anong pwedeng mangyari.

Habang papalapit ako doon ay ganoon rin kalakas ang kabog ng dibdib ko. Pagpasok ko sa loob ng Starbucks, hinanap ng aking mga mata ang babaeng kapapasok lang dito. Pero napako ang tingin ko sa kaliwang gawi ng coffee shop na ito.

Isang nakatalikod na babae na may katabing nakatalikod rin na lalaki. Pero ang mas kapansin-pansin pa dito ay yung lalaking nasa harapan nila..

Naglakad na ako papuntang table nila pero mukhang hindi pa ata nila ako napapansin dahil busy pa rin sila sa pakikipagkwentuhan sa isa't-isa.

"When are you going to tell this to Kyle?" Tanong ng lalaking nasa harap nila.

"There's no need for him to know, Dad." Saad naman ng babae. Magsasalita pa sana siya ng mapansin niya ang presensya ko at ganoon na lamang nagbago ang kanyang expression..

"Dad?" Tawag uli sa kanya ni Michelle. Marahil dahil napapansin niyang malalim ang tingin ng kanyang Dad aa direksyon ko, ay napatingin din saakin si Michelle at ganoon na lang rin lumaki ang kanyang mga mata

"K-kyle..." Kinakabahang tawag saakin ng tatay niya.

"B-babe.. Y-you're here?!" Bakas rin sa boses niya ang sobrang kaba.. Tumalim ang tingin ko sa lalaking katabi niya.

"What's the deal?" I asked them furiously..

"K-kyle... let me... explain" Tumingin naman ako sa Daddy niya.

"Explain what?! Anong dapat ninyong i-explain saakin?!" Nagsisimula nang tumaas ang boses ko sa kanila. Bigla namang napatingin ang mga tao sa direksyon namin.

Pero hindi pa rin nila ako sinasagot ko.. Tinignan ko naman si Michelle na kinakabahan tsaka umalis sa harap nila.

Nagmamadali akong umalis sa mall at sumakay sa kotse ko. Pinaandar ko ito papuntang condo at pumasok sa unit ko.

"F*CK!!!" Sigaw ko pagkapasok sa loob ng unit ko at nagwala. Itinapon ko sa dingding lahat nang mahahawakan ko. Maya-maya pa'y biglang bumukas ang pinto ng unit ko at iniluwa nito si Michelle.

"K-kyle" Tawag niya sakin

"What?! Ano?! Patuloy niyo pa rin ba akong lolokohin dito?!" Sigaw ko sa kanya.

"I-its not what you think! It's not like that! K-kyle, please listen to me first." This time umiiyak na siya

"Listen to what?! Ano ba yung dapat kong malaman, Michelle?!" Pero hindi pa man siya nakakasagot sa tanong ko ay biglang bumukas ulit ang pinto.

"What's happening here?!" Gulat niyang tanong saakin.

"Alam mo rin ba?!" Tanong ko sa kanya dahilan para maguluhan siya.

"Know what?" Naguguluhan niyang tanong saakin.

"You know exactly what I'm talking about, Dad. " Sarkastikong sabi ko sa kanya dahilan para tumingin siya kila Michelle.

"H-he saw us together.. I'm sorry, Dad." Michelle whispered. Bumuntong hininga naman si Dad dahil sa sinabi ni Michelle.

"I guess it's time for you to know the truth.." Sabi niya.

Pigil-hininga naman ako habang hinihintay ang mga susunod pang sasabihin ni Dad.

"Hindi talaga kayo legal na kasal ni Michelle.. Everything was scripted." Parang nabingi naman ako dahil sa sinabi niya. Parang hindi ko narinig ng maayos ang sinabi niya

"What did you just say, Dad? We're what?!" Tanong ko muli sa kanya habang pinipigilan ang pagpatak ng aking mga luha

"I'm sorry, son." Dad said. Parang naman akong isang bulkan na biglang sumabog bigla

"Wow!!! Just wow!!" Sabi ko habang hinahawakan ang noo ko

"You took away my happiness and the chance to marry Elle because of what, because of this d*mn sh*t thing?!" Bulyaw ko kay Dad.

"You threatened Elle to stay away from me or else you'll do everything to make their company fall down, right?!!" Galit na tanong ko sa kanya pero hindi siya sumasagot. He's just staring at me

"That's too ridiculous, Dad! You're so selfish, and insensitive!!" Sigaw ko sa kanya.

"I-i'm sorry... I-i just have to do that... That's the only thing I knew back then to make Elle stay away from you, I'm sorry, son" Nakayukong sabi naman ni Dad saakin

"Ano bang naging kasalanan ko sa inyo, Dad para ganituhin mo ko ngayon?! Ginawa mong miserable ang buhay ko! Kayo nang babaeng yan!!" Habang dinuduro ko si Michelle. Hinarap ko naman siya at matapang na tinignan siya

"Tell me the truth, that baby.." I saw her swallowed.

"Is that mine or not?" Seryosong tanong ko sa kanya. Kita kong biglang pumatak ang mga luha niya sa tanong ko at sinubukan niyang hawakan ang mga kamay ko pero itinabig ko ang kanyang mga kamay

"P-please listen to me, Kyle.. P-please... Let me explain.." Umiiyak niyang sabi. Napatawa ako nang mapakla habang umiiyak

"What a show, Dad.. Really, what a show! Ang galing mong director, Dad. At ikaw naman, ang galing mong umarte! Ang selfish niyo! Ang sasama ninyo para gaguhin ako nang ganito!!" Itinapon ko ang natitirang figurine sa harap ko kahit na nandito si Dad. Ang sakit, lalo na pag pinamukha ka nilang gago, at tanga!

"Kaya pala nagtataka ako na buntis ka kaagad kahit na wala pa tayong isang buwang kasal! To think na I use protection dahil nga hindi kita mahal! Ang laking tanga ko! You completely fooled me, Michelle. Really!" Sarkastikong sabi ko sa kanya. Wala na akong pakialam kung umiyak lang siya ng umiyak diyan

"Bakit ako pa, Dad?!!! Bakit?!! Para niyo na rin akong pinatay dahil sa ginawa niyo!! Napakaunfair niyo!!" Nanatiling nakatingin saakin si Dad.

"You let me marry her kahit na alam niyong buntis siya?! Ano yun, Dad?! Gusto mong pagbayaran ko ang kasalanan ko sa inyo?! Gusto mong matulad ako sayo na inako ang responsibilidad na hindi naman kanya? Ganoon ba yung gusto mo, Dad?!!" Bakas sa boses ko yung suklam, galit at sakit..

"You let me join in this lousy world of yours to be what?! To be your victim!! To be your slave!! Para akong bagay na ikinadena niyo at pinaglalaruan sa mga palad niyo! Grabe!! Grabe kayo!! I don't deserve to have you and all this SHIT in my life!!" Sigaw ko sa kanya at lumabas sa unit ko.

Sumakay ako sa elevator at pumasok sa loob ng kotse ko at pinaandar ito.

"Bakit ginaganito niyo ako parati, Dad?! Bakit binuhay mo pa rin ako para lang ganituhin?!!" bulong ko habang patuloy pa rin sa pag-agos ang mga luha ko.

"HINDI AKO LARUAN NA PWEDE NIYONG PAGLARUAN, DAD!!! TAO AKO! TAO! MAY PAKIRAMDAM! NAPAPAGOD, NASASAKTAN!" Lalong kong binilisan ang pagtakbo ng kotse ko

"I DON'T DESERVE YOU AS MY FATHER!! I DON'T DESERVE TO BE TREATED THIS WAY!! I DON'T DESERVE THIS SH.T!!!" Sigaw ko habang pabilis nang pabilis ang takbo ng kotse ko..

Bakit, Dad? Bakit...

Related Books

Popular novel hashtag