"Matagal ka pa?" tanong ng kuya Colin ni Cherry sa kanya at wala sa sariling tumango siya. Abala sila sa accounting dahil araw iyon ng audit. Maga-alas otso na ng gabi at nasa kalagitnaan pa lang sila. Paano nama'y kahit ilang buwan pa lang iyong naitatatayo, dagsa na ang mga accounts nila!
Kinuha niya ang bankbook at tiningnan ang update noon saka pinagkumpara. Minsan lamang sa isang buwan sila nago-audit pero sa tingin niya, kailangan nila iyong gawing weekly para madaling ma-trace. Nahihilo na siya sa dami noon. Pagod pa siya galing sa karera kaya parang gusto na niyang humimlay ng maaga.
Sa ngayon ay natutuwa talaga siya sa takbo ng negosyo. Dahil sa bilis ng pasok ng pera ay nagawa na ring tubusin ni Mang Kanor ang lupa at nailipat na nito sa pangalan ni Elixir. Matagal na daw nitong balak na ibigay iyon sa binata ngunit ginamit muna nitong pandagdag puhunan. Sa ngayon ay maayos na ang lahat.
Naupo ang kuya Colin niya sa tabi niya at inayos ang ilang folder. "Nakailang tawag na si Elixir sa landline." Untag nito sa kanya.
Napasinghap siya at agad na tiningnan ang cellphone. Napaungol siya ng makitang lowbatt na iyon. Dahil sa labis na abala ay hindi na niya iyon naalala!
Natawa ang kuya niya. "Ibang-iba ka na bunso,"
"Hindi naman…" tanggi niya pero alam niyang tama ito. Alam niyang may nabago sa puso niya at dahil iyon kay Elixir. Natuto siyang mangarap para sa kanila nito. Lagi niya itong iniisip at lagi siyang umaasam sa pagdating nito.
Natawa ito. "Basta, masaya kaming lahat para sa'yo," anito saka tinapik ang balikat niya.
Naginit ang puso niya. Kahit mokong ang mga ito, alam niyang masaya ang mga ito kapag masaya siya. Proud din siya at flattered sa kaalalamang kahit ganoon siya ay pinagtyagaan siya ni Elixir.
Ilang sandali pa ay bumalik na sa loob ang kuya niya. Nagisa na lamang siya sa mesa hanggang sa nabigla na lamang siya dahil dumating doon si Elixir! Hindi na niya ito naalalang tawagan dahil sa letsugas na kuya niya!
"Wala na ang daddy mo. Umuwi na kanina pa," agad niyang saad dito at inalis ang ilang papel sa tabing upuan para makaupo ito.
Ngumiti ito. Parang nabawasan ang pagod niya sa mga ngiti nito kaya napangiti na rin siya ng matamis dito. "I know. He said you were too busy. Mukhang pagod ka na. Did you eat?"
Natapik niya ang noo. "Hindi pa nga… ano ba 'yan… ang dami ko pang tatapusin." Natutureteng saad niya.
"Let me handle that, okay? Sabi ko na nga ba, medyo mahihirapan ka. But I'm here," ani Elixir saka pinisil ang baba niya.
Tumalon ang puso niya sa ginawi nito at napatitig dito. Mukhang pagod rin naman ito pero nagiinit ang puso niya dahil dumating pa rin ito para puntahan siya at asikasuhin. Tumawag ito sa isang fast-food restaurant para umorder ng hapunan.
"Thank you," aniya saka ngumiti. "Ititimpla naman kita ng kape. No buts,"
Napahalakhak ito sa panggagaya niya at nahawa na rin siya. Wala na siyang paki sa nakikitang makakahulugang tinginan ng ilang accounting staff doon. Basta siya, pagsisilbihan naman si Elixir ng mainit na kape.
Ilang sandali pa, nang matapos niya iyong ibigay rito ay itinuon na lamang niya ang sarili sa ginagawa. Patingin-tingin din siya rito at natutuwa siyang makitang hindi ito naiinip sa tabi niya. Bagkus, tila pinagaaralan din nito ang mga kontrata doon hanggang sa dumating ang pagkain nila. Agad siya nitong inasikaso at kumain sila kasama ang kuya niya.
"Dapat, dalawang kanin kay bunso. Hindi kasya sa kanya ang isang manok. Dapat dalawa rin!" kantyaw ng kuya Colin niya.
Namula ang mukha niya dahil tama ito. Nabibitin siya! Napasinghap na lamang siya ng kuhanin pa ni Elixir ang extra rice sa loob ng plastic at ibinigay sa kanya. "Umorder talaga ako. Sige na, kain ng kain…"
Natawa na lamang si Elixir ng makitang hiyang-hiya siya! Namumula na siya ng todo pero dahil nagugutom talaga siya ay kinuha na niya iyon pati ang natitirang manok sa loob ng bucket.
"Magtubig ka, ha? No soft drinks, okay?"
Tumango siya rito. Hindi naman talaga siya mahilig sa soft drinks. Napangiti na talaga siya rito. Ang sarap nitong mag-alaga! Kinikilig talaga siya.
"I watched your commercial. You're so lovely." Anito saka siya tinitigan. "Wala pa rin ba akong karibal?"
Nagkandasamid-samid siya! Nang makita niya ang lambong sa mga mata nito ay napalunok siya. 'Di yata't tunay itong nagseselos! Kahit pangiti-ngiti ang kuya niya sa tapat nila ay hindi niya ito pinansin. Inuna niya si Elixir at ang tampu-tampuhang moment nito. "Wala kang karibal! Ito'ng siga kong ito? Sino'ng magkakamali?" namamanghang sagot niya.
"What are you saying?" tanong nitong takang-taka. "God… you don't have any idea!"
Napanganga siya sa nakikitang pagkainis nito. Saglit na dumilim ang mukha nito na tila dinaya lang siya ng paningin hanggang sa napanganga siya ng may kuhanin ito sa bulsa at inilapag ang pulang sobre sa harapan niya. "Nakita ko sa ibaba ng pinto bago ako pumasok dito," anito saka naiinis na napailing.
Agad na kinuha iyon ng kuya niya. Tumikhim muna ito bago basahin ang sulat. "Por da bery beyutipol Che-che, sana makita mo ako kahit papaano. Kahit guwapo ang karibal ko, lalaban ako," basa ng kuya niya saka namamanghang napatitig sa kanya. "Putsa… sulat ni Empoy 'to, ah!"
Hinablot niya ang sulat at nakumpirma iyon. Kilala niya ang handwritten ng lalaki at kinilabutan siya sa inis! Kung paano iyon binigkas ng kuya niya ay ganoon din ang spelling! Ang sarap gawaran ng flying kick nito! Mukhang kaya ito laging nakikipagasaran sa kanya ay para magpapansin sa kanya. ah, biglang nanakit ang ulo niya sa natuklasan.
"Bad trip!" nainis na saad niya saka gigil ang pumindot sa calculator. Sa labis na inis niya ay napapabilis siya sa trabaho.
Napahalakhak na si Elixir sa pagkakataong iyon hanggang sa hinawakan ang kamay niya at pinisil. "Napakasuplada mo naman. Thank god you're giving me special treatment,"
Gusto na niyang iuntog ang ulo sa mesa dahil affected much siya! Totoo naman kasi iyon. Ito lang ang gusto niya at ayaw niya ng iba. Kinikilabutan siya sa inis pero kapag si Elixir, kinikilabutan siya sa tuwa! Minsan, hindi pa siya nakakatulog kakaisip dito.
"Special treatment…" nakalabing bulong niya saka ito iningusan.
Natawa ito. "Okay… okay, so shy to admit,"
"Tse! Halikan kita d'yan, eh!"
"Cherry Lou!" nabibiglang saway ng kuya niya. Ganoon ito kapag nabibigla. Nasasabi nito ang buo niyang pangalan. Biglang namula ang buo niyang mukha. Hindi na niya ito naalala. Paano'y nanahimik na lamang itong panonood sa kanila. Naku! Makakantyawan tuloy siya!
"Magtrabaho ka na nga!" asik niya sa kuya niya. Reverse psychology na lang para umalis na ito at nangyari nga. Napapailing na lamang itong nagtungo sa kabilang silid.
"Manahimik ka na lang para matapos na ako," asik rin niya kay Elixir na ngiting-ngiti sa tabi niya. Halatadong nage-enjoy! Ang mga mata nito, shining shimmering sa galak!
"Okay. Just don't mind me here." Anito saka lumapit sa tainga niya. "God… don't reply Empoy, please?"
"Naman…" natatawang angal niya rito saka napakamot ng ulo. "Hindi ko susulatan iyon pero pagsasabihan ko siya d-dahil ikaw ang gusto kong sulatan,"
Napayuko na siya at diretsong pumindot. Nada-dyahe siya! Pinigilan niyang lingunin ito ng bahagya itong matawa sa tabi niya. Ah! Kinakabahan siya sa ginawa niyang pag-amin pero parang nabawasan ang bigat sa kanyang dibdib. Para siyang nakaramdam ng kalayaan! Halleluiah!
"Halikan kita d'yan, eh…"
Nagsipaghagalpakan ng tawa ang dalawang kuya ni Cherry dahil sa alaalang iyon. Sukat na i-broadcast kasi iyon ng kuya Colin niya kaya ilang araw na siyang tinutudyo ng mga ito. Pangiti-ngiti naman ang ama niya sa isang sulok. Maski ito ay nakikisali na rin minsan.
Natutuwa naman kasi ang mga ito kay Elixir. Ganoon pa rin ang lalaki sa kanya. Malambing at maasikaso kaya tuwang-tuwa ang mga kapatid niya rito. Ayon sa mga ito, kahit pabiro ay sinabi ng mga itong siguradong aalagaan daw siya ni Elixir.
At kinikilig siya! Sa silid niya ibinubuhos iyon at kaya siguro niya ito napapanaginipan dahil sa labis na pagiisip dito. Kung nakauwi na ba itong maayos o kung nakatulog na. Mga ganoong bagay hanggang sa nakakatulugan niya iyon.
At dinadalaw siya ng napakagandang panaginip dahil ito ang kasama niya. Parang extention iyon sa mga bitin nilang sandali. Para kasing kulang ang ilang oras na pagsasama nila. Nakikita rin niya ang matinding panghihinayang sa mga mata nito kapag sumasapit ang oras na kailangan na niyang pumasok sa bahay.
Inis na siniko niya ang kuya Colin niya. Napaubo ito at nang makabawi, muling tumawa na naman. "Huwag mong saktan ng ganyan si Elixir. Baka magbago ang isip n'un," kantyaw nito.
"Hindi kuya. Siguradong may invisible helmet na inilagay si Cherry!" anang kuya Cadi niya.
Napaungol siya sa pagkapikon. "Hindi ko na kailangan 'yon. Mahal… mahal niya ako," aniya habang namumula ang pisnging pagdidiin sa mga ito.
Natahimik ang mga ito at siya naman, binilisang kumain dahil kinikilig siya. Dama naman niya iyon kaya malakas ang loob niyang sabihin iyon. Isa pa'y hindi naman naririnig ni Elixir.
"Alam mo na ang mahal-mahal na 'yan, ah." Kantyaw ng kuya Cadi niya kapagdaka. Nakipagsikuhan pa ito sa kuya Colin niya. "Tingnan mo nga naman ang Wild Cherry ng Sweet Booster, sumisikat na, nagkakaroon pa ng love life. Ikaw na talaga ang super star,"
Napalabi siya at hindi na pinatulan ang mga ito. Kahit kailan ay hindi niya iniisip na super star siya. Nagkataon lang na nakilala siya dahil sa Balitang K at naging endorser. Hanggang sa ngayon ay hawak pa rin niya ang titulo at may mga pagkakataong nagto-tour sila para sa promotion ng produkto.
At lagi siyang sinasamahan ni Elixir. Mapa-opisina man ng lending o sa Sta. Ana at kung may mga schedule sila ng promotion ay nandoon itong matyagang naghihintay sa kanya.
Kaya batid niyang sa lahat ng effort nito ay nahulog ang kanyang loob. Mayroon na siyang damdamin kay Elixir pero nahihiya siyang aminin.
Tinapos na niya ang pagkain at naghandang lumabas. Pupunta siya sa mall para bumili ng undershirt niya. Nagulat na lamang siya ng biglang pumarada ang sasakyan ni Elixir sa harapan niya.
"O, akala ko mago-overtime ka?" nabibiglang tanong niya dahil nagpaalam ito kinagabihan na kailangan nitong balikan ang site. Utos iyon ng boss nito.
Nahigit niya ang hininga ng bumaba ito ng sasakyan at ngumiti. Wala sa sariling napangiti na rin siya. Nakakahawa ang mga ngiti nito at nakakagaan ng puso.
"Nag-report na ako ng maaga doon at inayos ko na ang lahat bago ako pumunta dito. Hindi ko naman kailangang maglagi doon ng maghapon. 'Going somewhere?"
Tumango siya rito at napalatak ito. "Tell me if you need anything, okay? Sa mga ganitong pagkakataon, dapat nasasamahan kita,"
Gusto niyang ngumiti pero pinigilan niya. "At bakit naman? I can manage," mayabang niyang sagot at napahagikgik siya ng tumango-tango lamang ito na tila nagiisip pa kunwari.
"Why? Hmm… I want to be part of it. Wasn't that enough?"
Napangiti siya at hindi na niya napigilang matawa. Sabi na nga ba niya, loves siya nito pero hindi niya magawang itudyo iyon dito. Nahihiya siya ng hard. Gusto niyang matawa dahil mayroon pa siyang nalalamang ganoon.
Inaya na niya ito bago pa sila hapunin. Pagdating sa mall ay ito mismo ang nagturo sa kanya kung saan mayroong magandang klase ng undershirt. Takang napatingin siya rito. "Ngayon ko lang 'to nakita, ah."
Napangisi ito. "Kabubukas lang nito and guess what? I ask some friends and…" nangingiting pa-suspense nito saka hinugot ang discount card sa bulsa sa dibdib nito. "For you,"
Naginit ang puso niya. Bigla siyang nalito. Napakabilis nito at hindi siya makasabay. "P-paano'ng—?"
"I'm planning to give it to you this night. Pero kailangan mo na pala talaga. Kakilala ng kaibigan ko ang may-ari at nag-member ako,"
"Thank you…" aniya saka nginitian ito ng matamis. Nakakaraming pogi points na talaga ito sa kanya at binabaha na talaga siya ng galak sa dibdib. Kahit pa in-order-an siya ng boss niya ng gamit, bumibili pa rin siya dahil minsan ay hindi siya kumportable sa mga iyon.
At labis siyang nagpapasalamat kay Elixir. Malaking bagay iyon sa kanya dahil may kamahalan ang mga iyon.
Tumawa ito. "Shall we?"
Tumalima na siya at tinulungan siya nitong mamili. Ito pa ang panay tanong sa saleslady at habang tinititigan ito, dama niyang hindi lang nito pinukaw ang damdamin kundi malapit na niya iyong ipaubaya ng buo dito.
"Are you okay?" alalang tanong ni Elixir kay Cherry. Matamlay siyang tumango rito at pagod na isinandal ang likuran. Katatapos lang nilang ayusin ang ilang accounts. Bago pa iyon ay kinailangan niyang pumunta ng maaga sa Sta. Ana dahil mayroon daw mga kababaihang nais siyang makita ng personal. Mga babaeng naging idolo siya dahil sa commercial at nais siyang makilala. Nakipaghuntahan pa siya at nang matapos iyon ay itinuon niya ang sarili sa karera.
Pagod na pagod siya! Dumagdag pa ang kumag na si Empoy. Umamin itong matagal na itong may gusto sa kanya pero hindi makaporma dahil sa pagkasiga niya. Nai-stress siya dahil hindi nito pinaniwalaang ayaw niya rito hanggang sa inamin niyang may gusto naman talaga siya kay Elixir. Nang makita nitong seryoso siya ay nanlumo ito. Naawa siya pero wala naman siyang ibang choice kundi ang maging totoo rito.
Batid niyang nagiging malalim na ang pagtingin niya kay Elixir. Sa loob ng mga panahong nakasama niya ito ay nasisigurong nahulog na ang loob niya rito. Lagi niya itong hinahanap at nami-miss. Tila naging parte na ito ng buhay niya na tila kulang kapag hindi sila nito nagkausap man lang.
"Napagod lang talaga ako," sagot niya rito at ipinikit ang mga mata.
Napabuntong hininga ito at napangiti siya ng maramdaman ang magaang paghalik nito sa noo niya bago nito inilagay ang seatbelt. Ang lalaking ito, napakalambing. Gustong-gusto niya ang mga ginagawa nito at kahit pagod siya, hayun ang puso niyang kinikilig ng bongga sa simpleng gawi nito. Ilang sandali pa ay dama niyang umusad na sila at iginupo siya ng antok.
Nagising na lamang siya ng maamoy ang isang mabangong aroma ng pagkain. Nang magmulat siya ng mga mata ay napabalikwas siya dahil isang banyang lugar iyon! Natutop niya ang ulo dahil bahagya siyang nakaramdam ng liyo.
"Oh, did I wake you up?" nakangiting bungad ni Elixir.
Napanganga siya ng makitang nakapambahay na ito. Gayunman, ang guwapo nito sa suot na simpleng t-shirt at jogging pants. May dala itong tray na naglalaman ng pagkain.
"Nasaan tayo?" natatarantang tanong niya rito. Agad niyang inayos ang sarili. Bigla siyang kinabahan na hindi niya maintindihan! Apektado siya sa ideyang mukhang dadalawa lamang sila nito sa isang banyagang silid at hindi niya mapigilang tumawid ng ubod laking hakbang ng isip niya.
Ngumiti ito. "Relax… this is my house. We are in Sta. Rosa, near Sta. Ana. Naisip kong dalhin ka muna dito para saglit kang makapagpahinga. Malayo pa ang bahay n'yo. Sa San Cristobal pa iyon. You seemed really tired so I thought, it would be better if you take a nap here." Concern nito saad saka masuyong hinagod ang buhok niya. "After you eat, ihahatid na kita, okay?"
Nanghinayang siya. Gusto niyang batukan ang sarili. Masyado siyang affected. Hindi niya mapigilang maisip kung ano ang gagawin nila doon. Naiisip pa naman niyang hindi makakapagtimpi si Elixir ay hahalikan siya nito ng buong init…
Mahalay ka! Anang isang bahagi ng isip niya at napangiwi siya.
"Hindi ka ba kakain?" untag niya rito ng makabawi.
"Hindi naman ako nagugutom. Sige na, kumain ka na," anito saka ngumiti. Ito na mismo ang nagalis ng takip ng mangkok at natuwa siya ng makitang tinolang manok iyon.
"Paborito ko 'to," aniyang tuwang-tuwa rito. Biglang lumipad na sa langit ang kung anumang kahalayan sa isip niya. Napalitan na iyon ng kilig dahil sa effort nito. Amoy pa lang, gutom na gutom na siya!
"Sabi nga ng kuya mo. Sige na, kain ng kain. Kulang ba 'yung kanin?"
Napahalakhak siya. Halos isang bandehado na iyon! Umiling siya dahil nasisiguro niyang hindi na niya kayang ubusin ang kanin. Nagtataka nga rin siya sa sarili. Kahit na ubusin niya ang isang kalderong kanin ay hindi siya nananaba. May kapayatan din kasi siya at hindi manlang tumataba sa dami ng kaya niyang kainin.
"Ang sarap mong magluto," puri niya rito. "P'wede ka ng mag-asawa,"
"Do you want to get married?"
Nagkandasamid-samid siya sa ibinulong nito. Agad siya nitong dinaluhan at inabutan ng tubig. Dios mio! Ikamamatay niya ang mga binibitawan nitong salita! "Binibiro lang kita! Napakaseryoso mo naman!" aniya ng makabawi.
Natatawang napakamot ito ng ulo. Ang pogi nito sa asta nito. Bigla itong naging cute sa paningin niya. "Sinusubukan ko lang namang lumusot,"
Natawa na siya rito at tinapos ang pagkain. Ah, success ang pakiramdam niya sa kabusugan. "Hindi pa nga kita sinasagot, kasal na agad?"
Natawa ito saka siya tinitigan ng mataman. "Oo nga naman. But before we go that way. I… I… want to tell you something,"
Bigla siyang kinabahan sa nakitang pagdaan ng saglit na lungkot at takot sa mga mata nito na tila dinaya siya ng paningin. Parang siyang sinakal ng nagkaroon ng lambong iyon at masuyong hinawakan ang dalawang pisngi niya para matitigan siyang maigi.
"Promise me you will listen before you make a decision, okay?" mahinahong pakiusap nito.
"O-okay…" pigil hiningang sagot niya at gusto na niyang magwala ng saglit itong nanahimik. Tila nagisip ng malalim hanggang sa muling tumingin ito sa kanya.
"I had… I had a motive why I courted you, Cherry," seryoso nitong saad saka siya tinitigan ng mataman.